Kabanata 2

3037 Words
ELLY  "T-tama na!!" matinding kaba ang nararamdaman ng aking dibdib nang maisigaw ko iyon sa grupo ng mga kabataang nangti-trip sa akin sa mga sandaling ito. "T-tulong! Tulungan niyo ako. K-kailangan ko ng tulong!" umiiyak kong pagmamakaawa habang patuloy na tumatakbo sa kung saan man ako dalhin ng mga paa ko, makalayo lamang sa mga ito. Ang importante sa akin ay makatakas ako. Nararamdaman ko na ang matinding pagkahingal na hinaluan pa ng kapaguran gawa ng aking pagtakbo, ngunit hindi ako humihinto. Alam kong walang makaririnig sa akin dahil malalim na ang gabi at nasa madilim na kalye ako ngayon, imposibleng may tumulong sa akin laban sa mga kabataang ito. Hindi ko alam kung anong gusto nila sa akin para pag-tripan ako ng ganito. Paglabas ko na lang ng compound namin ay tinatakot na nila ako at kung ano-anong pinagsasabi sa akin ng wala namang matinong dahilan. Nakarating pa ako sa lugar na malayo-layo na sa amin dahil hindi nila ako tinatantanan. Iyak na lang ang tangi kong nagawa nang awtomatikong huminto ang nanlalambot ko nang tuhod. Napaluhod na lamang ako sa lupa at tinakpan na lang ng dalawang kamay ang buong mukha. Kaba at matinding takot ang nararamdaman ko, hinihintay ko na lamang na saktan nila ako sa mga oras na ito. Tinanggap ko nang talo ako ngayon. Subalit, ilang minuto na akong umiiyak habang naririnig ang mga suntok nila. Gayunpaman ay walang anu mang suntok ang tumatama sa akin, dahil sa pagtataka ko ay agad kong tinanggal ang kamay sa aking mukha para alamin kung anong nangyayari ngayon sa mga kabataang humahabol sa akin. Gano’n na lamang ang pagtataka ko nang makita kong nakatumba na sa lapag ang ibang kabataan na humahabol sa akin kanina at ang ilan naman ay tumatakbo na paalis. Dala ng gulat sa nasaksihan ay nawala ang nararamdaman kong takot kanina. Pero paano nangyari ang lahat ng ito? "Elly ko, ayos ka lang ba?" mabilis akong napalingon sa aking gilid nang marinig ko ang pamilyar na boses na 'yon. S-si Liam... Nandito siya! Dahil sa pag-usbong ng nararamdaman ko para sa kaniya ay muli kong naramdaman ang maiinit kong mga luha. Wala na akong sinayang na oras at agad nang tumakbo papunta sa kaniya para salubungin siya ng mahigpit na yakap. Hindi ko alam kung paano ko siya pasasalamatan para sa pagligtas niya sa akin sa mga oras na kailangan ko ng tulong. Hindi ko alam na may taong darating para tulungan ako at ipaglaban ako sa kanilang lahat. Hindi lang siya basta kung sinong tao para sa akin. Siya si Liam… ang best friend ko— ang lalakeng minamahal ko. "Elly ko, huwag mo nang uulitin ang bagay na 'yon!" rinig kong bulong niya sa akin sa pagitan ng aming mga yakap. "Huh?" naguguluhan man sa kaniyang sinabi ay ‘yon lang ang lumabas sa bibig ko. "Huwag mo na akong tatakutin ng gano’n, Elly. Ayaw ko nang makita kang masaktan ulit ng kahit sinong tao. Kaya sana kahit wala ako, please, promise me na mag-iingat ka. Ayoko na ulit makita kang umiiyak ng ganito, naiintindihan mo ba?" seryosong banggit niya habang pinupunasan ang mga luhang naglalandas sa aking pisngi. "Lagi mo 'tong tatandaan Elly ko, I will always be your knight and shining armor. As long as I'm here with you, hinding-hindi ko hahayaang makita kang umiiyak. I will always protect you as much as I can, remember that." Dagdag niya pa at sa pangalawang pagkakataon ay niyakap niya akong muli. "Aye Captain!" nakangiti kong sagot at dinama na lamang ang mahigpit na yakap ng kaibigan