LIAM Dalawang linggo na ang nakalilipas nang huli kaming magkita ni Elly, at hindi ako magsisinunggaling na sa loob ng mga panahon na iyon ay pinipilit kong makalimot. Gusto kong kalimutan na lamang ang lahat sa amin ni Elly, nais ko na lamang kalimutan na dumating ang araw na minahal niya ako. Alam kong wala na akong karapatang habulin siya, tama ngang sobra-sobra na ang sakit na naidulot ko sa buhay niya. Kaya kahit sobrang hirap kalimutan na lamang ang pagmamahal ko sa kaniya ay pinipilit ko pa ring gawin dahil iyon ang gusto niya. Gusto kong sumaya siya sa buhay niya na malaya at wala nang kahit anong bagay ang magpapabigat sa damdamin niya. Ayoko na itong guluhin pa sa buhay na nararapat sa kaniya. Subalit kahit anong pilit kong itatak sa kukute ko ang mga bagay na iyon ay pumapa