1
"Bella, ihanda mo na ang mga gagamiting mong bag, luluwas na kayo ng ate Bea mo papuntang Manila!" Nag-angat ako ng tingin sa pinto kong nakasara.
Ba't ba kasi roon ako mag-aaral ng college, p'wede naman rito sa Marinduque State College. Wala akong kilala roon at never pa ako nakakarating doon. Walang Mall o any fast-food sa Marinduque kaya lumuluwas na lang kami sa Lucena para manood ng sine, mamasyal o kumain ng local fast-food. In short, tubong Marinduqueña ako, dito ako pinanganak at lumaki.
Heto ako ngayon nag-aayos ng gamit para roon na mag-aral. Wala ni-isang tao roon na kilala ko except sa asawa ng ate ko at sa dalawang pamangkin ko.
Doon ako pinag-aaral kasi walang katuwang ang ate ko sa pag-aasikaso sa mga makukulit at bibo kong pamangkin. May katulong pero ayaw magtiwala ni ate sa mga iyon kung okay raw sana kung kilala niya ng lubusan ang kasambahay pero hindi. Kaya heto, ako ang kinuha niya at gusto rin ni Kuya Timothy, asawa ng ate, na roon ako pag-aralin kapag grumaduate kukunin ako sa company ni kuya Timothy. Wala na rin akong nagawa.
Mamimiss ko ang probinsya namin, kahit isa ang probinsya namin na wala pang Mall mas pipiliin kong magstay rito. Tahimik at ligtas dito. Walang gaanong krimen at bawat tao sa barangay ay magkakakilala.
Napahinto ako sa pagtitiklop ng aking damit ng may kumatok, "Bella, ayos na ba ang mga damit mo?" napalingon ako sa pintong nakasarado pa rin.
Mamaya ang luwas namin pero hindi pa ako nagpapaalam sa mga kaibigan ko rito.
"Malapit na po matapos ako dine, ate Bea. Isang bag na lamang ang aking nililigpit." Sagot ko sa kanya at saka pinagpatuloy.
Wala akong nakuhang sagot at tangin narinig ko na lamang ay ang yapak na papaalis.
Tinapos ko na ang huling maleta na dadalhin ko papuntang Manila. Kay kuya Timothy na maleta ito iniwan niya ito noong nagbakasyon sila buti na lang talaga iniwan niya kung hindi wala akong gagamitin.
Isang bagpack, shoulder bag at isang maleta ang dala-dala ko. Nagpalit na rin ako ng damit pang-alis. Oversized shirt na terno ang sinuot ko, na kulay black and white at ang design ay parang newspaper. Nabili ko lang ito sa pi-shop.
Salamat, Pi-shop!
Kinuha ko rin ang nabili kong sneakers na white and pink sa Pi-shop, mura lang ito mga nasa two hundred pesos plus kasi may shipping fee pa.
Dapat talaga kunin na akong sponsor ng Pi-shop, e. Suki kaya nila ako.
Humarap ako sa mahabang salamin na nabili ko rin sa Pi-shop, maiiwan ko siya rito sayang naman, nabili ko ito nu'ng isang buwan lang. Naglagay ako ng liptint na cherry flavor, matte liptint daw ito kaya maganda sa labi at saka ako naglagay ng powder sa mukha. Naubusan na ako ng face powder.
Speaking of Face powder, darating siya this week. Bayad ko na iyon. Mukhang ang makakatanggap at makakakuha nu'n ay itong kapatid kong sumunod sa akin, si Bianca. Sayang pera ko. Nanlumo ako ng maalala ko iyon. Sayang.
Pinabayaan ko na lang ang buhok kong nakalugay hindi ko naman ito maitatali, hanggang balikat ko lang ito. Mukha nga raw akong high school student dahil sa gupit ko.
Kinuha at binitbit ko na ang mga bag na dadalhin ko at saka lumabas ng k'warto. Lumingon muna ako bago tuluyang lumabas.
"Mamimiss kita, k'warto ko." Malungkot na ani ko sa kawalan.
"Don't worry, ate Bella. Ako bahala sa k'warto mo na magiging k'warto ko na ngayon." Lalo akong nalungkot at
nabahala kung anong gagawin niya sa aking k'warto.
"Sinasabi ko sa'yo Bianca ingatan mo niyang k'warto ko ha? Babalik ako rito!" Pinandilatan ko siya ng mga mata ko at binigay ang aking maleta, "dalhin mo sa sala para 'di ako mabwisit sayo."
"Aba'y..."
"Sasagot ka pa? Dalian dine, mapuntahan ko pala sila Tricia at William at magpaalam ako," aniya ko rito. Sasagot pa sa akin, hindi ko iwan iyong susi ng k'warto ko.
Sumunod naman ito sa akin pero nakita kong bumubulong-bulong siya habang naglalakad.
Hindi naman kalakihan ang bahay namin, bungalow house lang ito na pinagawa ni kuya Timothy.
Nakita ko si ate Bea na nakaupo sa sofa at abala sa cellphone niya. Ka-text siguro si kuya Timothy.
"Ate, malabas lang muna ako at magapagpaalam kina Tricia at William. Madali lamang ako." Paalam ko rito.
"Oh sige, dalian mo!" Aniya sa akin na hindi inaalis ang paningin sa kanyang phone.
Kaya lumabas ako ng bahay, nakita si Papa na nagadilig sa aming mga pananim.
"Bella, aalis na yata kayo ng ate mo!"
Napahinto ako at tumingin ako kay Papa, "nagpaalam po ako, Pa. Saglit lang po ako at dadaanan ko lang po sila Tricia. Magapaalam lamang po ako."
Tumango ito sa akin at saka pinagpatuloy ang pagdidilig. Kung iyong ibang padre ng pamilya ay mahilig sa mga manok, itong Papa ko naman mahilig sa mga halaman lalo na iyong mga halaman na nagbubunga, iyong may silbi na halaman. Ang dami naming sili, calamansi, talong, kamatis, okra at iba pa. Paniguradong may dala kami paluwas ng Manila.
Katabing bahay lang namin ang bahay ni Tricia, kumatok ako rito at nag-ingay na ang mga aso nila. Buti na lang sarado ang gate nila kung 'di tumatakbo na ako pabalik ng bahay.
Narinig kong may nananaway na sa mga aso nila, binuksan ang gate at nakita ko roon ang matalik kong kaibigan simula Elementary, si Tricia.
"Ngayon na ba alis niyo?" Malungkot na tumango ako sa kanya.
"Oo, biglaan nga, e. Akala ko bukas pa. Biglang tumawag iyong asawa ni ate, lumuwas na raw kami, umiiyak ang pamangkin ko hinahanap na si ate." Ani ko sa kanya.
"Teka, d'yan ka lang ha? May ibibigay ako sa'yo!" Pumasok ulit siya sa bahay nila at ilang minuto lang din lumabas na rin siya.
"Buti na lang talaga dumating na ito nu'ng isang araw, gift ko sayo. Akala ko pa naman ga-graduate tayo ng magkasama hanggang college." Malungkot na sabi niya sa akin.
Tinignan ko ang binigay niya, shirt.
"Wala kasing makakasama si ate roon. Saka gusto rin ng asawa ni ate na pag-aralin ako sa Manila.
Magbabakasyon ako rito kaya 'wag ka na malungkot." Pagpapagaan ko rito.
"Tara puntahan natin si William, magpapaalam din ako sa isang iyon." Hinila ko siya pero bigla siyang napatigil.
"Wala d'yan si William, nasa Lucena silang lahat birthday ng Mama niya kahapon."
Hala!
Napalingon ako sa kanya, "paano niyan?"
"Ako na lang magsasabi sa kanya, maiintindihan naman niya iyon. Kilala mo naman si William... Ingat ka roon ha? Always kang magchachat at always video call tayong tatlo. Huwag mo kami ipagpapalit ha? Best friend forever tayong tatlo." Ngumiti ako sa kanya at nag-pinky promise.
"Promise,"