ko. "How is she, Doc?" ramdam ang matinding pagod sa pagkakahiga nang maimulat ko ang aking mga mata sa isang silid na napalilibutan ng puting pader. Sa mga nakitang aparatos na nakakabit sa akin ay napagtanto kong nasa ospital ako ngayon. "Don't worry, Mr. Carter, she's stable now. Due to stress and fatigue your wife lost consciousness. And since her stomach was empty all day, that also became a big factor to what happened to your wife’s health, Mr. Carter.” nang tuluyan na akong matauhan sa nangyayari ay agad nang napadako sa dalawang tao ang atensyon ko. Nasa may pintuan si Liam habang kausap ang lalaking nakaputi na ayon sa sinasabi niya ay isa siyang doktor. Doon lang bumalik sa ala-ala ko ang mga nangyari sa akin. "I will just give Mrs. Carter vitamins and she can go home tonight. She also needs more rest, as you said earlier, she has a history of system weakness so it is better for her to have a proper sleep every day and a much healthier environment." rinig ko pang dagdag na salita ng doktor tungkol sa kalagayan ko kaya nakahinga ako ng maluwag. Mabuti naman at wala akong malalang kondisyon at sadyang pagod lamang ako at stress kaya nangyari sa akin ito. Nanatili akong tahimik sa kinahihigaan ko dahil ayokong makadistorbo sa kaniya. Ilang minuto pa ang lumipas bago tuluyang umalis si Doc, nang maisara na ni Liam ang pinto ay doon na ako napaayos ng bangon. Blangko lamang ang kaniyang mukha habang nakatingin sa akin, as usual, para akong may nagawang isang mabigat na kasalanan sa kaniya. "Are you happy now? Ano ba kasing pinag-gagagawa mo sa buhay mo!? I provided all your fvcking needs tapos malalaman kong hindi ka nag-iingat? Ang lumalabas pa ngayon na ginugutom kita? What the fvck is wrong with you, Elly?" sumikip ang aking dibdib sa nararamdaman kong kalungkutan at kahihiyan dahil sa mga sinabi niyang iyon sa akin. Blanko ang ekspresyon ng mukha niya kanina, ngunit hindi ko inaasahan na magagalit siya sa akin ng lubos ngayon. Akala ko pa naman ay magiging maayos na kahit papaano kami sa isa’t isa dahil sa nangyaring pag-aalala niya kanina sa akin, subalit mauuwi lang din pala ito sa galit. "Wala ka na ngang ginagawa sa buhay, nagpapabigat ka pa sa akin? Kung alam mo namang wala kang sapat na lakas sa mga bagay-bagay, sana manahimik ka na lang sa isang tabi. Pwede mo namang gawin ang lahat ng gusto mo kapag maayos ang pakiramdam mo, diba? Kaya pwede ba? Huwag kang tanga! Anong gusto mo? Mamatay ka sa puder ko? You are fvcking stupid." muli niyang sumbat na kinayuko ko na lamang. Lalo pa akong nahiya sa nangyari dahil sa lahat ng mga salitang lumalabas sa kaniyang bibig ngayon dahil sa galit at inis niya sa akin. Isipin ko man na hindi ko sinasadya iyon, pero parang tama siya. Kasalanan ko nga ang lahat ng ito kaya wala akong karapatang sumbatan siya pabalik. Hindi niya naman ako inutusan sa alin mang ginawa ko ngayong araw kaya desisyon ko ang lahat ng ito, at dahil doon ay nauwi ako sa ospital. "S-sorry…" hindi ko alam kung narinig niya ba iyon ngunit iyonlang ang salitang lumabas sa bibig ko sa mga oras na ito. Naiiyak na naman kasi ako, subalit alam kong hindi ito ang tamang oras para umiiyak ako sa harap niya dahil baka lalo lamang sumama ang loob niya sa akin. Kaya kahit mahirap, ginawa ko pa rin ang lahat para pigilan ang mga luha ko sa pagpatak. "Dahil sa katangahan mo, hindi na ako nakabalik sa opisina para sa meeting na pupuntahan ko sana kanina. Kaya sa susunod na magpapakamatay ka gamit yang katangahan mo, pwede ba? Huwag sa bahay, nakadidistorbo ka masyado sa akin." hindi na mataas ang boses niya ngunit sapat na iyon para mas masaktan ang damdamin ko. Inis pa rin ang mababakas sakanya habang naglalakad siya palabas ng pinto. "Pagbalik ko ay uuwi na tayo. This will be the last time I will waste my time on you, kaya sa susunod ay mag-ingat ka na." iyon ang huli niyang sinabi bago lumabas ng kwarto. Masakit iyon sa akin, alam kong nag-aalala siya kahit papaano sa akin… pero hindi na ang pag-aalala na inaasahan ko. Noon pa lang ay siya na ang taong nagpo-protekta sa akin, oras na siguro ngayon para ang sarili ko na mismo ang mag-protekta sa sarili ko. Muntik ko nang makalimutan na hindi na nga pala siya ang best friend kong handang mag-alaga sa akin sa lahat ng oras. Hindi na nga pala kami gaya ng dati ngayon. Lahat ay nagbago na, ang nakaiinis pa ro’n ay tila ba ang sarili ko pa ang mismong nakalimot sa katotohanang iyon. *** Malalim akong nakahinga nang sa wakas ay natapos na ang lahat ng gagawin ko ngayong araw. Nakapag-grocery na at napadala ang pera kilala Mama. Gaya ng plano ko ay hiniram ko muna ang limang libo sa budget pang grocery para maipadala ang 50,000 na hinihingi ni Mama sa akin. Ang plano ko na lang ay itatapon ko na lamang ang resibo at ihahalo ang pinamili ko ngayong linggo sa mga luma naming stock sa bahay. Hindi naman siguro mapapansin ni Liam ‘yon dahil sa yaman nito at wala naman siyang pakialam sa mga gano’ng bagay. Kasalukuyan nga pala akong nasa mal, dito lang kasi ang alam kong may padalahan ng pera kaya dito na ako pumunta para na rin maisabay ko ang grocery. Tatlong araw na pala ang nakararaan mula nang ma-ospital ako. Gano’n pa rin naman ang pakikitungo ni Liam sa akin, pero hinayaan ko na lang para hindi na ako ma-stress pa. Masaya rin ako na nasa mall ako ngayon, kahit nakakastress ang buhay ko kasama si Liam ay may mga bagay pa rin talagang nagpapasaya sa akin. Alas tres pa lang naman ng tanghali kaya pwede pa akong maglibot ng unti pa bago umuwi. Isa pa, wala rin namang pakialam sa akin si Liam kung anong oras ako bumalik sa bahay namin. Ang mahalaga lang sa kaniya ay wala akong gawin na ikagagalit niya. Alam ko naman iyon, at isa pa wala naman akong balak gumawa pa ng bagay na ikagagalit niya pang lalo sa akin. Kaya… okay lang ako ngayon. "Aw, they look so cute!" rinig kong salitang puri ng isang babae sa kaibigan niya habang nasa baby section ako ng mall. Naisip kong tumingin ng mga gamit ng bata dahil nakahuhumaling ang mga ito. Hindi naman ako buntis. Imposible naman akong mabuntis dahil wala namang nangyayari sa aming dalawa ni Liam. Pero, aminado akong pangarap kong magkaanak, lalo na sakanya na asawa ko. Malabo ‘yon, ngunit wala namang masama kung pangarapin ko, diba? Kaya nang makita ko itong baby store rito sa mall ay napapasok agad ako para tumingin lang. "Acckla! Family goals sila, diba!? Tignan mo ‘yung baby nila, sobrang cute!" sagot naman ng isa pang babae sa babae kanina. Dahil doon ay napansin ko nang tila ba maraming tao rito habang nakatingin sa kung saan, dahil sa curiosity ko ay sinundan ko ang tinitignan nila. Doon ko nakita ang isang mala-artistang gwapong lalake na may buhat-buhat na cute na bata. Natanaw ko rin ang babaeng kasama nila na mistulang anghel habang pinapanood ang mag-tatay. Walang duda na mag-asawa sila at anak nila yung baby boy na sobra ngang cute gaya ng puri ng mga