16

1166 Words
"Bella, are you ready? Huwag kang aalis sa tabi namin ng kuya Timothy mo, ha?" Napahinto ako sa pagkabit ng hikaw ko na nabili ko rin sa pi-shop. Hindi naman mukhang fake tignan kaya ayos lang. Seryoso ang tingin sa akin ni ate Bea habang nilalagay niya ngayon ang necklace sa akin, same shop ko siya nabili. "Oo naman, ate. Wala naman po akong kilala roon except doon sa mga pamangkin ni kuya Timothy. Kung p'wede lang 'di sumama, 'di na ako sasama sa inyo." Hinaplos ni ate Bea ang aking buhok na medyo kulot sa dulo ng aking buhok. "Lahat daw kasi isasama iyon ang utos kasi nga may mahalagang announcement mamaya para sa lahat." paliwanag niya sa akin. Iyon siguro iyong sinabi sa akin ni Kori tungkol sa wedding ng pinsan niya. Grabe, ano? I-a-announce pa lang ang wedding nila kailangang kumpleto pa ang angkan nila. Iba talaga ang mga mayaman. Nang makitang maayos na ako, sabay na kami ni ate Bea bumaba sa sala nila, nang makababa bumungad sa amin ang mga pamangkin kong nakabusangot. Actually, si Mario lang talaga ang hindi maipinta ang mukha. Hehe. "Tita Bella you're so pretty po!" Masayang pahayag ni Luigi sa akin at hinawakan ang aking kanang kamay. Bolerong bata. "At, ikaw naman ay sobrang handsome." Kinurot ko ang kanyang magkabilang pisngi at bumaling kay Mario, "you too also, Mario. Kahit bugnutin ka ang gwapo mo pa rin sa suot mo." Pagkasabi kong iyon tumakbo siya kay ate Bea. Aba, nahiya pa siya. Gamit ni kuya Timothy ay ang SUV nilang kuya red, doon kami sumakay. Kasama ko sa backseat ang dalawang pamangkin ko. "Tita Bella, pagkarating natin doon po kain agad tayo," natawa ako sa sinabi niya sa akin, mahina lang ang kanyang pagkakasabi. Gusto niya yata ako lang makakarinig. Food is life talaga itong si Luigi. Puro pagkain ang nasa isip palagi. Tumango ako sa kanya. Nagugutom na rin naman na ako. Konti lang kasi nakain ko kaninang lunch and wala pa kaming meryenda. Wala pang tatlumpung minuto nakarating na agad kami sa pagtitipon. Nakabukas ang malaking gate na kuya black and white, sa paligid ng gate lahat ng ilaw ay nakabukas. Maraming nakaparadang mga sasakyan sa labas, maging ang mga sasakyan nila ay sumisigaw sa sobrang mahal. May nakita pa akong sports car. Pumarada si Kuya Timothy at doon na kami bumaba. Nandito pa lang kami sa labas dinig na namin dito ang kasiyahan. Pumasok kami sa gate at doon pa lang sa gate nila ay may mga nakabantay na. May hinanap kay kuya Timothy, nang maipakita niya ito nakapasok din kami. Buong angkan ba nila ang nandito? Sobrang higpit ng mga guard sa labas, may kamag-anak ba silang politician? "Wow!" manghang bigkas ko ng makita ang malawak nilang lawn, ang ganda ng pagkakatabas ng damo rito. Nakakahiyang tapakan. "Ate, saan tayo pupunta?" tanong kay ate Bea habang naglilibot ang aking paningin. "Nasa likod ang party nila, Bella." Napabukas ang aking bibig dahil sa kanyang sinabi. Ilang hectares kayo ito? Kanino kaya itong bahay? "Auntie Kassandra owns this house," Napalingon ako sa aking kaliwa ng may marinig na maliit na boses. Si Mario pala. Kassandra? Ito kaya iyong kinukwento sa akin si Fran? Iyong tumulong sa business nila? "Sino si Kassandra, Mario?" I asked him at hinawakan ang kanyang kamay. Nasa likod na kami nila ate Bea papunta na kami sa pool kung sa'n ginaganap ang party. "Mommy po nina Uncle Kyro and Uncle Kori!" Nakatingin ito sa akin ng sabihan niya