"Hindi kayo rito nakatira? Ang laki-laki ng bahay niyo tas nag-co-condo pa kayo ni Kori?" pagtatanong ko rito kay Kyro. Until now wala pa ring Kori sa paligid.
Nakita kong nilagyan na naman niya ang plato ko ng fruits, busog na ako, e.
"Busog na ako, Kyro. Awat na," saad ko sa kanya pero hindi siya nakinig sa akin at nilagay pa niya ulit ang aking plato na nakahiwang mansanas.
"Need mong kumain, nangangayat ka dahil sa panggabi mong class. You need also take a vitamins." Napanguso na lang ako sa kanyang sinabi.
"Last na ito, ha? Busog na busog na talaga ako." mahina kong sabi pero may otoridad sa aking boses. Pakiramdam ko puputok na ang aking tiyan dahil sa kabusugan. Maging ang mga pamangkin ko ay pinaglalaruan na ang tirang pagkain sa plato nila.
"Luigi, don't do that. Hindi pinaglalaruan ang pagkain. Iwan mo lang d'yan niyang tira mo baka mamaya magutom ka ulit. Maraming batang nasa lasangan ang nagugutom tapos ikaw pinaglalaruan mo lang." sita ko sa kanya.
Paano kasi nakapanglumbaba siya sa table habang ang kanyang tinidor ay pinanghihiwa niya sa tirang pagkain niya.
"Tita Bella, I'm full already, hindi ko na po kayang ubusin." Kumikinang ang kanyang mata habang nakatingin sa akin at ang kanyang mga labi ay naka-korteng baliktad na 'U'.
"Kaya nga sabi ko iwan mo muna d'yan at huwag mong paglaruan para mamaya kapag nagutom ka may kakainin ka ulit." ulit na sabi ko sa kanya.
"Okay po," binaba niya ang kanyang tinidor at tumingin sa mini stage na nandito.
Hanggang ngayon wala pa rin si Kori, nasa'n na ang kakambal ng isang ito? Bakit ko nga ba iniisip ang isang iyon? Pake ko ba kay Kori?
Natuon ang aking paningin ng may umakyat na apat na tao sa stage. Dalawang babae at dalawang lalaki. Hindi ko sila masyadong makita dahil sa sobrang liwanag sa kanilang p'westo.
"They will announce about the wedding." Napalingon ako sa aking gilid ng magsalita si Kyro, ang kanyang tingin ay nasa mini stage pa rin.
"Sila ang ikakasal? Silang apat?" Nakatingin pa rin ako sa kanya at hinihintay ang kanyang sagot.
"Nope, those on the left of the stage are Aunt Eliza and Uncle Nori, Nico's parents are those and the one next to him is his fiancee Zia." Pinan-ningkitan ko ang aking mga mata upang makita ang sinasabi ni Kyro. Gano'n na lang ang gulat ko ng magsalita ang mga tao sa stage.
"I know until now we still remember Niccolo's death in this world, but here we are and we will still continue the marriage of the three of them Nico and Zia even though Niccolo is no longer here, we know he is happy now. Lalo na't matutuloy na rin ang kasal nilang naudlot dahil sa trahedya." Napanganga ako sa narinig ko.
"T-tatlo dapat silang ikakasal? P-paano mangyayari niyo?" nagkadautal-utal na sabi ko dahil sa mga nalaman ko.
Nakatingin pa rin ako sa harapan habang gulat na gulat sa aking nalaman.
"I am Nico Bautista, I promise all of you especially my twin Niccolo who sacrificed his life for our beloved Zia, that I will love fully and faithfully my soon to be my wife Zia as long as I live in this world." Nakaawang pa rin ang aking bibig habang nakatingin sa lalaking naka-tuxedong itim na nakatingin sa babaeng naka-long dress na kuya baby pink.
Nakakabingi ang katahimikang bumabalot sa buong hardin, walang umiimik man lang lahat sila nagpupunas sa kanilang mga mata.
Nakita kong kinuha nu'ng babae ang microphone sa katabi niyang lalaki, "I'm sorry because I lost Niccolo to us. If I only knew he was the replacement so I had a new life, I would just ask him not to do that. There are many other women out there who will love you like I did," rinig sa buong sulok ng hardin na ito ang kanyang hikbi, niyakap na siya nu'ng lalaking katabi niya na nagngangalang Nico.
"I promise Niccolo that I will also love Nico wholeheartedly and faithfully for the rest of my life. I will never forget Niccolo because of them and Nico ... I learned to love and cherish myself. I love you, Niccolo, wherever you are I love you so much, you and Nico." Napahikbi na rin ako at napasinghot dahil sa narinig ko roon kay Zia.
Ano bang k'wentong mayro'n sila? Niyakap ni Nico iyong Zia pero rinig pa rin namin ang hikbi nilang dalawa.
"Zia had an accident with her friends. Until, on their turn on a road there was a 10-wheeler truck plunging down approaching the road where they were. Zia's driver braked but the driver of the 10-wheeler truck did not," laking gulat ko ng magsalita si Kyro. Umiwas ako ng tingin sa mini stage dahil nandoon pa rin ang mag-fiance na sina Nico at Zia. Wala akong lakas na loob na tignan ulit sila habang umiiyak sa gitna ng stage.
"Tapos, anong nangyari, Kyro? Bakit sinasabi nu'ng Zia dahil sa kanya kaya namatay iyong Niccolo? Iyong pinsan mo?"
"The driver of the 10-wheeler truck lost the break and at the same time he also fell asleep. No one was charged in that accident because even the driver died. In Zia's case, he was the one who was hit, where he crashed the truck. Na-comatose siya at nadali ang kanyang puso, Bella." Pagpapatuloy niyang k'wento sa akin.
"Gano'n din ang gagawin ko if ever na may mangyari masama sa'yo, Bella. Kaya kong ibuwis ang aking buhay alang-alang sayo." Nagulat ako sa kanyang sinabi. Pinalo ko ito sa kanyang braso.
"Hindi nakakatuwa ang gano'n jokes, Kyro. Saka wala naman akong friends. Kayo nga lang kilala ko and iyong mga kaibigan ko sa campus. Hindi rin ako magala, tamad kaya ako lumabas ng bahay." sabi ko sa kanya. Nakakatakot siya, paano ba naman kasi sinabi niya ang mga iyon habang seryoso ang kanyang mukha at nakatingin talaga sa akin ang kanyang tsokolateng mga mata.
"Uy, huwag mo na sasabihin niyon, Kyro. Magagalit talaga ako sa'yo. Mahaba kaya buhay naming mga Trinidad kaya huwag kang mag-alala." Pagpapagaan ko rito. Iyong lolo ko kaya 102 years old na ngayon pero malakas pa rin kaya mahahaba ang mga buhay namin.
Naging light na ulit ang party pero ang anino ng kakambal niyang si Kori ay hindi ko nakita.
Buti na lang talaga si Kyro ang nanliligaw sa akin, wala talaga ka-amor-amor niyong si Kori sa akin. Tabas pa lang ng mukha ni Kori manloloko at playboy na. Ekis sa akin ang gano'n.
Nakita kong tumayo si Kyro kaya napalingon ako sa aking likuran ng may makitang magandang babae. Ang kinis ng kanyang balat, ang puti niya. Maging sina Kuya Timothy and ate Bella ay tumayo rin.
"Mom," salita ni Kyro na nagpalaki ng aking mga mata.
Teka, Mommy niya ito? Ba't parang ang bata pa niya. Napalunok ako ng aking laway at hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin. Babatiin ko ba siya, ibebeso o mananahimik na lang dito.
"Auntie Kassandra, good evening."
K-kassandra? Siya iyong kinukwento ni Francheska sa akin! Ang ganda nga niya!
"Nasa'n ba niyang kakambal mo? Hanggang ngayon hindi ko pa nakikita ang anino niya?" mahinhin at malambing ang kanyang boses kahit alam kong galit na siya kay Kori. Si Kori lang naman kakambal ni Kyro.
"I called him many times but hindi ma-contact ang cellphone niya, Mom. I'll try to call him again." Nilabas ni Kyro ang kanyang cellphone. Ilang ring pa lang binababa agad ng nasa kabilang linya.
"See, Mom? Nag-e-endcall siya." Nakatingin pa rin ako sa Mommy nila. Ang ganda-ganda talaga niya at napababa ako ng tingin ng tumingin din siya sa akin. Nakakahiya.
"Oh, ikaw ba si Bella?" Nakangiti itong tanong sa akin, tumango ako sa kanya at laking gulat ko ng yakapin niya ako nang mahigpit.
"I'm so sorry, iha. I'm glad to see you, Bella. Sana nga lang hindi sumakit ang ulo mo sa dalawa, ha? Maging ma-tiyaga ka sa kanila, iha. I like you, I really do.". Hinalikan niya ako sa aking pisngi at tuwang-tuwang kinurot ang aking pisngi, hindi naman masakit.
Bumaling siya ng tingin kay ate Bea, "enjoy here, Bea. You know I like you too for my nephew Timothy."
"Enjoy kayo sa party, Bella. We need to talk later or sa ibang araw. Gusto kitang makilala ng husto. I love you," Ngumiti na lang ako sa Mommy ni Kyro. Ang kulit niya.
"Mom!"
Bumingisngis si Tita Kassandra dahil sa tono ng pananalita ni Kyro, "oh, sige na. Aalis na ako Bella, nagagalit na itong anak ko." Kumaway siya sa akin at kumaway rin ako sa kanya pabalik.
"Your Mom is so sweet, Kyro!" Masayang sabi ko sa kanya.
"I'm glad na nagkasundo kayo ni Mom," sabay halik niya sa aking kaliwang kamay.