Naghahanda na ako para sa pagbubukas ng klase for college bukas. May pasok na ako, hindi na ako magmumukmok sa k'warto ko.
Sana marami akong maging kaibigan. Sana mababait mga magiging kaklase ko. Cross fingers.
Ilang araw na pala ang nakakalipas ng makita ko siya sa Mall. Pag-uwi ko galing Mall, blinock ko ang kanyang phone number sa akin at maging sa peysbok bli-nock ko siya.
Ayoko sa mga manloloko katulad niya.
Sa nakalipas na araw, hindi siya pumunta rito. Baka talaga pinaglaruan niya lang ako nu'n. Alam kasi niya probinsyana ako at madaling utuin. Buti na lang talaga nabisto ko na siya agad.
Nasa k'warto ako ngayon at inaayos ang mga gamit ko para bukas. Maging ang susuotin kong damit ay pinaghandaan ko na rin.
Sabi nga pala ni kuya Timothy, ihahatid niya ako bukas para 'di ako ma-late. Sabi ko nga kay Kuya, okay lang naman mag-commute ako papasok at pauwi.
Ang kinababahala ni ate Bea, may dalawang araw akong uuwi ng seven in the evening, ang Tuesday and Thursday.
Mas okay nga iyon para walang traffic kapag uuwi ako 'di tulad nu'ng Monday, Wednesday at Friday na schedule ko three-thirty in the afternoon ang uwian ko.
"Tita Bella? Knock-knock po!" Napalingon ako sa pinto ko ng marinig ang katok na iyon.
Nagpa-plantsa na ako ngayon para sa magiging damit ko bukas. Excited na ako sa mga magiging kaibigan ko.
Binaba ko ang binili kong electric iron small handheld ironing machine, nabili ko ito sa Pi-shop. Maganda ito kaysa sa normal na plantsa iyong normal na plantsa kasi need pa ng kabayo, itong binili ko 'di na kailangan. Isasabit mo ang damit sa hanger p'wede mo na i-plantsa.
Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin si Luigi. Ang cute talaga ng pamangkin ko. Sarap pisilin ang pisngi.
"Anong kailangan mo po?" Pagtatanong ko rito. Pumasok siya sa k'warto ko at umupo sa beanbag.
"Tita Bella, papasok ka na po tomorrow?" Tumango ako sa kanya.
Pinatay ko muna ang plantsa na ginamit ko at humarap sa pamangkin ko.
"May pasok na kami bukas. Katulad mo kailangan ko rin mag-school para matuto." Pinisil ko ang kanyang pisngi.
"Ano i-i-study niyo po roon? Katulad po ng amin, drawing?"
Ngumiti ako sa kanya at umiling, "hindi. Iba na ang pinag-aaralan namin."
Masaya sana ang buhay kung puro drawing lang katulad ng kanila. Wala kang iintindihin na review, assignment na napakahirap at examination.
"Gano'n din po ba study namin kapag big na kami ni Mario?" Tinaas pa niya ang kanyang kanang kamay.
"Opo kapag big ka na."
Nakakatuwa talaga itong pamangkin ko, napaka-bubbly, makulit at madaldal. Hindi tulad nu'ng kapatid niya si Mario, pinaglihi yata sa ampalaya. Tahimik, suplado at walang kibo si Mario kabaligtaran ni Luigi.
"GOOD MORNING, MYSELF!" Masigla kong bati sa aking sarili.
Alas-kwatro na'ng umaga, buhay na buhay na agad ang aking dugo. Sobrang excited na ako.
Kahit alas-otso pa ng umaga ang pasok ko, naligo na agad ako. Mas okay ng maagang pumasok kaysa late sa unang araw ng klase. Bad shot agad niyon sa mga professor 'pag nagkataon.
Sinuot ko ang light blue na polo shirt na may design na bubbles from Powerpuff girls, pinartneran ko ng black pants na fitted and sneakers.
Kinuha ko na rin ang bagpack ko na binili sa department store. Konti pa lang laman nito, yellow padpaper, ballpen and dalawang cattleya fillers.
Alas-singko-trenta na nang umaga ng bumaba ako sa sala. Patay pa ang ilaw ng bumaba ako. Nilapag ko ang bagpack ko sa sofa at gumawi sa kitchen.
Nakita ko roon si ate Bea na nagluluto, "Good morning, ate Bea!" Bati ko sa kanya.
Lumingon siya sa akin, naka-apron ito na kulay green na may design na dahon.
"Good morning, Bella. Excited ka yata? Ang aga pa?" Tumingin ito sa orasan na nandito.
"Mas okay ng maaga, ate kaysa naman ma-late ako. And, hindi ko alam kung traffic ba sa dadaanan namin ni kuya Timothy." Nagtitimpla na ako ngayon ng gatas ko. Hindi ako sanay na hindi umiinom ng gatas sa umaga.
"Maupo ka na r'yan, bababa na rin ang kuya Timothy. Nagkausap ba kayo ni Bianca, nagchat sa akin kagabi ang isang iyon." Nilapag ni ate ang fried egg and ham.
Umiling ako sa kanya, "hindi naman siya nagchat sa akin." Reply ko sa kanya.
Ano na naman kaya kailangan ng isang iyon? Magpapaturo na naman siguro ang isang iyon. May youtube naman.
Tumayo ako at kumuha ng mga plato, kutsara't tinidor maging ang baso ay kumuha na rin ako.
Bumalik ulit si ate Bea, dala naman niya ang fried rice. Bumaba na rin si kuya Timothy, bihis na bihis na siya.
"Good morning po, kuya Timothy." Ngumiti lang siya sa akin.
Pinagpatuloy ko na ang pagkain ko, maging si kuya Timothy ay umupo na rin.
"Eight in the morning pasok mo, Bella?" Sabay tingin nito sa watch niya.
Nilunok ko pa ang kinain ko bago ako sumagot kay Kuya, "opo." Tumango lang ulit siya sa akin at pinagpatuloy ang pagkain niya.
Pasadong alas-sais ng umaga, doon na kami umalis ni kuya Timothy.
Naging tahimik ang byahe namin, hindi ako nagsasalita. Nakakahiya kasi saka wala ako itatanong sa kanya. So, quiet na lang ako.
Hindi naging traffic ang papuntang FEU Morayta. Kaya naging smooth ang byahe namin ni kuya Timothy.
"Bella, susunduin pa ba kita?" Umiling na lang ako kay kuya.
"Hindi na po, kuya Timothy. Kaya ko naman na po. Saka po maaga po ang aking uwian." Tanggi ko sa alok ni kuya Timothy sa akin.
Bumaba na ako at kumaway sa kanya.
Tumingin ako sa entrance gate ng FEU, huminga ako nang malalim bago pumasok sa loob.
Palinga-linga ako habang naglalakad sa quadrangle ng FEU. Ang dami na ng mga estudyanteng naglalakad, iyong iba nag-uusap kasama mga kaibigan nila. Ako ito tulala at ninenerbyos.
Gumawi na ako sa building namin, nagtanong-tanong ako sa mga estudyanteng naglalakad kanina. Buti na lang mababait mga napagtanungan ko.
Nasa harapan na ako room namin, nahihiya man pero pumasok na ako. Lahat sila nakatingin sa akin pero bumalik din naman sila sa kanilang ginagawa.
Umupo ako sa bakanteng upuan, nasa dulong kaliwa ito. Inayos ko ang aking pagkakaupo habang nakatingin sa white board ng classroom. May ibang magkakakilala na yata.
May lumapit sa akin isang babae, chinita ang kanyang mata, naka-full bangs ito, medyo chubby ang kanyang pangangatawan pero ang ganda niya.
"Hi, I'm Francheska De La Cruz. Ikaw, anong pangalan mo?" Pagpapakilala nito sa akin habang nasa harapan ko ang kanyang kaliwang kamay.
Nakikamay ako sa kanya, "Hi, Bella nga pala. Nice to meet you!" Ngiti ko sa kanya.
Umupo ito sa kaliwang tabi ko, "gusto kitang maging friend. Pagkapasok mo pa lang gusto na kitang lapitan. Kanina pa kasi ako naghahanap ng kaibigan. Alam mo na freshmen."
Tumango naman ako sa kanya. Mukha naman siya mabait, e. Kaya pumayag na ako.
Biglang tumahimik ang buong klase ng may pumasok na dalawang lalaki, kumunot ang aking noo ng matandaan kung sino ang isang lalaking iyon.
Classmate ko siya?