tao. Pinagpi-piyestahan sila dahil sa mala-perfect nilang buhay. Sa nakitang magandang pamilya ay aminado akong may malungkot na ngiti ang sumilay sa aking labi. Ang ganda nilang tignan, nakaiingit. Ganiyan sana ang pangarap kong buhay kung sakali, kaso sobrang imposible naman sa akinng ganiyang bagay. Lalo na ngayong sobrang layo ng loob sa akin ni Liam na asawa ko. Ngunit gaya nga ng sinabi ko… Walang masamang mangarap. "May hanap po ba kayong baby clothes, Ma'am?" agad akong nahinto sa pagtanaw sa pamilyang iyon nang marinig ko ang boses ng isang sales lady. Nakangiti ito kaya lalong gumanda ang mukha niya sa paningin ko, mas bata siyang tignan kumpara sa akin kaya alam kong mas matanda ako sa kanya. Ang ganda niya rin, bakit parang lahat ng tao rito ngayon sa mall ay maganda sa paningin ko? "A-ah, wala naman. Tumitingin lang ako, ang ganda kasi ng mga damit niyo." namumula kong sagot na kinalaki ng kaniyang mata. "Naku Ma'am! Sabi nila kapag daw tumitingin ng mga baby stuffs ay magiging Mommy na. Buntis po ba kayo, Ma'am?" nakangiting hinula niya kaya nagulat ako. Pero dahil maganda siya at halatang mabait ay napangiti na lamang ako sa kaniya at agad umiling. Doon ko nakita ang name card na nakalagay sa uniform niya, Jayce ang pangalan niya kaya binigyan ko pa siya ng isang matamis na ngiti. "Wala pa sa plano namin ng asawa ko ang bagay na iyon. Pero kung meron nga ay babalik ako rito, hahanapin kita para tulungan ako sa paghahanap ng baby clothes." pagbibiro ko na siya namang kinapula niya. Mahina itong tumawa at tinanguan ako, nahinto lamang ang pag-uusap namin ng mabait na sales lady na si Jayce nang tawagin siya ng katrabaho niya. Doon na ako nagpaalam sa kanya at lumabas na rin sa baby store na aking pinuntahan. Kailangan ko nang umuwi, tam ana ang pamamasyal at baka umuwi ng maaga si Liam ngayon. Isa pa, gusto ko na rin munang mahiga sa aking kama para magpahinga. Gaya ng bilin ni Liam sa akin ay kailangan ko nang mag-ingat para sa sarili ko. Nang makalabas ako sa mall ay sumakay na agad ako ng taxi para makauwi, dahil malapit lapit lang naman ito sa subdivision ay wala pang twenty minutes nang makarating ako sa tapat ng bahay namin. Nang makabayad ako kay Manong Driver ay bumaba na agad ako, ro’n ko lang natanaw ang nakaparadang kotse ni Liam sa garahe namin. Gulat ang naramdaman ko dahil mag-aalas kwatro pa lang ngunit narito na siya, naisip ko tuloy na baka may kasama siyang babae ngayon kaya napaaga ang kaniyang uwi sa trabaho. Huwag naman sanang gano’n nga, masyado pa akong broken hearted sa nangyari noong mga nakaraang araw kaya hindi ko kakayanin kung makakita pa ako ng ibang babae sa bahay namin ngayon. "Liam?" banggit ko agad nang makapasok ako sa loob. Walang tao sa sala kaya napakunot ang noo ko, dahil doon ay binaba ko muna ang pinamili ko sa lamesa at umakyat sa taas. Doon ko na nakita ang nakabukas na kwarto ni Liam, wala akong naririnig na anumang boses mula roon kaya alam kong wala siyang kasamang tao. Hindi ko alam kung bakit nagkusa ang mga paa ko sa kuwarto ng asawa ko. Nakita ko si Liam na nakatayo sa harap ng bintana niya, malamig sa kwarto niya dahil nakabukas ang aircon. Nakabukas ang pinto niya? Sayang naman ang lamig na lumalabas doon, kaya sinara ko muna ang pinto bago siya batiin. "N-napaaga ka ata, Liam? Gusto mo na bang kumain? Galing ako sa grocery…" daldal ko sa kaniya ngunit hindi siya kumibo sa akin. Nang humarap siya ay muli ko na namang nakita ang