"Tita Bella, ano pong ginagawa niyo?"
Napahinto ako sa paghahalo ng ginagawa kong cookies at tumingin sa pamangkin kong nakikiusoso sa akin.
"I'm making cookies. Chocolate cookies, Luigi. Gusto mo niyon?" Sagot ko rito at bumalik sa paghahalo.
Sinulyapan ko ito at nakita kong nakangiti na siya sa akin, "I want that Tita! Gusto ko ng cookies!" Sabay paawa nito sa akin.
"Okay kung magbe-behave kayo ni Mario bibigyan ko kayo ng ginawa kong cookies." Tumango ito sa akin.
"Teka," pinigilan ko ito, paano kasi tatakbo na agad pabalik sa kakambal niya, "iligpit niyo rin ang mga toys niyon. Hindi p'wedeng sila ate lagi ang nagliligpit ng mga kalat niyo."
"Who's ate, Tita?" napakamot ako ng aking ulo.
"Iyong mga yaya niyo. Ate ang tawag sa kanila bilang paggalang. Naiintindihan na po ba?" Tumango-tango ito sa akin.
"Okay po, ililigpit na po namin ang mga toy!" Sabay tumakbo ito palabas ng kusina.
Wala nga pala sina ate at kuya ngayon, may pinuntahang party hanggang gabi raw niyon. Ay, ewan kaya kami lang nandito pati mga kasambahay.
Tapos, bukas yata or sa susunod na araw naman may pupuntahan silang isla. Gagawin daw nilang resort. Sobrang yaman ng mga Bautista.
Kaya heto ako, kaysa manood sa sikat na phone application, na kanina ko pa ginagawa, binigay kasi sa akin ni ate iyong password ng wifi at password sa app na iyon. Ang kinukuha ko lang naman sa kanya ay iyong address dito.
Umorder na pala ako sa Pi-shop ng mga pang-design sa k'warto ko. Hehe. Binigyan din ako ni kuya Timothy ng allowance kahit wala pa akong pasok.
Gumamit ako ng scoop para pantay ang magiging cookies ko, may nakita rin akong chocolate bits at mashmallows pero ang kinuha ko ay iyong chocolate bits.
Nang matapos akong mag-scoop, naglagay ako ng ilang chocolate bits sa tuktok nito. Dinamihan ko para masarap at naglagay rin ako nito sa mismong mixture ko.
Naka-preheat na ang oven sa 350 degrees fahrenheit at saka ko nilagay ang isang tray ng chocolate cookies ko.
Marunong ako magbake, pinag-aralan namin ito sa Home Economics nu'ng hayskul ako, Minamani ko lang ito, mataas kaya ang grades ko nu'ng highschool.
Nagset ako ng timer sa phone ko para hindi masunog iyong mga ginawa kong cookies.
Hinugasan ko ang mga tools na ginamit ko, nakakahiya naman kung iyong mga kasambahay nila ate ang maghuhugas. Ako ang gumamit 'tas sila ang paghuhugasin ko. Baka sinabunutan na ako ni Mama kung nandito iyon.
"Tita Bella, we're done na po. Tapos na po namin iligpit mga toy namin. Can we eat na po?"
Lumingon ako sa aking likod at nakita ko roon ang dalawang pamangkin kong nakatingin din sa akin.
"Lahat ba ng toys niyo niligpit niyo?" Pareho silang tumango sa akin.
Nilagay ko ang tray, whisk, bowls at scoop na ginamit ko sa kitchen rack para patuyuin mo na bago ko ibalik mismo sa mga lalagyan nila.
"Umupo muna kayo sa sofa ha? Doon ko na ihahatid niyong cookies niyo with milk!" Masayang sabi ko sa kanila at eksaktong tumunog na ang oven maging ang aking cellphone.
Tumatalon-talon na umalis sila sa kusina habang kumakanta pa ng Humpty Dumpty song. Napailing na lang ako sa kanila.
Pinalamig ko muna saglit at saka nilagay na ito sa ship bowl, hugis bangka na mangkok. Nagtimpla na rin ako ng milk nilang dalawa. Nagtimpla rin ako ng kape ko, isasawsaw ko sa kape iyong cookie.
Nakita ko ang dalawang pamangkin kong tutok na tutok sa television, pinapanood nila ang The Loud House sa movie/series application na sikat ngayon. Mga naka-bente-kwatro pa ang mga upo nila. Mga señorito talaga.
"Here's the cookies and milk niyong dalawa." Nilapag ko ito sa mga harap nila.
Umupo naman sila sa sahig at maging ako ay gumaya na rin. Sinasawsaw ko ang cookies sa kape ko. Masarap kaya.
Nang makita ng dalawa ang ginagawa ko, ginaya nila ako.
"Tita Bella, sa'n ka po magstudy?" Nakita ko si Luigi na ang tambok ng pisngi.
May laman pa kasi ang bibig, nagsasalita agad.
" Sa FEU po," sagot ko rito at sinenyasan na ubusin muna ang laman sa bibig niya.
"What's FEU, tita?"
"Far Eastern University po meaning nu'n. Doon ako sa Morayta Main nila sabi ni ate Bea." Tumango sila sa akin na akala mo ang sinasabi ko sa kanila.
"Tita Bella, mas matanda yata sa'yo si Tito Kyro. Magstudy na rin iyon."
"Uncle Kyro is already studying in college. While, Tita Bella magstudy pa lang."
Napalingon ako sa kanila.
Sinong Kyro?
Kumunot ang noo ko, "Sinong Uncle Kyro ang sinasabi niyo?" Pagtatanong ko sa kanila at sabay kagat ng aking cookie.
"Nephew po ni Daddy, Tita Bella. Always po siyang nandito. Gusto niyo po samahan niya kayo pumunta sa school mo po."
Napatigil ako sa pagkagat, "Hindi na Luigi, kaya na ni Tita Bella ang pumunta sa school. Magko-commute ako para makabisado ko pasikot-sikot dito sa Manila." Sabay ngiti sa kanila.
"Mabait po si Uncle Kyro, Tita Bella. Always kami may gift sa kanya. Iyong toys po namin sa kanya po minsan galing. Rich kid po siya."
Hindi ko alam sa pamangkin ko pero parang nirereto ako sa Uncle Kyro nila.
"Alam niyo ubusin na natin itong cookies para bukas cupcakes naman iba-bake ko!" Masiglang ani ko sa kanila.
Naningkit ang aking mga mata mukhang binibida nila ang Uncle Kyro nila sa akin. Gwapo ba niyon? Kamukha ba ni Daniel Padilla niyon? Dahil kung hindi siya kamukha ni Daniel Padilla, salamat na lang sa lahat.
Kinalabit ako ni Luigi at hinawakan ang aking magkabilang pisngi, grabe makahawak itong pamangkin ko akala mo babaliin ang leeg ko.
"Gwapo po iyong Uncle Kyro namin, Tita Bella. Dami po nagkaka-crush po roon. Maging mga kapitbahay namin tumitingin kay Uncle Kyro kapag dinadalaw niya po kami." Napangiwi ako ng bitawan niya ang aking pisngi, lalo akong ngumiwi ng maramdaman ang lagkit nito. Iyong kamay ni Luigi.
"Malay mo bulag lang mga kapitbahay niyo, Luigi, hindi alam ang definition ng gwapo. Ang gwapo ay si Daniel Padilla." Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang magkabilang pisngi ko.
"Hindi naman po magiging kayo nu'n tita Bella kay Uncle Kyro ka na lang po." Ngumiti nang napakalaki sa akin at kinagat ang hawak niya cookie, binalik ang tingin sa pinapanood namin.
Sino ba iyong Kyro para ibida ng mga ito sa akin ang Tito nila.
Napangiwi ako sa sinabi ni Luigi sa akin. Bakit ako magka-crush sa Uncle nila? Jusko, ang definition ng crush sa akin ay si Daniel Padilla talaga, siya ang crush ko. Ultimate crush ko!
Ginulo ko ang buhok ni Luigi, “Hay, kumain ka na lang d'yan at manood. Huwag na natin pag-usapan ang Uncle Kyro mo na iyan. Bigyan na lang natin pansinin itong pinapanood natin, ha?” saad ko sa kanya at tinuro ang television sa harap namin.
“Pero, gwapo po talaga siya, tita Bella! Pramis po, gwapo po talaga siya!” Tinaas pa niya ang kanyang kanang kamay at nakita kong kuminang ang kanyang mga mata.
“Oh, s‘ya-s‘ya! Gwapo na kung gwapo pero hindi ko pa naman nakikilala at nakikita ang Uncle Kyro niyo kaya hindi pa rin ako maniniwala.” Sabay kagat ko sa aking cookies na hawak.
“Kapag nakita mo po siya tita Bella, ma-i-inlove ka po agad sa kanya!”
Tumaas ang sulok ng aking labi dahil sa kanyang sinabi. Mukhang confidence siya sa sinabi niya, ha?
Ano bang mukha mayro'n ang Uncle Kyro nila para ipagyabang nila sa akin nang husto?
Hmm... Kapag ito panget, tatawanan ko silang dalawa!
Uncle Kyro, Uncle Kyro! Gusto ko tuloy makita ang uncle Kyro nila!