5

1135 Words
"You can't sleep yet?" Napahawak ako sa aking kaliwang dibdib ng may magsalita sa likuran ko. Akala ko tuloy minumulto na ko. "Akala ko kung sino na. Ikaw lang pala." Bumalik ang aking tingin sa laptop ko, bigay ito ni kuya Timothy sa akin. "Hindi pa ako inaantok, namimili kasi ako ng kukunin kong course. Hindi pa kasi ako makapag-decide." Panay scroll ko sa website ng FEU kung anong course ang pipiliin ko. Ang daming magagandang kurso pero ang tanong angkop ba ito sa skills na mayro'n ako. Nakita kong hinila niya ang isang upuan sa aking kanang tabi, "what does your heart want?" Salita nito sa akin. Ano ba gusto ng puso ko? Hindi ko alam. "May pinagpipilian naman na ako. Okay lang bang tawagin kitang Kyro? o, Kuya Kyro dapat?" Nalaman ko kasing mas matanda siya sa akin ng dalawang taon. "Kyro, is fine with me." Aniya sa akin at nakita kong tumitingin na rin siya sa website, "what course do you choose?" Nailang ako ng makitang magkalapit lang ang mga mukha namin kaya ako na ang umiwas. "Ah," kinagat ko ang aking ibabang labi, "Culina Arts, gusto ko kasi maging pastry chef. Pero, gusto ko rin maging ganap na educator." Aniya ko sa kanyang habang nakatingin pa rin sa screen ng laptop ko. "Ano mas matimbang sa dalawa?" Napatingin ako sa kanya ng magsalita siya sa wikang Filipino. "Why? I can speak Filipino," he grinned at me. Umiling na lang ako at tumingin ulit sa screen, "I want to be a pastry chef someday. Mahilig akong magbake and nalaman ko lang nu'ng high school ako, sa Home Economics subject." Napatingin ako sa kanya, nailang agad ako ng makita nakatingin din pala siya sa akin,"Pero, iyong magiging educator, since bata ako gusto ko na maging teacher. Naaawa kasi ako sa mga batang gustong mag-aral pero malayo ang paaralan o 'di kaya hindi nila kaya makapag-aral man lang. Gusto ko maging teacher para turuan sila, para walang taong mangmang at niloloko dahil 'di sila marunong magbasa at umintindi." Nakita ko siya sa aking peripheral vision ko, nakangiti ito sa akin. "If I were you, I would choose the teacher because that's what you want since you were a child. And, when you graduate, you can study again." Simple nitong sabi sa akin. "Oo nga, ano? P'wede naman ako mag-enroll sa TESDA para sa Bread ang pastry course nila. Nice!" Malapad na ngiti ko sa kanya. "Desidido na ako, education course ang kukunin ko." Clinick ko ang education course at tinignan kung anong mga major ang inaalok nila. Napangalumbaba ako, "ano namang major kukunin ko? Gusto ko ng Filipino subject kasi magaling ako rito at the same time, gusto ko rin ng Math." Napaharap ako kay Kyro, "Diba mas ahead ka sa akin ng one year? So, second year college ka na this year?" Umiling ito sa akin kaya kumunot ang aking noo na nakatingin sa kanya, "Third year this semester. Maaga ako grumaduate." Sabay ngiti nito sa akin. Lumabas pa niyong dimples niya. Ang cute niya tuloy. "Swerte mo naman, isang year na lang ga-graduate ka na agad. Matalino ka, ano? Kasi nu'ng una kitang nakita kanina, pakiramdam ko matalino ka." Aniya ko sa kanya. Pinindot ko ang Filipino Major, ito na lang kukunin kong Major. Mas batak ako rito at lagi akong may award sa subject na ito. Naghihintay ako ng sagot niya habang nilalagay ang mga information ko. Para sa Monday, dire-diretso na ako. Hindi na ako mag-pi-fill-up ng form. "Uy, matalino ka diba?" Ulit kong tanong sa kanya. "Sort of." Tipid na sagot niya sa akin. Hala, baka nailang na agad siya. Baka sabihin niya nagfe-feeling close agad ako sa kanya. "Naiilang ka ba? Sorry ha? Madaldal talaga ako." Pagpapaumanhin ko sa kanya. "Oo nga pala!" Sinarado ko ang laptop ko ng matapos akong makapag-fill-out. "Hindi pa ako pormal na nakapapagpakilala sayo." Humarap ako sa kanya at ngumiti rito, nakita ko na namang umalon ang Adam's apple niya. "Hi, I'm Bella Trinidad. Sister ako ni ate Bea, iyong asawa ng Uncle mong si kuya Timothy. Kaka-18 birthday ko lang last-last-last month. Maligalig, friendly, mabait pero lumalabas din ang sungay ko kapag nagagalit ako. And, No boyfriend since birth kasi papatayin ako nila Papa." Pagpapakilala ko sa kanya, "Ikaw? Pakilala ka naman?" Inayos niya ang kanyang salamin at umubo nang mahina, "I'm Kyro Bautista. No girlfriend since birth," Naghihintay pa ako sa sasabihin niya pero mukhang 'di na siya magsasalita. "That's it? Ang haba ng akin tapos niyan lang sasabihin mo? Ang daya ha? Pero, no girlfriend since birth ka? Sa gwapo mong niyan? Seryoso?" Tumango siya sa akin, "Siguro sinusungitan mo mga lumalapit sayo? Ang tipid mo rin kasing magsalita." Nilagay ko ang aking kanang hintuturo sa aking sintido, "Baka naman bakla ka, ano?" Nakita kong kumunot ang kanyang noo. Mukhang bad joke yata para sa kanya, "Uy, joke lang naman Kyro. hehehe. Pero, may crush ka?" "You." Lumaki ang aking mga mata dahil sa sinabi niya. Hala! Gumaganti! Napangiwi ako sa kanyang sinabi, "bolero ka, Kyro." "Saan ka pala nag-aaral?" Iniba ko na lang ang pinag-usapan namin. Nailang ako bigla sa kanya. "DLSU." Tipid na sagot nito. "De La Salle University?" Pagkukupirma ko sa kanya, tumango naman ito sa akin. "Wow! Ang daming magaganda roon ha? Wala ka man lang talaga naging girlfriend?" Kapag nanonood ako ng volleyball game sa television, marami akong nakikita roon na magagandang babae lalo na kapag naglilibot iyong camera. Kaya imposible talagang walang naging jowa ang isang ito. "Oo nga pala, bakit Uncle rin ang tawag sayo ng kambal? 'Di ba uncle mo si kuya Timothy? Dapat magpinsan kayo ng mga pamangkin ko?" usal kong tanong sa kanya. Natandaan ko lang kanina ang sinabi niya, e. Kaya nagtataka ako ba't Uncle rin ang tawag nila Luigi sa kanya. "Sinanay nila ang sarili nilang tawagin kaming Uncle. Mas matanda raw kami sa kanila kaya wala na akong nagawa." marahan na paliwanag niya sa akin. Napatanga ako sa kanyang sinabi. Gano'n lang kaya tinawag silang Uncle nila Luigi. Saka, sinong kami? E, siya lang naman ang uncle ng dalawang niyon. Nakita ko siyang tumingin sa orasan na nandito, "Hala! Mag-a-alas dose na pala." Madaling araw na pala. "Inaantok ka na ba?" Hindi ito umimik sa tanong ko. "Sige ha? Salamat sa pagsama, matutulog na rin ako." Tumayo ako at nag-unat-unat. Kinuha ko ang laptop at tumingin sa kanya, "'di ka pa inaantok?" Imbis na magsalita, tumayo na rin ito. "P'wede ba kitang sunduin sa Monday? Nalaman ko kasing enrollment mo ang araw na niyon. P'wede kitang ihatid sa FEU." Tatanggi sana ako sa alok niya pero inabot niya sa akin ang kanyang phone, "number." Kaya wala akong nagawa kung hindi ilagay ang phone number ko at umo-o sa kanya. Nakita ko na lamang siyang ngumiti pagkatapos nu'n.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD