LIAM Hindi maipaliwanag na kaba ang nararamdaman ngayon ng aking dibdib nang magawa ko nang mahinto ang kotseng lulan sa harap ng bahay na itinuro sa akin ng isa sa mga kakilala ko. Isa raw ang bahay na ito sa pagmamay-ari ng mga Monroe sa bansa, kaya pumunta agad ako. Kung ito nga ang bahay ng mga ito ay malaki ang pag-asa kong narito ngayon ang asawa kong si Elly. Ilang araw akong hindi makatulog, maka-kilos ng maayos, maging ang pagkain ay tila ba nawala na sa aking isipan. Ang tanging iniisip ko lang noong mga nakaraang araw ay ang paghahanap sa lokasyon ng mga tunay niyang magulang. Alam kong kasama nila si Elly ngayon. Gusto ko lang itong makausap ng maayos, umaasa akong magbago pa ang isip niya at bigyan pa ako ng isa pang pagkakataon para baguhin ang sarili ko para sa kaniya.