7

1120 Words
Hanggang ngayon 'di pa rin nagpoproseso sa utak ko ang sinabi niya. Papunta na kami ngayon sa DLSU, need din niya kasi mag-enroll kaya no choice kung hindi samahan na rin siya. Kakatapos ko lang mag-enrol sa FEU, madali lang naman ng process ng enrollment kaya isang oras lang, enrolled na ako. FEU student na ako! Yehey! "Are you hungry?" He asked habang nakatingin sa daan. "Hindi. Busog pa nga ako. Marami iyong nakain ko kanina." Sagot ko sa kanya. Busog pa naman ako. Kanina pa kasi siya tanong nang tanong kung gutom na ba ako. E, busog pa talaga ako. Humarap ako sa kanya, "ikaw, gutom ka na ba?" Baka kasi siya iyong nagugutom na pala. 'Tas ako lang tinatanong niya para kumain na siya. Ang haba naman ng buhok ko nu'n. Nakasalalay sa akin kung kakain na siya. Nagpreno siya dahil red na ang kulay na nasa stop lights kaya tinanong ko ulit siya, "ikaw po ba gutom na?" Tumingin siya sa akin at inayos ang kanyang salamin. Hindi ko itatanggi na ang hot ni Kyro. Kaya hindi talaga ako naniniwalang no girlfriend since birth siya. "I'm still not hungry." Salubong ang kanyang tingin sa akin, naiilang ako kaya binuksan ko ang aking body bag at chineck ang phone ko. Kahit alam kong walang nag-aalala sa akin. Iba kasi iyong tingin ni Kyro sa akin. Akala mo kakainin ako. Gano'n iyong nakikita kong tingin niya sa akin. Buti na lang hindi pa talaga siya gutom. Napahinto ako sa pag-i-scroll nang tumunog ang phone niya, alam kong sa kanya iyon. Naka-silent kasi akin. Pa-simple akong tumingin sa kanya, hindi ako nagpapahalata baka sabihin niya tsismosa ako. "Hello." Buong-buo talaga ang boses niya. Mas nakaka-inlove ang boses ni Kyro. Siguro magaling kumanta ang isang ito. Nakita kong kumunot ang kanyang noo, nagsalubong ang kanyang kilay. Sino kaya kausap niya? Importante siguro iyong tawag. "Yeah, I will also enroll you. Come on, I'm not, okay? Yeah, she's okay..." Nataranta ako ng makitang tumingin siya sa akin. Kaya heto ako nagpapanggap na nakatingin sa phone ko. Sino kaya iyong she's okay, ako ba niyong tinutukoy niya? Nakatingin kasi siya sa akin. O, assumera lang talaga ako. "Okay! Need ko na mag-drive, nag-green na. I will. Bye!" Binaba niya ang tawag at nilagay ulit ang kanyang phone sa pagitan namin, may lalagyan kasi roon. May candy nga rin ako nakita. Kukunin ko sana pero 'di ko type niyong candy. Naging tahimik ang byahe namin hanggang makarating sa University niya. Malaki-laki rin pala ito. Pero, ang sabi ng mga classmate ko mas malaki raw ang Ateneo at UP. Saan kaya banda niyon? Gusto ko kasing makita. Kanina nadaanan namin iyong UST, ang laki. Sakop yata nu'n ang buong Espanya, Manila. Gusto ko rin pumasok doon. P'wede raw naman pumasok, gusto ko rin makita ang simbahan. Huminto ang sasakyan namin sa parking lot, ang daming sasakyan na nakaparada. Mayayaman siguro talaga ang mga nag-aaral dito. Hindi ko na hinintay si Kyro na pagbuksan ako ng pinto, bumaba na agad ako bago pa siya makalapit sa akin. Tinitigan niya ako na parang mali ang aking ginawa. Sorry naman. "Saan tayo pupunta?" Pagtatanong ko sa kanya pero naglilibot na ang aking mga mata. "College of Engineering and College of Business Administration." Nagulat ako ng hapitin ako ni Kyro. Hindi ako nakapagsalita man lang. Nakalagay ang kanyang kamay sa aking bewang at dikit na dikit ako sa katawan niya. Naiilang ako sa p'westo namin pero dahil curios ako ba't dalawang colleges ang pupuntahan namin kaya nagtanong ako, "bakit dalawa? ano ba course mo? Hindi ko pala naitanong sa kanya kung anong course niya. "Business Administration. Ako ang susunod na magmamana kay Dad." Tumango na lang ako sa kanya. Naiilang na lalo ako ng makitang dumadami na ang mga tao ang tumitingin sa amin. "Kanino iyong college of Engineering?" Dahil tsismosa ako, tanong na natin nu'n. "To my friend. He is still in another coutry. So, ako na lang mag-e-enroll para sa kanya." Sagot niya sa akin at diretso ulit tumingin sa dinadaanan namin. He? so, lalaki iyong friend niya. Mabait naman pala siya. Pumasok kami sa College of Business Administration, ang ganda. Konti lang ang nakikita kong estudyante siguro niyong iba tapos na mag-enroll o baka nasa vacation pa sila. Gano'n ang mga mayayaman diba? Pabakasyon-bakasyon sa ibang bansa katulad niyong kaibigan ni Kyro. May nadaanan kaming Bulletin board, ang daming nakalagay. Gusto ko sana tignan pero hawak ako ni Kyro sa bewang ko. Nakakahiya naman sa kanya. Maya ko na lang tignan. "Stay here, okay? I'll be back right here." Bilin sa akin ni Kyro. Pinaupo niya ako rito sa tapat ng Office ng Dean, base roon sa taas ng pinto. Tumango ako sa kanya na parang bata. Tinitigan pa niya talaga ako. "Oo, hindi ako aalis, Kyro." Sabay ngiti ko. Hindi naman na ako bata. Saka hindi naman siguro ako mawawala sa campus nila. Tinandaan ko kaya mga dinaanan namin kanina. Nang makapasok siya sa loob nasa akin pa rin ang tingin niya. Sliding window kasi ang salamin sa office ng Dean kaya kitang-kita ako. Nakaupo lang ako roon. Ayon kasi ang sabi ni Kyro. Para tuloy akong bata na sumunod sa utos niya. Sumilip ako sa loob kung nasa labas pa ba si Kyro, nang makitang walang bakas na Kyro. Tumayo ako at lumapit lalo sa sliding window, wala na nga siya. Baka kinakausap na siya nu'ng dean nila. Lumapit ako sa bulletin board nila na hindi naman kalayuan sa Office of the Dean, puro announcement lang pala mga nakalagay rito. Announcement ng enrollment sa buong year level and announcement sa mga nanalo sa contest and awards. Akala ko pa naman may makikita akong pangalan na Kyro Bautista pero wala. Bumalik na agad ako sa p'westo ko baka lumabas na rin kasi si Kyro at malaman pa niyang hindi ako sumunod sa sinabi niya. Patingin-tingin lang ako sa paligid ko. Nagpicture rin ako na pang-myday ko sa peysbok ang caption, my dream school: DLSU. Oo nga pala, inaccept ko na rin niyong friend request ni Kyro sa akin. Nakakaawa naman. De joke, baka hindi ako isabay pauwi nito mamaya kapag 'di ko i-accept. Napatuwid ako nang upo ng makitang palabas na siya at may kausap siyang lalaki. Siguro kaibigan niya iyon. "Come on, Bella." Napatayo na ako ng tawagin ako ni Kyro. "Cous, siya na ba iyon?" Huh? Ako ba tinutukoy niya? Tinitigan lang siya ni Kyro at heto na naman ang kamay niya, nakalagay na naman sa bewang ko. Nanliligaw pa lang siya diba? Saka 'di pa nga ako pumapayag din. Nagtaas ito ng kamay, "chill, cous. Hindi ako kalaban." Sabay tawa nito nang napakalakas. Baliw. "See you, Kyro and sa little kitten niyo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD