Kabanata 1

2440 Words
ELLY  Napaunat ako ng bangon sa may duyan namin nang nakaidlip ako ro’n. Matinding sikat ng araw ang bumungad sa akin kaya nakaramdam ako ng bahagyang pagkahilo, halos buong araw pala ako naglinis ng bahay namin. Hindi ko alam kung bakit ako linis nang linis, para ngang wala na akong alikabok na nakukuha kanina pero todo pa rin ako sa paglilinis ng buong bahay. Maliban kasi na kami lang ang nakatira sa may kalakihang bahay ni Liam na iniregalo sa amin nina Ma'am Kendall at Sir Harold noong kasal namin ay araw-araw din akong naglilinis dito kaya masasabi kong pati ipis ay mahihiya nang manirahan dito. At saka, lagi akong walang magawa rito sa bahay kapag naiiwan na akong mag-isa, ginagawa ko na lang tuloy pangpalipas ng oras ang paglilinis. Kaya kanina nang umalis si Liam ay nilibang ko na lang ang sarili ko sa paglalampaso at pagpupunas sa buong paligid. Dalawang araw na ang nakararaan mula nang magalit siya sa akin, mula rin nang araw na iyon ay tila ba wala na siyang balak pang kausapin ako. Napaisip tuloy ako kung paano siya susuyuin. Oo nga't alam kong malamig na ang trato niya sa akin, subalit iba kasi itong ngayon. Siya na ang lahat gumagawa ng kailangan niya, wala itong inuutos sa akin kaya tila ba napa-praning na ako kakaisip. Hindi na lang niya ako diretsuhin para alam ko kung ano bang nagawa kong mali, hindi ko rin maintindihan kung bakit siya nagalit noong araw na iyon ng sobra, e. Isang beses lang naman akong nagkamali… I mean dalawa, late ako nagising at muntik ko na siyang masabayan sa pagkain niya. Hindi naman kasi siya nagagalit sa akin noon kapag naglilinis ako ng kwarto niya e, kaya hindi ko alam kung bakit sobra ang galit niya sa akin nung nakaraang araw. Siguro nga ay ayaw niya akong makitang umiiyak. Ibig sabihin ba nun na nag-aalala siya sa akin? O baka naman kasi ay naiirita siya sa akin kaya nagalit siya sa pagluha ko noong nakaraan? Haaay! Ewan ko ba. Alam ko na. Lutuan ko kaya siya ng banana cake? Dati ay sabay kaming nagbe-bake sa bahay nila kapag may free time ako sa trabaho ko, e. Favorite niya ang banana cake na ginagawa naman lagi dati, sa dalawang taon na nagdaan ay hindi pa ulit ako nakatitikim ng banana cake. Sigurado akong nakatitikim siya niyon kapag nais niya dahil marami siyang pera. Hindi katulad ko, dahil wala naman akong trabaho ay wala rin akong pera pambili ng banana cake o kung ano pa man ang maisipan kong luho. Kaya baka pwede akong magbake ngayon. Sakto at palagi kaming may extra cash dito sa bahay para sa groceries na ako rin naman ang bumibili. Baka pwede ako makabili ng ingredients ng banana cake para masorpresa siya kahit papaano. Pero hindi ko alam kung magugustuhan niya ba kapag nagawa ko na. Huli kasing kain namin ng banana cake na gawa ko ay siya pa ang best friend ko at wala pa kaming problemang dalawa. Ayaw ko namang masayang ang gagawin ko kung baliwalain niya lang din ito, ngunit ‘yon lang ang naiisip kong paraan para kahit papaano ay muli niya akong kibuin. "Okay lang, Elly!" sagot ko sa sarili ko nang makapasok na ako sa kwarto niya para kuhanin sa kabinet nito ang box kung saan nakalagay ang weekly budget para sa groceries namin. Wala naman akong problema sa pera dahil sapat naman ang ibinibigay ni Liam kada linggo, nag-iiwan siya ng fifteen thousand tuwing linggo sa akin. Hindi niya kinukuha ang tira nito kaya kahit papaano ay nakakapag-tago ako ng isang libo linggo-linggo, iniipon ko iyon sa aking piggy bank. Alam ko naman na alam niyang