8

1037 Words
Nasa isip ko pa rin niyong sinabi ng pinsan niya, "See you, Kyro and sa little kitten niyo." Ako ba iyong little kitten? Hindi ko nga naitanong kay Kyro kung anong pangalan nu'ng pinsan niya at kung pinsan niya ba talaga ang isang niyon. Naging iba kasi ang mood niya after nu'n kaya hindi na lang ako nagtanong pa. Mahirap na baka sa akin ibuntong ang inis nu'n. Nagulat nga rin ako, wala akong natanggap na text galing sa kanya. Wala akong natanggap na 'Good morning, my Sunshine.' Siguro nagsawa na siya agad sa akin. Bakit ako nalungkot na wala akong nakuhang text sa kanya. Malay natin busy lang pala siya. "Bella, sigurado ka bang ikaw na lang pupunta sa Mall?" Napaangat ang aking tingin ng marinig kong magsalita si ate Bea, "Opo, ate. Malapit lang naman po sabi niyo. Saka, para makagala na rin po ako. Bibili na rin po ako roon ng magiging notebook ko." Sinintas ko ang kaliwang sapatos ko at nang matapos tumayo na ako. Napagpasyahan kong ngayon na bumili ng mga gamit ko sa school, ayoko makisabay sa dagsa ng mga tao lalo na't malapit na ang pasukan. "Kasya na ba niyang binigay ng kuya Timothy mo?" Tumango ako kay ate Bea. Sobra pa nga yata itong binigay ni kuya Timothy. Bag, binder, ballpen, at sapatos lang naman bibilhin ko. Titingin na rin ako ng mga damit doon para hindi paulit-ulit ang magiging suot ko. Iyong magiging uniform ko kasi roon sa mismong campus bibili. Balak ko sa first day ng school, doon na lang ako bibili. "O'siya, mag-iingat ka ha? Huwag kang makikipag-usap sa iba. Huwag kang tatanga-tanga ha? Ingatan mo niyang bag mo, maraming mandurukot at snatcher dito." Nag-thumbs-up ako sa kanya, "oo naman, ate. Alam ko naman po. Nanonood din ako ng balita." "Tita Bella, pasalubong po, ha?" Napangiwi na lang ako kay Luigi. Ayos, may humingi pa ng pasalubong. "Donut na lang, ha? Bibilhan ko kayo ng donut pag-uwi ko," ani ko kay Luigi at pi-nat ang kanyang ulo. Bumalik ang aking tingin kay ate Bea, "ate, alis na ako baka maabutan ako ng ulan mamaya." Lately, tuwing hapon umuulan. Kaya mahihirapan ako kung aabutan ako ng maghapon sa mall. Mahirap na. Lumabas ako hanggang gate ng subdivision, mag-ta-traysikel ako hanggang sa sakayan ng jeep. Medyo malayo kasi lalakarin ko 'tas ang init ng panahon. Dito ako kinakabahan mainit ang panahon pero mamaya uulan niyan. Nakarating ako sa paradahan ng Jeep papuntang SM Fairview. May isa pang mall na malapit dito at iyon ay ang SM Novaliches pero maliit lang daw iyon kumpara sa isa. Ang haba ng pila sa paradahan, bibili sana akong s**o't gulaman pero hindi naman ako p'wedeng umalis sa pila ko baka pagbalik ko umusad na. Ba't ang daming pupuntang Mall ngayon? Hindi ba p'wedeng sa weekends na lang sila mamili? "Isa pa rito, oh? Isa pa? Sino single d'yan? Dito ka na, Ineng." Napalingon ako kay kuyang barker na tumingin sa akin. Tinuro ko ang aking sarili, "ako po?" Nag-aalinlangan na tanong ko pa rito. "Oo, 'neng. May jowa ka bang kasama? Kasya ka pa rito." Aba, si kuya mapanakit. Dahil no choice na ako at init na init na rin ako sa kinatatayuan ko, binigay ko na sa kanya iyong itim na chip. Gano'n kasi binigay sa akin kanina nu'ng nagbayad ako. Umupo ako sa likod ng driver. Ang sikip, jusko. Buti na lang umangat niyong isang lalaki at pinapasok ako sa loob kaya nakasandal ako. Mabait. Nakatingin ako sa katabi kong lalaki, ang puti niya, medyo mahaba ang kanyang buhok na hanggang ilalim ng kanyang tenga, naka-harry potter eyeglass siya, seryoso ang kanyang mukha at ang bango niya. Amoy na amoy ko iyong pabango niyang black na tatak, gano'n kasi pabango ni Papa. Nakita kong umalon ang kanyang adam's apple, 'tumigil ka, Bella. Sa iba ka tumingin, jusko. Magkakasala tayo nito.' Napayuko ako at tinitigan ang sahig ng mapansin kong titingin siya sa gawi ko. Napatuwid ako ng upo ng sumisilip siya sa unahan ng jeep. Mukhang bababa na siya. Sayang. Anak yata ako ni God kasi hindi niya hinila ang string sa jeep at bumaba siya sa mismong Mall din. Dahil nasa hulihan ako ng jeep, hinintay ko pa lahat ng pasaherong bumaba pero pinauna niya ako. Gagi. "Thank you po," muntik pa akong pumiyok. Nakakahiya kung nangyari niyon. Nagkaroon yata ako ng Jeepney lovestory hinihintay ko na nga may magbayad pero walang sumakay, kainis. Kaya pala pumunta ako ng Mall para bumili ng gamit ko at hindi lumandi. Nakalimutan ko. Pumunta ako sa department store, nandito na raw kasi lahat sabi ni ate Bea. Sana all, na sayo na ang lahat. "Hay! Tapos na rin bumili! Nakakapagod!" Palakad-lakad at pabalik-balik ako sa department store. Hindi kasi ako makapili kung anong sapatos bibilhin ko, hindi naman p'wedeng dalawa ang bilhin, need ko rin mag-ipon. "Ma'am, #09 po?" Tumingala ako at nakita ko ang staff sa finger licking good. Tumango ako rito. Nilagay niya ang inorder ko at kinuha ang waiting number ko. Syempre, nag-thank you ako. Inorder ko lang iyong one original fried chicken with rice and nag-add ako ng mashed potatoes. Masarap dito dahil unli gravy. Gravy palang nila sabaw na. Walang fast-food sa amin pero nakakakain naman kami kapag lumuluwas kami sa Lucena. Tinignan ko ang phone ko kung nagtext si Kyro pero wala. Wala siyang paramdam ngayon. Ano kaya nangyari roon? Nahihiya naman akong magtanong kay kuya Timothy baka sabihin nu'n sa akin 'Anong pake mo sa kanya.' Nagsalubong ang aking mga kilay at naningkit ang aking mga mata ng may makitang familiar na tao. Nagha-hallucinate ba ako dahil iniisip ko si Kyro? O, si Kyro talaga itong nakikita ko? Pero, ba't wala siyang salamin? O, baka naka-contact lenses siya? Gano'n-gano'n naman ang pormahan at itsura niya. Kaya ba hindi siya nagtetext kasi may kasama siyang iba? Nakagat ko ang aking ibabang labi at pinipigilang may tumulong luha sa aking mata. Huminga ako nang malalim habang nakatingin pa rin sa kanila. Ang sweet niya sa babae baka gano'n talaga siya sa lahat. Tumayo na ako at kinuha ang mga pinamili ko. Mapait na ngumiti sa kanya kahit alam kong hindi niya ako nakita. Sa una lang pala...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD