"Hi, baby!" Sinimangutan ko siya at pinangningkitan ko siya ng mga mata ko.
"What do you want ba?" pagtataray ko sa kanya.
Kanina pa siya sa dining, ang kulit-kulit. Iyong paa niya binabangga sa paa ko kaya ang ginawa ko sinisipa ko siya. Sa sobrang gigil ko kanina muntik ko na tadyakan ang pinag-iingatan niya.
"Baby, why are you mad again?" Aba! Tinanong pa ako ng siraulong ito.
Sino hindi magagalit sa kanya kung kanina pa niya ako iniinis.
"Kanina mo pa ako bwinibwisit, siraulong Kori ka! Ano bang kailangan mo ha?" naiinis na ako rito.
Nasaan ba niyong si Kyro? Iyong kakambal niya iniinis na naman ako.
May nakita akong sumilay na pilyong ngiti sa kanyang mga labi, "what I want, baby?" Lumapit ito sa akin at inisang hakbang ang pagitan naming dalawa, "I want hug and kisses, baby."
Napadilat ako sa kanyang sinabi at saka siya tinulak, "asa ka, Kori. Hindi naman kita manliligaw." pang-uuyam ko sa kanya.
Yumuko ito at tumingin sa carpet na nandito sa hallway, "You're dating Kyro, aren't you? So, I'm dating you too. We're twins you might forget, baby." Kumislap ang kanyang hikaw sa tenga niya.
Kumunot ang aking noo, "anong pinagsasabi mo, Kori? Nababaliw ka na ba? Hindi porket nanliligaw sa akin si Kyro nanliligaw ka na rin sa akin? Huy, asa ka?"
"What are you two doing there?" Sabay kaming napatingin ni Kori ng may magsalita. Nakita ko si Kyro na nandoon habang ang dalawang kamay niya ay nasa bulsa na suot niya.
Nakaalis ako sa pagkaka-corner sa akin ni Kori at agad na lumapit kay Kyro, "hina-harass niya ako, Kyro." paawa kong sabi sabay turo kay Kori. Ngumisi lang ang isa sa amin.
"Kinakausap ko lang ang baby natin,"
"She's my sunshine, Kori."
"Okay, fine, she's your sunshine but that's our baby, Kyro." Tinignan ko silang dalawa at pakiramdam ko nag-uusap silang dalawa sa tingin.
"She's tired Kori, let's rest her. Mom tells you to come to your class tomorrow." Bakas sa boses ni Kyro ang otoridad dito. Sino ba unang lumabas sa kanilang dalawa? Mukhang si Kyro ang panganay dahil taob itong si Kori.
"Fine!" Suko niyang sabi sa amin. Lumapit ito sa akin at pinatayan niya ako, "good night, baby. Sleep well and I hope you can dream of the two of us." Hindi na ako nakailag ng halikan ako ni Kori sa aking noo maging si Kyro ay hinalikan din ako.
--
"Bella? Are you okay? Parang ang lalim ng iniisip mo?"
Napahilamos ako at umiling ako kay Francheska ng tanungin niya ako. Lutang na naman ako. Pinag-iisip ako ng dalawang niyon, ang kambal na Bautista na iyon!
Lumingon ako kay Fran, dalawa lang kami ngayon dahil sina Aki at Cashel ay parehas na basketball player dito. Nag-try out sila and nakuha agad silang dalawa.
"Okay lang ako, Fran. Hindi lang ako nakatulog kagabi dahil sa pinanood ko. Pero, maayos ako." pagsisinungaling ko sa kanya.
Hindi ko naman p'wedeng sabihing na kaya lutang ako dahil sa kambal na Bautista na iyon.
Napatingin ako sa kanya ng makitang sinusulat niya ang pangalan ni Cashel sa paraang calligraphy. Sinabi nga pala niya sa akin matagal na siyang may gusto sa lalaki pero hindi alam ni Cashel, baka raw kasi iwasan siya nito.
"Fran, may itatanong pala ako. Kilala mo ba iyong sumusundo sa akin?" Ngayon ko lang naalala nu'ng unang sundo sa akin ni Kyro hindi sila nagtanong kung sino ang lalaking iyon.
"Ah, iyong sumusundo sa'yo everyday?" Tumango ako sa kanyang sinabi, nasa papel pa rin ang kanyang tingin.
"Hindi, e. Pero, alam ko isa iyon sa angkan ng mga Bautista. Sikat ang Bautista sa Subdivision kung sa'n kami nakatira. Marami silang hawak na business at the same time mababait sila. Sabi nila Mom, ang dami raw tinutulungan ng mga Bautista, maraming scholar, at maraming nabigyan ng trabaho dahil sa kanila." Umangat ang kanyang tingin sa akin, kumuha siya ng isang pang colored pen at binalik ulit ang tingin sa papel.
"Kamag-anak mo ba sila, Bella? Iba naman ang apelyido mo?" dugtong nitong sabi sa akin.
"Hindi ko sila kamag-anak." sagot ko sa kanyang tanong. Nakapanglumbaba akong nakatingin sa kanyang ginagawa. Wala pa kaming professor kaya ang ibang classmates namin tulog.
"Paano mo siya nakilala?" Nasa letter H na siya na pinapatungan niya ng kulay red na pen.
"Uncle nila iyong asawa ng ate ko kaya nakilala ko siya. Binilin ako sa kanya na ihatid-sundo kasi nga hindi ako pamilyar sa Manila." Totoo naman sinabi ko p'wera roon sa binilinan si Kyro na ihatid-sundo ako. Siya ang may gusto nu'n.
"Ah," tumango-tango siya sa sinabi ko. "Swerte mo! Nakita mo na ba ang ibang angkan nila? Magaganda ang mga iyon tas mababait din. Iyong ex ni Cashel isang Bautista dati. Nakapunta na siya sa mga party ng mga Baustista, simple lang pero nag-aamoy mayaman kahit simple ang mga suot nila."
Gano'n ba ang mga Bautista? Kaya siguro natanggap agad si ate Bea sa pamilya ni kuya Timothy. Hindi sila matapobre.
"Paano mo nalaman ang mga iyon?" Pagtatanong ko sa kanya.
"Isa kasi ang mga Bautista na tumulong sa amin nu'ng panahong palubog na ang business naming bake shop, si Mrs. Kassandra Bautista ang tumulong at kumausap kay Mommy that time kaya naisalba ang business ni Mommy." Ngumiti ito sa akin, "kaya malaki ang pasasalamat namin sa kanila."
"Tapos ko na!" Tinaas niya ang papel na may nakasulat na Cashel.
"Crush na crush mo talaga si Cashel? Ba't ayaw mo pa umamin sa kanya?" Nakatingin ako sa papel na hawak niya.
"Ayoko kasing umiwas siya sa akin. Ayos na ako sa ganitong bagay. Na kaibigan s***h kapatid ang turing niya sa akin. Alam mo iyon mas gugustuhin kong maging masaya kung saan siya komportable." Ngumiti siya sa akin habang nakatingin sa ginawa niyang calligraphy ni Cashel.
Alam kong pilit lamang ang ngiti niya. Hindi kasi umabot sa mga mata niya ang ngiti.
"Ikaw naman ang masasaktan, Fran. Kapag makikita mo siyang may kasamang iba. Lalo na't magiging varsity player na sila rito sa FEU may tendency na lalong dumami ang magkagusto sa kanya." Malungkot na tumingin siya sa akin.
"Sanay naman na ako, Bella. Ilan beses na ba siyang nagkaroon ng girlfriend habang ako nasa likod nila. Kaya ayos lang. Ayos lang sa akin."
Nadismaya ako sa sinabi niya. Napabuga ako nang mahina habang nakatingin sa kanya.
"Need mo rin maging masaya, Fran. Hindi lang naman kay Cashel umiikot ang mundo mo. Malay may ibang lalaki d'yan na para sayo pala." Tumingin kami sa buong classroom namin at saka siya umiling.
"Wala akong nagugustuhan sa mga classmate natin." Sabay ngiwi niya.
"I mean, sa ibang lugar. Hindi lang naman dito sa classroom natin baka nasa ibang course, diba?" pangungumbinsi ko sa kanya.
"Kung mayro'n talaga para sa akin hihintayin ko na lang, Bella. Pero, sa ngayon magpopokus muna ako kay Cashel!" Ngiti nito sa akin at bumalik sa paggawa ng calligraphy, "name mo na ang ine-next kong gawan!"