iyon. Mommy nila? "Tita, lumiko po sila Mommy," kalabit sa akin ni Mario. Lumingon ako sa tinuro ni Mario at lumiko nga sila ate Bea. Jusko, kung sa'n-sa'n na naman lumilipad ang utak ko. Ilang lakaran pa ang ginawa namin ng makaupo kami. Finally, sumakit ang paa ko roon kahit two inches lang itong heels ko. Nilibot ko ang aking tingin sa paligid ko, puro nangangamoy mayayaman ang mga tao ngayon dito. May lumapit sa aming isang lalaki at isang babae medyo may edad na sila sa aking paningin. Tumayo sila kuya Timothy kaya maging ako'y tumayo na rin. Ang dalawang pamangkin ko naman ay lumapit sa dalawang bagong dating. "Grandma!" "Grandpa!" Napahawak ako sa aking black dress na nabili ko sa pi-shop, may slit ito sa kaliwang bahagi ng dress. Lumapit si ate Bea sa dalawang bagong dating at humalik siya, maging si kuya Timothy ay gano'n din ang ginawa. Pero, ako rito parang tuod. Hindi ko alam kung babatiin sila o tatanguan na lang. "Mom," tumingin sa akin si kuya Timothy, "this is Bella, sister of Bea." pagpapakilala niya sa akin. Ngumiti ako sa kanila, "hello po," bati ko sa kanila at yumuko. Nahihiya ako. "Hello rin, Iha. Don't be shy. Feel at home. You're so pretty like your ate Bea." Nagulat ako ng ibeso ako ng Mommy ni Kuya Timothy. Ang kanyang Daddy nama'y hinalikan ang aking kanang palad. "T-thank you po," nauutal na ako dahil sa sobrang nerbyos ko. "Tims, ipakuha mo na sila ng pagkain lalo na itong mga apo ko, mukhang gutom na." Ang ganda ng boses niya. Ang hinhin niya magsalita. "Yes, Mom." "Mauna na kami, ha? Titignan ko kung nandyan na ang mag-a-announce na kasal." Ngumiti siya sa amin. Ang ganda ng Mommy ni Kuya Timothy. Umalis sila sa aming table, pero hindi pa sila nakakalayo may kumausap ulit sa kanila. Magkakamag-anak naman sila diba? Minsan lang ba sila magkita? Lumingon ako sa aking likod, bakit hindi ko pa nakikita ang dalawang niyon? Bahay nila ito sabi kanina ni Mario pero ni-anino nu'ng dalawa 'di ko makita man lang. "Tita Bella, can we get a food?" Napalingon ako sa gwapo kong pamangkin dahil kinalabit ako nito. Ang cute-cute talaga ni Luigi. Sarap lampirutin ang kanyang magkabilang pisngi. Tumango ako sa kanya, "come on? Kuha na tayong food?" Tumayo ako sa aking pagkakaupo at inalalayan si Luigi. "Ate, Kuya, kuha lang po kaming food?" Malapit lang kasi sa inuupuan namin ang mga pagkaing nakahilera. "Sure, mag-iingat ka sa dalawang iyan, Bella." Tumango ako sa sinabi ni kuya Timothy. Inalalayan ko silang dalawa at pinagsabihang huwag hahawak ng mga plato at baso, baka mabasag nila ito. Ayokong kami ang maging sentro ng usapan ngayong gabi kahit sabihin mong magkakamag-anak sila. May ibang kamag-anak na ninira ng kapwa nila. Nilagay ko sila sa aking harapan para makita ko kung ano ginagawa nila. Kumuha ako ng dalawang malaking white plate at nilagay ko ito sa silver na tray. "Tita, I want this!" "Tita, also this!" Jusko, teka lang naman nalilito na iyong waiter kung ano pinagtuturo nilang dalawa. "Come on, ako na d'yan." Tumigil ang dalawa sa katuturo ng may kumuha sa aking kamay ang tray na hawak ko. Si Kyro base sa itsura niya dahil wala siyang hikaw sa kanya kilay. Parehas kasi silang may hikaw sa tenga. "K-kyro," "Sorry, I'm late galing pa ako sa condominium. Same as Kori. Nandyan na rin niyon mamaya." Ngumiti ito sa akin pero ang itsura niya ay seryoso pa rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD