Nagising akong masakit ang aking kanang braso. Nagkulay ube ang aking braso. Paano ko maitatago ito?
Bumangon ako at chineck ang aking phone, may dalawang messages ako. Binuksan ko ang mga ito. Unang text ay galing kay Kyro.
"Good Morning, my Sunshine. Rise and shine. I love you always."
Basa ko sa kanyang message. Kung anong sweet ni Kyro kahit seryoso ang isang ito siya naman kaibahan ni Kori. Halimaw siya.
Sunod na nabuksan ko ay ang text mula sa halimaw na iyon.
"Sorry, Bella. I did not mean it. I was just angry to hear earlier that you and Akihiro Yoo are together. Please, stay away from him for me, baby. Stay away from him."
Sino ba siya para sundin ko? Hindi ko naman siya magulang o kapatid para makinig sa kanya. Hindi ko rin siya kaibigan kaya bakit ako makikinig sa sasabihin niya.
Bumangon ako at madaliang naligo dahil kada lumalandas ang tubig sa aking braso ay umaaray ako.
Buti na lang talaga civillian kami ngayon, hindi namin need mag-school uniform at ayos na rin ito dahil matatakpan ko ang aking pasa. Sinuot ko na lamang ang checkered na kulay blue and white kong 3/4 long sleeve at black jeans na pineresan na sneakers na kulay black.
Natatakpan na ng suot kong damit ang pasa sa braso ko p'wera na lang kapag nasangga ito. Paniguradong masasaktan ako.
Sa aking pagkababa, bumungad sa akin si Kyro. Tinitigan ko pa ang isang ito baka kasi magpanggap si Kori bilang si Kyro.
"Hi, my sunshine! Good morning!" Ngumiti ito sa akin at nang makitang nakatingin lamang ako sa kanya kumunot ang makinis niyang noo. "Is there a problem, my sunshine? Do I have dirt in my face?"
Umiling ako sa kanya at nilapag ang aking bag sa sofa-ng inuupuan niya. "Wala naman, Kyro." Tinititigan lang kita baka kasi ikaw si Kori at nagpapanggap ka lang na ikaw si Kyro. Gusto ko sana i-dugtong iyon sa kanya pero hindi ko na ginawa baka kasi magtanong siya kung anong ginawa sa akin ng kakambal niya. "Kain muna ako, ha?" Ngiti ko rito at pumunta na sa kusina.
Naging mabilis ang lumipas na oras. Tahimik lang ang naging byahe namin na siyang kinatataka niya. Mostly, kasi sa byahe naming papunta sa school lagi akong nagkukwento about sa activities namin pero ngayon tahimik lang akong nakaupo sa passenger seat. Walang imik.
"Sige, Kyro! Ingat ka sa byahe!" paalam ko rito at bumaba na rin agad sa kotse niya. Naging mabilis ang lakad ko, pakiramdam ko kasi kukulitin niya ako kung ano talaga ang problema. Mukhang nakaramdam na kasi siya.
Pinasigla ko ang aking boses ng makita ko si Francheska na nag-iisang nakaupo sa p'westo namin habang nakapanglumbaba ito sa kanyang desk.
"Hi, Fran! Kumusta laban kahapon? Nanalo ba sila?" bati ko sa kanya at nilapag ang aking bag sa kanyang tabi.
Tumingin siya sa akin at tumango, "nanalo sila Cashel."
"Nanalo naman pala ba't ganyan ang mukha mo? Anong nangyari sa'yo?" Nilabas ko ang libro para sa subject namin dito.
"Naging sikat sila sa buong campus. Tapos, iyong naging Ms. FEU nu'ng nakaraang taon nilalandi si Cashel." Napahinto ako sa kanyang sinabi, ngayon ko lang nakita ang dalawang bag. Bag nina Cashel at Akihiro.
"Nasaan iyong dalawa, Fran?" Binuklat ko ang libro at binasa ang susunod na lesson namin dito.
"Kasama nila. Kasama nu'ng Nathalie at Pauline. Pumunta rito niyong dalawang babae kanina ta's 'di ko na alam kung sa'n sila pumunta." Pinang-krus niya ang kanyang braso sa desk at yumuko rito.
"Hay! Bakit hindi niya ako nakikita bilang babae, Bella. Hindi ba niya nararamdamang may gusto ako sa kanya?" Napabuntong hininga ako dahil kay Francheska. Naaawa ako sa kanya. Ilang taon na ba niya gusto si Cashel pero iyong isa manhid yata o wala talaga siyang gusto kay Fran.
"Ayos lang niyan, Fran, malay mo hindi pala siya ang para sayo. Diba, si Zander iyong sa kabilang major may gusto raw sayo?" Naalala ko niyon. Nu'ng isang araw papunta sana kami ni Fran sa restroom biglang may nagtulakan sa harap namin at mga nagbubulungan iyong apat na lalaki sa gilid namin.
Nagbubulungan pa sila ay rinig naman namin iyong sinasabi nilang, "bro, pormahan mo na. Kausapin mo na si Francheska."
"Eh, wala naman akong gusto sa kanya. Gwapo si Zander pero mas gwapo si Cashel." mahina niyang pagkakasabi sa akin habang naka-ubob pa rin ito.
"Paano ka niya nakilala, Fran?" Sinarado ko ang librong hawak ko. Naging interesado ako kung paano sila nagkakilala nu'ng Zander. Mukha namang mabait niyong Zander, ang neat pa niyang tignan at amoy baby powder pa.
"Naging classmate ko rin siya nu'ng High school at senior high. Kaya kilala niya ako at maging iyong nagtulak sa kanya." Humarap siya sa akin, "matagal ko naman na alam na may gusto siya sa akin, e. Pero, ayoko siyang masaktan dahil pinilit ko lang sarili ko sa kanya. Ayoko lokohin ang aking sarili, Bella."
Umayos na kami ng upo nang makita ang professor namin na pumasok na sa classroom. Kasunod ni Professor sina Cashel at Akihiro, maging ang ibang classmates namin na nasa labas.
"Wooh! Buti na lang save by the bell!" hiyaw na sabi ni Cashel sa amin.
Mukhang masayang-masaya siya, ha? Hindi niya alam si Francheska nasasaktan na sa pinaggagawa niya.
Naging tahimik ang discussion sa subject na ito, paano ba naman nag-graded recitation si Sir kung ano raw ang aasahan namin this semester.
Dalawang subject pa ang lumipas, hindi pa rin naaalis ang ngiti ang pagka-hyper ni Cashel. Para siyang nakalunok ng maraming Enervon.
Binabaybay na namin ang daan papunta sa canteen, ang daming naglalakad sa bawat hallway, mukhang lahat sila free time na.
Dahil nahirapan kaming maghanap ng mauupuan sa loob ng canteen, pinili naming sa labas kumain. May mga fast-food chain sa labas ng FEU kaya 'di kami nahirapan mamili.
Dito kami tumungo sa pulang payaso, sa harap lang mismo ng first gate ng FEU. Walang gaanong tao at estudyante kaya nakahanap kami ng p'westo.
"Kami na lang mag-order, ha?" Tumingin sa akin si Francheska, iaabot ko sana ang pera ko sa kanya pero umiling ito sa akin, "no need na, Bella. Libre ni Akihiro, nanalo raw siya, e. Hindi ko alam kung saan siya nanalo."
Umalis sina Cashel at Francheska para bumili na kaya napatingin ako kay Akihiro na nakaharap din pala sa akin.
"Saan ka nanalo? Nanalo ka sa lotto?" pagtataka ko sa kanya.
Ngumiti lang siya sa akin at ginulo ang aking buhok. Simula na makilala ko siya lagi na lang niya ginugulo buhok ko. Ang ikli na nga lang, e. Pinagupitan ko na kasi.
"A-aray," nasanggi ni Aki iyong kanang braso ko kung sa'n ang aking pasa.
Nagtataka siyang tumingin doon, nakalagay na ang aking kaliwang kamay sa aking kanang braso.
"May sugat ka? So are you wearing 3/4 long sleeves now?" Napaiwas ako sa kanya. Hindi ako umimik sa kanyang sinabi kasi kapag nagsalita pa ako hahaba lang ang pag-uusapan namin.
Gano'n na lang ang aking gulat ng tanggalin niya ang aking kamay sa pagkakahawak ko sa aking braso at inangat niya ang sleeves na suot ko. Doon nakita niya ang kulay ube kong pasa.
"Sino may gawa nito, Bella?" Nakakatakot ang kanyang pagkakasabi, hindi ako makapagsalita. Hindi rin ako makakilos dahil sa kanyang tingin.
"W-wala. N-nabangga lang ako sa closet ko kaya nagkaroon ako ng pasa." Halos mautal pa ako dahil sa kanyang titig.
"I repeat my question, sinong gumawa sa'yo nito?"
"Wala nga, Aki. Nabangga talaga ako sa closet ko. Nagsasabi ako ng totoo." Binaba ko na ulit ang sleeves ko at tumayo ako para sundan sila Francheska.
Gusto ko man sabihin sa kanya pero baka akalain niya si Kyro ang may gawa nito. Hindi pa naman niya nakikita si Kori, e.