malamig na ekspresyon ng kaniyang mga mata. "When did you learn how to steal from me, Elly?" sa maiksi niyang sinabi ay mabilis nagsitakasan ang dugo ko sa katawan. Parang nawala ang masaya kong pakiramdam kanina nang marinig ang seryoso niyang tanong sa akin. P-paano niya nalaman? "H-huh?" maang-maangan kong sagot. Wala akong magawang sagot sa tanong niya kaya natatakot ako sa tingin na kaniyang ibinibigay sa akin. Doon ko lang nakita ang piggy bank ko at ang safety box niya sa ibabaw ng kaniyang kama. "Shut the fvck up, Elly! I know what you did. Your Mom called me earlier. What the fvck, Elly? You gave them 50,000! For what?" galit lang ang makikita sa mukha niya kaya naluha na naman ako sa kaba at takot sa mga nangyayari ngayon. "P-para raw kay Papa ‘yon… S-sorry. P-pero pamilya ko si--" "You're so naive! No, you're stupid! I let you took money from me, for you to save money for yourself. Tapos ngayon malalaman kong binawasan mo ang budget na ibinigay ko sa’yo para sa pagkain natin para sa mga mangagamit mong pamilya!? Kailan ka pa natutong magnakaw para sa lintek mong pamilya, Elly? Tanga ka ba talaga?" hindi ko alam ang dapat isagot sa kanya kaya yumuko na lamang ako habang patuloy sa aking pagluha. "Sa laki ng perang ibinigay ng mga magulang ko sa pamilya mo, hindi ko maintindihan kung bakit manghihingi pa sila sa’yo ngayon. They have that fvcking business! Ang sabihin mo, sinusuportahan mo ang pagsusugal nila kaya mo sila binigyan ng pera ngayon!" bintang niya sa akin kaya agad napaangat ang tingin ko sa kanya dahil sa gulat. "H-hindi, Liam! N-nagkakamali ka. H-hindi ko alam kung anong nangyari sa n-negosyo nila. Ni h-hindi ko alam na nagsusugal s-sila. Binigyan ko sila ng pera kasi k-kailangan ni Papa ng pang pa-checkup. Si A-ashley din ay graduating na--" "See, you're totally stupid. Tinalo nila sa sugal ang negosyo niyo noon, ‘yang kapatid mo ay hindi na nag-aaral dahil buntis! I can't believe na hindi mo alam ang lahat ng iyon. Pamilya mo sila tapos sasabihin mong hindi mo alam ang lahat ng iyon? Anong klaseng palusot pa ba ang alam mo? You're such a great liar, Elly." muli akong nahinto nang marinig ang sinawalat niya sa akin ngayon lang. Hindi ko nagawang makasagot sa kanya at napatulala na lamang sa bagay na ngayon ko lang nalaman. Nang marinig ko ang malakas na pagsalpak ng pintuan ng kwarto niya ay doon lang ako natauhan. Nadagdagan pa ang pagluha ko nang mapaupo ako sa kama niya. Hindi niya naiintindihan. Minsan ko lamang makausap ang pamilya ko sa telepono, wala akong ibang balita sa kanila kun’di ang paghingi sa akin ni Mama ng pera noong nakaraan lang. Hindi ko alam ang tungkol sa pag-aaral ni Ashley, lalo na ang nangyari sa negosyo nila. Mula ng trahedyang nangyari sa akin two years ago ay hindi ko na kailanman naitanong kay Mama ang tungkol sa negosyo naming iyon. Isa ang negosyong iyon sa naging dahilan ng bangungot na iyon sa akin. Ang sakit, kasi niloloko na naman ulit ako ng pamilya ko. At ang mas masakit pa ro’n ay pinagbintangan pa ako ni Liam na nagsisinungaling sa kaniya ngayon. Kailanman ay hindi ako nagsinungaling dito, sadyadng hindi niya lamang ako nagagawang pakinggan at intindihin. Sobrang hirap, sobrang hirap kasi kung sino pa ang dapat narito sa akin para suportahan ako sa buhay ay sila pa ang wala. Mali, sila pa ang mga taong nagpaparamdam sa akin kung gaano ako kawalang kwenta sa mundong ito…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD