18

1278 Words
Tamad na bumangon ako sa aking hinihigaan dahil ang makulit na cellphone ko ay kanina pa tumutunog, sino ba kasi iyong tumatawag? Antok na antok pa ako dahil sa ganap kagabi, anong oras na ba kami nakauwi sa bahay nila Kyro? Anong oras na rin kasi natapos ang party kagabi este kanina. Pasado alas-dose na ng madaling araw, iyong mga pamangkin ko nga tulog na tulog na. Nakapikit ang aking mga mata ng kunin ko ang aking phone sa side table, hindi ko na tinignan kung sino ang caller nito basta ko na lamang sinagot ang tawag. "Hello, sino ito?" Mahinang tanong ko sa kabilang linya. Garalgal pa ang aking boses na talagang kagagaling lang sa tulog. "Baby," "Huh? Sino ito?" Baby daw? May kakilala ba akong Baby? "Sorry, wrong number ka yata? Wala akong kakilalang o kaibigang nagngangalang Baby. Sige p--" Ibaba ko na sana ang tawag ng magsalita ulit ito, "wait. It's me Kori, baby." Nawala ang aking antok ng marinig ang pangalang Kori. Napatanga akong tumingin sa cellphone ko para makita kung si Kori nga ba ang tumatawag pero number lang ang nakalagay. Pinagloloko ba ako ng isang ito? Ang natatandaan ko ang nilagay niyang pangalan sa contact ko ay Your Baby. Bakit number na itong nasa screen ko? "Kuya, wala po kayong maloloko rito," pero naputol na naman ang sasabihin ko ng magsalita ulit ang nasa kabilang linya, "It's me, baby. It's Kori. I'm not kidding you, baby." Naninindigan ang kanyang boses habang kausap ako na siya talaga si Kori. "Bakit ka napatawag sa akin? Teka, Oo nga pala... Hinahanap ka ng Mommy mo kagabi, hindi ka man lang pumunta para i-congrats ang pinsan mo." sermon ko sa kanya. Kagabi kasi after umalis ni Tita Kassandra sa table namin, nagpatuloy ang pagtawag ni Kyro sa kakambal niya pero ni-isang tawag niya kay Kori walang sumagot man lang, ni-text nga hindi nagawa. Kaya nag-alala tuloy ang Mommy at ang Daddy nila. Totoo nga ang sinabi ni Kyro sakit sa ulo si Kori. "Sobrang nag-aalala si Kyro sayo, Kori. Buong gabi siya tumatawag sa number mo pero walang sumasagot at ni-isang text galing sa number mo wala rin siyang natanggap. Nasaan ka ba?" Sunod-sunod ang naging tanong ko sa kanya, sobra kaya nag-aalala ang mga tao sa kanya. Siya lang yata ang wala sa party kagabi. "I already called Kyro. He's going to where I am now. Don't worry either. I'm still alive." Napalabi ako sa sinabi niya. Ako nag-aalala sa kanya? Luh, asa siya. Manliligaw ko ba siya? Ginugulo lang niya buhay ko. In short, binubwisit. "Buti naman buhay ka pa, saka hindi ako nag-aalala sayo. Nag-aalala ako sa parents mo lalo na kay Kyro. Sobra ang pag-aalala niya sa'yo." sermon na sabi ko sa kanya. May narinig akong nag-aww sa kabilang linya, may mga kasama siya? Naka-loudspeaker ba ako? "Sino iyong mga iyon?" pagtatanong ko kasi ang ingay na sa kabilang linya. "Nothing. You don't care about me, do you?" Naging seryoso ang kanyang boses at maging ang ingay sa kabilang linya ay nawala. Bakit parang nakosensya yata ako? Nagtatanong lang naman ako kung sino mga kasama niya. "Okay, fine! Buti nga sinagot ko pa tawag mo kahit antok na antok pa ako! Huwag ka na tatawag sa akin, ha? Bwisit!" Hindi ko na siya hinintay makasagot sa akin, binaba ko na agad ang tawag. Bakit parang nasaktan ako? Ano ba itong nangyayari sa akin, siguro antok lang ito. Makatulog na nga lang ulit. ALA-UNA NA NG TANGHALI, tingin ko sa orasan na nandito sa kusina bago ako bumalik sa likod bahay nila ate Bea. Nasa likod bahay kami ngayon dahil nagswi-swimming ang mga pamangkin ko, ewan ko, bigla na lang sila nagyaya sa akin na magswimming kami sa pool nila. Umupo ako sa gilid ng pool, nakalublob ang aking mga paa habang binabantayan ang dalawa kong pamangkin parehas naman silang may suot na inflatable armbands sa magkabilang braso nila. Nilapag ko sa aking tabi ang kinuha kong mix fruits sa kitchen at tinawag ang dalawa kong makukulit na pamangkin para kumain muna. Nag-unahan pa silang lumapit sa akin, jusko. Maaga yata puputi ang buhok ko sa kanilang dalawa. Wala pang limang minuto naubos na agad nila ang mix fruits na dala ko. Tumayo ako at kinuha ang mangkok na babasagin na pinaglagyan ko. "Mario, Luigi, papasok lang saglit si Tita Bella, kukuha lang ulit ako ng fruits para sa inyong dalawa." Humarap sila sa akin at tumango sa sinabi ko. "Tita, water din po!" "Ikaw rin, Mario?" pagtatanong ko sa isa at tumango ito sa akin, "opo." Mabilis ang naging galaw ko sa kusina, mahirap na baka may hindi magandang mangyari sa dalawang pamangkin ko. Wala pa man din sila ate Bea, may importanteng pinuntahan kaya ang kasama lang namin dito sa bahay ay sila Manang. Binalikan ko ang dalawa na ngayon ay nag-e-espadahan na sa swimming pool gamit ang kanilang swimming pool noodle water float. Napatampal na lang ako sa aking noo. "Enough muna niyan, ito na ulit iyong mix fruits niyo and water." Paglapag ko pa lang ng mangkok at water jug nila sa gilid ng pool ay binato nila ang kanyang noodle water float at agad na pumunta sa gilid ng pool. Hinila ko ang pool lounge chair na nandito at doon ako umupo habang pinapanood silang kumakain. Kumain na rin ako ng kinuha kong cookies na bigay kagabi, hindi naubos kaya inuwi na lang. Pagkatapos na naman nilang kumain bumalik na naman sila sa dating gawi, nag-e-espadahan na naman silang dalawa. Kung ako nanay ng mga ito lalo ako magiging losyang dahil sa kanila. Buti na lang talaga maalaga sa sarili si ate Bea. Sumandal ako sa pool lounge chair, hindi naman mainit dahil may bubong dito sa likod bahay nila ate Bea kaya okay lang na nandito kaming tatlo. Habang malalim ang aking iniisip biglang tumunog ang aking cellphone, may tumatawag na naman. This time si Kyro na talaga. "Hi, sunshine!" Masigla ang boses nito ng sagutin ko ang kanyang tawag. Kinilig ako dahil sa endearment niya sa akin, Sunshine, dahil ako raw ang nagpaliwanag sa kanyang buhay. Sino ba ang hindi kikiligin sa banat niya? Sino? "Hello, Kyro?" mahinang sagot ko sa kanya. Nakakahiya kasi baka marinig ako ng mga pamangkin ko at baka asarin pa ako ng mga ito. "Where are you now, Sunshine?" Lalong lumambing ang kanyang boses ng magtanong ito sa akin. Buti na lang talaga hindi ko nakita ang mukha niya habang nagtatanong siya sa akin at the same malambing ang kanyang boses dahil kung nandito siya sa harapan ko ngayon ang mukha nu'ng si Kyro naka-seryoso. Lagi na lang seryoso ang mukha niya kahit na sweet ang boses ni Kyro. "Nasa likod ng bahay nila ate Bea, nagswi-swimming kasi sila Luigi kaya binabantayan ko sila wala kasi ngayon sila ate sa bahay. Bakit?" Pinalambing ko rin ang aking boses para naman kiligin din siya. "I just want to know where you are, sunshine and if you are safe. Did you eat already?" Ngumiti ako habang nakatingin sa itaas. Kinikilig ako! Kalma, self, relax! "Oo, ikaw? Kumain ka na ba?" Tumingin ako sa phone ko kung anong oras na, "One-thirty na Kyro dapat nakakain ka na." dugtong na sabi ko sa kanya. "Of course, I ate, sunshine. See you tomorrow? I want to see you now but I need to go somewhere." Tumango ako sa kanya kahit alam kong hindi niya ako nakikita. Alam ko naman kung saan siya pupunta. Pupuntahan niya ang kakambal niyang sakit sa ulo, si Kori. "Okay, see you tomorrow, Kyro! Keep safe, okay?" malambing na pagkakasabi ko sa kanya. "See you, Sunshine. I love you, I always do."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD