"Babe, eat this!" Napapangiwi at napapailing na lang ako nang palihim dahil sa tagpo na mayro'n sa aking harapan.
Hindi ko ma-take. Nakakasuka.
"Kumain ka pa, you need to be strong and gain weight. I already bought you vitamins." Napanguso na lang ako ng lagyan ulit ako ni Kyro ng pagkain.
Nasa Max restaurant pala kami, dito nila piniling kumain. Basta pagkarating namin ni Kyro rito nakahain na ang mga pagkain na inorder nila. Si Kori na rin yata ang nagbayad. Mayaman naman siya.
"I'm full, Kyro." mahinang sabi ko sa kanya habang nakatingin sa kanyang mga mata. Busog na talaga ako, hindi naman ako maraming kumain kapag gabi. Kasi naniniwala ako sa kasabihang, 'kapag breakfast eat like a Queen, sa lunch eat like a princess and sa dinner eat like a beggar.' Dapat kapag gabi madali ka lang tunawan dahil after nu'n matutulog ka na.
"Last na niyan, my sunshine." sinsero ang kanyang pagkakasabi kaya wala akong nagawa kung 'di kainin ang fruit salad na nilagay niya.
Masarap naman lahat ng pagkaing inorder nila pero busog na talaga ako. Ang dali kong mabusog talaga kapag dinner time, siguro alam na rin ng tiyan ko na dapat kapag gabi kunti lang kakainin ko.
Nai-tatlong kutsara ko lang ang fruit salad na nilagay ni Kyro at naubos ko na agad, sinamaan ko na siya ng tingin ng makita ko ang mata niyang nakatingin doon sa mashed potato.
"Busog na po ako," pagpapaalala ko sa kanya. Kinilabit ko si Kyro kaya tumingin ito sa akin, "gagamit lang akong restroom, ha? Huwag niyo ko iwan."
"Why would we leave you?" Sinamaan niya ako ng tingin dahil sa tanong ko. Mahirap na baka i-prank ako ng mga ito, kabisado ko naman na pauwi pero sayang iyong pamasahe.
"Malay mo i-prank niyo ko. Basta restroom lang ako, ha, Kyro?" Tumango ito sa akin. Dinala ko ang aking bagpack papunta sa restroom.
Ihing-ihi na talaga ako, e. Ang dami ko kasing nainom na iced tea, masarap iyong iced tea na inorder nila. Ano kayang brand name ang ginamit ng restaurant na ito.
Buti na lang walang gaanong umiihi kaya nakapag-restroom agad ako na walang abala. Tinignan ko muna ang aking ngipin kung may sumingit na kanin-kanin o ulam sa pagitan ng mga ito, inshort tinga. Nang makitang ayos naman na saka ako naghugas ng kamay ko.
Ang ganda mo talaga, Bella. Kaya dapat magfocus lang tayo kay Kyro. Siya naman talaga manliligaw natin, 'di iyong playboy na kakambal niya. Eew.
Pinagpagan ko ang aking uniform, sinulyapan ko ang aking sarili sa huling pagkakataon at lalabas na sana ng makita ko si Kori na nakaabang sa pinto.
Anong ginagawa niya rito? Restroom ito para sa babae, nasa kabilang iyong panlalaking restroom.
Hindi ko na sana siya papansinin at lalagpasan na ito pero hinuli niya ang aking braso. Nakatingin lang ako sa kanya at pilit na tinatanggal ang kanyang pagkakahawak sa akin.
"Ano ba, Kori? Let me go!" Kahit gusto kong taasan ang aking boses 'di ko magawa. Pinipilit kong pakalmahin ang aking sarili para 'di gumawa ng eskandalo sa loob ng restaurant.
"How many times have I told you to stay away and avoid Akihiro Yoo." seryoso ang kanyang pagkakasabi, bawat salitang lumalabas sa kanya ay may diin. Humihigpit ang kanyang pagkakahawak sa aming braso. Magkakapasa ako kapag 'di ko pa tinanggal ang kamay niya.
"Ano ba, K-kori! L-let me go!" Hindi siya nakinig sa sinabi ko bagkus nararamdaman ko na ang kanyang kuko na bumabaon sa aking balat.
"Stay away from him." Salubong ang kanyang mga kilay, namumula ang kanyang tenga.
"A-ano bang pake mo? Kaibigan ko si Aki! Mabait siya kaya p'wede ba bitawan mo ko!" Pumapalag na ako sa kanyang pagkakahawak pero hindi pa rin niya binibitawan.
"When I tell you to stay away, stay away from him!" Lumakas ang kanyang boses kaya ang mga staff at ibang customer na nandito ay napapatingin na sa amin.
Natatakot na ako sa kanya. Hindi ko na nga maramdaman ang braso kong hawak niya.
"Sir and Ma'am, excuse me. Is there a problem here?" May lumapit sa aming isang crew ng restaurant at nakita ko sa kanyang uniform ang salitang manager.
Nakita kong napatingin siya sa aking braso na madiin pa rin ang hawak ni Kori roon.
"No, just leave us alone." baritono at seryosong sabi ni Kori sa Manager pero umiling ako sa manager at huwag akong iwan.
"Sir, nasasaktan na po yata si Ma'am sa pagkakahawak niyo." Nakita kong naging malumanay ang kanyang ekspresyon at lumawag ang kanyang pagkakahawak sa aking braso.
Hindi nga ako nagkamali, namumula na ang braso ko kung saan hinawakan ni Kori. Magkakapasa na naman ako.
Nakatitig ito sa akin at hindi alam kung anong gagawin niya. Tinalikuran ko lang at nagpasalamat ako sa manager kung 'di dahil sa kanya mas magiging grabe pa itong pamumula sa braso ko.
Lumakad ako pabalik sa upuan namin, gusto kong maiyak dahil sa ginawa niya. Ano bang problema niya? Hindi ko naman sila ginugulo ng girlfriend niya.
Nang makarating ako sa upuan namin, nakita kong nakatingin sa akin si Kyro at mukhang nag-aalala ang kanyang tingin dahil siguro natagalan akong magrestroom.
Ngumiti ako sa kanya at lumapit sa p'westo niya, "uwi na tayo? Maaga pa ako bukas, Kyro." Pinapagaan ko ang aking boses para hindi niya mahalatang malapit na akong umiyak.
Tinakpan ko rin ang aking kanang braso kung saan mahigpit na humawak si Kori. Masakit nga, e. Pero, tiniis ko para hindi sila mag-away na dalawa dahil sa akin.
"Are you okay? Is there a problem?" Bakas sa boses ni Kyro ang pag-aalala niya. Ibang-iba sila ni Kori. Sobrang magkaiba silang dalawa.
Lumihis ang kanyang tingin sa akin at nakita kong dumaan sa gilid ko si Kori. Naka-pamulsa siya hanggang makaupo sa p'westo niya kanina. Hindi ako makatingin sa kanya. Natatakot ako sa kanya.
"W-wala naman. Gusto ko na lang talaga umuwi. May mga assignment pa akong gagawin, Kyro." Yumuko ako pakatapos kong magsalita. Hindi ako marunong magsinungaling.
"Alright." Tumayo na rin siya at tumingin sa dalawang taong nasa harapan namin. "sasabay pa ba kayo pauwi sa amin, Kori?" Napalunok ako ng banggitin ni Kyro ang pangalan ng kakambal niya.
Matagal bago ako nakarinig ng sagot mula sa kanila, si Chandall ang sumagot kay Kyro, "no need na, Kyro. My driver is coming. I sent a message earlier. Ingat kayo, diba, babe?" Gusto kong masuka dahil sa sinabi nu'ng Chandall.
Sinasaktan din siguro siya ni Kori? Kung sinasaktan man siya ba't hindi pa siya makipaghiwalay d'yan.
"Sasabay ka na lang sa kanila, Kori?" tanong ni Kyro sa kakambal.
Hindi ko na hinintay pa na magsalita si Kori, "tara na, Kyro?" Inaya ko na agad si Kyro at hinila palabas ng restaurant.
Buong byahe namin nagtatanong siya kung anong problema ko, ba't ang ilap ko. Ba't hindi raw ako nagsasalita na parang takot na takot daw ako.
Wala akong sinabi sa kanya, sinabi ko na lang kay Kyro na pagod na marahil ako. Kaya gusto ko na matulog agad at makapagpahinga sa bahay. Hindi na rin nagtanong si Kyro pagkalabas ko sa kanyang kotse.
Nasa kama na ako pero tulala pa rin ako sa nangyari kanina. Nagawa niya akong saktan. Napatingin ako sa aking kanang braso, may pasa na roon.