Apat na araw ko na rito sa Manila. Next week enrollment ko na sa papasukan kong Unibersidad. Wala naman akong gagastusin, babayaran lahat ni kuya Timothy ang tuition fee ko, maging ang mga book, school supplies ko and allowance siya na raw bahala. Nakakahiya nga, e.
"Bella, bukas din ng tanghali uuwi rin kami. Bantayan mo mga pamangkin mo habang wala kami. Nandyan naman sila Manang para asikasuhin kayo. Puno ang refrigerator kaya hindi kayo magugutom." Tumango ako kay ate Bea. Kanina pa niya ako sinasabihan.
'Hello, 18 years old na po ako. Nagdebut na ako last-last-last month. So, alam ko na gagawin ko, ate Bea?'
Gusto ko sanang sabihin sa kanya pero 'wag na lang baka masermonan pa ako.
"Sige po, ate Bea and kuya Timothy. Ingay po kayo sa byahe!" Kasunod ko ang mga pamangkin ko. Hinatid namin sila ate sa gate.
Buti na lang talaga hindi umiyak itong dalawa, iyong ibang bata kasi umiiyak kapag iniiwan ng parents nila. Buti na lang big boy na sila at alam kung para saan iyong pag-alis nila ate.
"Magtetext ka palagi, Bella. Iyong bilin ko sayo!" Napakamot na lang ako sa buhok ko, akala ko tapos na siya sa mga bilin niya.
"Opo, video call pa po para mapanatag ka, ate." Hirit ko rito.
"Don't worry to your ate, nag-aalala lang siya sa dalawa. Take care yourself also." Tumango na lang ako kay kuya Timothy at tinaas namin ang kamay namin para magpaalam sa kanila.
"Tita Bella, bake ka po ulit ng cookies po?" Umupo kami sa sofa nang matapos kaming magpaalam sa parents nila.
"Cookies?" I asked habang nakatingin sa telebisyon nila.
Namimili si Mario ng palabas sa online movie and series, ako nahihilo sa kanya ang bilis niya maglipat.
"Yes po. Masarap po kasi gawa niyong cookies, Tita Bella. Bake ka po ulit, please." Tinignan ko siya at kumikislap pa ang mga mata nito habang nakatingin sa akin.
Bolero talaga ang isang ito, nang makatikim itong ginawa kong cookies 'di na ako tinantanan na magbake ulit. Ilang beses na ba ako nagbabake dahil sa request nitong si Luigi. Salamat siya pamangkin ko siya.
"Oh sige pero ibang flavor naman ha? Sawa na ako sa chocolate cookies na ginagawa ko palagi. May natutunan akong bago, red velvet cookies. Gusto mo iyon?" Tumango ito nang sunod-sunod sa akin.
"How about you, Mario?" Ay, napapa-english na rin ako dahil sa mga napapanood ko.
"Yes, Tita. Thank you po." Sabi nito na hindi tumitingin sa akin.
Kanino kaya nagmana ng pagkasuplado ang isang ito. Wala naman suplado't suplada sa amin. Putulin ko kaya sungay ng isang ito habang maliit pa.
Tumayo na ako, "dito lang kayong dalawa. Huwag kayong lalabas, mayayari ako sa Mommy niyo. Saka may witch doon sa labas, kukunin kayo nu'n." Babala ko sa kanila para matakot.
"Witch doesn't exist, Tita."
Aba, ang lokong si Mario sumagot pa sa akin.
Hindi ko na lang siya pinansin at pumunta na sa kusina. Sasakit lang ulo kapag pinatulan ko si Mario.
Sa kanilang dalawa talaga siya raw ang seryoso sa buhay sabi ni ate Bea, mommy na niya nagsabi niyan. Bata pa lang seryoso na siya.
Pumunta na ako sa kusina, kinuha ang mga ingredients at tools na kailangan ko para hindi na ako palakad-lakad.
Nang matapos ako, nilagay ko na ang tray sa oven at sinet ko sa bagong bili kong kitchen set timer na binili ko sa Pi-shop.
Dumating na rin pala nu'ng isang araw ang inorder kong design para sa pintuan ko. Naliligaw pa rin kasi ako. Napapasukan ko minsan niyon kabilang pinto lalo na kapag patay na ang ilaw roon.
Sorry naman.
Sa lunes pala need kong pumunta sa FEU Morayta, kailangan kong mag-enroll pero hindi ko pa sure kung ipagpatuloy ko niyong gusto kong course or magpapalit ako. Kaya kailangan kong magdecide bago mag-lunes.
Napatuwid ako ng pagkakatayo ng marinig ko ang mga pamangkin ko sa sala. Kinabahan ako baka kidnapper na ang mga iyon at kidnappin' ang mga pamangkin ko, mayayari ako kay ate Bea.
"Uncle Kyro, why are you here?"
"Uncle Kyro! Uncle Kyro!"
Dali akong lumabas sa kitchen at napahinto ako ng may isang lalaking nakatayo sa gitna ng sala habang karga-karga si Luigi.
"Sino ka?" Tanong ko rito. Nakatalikod siya sa akin habang kausap ang mga pamangkin ko.
Matangkad siya, mukhang nasa 6'6 ang kanyang height. Moreno, makapal ang mga kilay niya, mapula ang kanyang labi, ang kanyang panga ay umiigting at ang hubog ng kanyang katawan ay maganda.
Napaiwas ako ng tingin nang lumingon ito sa akin. Binaba niya si Luigi, "Kyro." Tipid na sagot nito sa akin.
"Tita Bella, he's Uncle Kyro po!" Sabat sa usapan ng pamangkin kong si Luigi. "Uncle Kyro, si Tita Bella po, sister po siya ni Mommy."
Napalunok ako pakiramdam ko nawalan na ako ng laway, nakita ko naman umiwas siya ng tingin sa akin.
"I'm Kyro. Nephew of Uncle Timothy. Nice to meet you," pagpapakilala niya sa akin at inayos ang kanyang salamin.
Sobrang pormal naman niya. Ganyan ba kapag mga mayayaman, need maging pormal?
"Ah, e. Ako- I'm Bella. Kapatid ako este sister ko iyong mommy nila, si ate Bea." Nauutal na pagpapakilala ko rito. Nakakahiya baka akalain niya hindi ako magaling sa English.
"Ay palaka! Iyong binabake ko! Sorry ha? Iwan muna kita," dali-dali akong tumakbo papuntang kusina nang marinig kong tumunog ang timer na sinet ko kanina.
Bago pa ako makarating si kitchen narinig ko pa ang huling sinabi ng pamangkin kong si Luigi,
"Gano'n talaga si Tita Bella, Uncle Kyro!"
Mukhang bad shot na ako sa Uncle nila. Napangiwi na lang ako.
Nakahinga ako nang maayos, hindi nasunog ang binake kong red velvet cookies. Thanks, God. Buti na lang may ganito na ako, kung hindi sunog ito. Wala kaming makakain.
"Uhm... Ano pala pakay mo rito, K-kyro? Wala sina Uncle Timothy, bukas pa ang uwi nila. Inaasikaso niyong bagong resort yata?" Tanong ko sa kanya.
Binigyan ko rin siya ng cookies baka ipagsabi niya sa mga kamag-anak niya na madamot at matakaw ako. Hindi ako gano'n. Mukha naman nasarapan siya, nakakadalawang kain na siya.
"Uncle Timothy sent me here to watch over you."
Napakunot ang aking noo, tama ba pagkakaintindi ko sa sinabi niya.
Pinapunta siya rito para bantayan ako? Bakit kailangan bantayan ako? Dapat nga iyong mga pamangkin niya ang bantayan at alagaan niya, hindi ako.
"Huh? Pinapunta ka para bantayan ako?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.
Inubo siya dahil sa tanong ko kaya inabutan ko siya ng tubig, baso ko pa iyong naibigay ko sa sobrang taranta ko pero ba't tinanggap naman niya. Baka akalain niyang inaakit ko siya.
Ininom niya ito at inisang lagok lang, "I mean para sa mga pamangkin ko." Sagot niya sa akin na hindi tumitingin.
Nailang na tuloy ako sa kanya.
"Uncle Kyro, let's play po? Sa room ka namin ni Mario matulog, please, Uncle." Pagsusumamo nitong isang pamangkin kong si Luigi.
"Yes, Uncle. Sa amin ka po matulog." Segunda rin nitong si Mario.
Mukhang miss nga nila ang Uncle nila. Close siguro sila rito. Naalala ko niyong sinabi ni Luigi, Rich kid daw ang isang ito. Nasuhulan niya.