Naging mainit ang labanan ng mga senior versus freshmen sa basketball. Dumami ang mga nanonood dahil sa intense ng laban nila.
Tumingin ako sa scoreboard at dikit ang score nila 21-25 favor sa freshmen ang score. Ang galing ni Aki magshoot ng bola, nakakailang three points na rin siya kaya kaninang sampu na nanonood kasama kami ni Francheska ay bigla dumami dahil sa kanila.
Magaling din si Cashel na siyang nagbabantay roon sa captain ng basketball team, nahihirapan tuloy kumuha ng bola dahil sa galing dumepensa ni Cashel.
Para silang hindi freshmen maglaro.
Napatalon kami ni Francheska ng naka-three points uli si Aki sabay pa kaming pumalakpak at sumigaw.
"Go Aki! Go Cashel!"
"Let's go cous!"
Maging ang ibang nanonood ay nakikisabay na rin sa pagsigaw namin. May mga babae na ring tumitili kapag nakaka-shoot si Akihiro. Tumitili dahil gwapo, hindi ko naman sila masisisi.
Nasa kasagsagan ng init nang laban ng maramdaman kong nag-vibrate ang aking phone. Hindi ko sana papansinin pero patuloy ito sa pag-vibrate, nasa bulsa ng jeans ko pa naman.
Pagkuha ko sa aking phone nakita ko roon ang pangalan ni Kyro, tumatawag siya. Lalong lumaki ang mga mata ko ng makita ang oras sa cellphone.
3:16PM na.
Hindi ko namalayan ang oras dahil napasarap ang panonood ko sa laban nila.
Kinalabit ko si Francheska na nakatayo na habang todong nagche-cheer sa dalawa.
"Fran, I need to go. Nandyan na iyong sundo ko." Lumingon ito sa akin at muling umupo sa aking tabi.
"Nandyan na?" Tumango ako sa kanya, "ay! Uuwi ka na?" Patingin-tingin siya sa akin at sa loob ng court.
"Ang gwapo nu'ng naka-number two na jersey!"
"Ang pogi naman po, kuya!"
Lalong umingay ng maka-three points ulit si Akihiro kaya maging ang mga kalalakihan na may pusong babae ay sumisigaw na rin.
"Habulin talaga si cous ng mga pusong babae," nakita kong ngumiwi si Francheska kaya maging ako napangiwi na rin.
"Pakisabi na lang kina Aki at Cashel, ang galing nila, ha? See you na lang bukas, kanina pa tumatawag." Pinakita ko ang phone ko kay Fran nakita niya roon si Kyro na walang tigil na tumatawag. Hindi ko masagot dahil maingay rin dito kaya 'di rin kami magkakaintindihang dalawa.
"Sige, ingat ka, ha? Magchat ka kapag nakauwi ka na sa inyo." Ngumiti ako sa kanyang sinabi at bumeso rito.
"Kayo rin, Francheska. See you tomorrow!" Tumayo na ako at sumingit sa mga nanonood para makalabas ng gym.
Huminga muna ako nang malalim bago sinagot ang tawag ni Kyro. "Hello, Kyro? Papunta na ko d'yan, sorry, ha?" Lakad-takbo ang ginagawa ko para makarating agad sa parking lot.
"It's okay, my sunshine. I'm here, waiting for you, okay?" Napangiti ako at bumagal ang aking lakad ng matanaw ko si Kyro na nakasandal sa kanyang kotse.
"Ang pogi mo, mas pumopogi ka kapag nakangiti, Kyro!" Nakita kong lumilinga-linga siya, mukhang hinahanap niya ako.
"I got you, my sunshine!" Ngumiti at napagikhik ng makita niya ako. Kumaway ako sa kanya at kumaway rin siya pabalik sa akin.
Binaba ko na ang tawag maging siya ay gano'n din ang ginawa niya, tumakbo akong papalapit sa kanya habang nakalahad na sa aking harapan ang kanyang braso. Yumakap ako sa kanya pabalik, naramdaman ko na lang ang paghalik niya sa aking buhok.
"Sorry, nanood ako ng laban ng basketball team. Kasali kasi sila Akihiro napasarap panonood ko 'di ko napansin niyong oras." Tumingala ako sa kanya at eksaktong nakatingin kaming dalawa.
"P'wede na ba tayong umalis?" Nawala ang tingin ko kay Kyro ng makita si Kori na nakasilip sa bintana.
Napatingin ako kay Kyro, "huwag mo na lang pansinin." Ngumiti ako sa kanya, panira ng moment talaga itong si Kori. Bwisit.
Binuksan niya ang passenger seat at doon ko lang napansin na may kasama pa kaming isa pang babae.
"She's Chandall, huwag mo na lang sila pansinin." bulong sa akin ni Kyro at sinarado ang pinto, umikot sa driver seat.
Nagseat belt ako bago umandar ang kotse. Naging tahimik ang byahe namin pero ang dalawa sa likod ay naglalandian.
"Babe, who is that?" rinig kong sabi nu'ng babae na nagngangalang Chandall daw.
Hindi ko agad ito makakasundo, pananamit pa lang niya hindi ko na gusto. Konting hila pa pababa ng kanyang crop tops lalabas na ang dibdib niya panigurado.
"She's nothing," napamaang ako sa sinagot ni Kori.
Nothing? May pangalan ako, mas maganda pa ang pangalan ko kaysa d'yan sa katabi mo. Ang ganda-ganda ng Bella, che!
Nothing pero kung maka-baby nu'ng unang kita namin wagas. Pinang-ikutan ko na lang siya ng aking mga mata.
Bakit kasi sinama pa ni Kyro niyong dalawa, akala ko date namin ito. Double date pala.
Nakatingin lang ako sa harap at hindi ko pinapansin ang malalanding tono na nasa likuran ko. Kung maglandian akala mo walang taong kasama.
Nakarating kami ng matiwasay rito sa SM Fairview, dito kami dinala ni Kyro para raw malapit na sa subdivision.
"Babe, where shall we eat? We've been walking around." Napairap ako ng marinig na naman ang maarte nitong boses.
Humarap sa amin si Kori na nakapamulsa habang naglalakad ito patalikod pero agad kong iniwas ang paningin ko sa kanya, "Bro, where are we going to eat? My girlfriend is hungry."
Nanigas ako ng marinig ang sinabi niya. May girlfriend naman pala bakit ginulo pa ako nu'ng unang kita namin. Playboy.
"Where do you want to eat, my Sunshine?" Napaharap ako kay Kyro at nakatingin ito sa akin, ang seryoso na naman niya.
"Kahit saan, okay naman sa akin kung saan kakain. Pero, may need pa pala akong bilhin sa National bookstore, Kyro." Naalala ko na need ko pa lang bumili ng yellow padpaper and short and long bondpaper, mauubusan na kasi ako.
Huminto si Chandall at humarap sa akin, "Kami na lang hahanap ng food, text na lang namin kayo kung saan kami." Sabay na tumango kami ni Kyro.
Buti pa nga para pagdating namin may pagkain na kung anong restaurant man ang papasukan nila.
"No!" Nabigla kami ng tumanggi si Kori sa ideya ng girlfriend niya. "I mean, the food might get cold when we’re ahead of the two of you."
"No, babe! It won't cool down right away and then they'll buy it quickly, right? Please, let's go ahead of them, I'm hungry." Sinukbit pa ni Chandall ang kanyang kamay sa braso ni Kori.
Hindi siya nakatingin sa girlfriend niya bagkus sa akin ito nakatingin. Anong problema niya?
"Madali lang kami, Kori. Mauna na kayong dalawa, tawagan niyo na lang kami." Seryoso ang boses ni Kyro at saka niya ako hinawakan sa aking kanang kamay.
Hindi na namin sila hinintay na magsalita, tumalikod na kaming dalawa ni Kyro.