kinukuha ko ang sobra dahil hindi ko naman tinatapon ang resibo kaya nakikita niya ang ginagastos ko sa bawat oras na namimili ako, nagpapasalamat na lang din ako dahil ‘di niya ako sinusumbatan tungkol doon. Nang makuha ko na ang pera sa safety box niya ay isinara ko na ang kabinet niya at aalis na sana ng kwarto niya nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng telepono na nasa bulsa ng jogging pants na suot ko. Agad kong sinagot iyon nang makita ko ang pangalan ni Mama sa screen, dahil sa takot ko kay Mama mula pa man noong bata ako ay kapag siya na ang tumatawag sa akin ay agad ko itong sinasagot dahil ayoko siyang paghintayin sa kahit anong bagay. "H-hello po, M-ma?" mahina kong sagot dito nang matanggap ko na ang tawag niya. Maingay sa paligid niya subalit hindi ko matukoy kung saan ito nagmumula. Halos ilang segundo rin bago siya sumagot sa akin kaya nagtaka ako. "Buti naman at sumagot ka na, naka-tatlong tawag na ako sa’yo mula kanina! Ano ba kasing pinag-gagawa mo riyan?" halata sa boses niya ang pagkaburyo kaya sasagot na sana ako ngunit naunahan niyang muli ako. "Wag mo nang sagutin. Tumawag ako dahil kailangan namin ng pera para sa Papa mo pang pa-checkup sa high blood niya. Wala nang natira sa perang ibinigay sa amin ng pamilya ng asawa mo. Tama na ang pagpapasarap mo sa kayamanan ng mga Carter, tulungan mo na kami ngayon na umangat sa buhay." kahit hindi ko nakikita ngayon si Mama ay alam kong blangko lamang ang ekspresyon niya sa akin ngayon habang sinasabi ang mga salitang ito. Dahil sa narinig kong sinabi niya ay nakaramdam ako ng pag-aalinlangan, hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Mama na wala naman akong natatanggap na malaking halaga sa pamilya ni Liam para matulungan siya gaya ng sinasabi niya. Kapag sinabi ko sa kanya 'yon ay malamang hindi siya maniniwala sa akin at magagalit lamang. "Pero M-mama, wala po akong ipon ngayon. S-sobrang laki po ng pera na naibigay sa inyo nila Ma'am Kendall, a-ano po bang nangyari? Ang negosyo niyo pong a-alak? A-ano pong nangyari?" nag-aalala kong tanong rito. Hindi ko kasi kayang maniwala na nawala ng gano’n kabilis ang lahat. Isang milyon ang alam kong inabot ni Ma'am Kendall at Sir Harold sa pamilya ko. May negosyo rin kami kung saan nagbebenta kami ng mga imported na alak noon, hindi ko na alam ang balita roon mula nang mangyari ang bangungot sa buhay ko, two years ago. Ayoko naman tanungin ang buong detalye sa negosyo namin dahil parte iyon ng masalimuot kong nakaraan na ayoko nang balikan— ngunit kusa na lang dumadalaw sa akin sa araw-araw kong buhay. "Bakit ba ang dami mong tanong? Anak naman ng tokwa! Magbibigay ka ba o ibaba ko na 'to? Sinasayang mo lang ang oras na ibinibigay ko sa’yo ngayon. Lintek ka talagang bata ka!" doon na tumaas ang boses ni Mama kaya nailayo ko sa tainga ko ang telepono. Nasa kabilang linya pa lang ito ay ganito na ang kabang nararamdaman ko sa kaniya, paano pa kaya kung kaharap ko na si Mama ngayon? Malamang ay nasampal niya na ako kanina pa, pero kasi... Hindi naman gano’n kadaling mag-abot ng pera kung hindi ko alam ang totoong paggagamitan nun. "M-magkano po ba, M-mama?" napapikit na lang ako habang hinihintay ang sagot niya. Ayon sa kalkulasyon ko ay 48,000 lang ang mayroon akong ipon. Halos apat na libo ang naitatago ko buwan-buwan sa natitirang pera sa groceries namin. Isang taon pa lang kaming kasal ni Liam kaya labing dalawang buwan pa lang mula nang makapag-ipon ako. Hindi ko alam kung paano ko matutulungan ang pamilya ko gayong wala akong trabaho para sustentuhan sila. Hindi naman pwedeng i-asa ko sila kay Liam, kahit pa maging normal kaming mag-asawa ni Liam ay hindi dapat ako humingi ng pera sa kanya para sa sarili kong pamilya. Paano pa kaya na hindi naman maayos ang relasyon namin bilang mag-asawa? Mas lalong wala akong karapatan manghingi ng pera sa kanya para sa pamilya ko. Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko ngayon. "50,000 ang kailangan namin ngayon." sagot ni Mama sa akin na ikinagulat ko. Literal akong na bato sa kinatatayuan ko nang marinig ang halaga na hinihingi niya sa akin. "P-po?" napalunok ako. "Ano ba! Nagbibingi-bingihan ka ba? Fifty thousand ang kailangan namin. Pang pacheck up ng Papa mo at pang-gamot. Pinapaaral pa namin si Ashley na graduating na ngayon." muli na namang tumaas ang boses nito kaya napaupo muna ako sa kama ni Liam para pigilan ang panghihina ng mga tuhod. Hindi ko alam kung saan ako kukuha nang kulang sa ipon ko, kalkulasyon ko lang ang 48,000 at hindi pa ako sigurado kung sakto ba iyon. Isa pa... Mawawalan ako ng ipon kapag ibinigay ko ang lahat. "Nandiyan ka pa ba? Sumagot ka nga!"galit niyang banggit kaya napakurap na muli ako sa realidad. "T-twenty thousand lang po ang i-ipon ko, Mama..." utal kong pagsisinungaling. Alam kong masamang magsinungaling pero iniisip ko kasi na baka kailanganin ko ng pera tapos wala akong mahuhugot dahil ibinigay ko sa kanila ang lahat. Siguro dapat lang isipin ko rin ang sarili ko ngayon. "T*ngna! Sa isang taon mong wala rito sa bahay para maghanap buhay ay ngayon lang kami humingi sa’yo! Fifty thousand lang ang hinihingi namin, babaratin mo pa kami? Anong klaseng utang na loob ang mayro’n ka? Tandaan mo, kami ako kumupkop sa’yo noon. Tandaan mong napulot ka lang namin!" agad napatulo ang luha ko nang marinig ang sinusumbat sa akin ngayon ni Mama. Muli na naman niyang sinumbat sa akin ang bagay na iyon, inaamin kong kahinaan ko ang panunumbat niya tungkol sa pagkatao ko. Alam kong basura lang ang tingin sa akin ng mga tunay kong magulang dahil ipinatapon lang ako sa kung saan at sa kabutihang loob nila Mama ay kinupkop nila ako. Tama si Mama, malaki ang utang na loob ko sa kanila ni Papa. Kung wala sila ay malamang hindi na ako nakaabot ng isang taon sa mundong 'to. Pero saan nga ako kukuha ng pera kung nagsasabi naman ako ng totoo? Agad akong napatingin sa hawak kong sampung libo ngayon. Alam kong masama pero marami pa naman kaming stock sa ibaba, puno pa naman ang pantry namin. Siguro naman okay lang na kahit ngayon lang ay dagdagan ko ang kuha rito sa perang iniwan ni Liam. Ano ba naman kasing problema 'to? Problema ko na nga ang pag-aayos namin ng asawa ko ay dadagdag pa ang problema sa pamilya ko ngayon. "S-sige po, Ma. Gagawan ko po ng paraan, s-sa susunod na araw ko na lang po ipapadala sa inyo ang lahat." may lungkot sa mga ngiti ko nang isagot ko ang bagay na iyon. Muli kong tinignan ang hawak kong pera at mariin na lamang napapikit. Kailangan ko siguro ng trabaho? Kapag may permanente na akong trabaho ay hindi na ako mag-iisip ng pera para kila Mama, ang problema lang ay kung papayag ang asawa ko sa bagay na iyon. "Ayan! Ayan ang gusto ko sa’yo, Elly! O siya, tawagan mo na lang ulit ako kapag naipadala mo na, marami pa akong gagawin." bakas sa boses ni Mama ang saya kaya napangiti na lang din ako at nagpaalam na. Masaya ako na kahit sa bagay na iyon ay napasaya ko siya, isa na lang ang iisipin ko. Magkano ang kulang sa ipon ko? Tumayo na ako pagkakaupo sa kama ni Liam at nagtungo na muna sa kwarto ko na kaharap lang ng silid na kinaruruonan ko. Agad kong binuksan ang kabinet ko para kuhanin ang aking pinakamamahal na piggy bank. Binuksan ko ito at inilabas ang lahat ng laman niyon. Halo-halo ito, may tig-isang libo, limang daan, at mga barya kaya pinaghiwalay-hiwalay ko muna bago bilangin lahat. Inabot ako ng halos sampung minuto sa pagbibilang at gano’n na lang ang pagkalumo ko nang 45,000 lamang ito. Muli na naman akong napatingin sa sampung libo na pang-grocery namin. Masyadong malaki ang limang libo para kuhanin na lang, pero anong gagawin ko? Tila ba mabilis lumipas ang oras dala ng pag-iisip sa problema ko sa pera, alas kuwatro na ng tanghali at oras na para umalis ako papuntang grocery store. Ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nakaramdam ako ng pagkahilo nang tumayo na ako sa pagkakaupo ko sa kama. Doon ko lang naalala na nalipasan ako ng tanghalian kanina, matapos kong kumain ng tinapay noong almusal ay naglinis na ako hanggang sa makatulog na ako sa duyan sa bakuran namin. Dahil sa realization ko ay napasapo na lang ako sa noo ko at maingat na nag-unat ng katawan. Kailangan ko munang kumain ngayon bago umalis, idagdag pa ang masakit na katawan dala ng paglalampaso ng sahig kanina. Bakit ba kasi nagsabay-sabay pa ngayon ang problema ko? Ito tuloy ang napala ko ngayon. Inayos ko na ang mga perang nakuha ko sa piggy bank ko at inilagay muna ito sa supot, itinabi ko na rin muna ang sampung libo dahil kakain muna ako sa baba para mawala ang sakit na nararamdaman ng katawan ko ngayon. Nang matapos ang lahat ng gawain ay bumaba na ako sa sala para makatungo na sa kusina. Agad kong pinagana ang microwave para initin ang lugaw na ginawa ko kaninang umaga, marami pa ito kaya isinalin ko muna sa pinggan at inilagay na sa microwave para initin. Habang naghihintay sa pagkain ko ay naisipan ko munang uminom ng tubig dahil sa tila ba paglala ng hilong nararamdaman. Dahil sa kaba ko ay agad kong ininom ang tubig at mahigpit na napahawak sa table, ramdam ang matinding panginginig ng tuhod ko, kaya bago pa man ito lumala ay agad ko nang inabot ang microwave para patayin. "A-ano bang nangyayari?" naiiyak kong tanong sa aking sarili habang nakatuon ang dalawang kamay sa mesa. Tila ba nanlalambot ang buo kong katawan kaya muntik na akong matumba sa sahig dala ng nararamdamang pagkahilo. Gano’n na lang ang gulat ko nang may isang matigas na kamay ang sumalo sa akin mula sa pagka-tumba kaya hindi ako na tuluyang bumagsak sa lapag. Doon ko nakita ang mukha ni Liam, hindi blanko at hindi rin galit ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Nag-aalala ang ekspresyon ng kaniyang mga mata ngayon habang nakatingin sa akin, pero dahil sa panghihina ay hindi ko na nagawang makapagsalita at napakapit na lamang sa braso niya. "H-hey! Wake up... Elly!" nanghihina man ako ngayon ay hindi ko maikakaila na sa simpleng pagtawag niya muli sa pangalan ko ay tila ba nawala ang nararamdaman kong sakit ngayon. Masaya akong muling marinig ang pagtawag niya sa aking boses ko… ngunit, hindi ko na kayang imulat ang mata ko dahil sa matinding paghatak sa akin ng kahinaan. "Fvck! Gumising ka, Elly!" muli kong naramdaman ang tapik niya. Subalit imbes na magising ay unti-unti nang bumigay ang buo kong katawan bago ako natuluyang mawalan ng malay. Kadiliman ang nagsimulang lumamon sa aking sistema…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD