19

1221 Words
Umagang-umaga pa lang nakapa-hyper ko na agad. Sino ba naman hindi magiging hyper kung may manliligaw kang sobrang sweet. Maghapon akong nakangiti at sobrang hyper dahil sa sinabi ni Kyro sa akin. Sinabihan nga ako ni ate Bea kung anong nangyayari sa akin dahil hindi raw maalis ang aking ngiti. Nakangiti akong tumingin sa salamin habang suot ang uniform namin na pang-education course, need na kasi namin magsuot nito dahil second week na ng klase. Tuwing Tuesday and Thursday naman p'wede kaming mag-civillian. Naglagay ako ng liptint sa aking labi pero light lang para magmukhang natural lang. Tinirintas ko rin ang aking buhok - trintas na fish tail ang tawag kumuha ako ng manipis na hibla na malapit sa aking forehead at saka ko iyon pinaikot gamit ang aking hintuturo na daliri. Para kumulot nang kaunti. Umikot pa ako sa harap ng salamin at nang makitang maayos na ang aking itsura bumaba na ako. Naabutan ko sa sala si Kyro na naghihintay sa akin. Naka-uniform din siya katulad ko pero pang-De La Salle iyong uniform na suot niya. "Hi," masiglang bati ko sa kanya at kumaway pa ako rito. Hindi naman ako ganito ka-hyper lalo na sa mga kaibigan kong lalaki pero nag-iba ako dahil kay Kyro. Alam mo niyon sobrang sweet niya, sobrang caring and mabait 'di katulad ng kakambal niyang si Kori. Speaking of Kori, hindi na nga siya nagtetext sa akin o nanggugulo man lang. Siguro natauhan na siya na wala naman akong pake sa nararamdaman niya. Bumalik ang aking paningin kay Kyro ng magsalita ito, "good morning, sunshine." sobrang sweet ng boses niya pero ang mukha talaga ni Kyro ay napakaseryoso. "Good morning din, Kyro! Kanina ka pa ba?" Tumingin ako sa orasan na nasa sala, "ang aga mo today, na-miss mo ko?" pang-aasar ko sa kanya. Lalong lumaki ang aking ngiti ng tumango ito at kinurot ang aking pisngi, "yeah, I really do." Na-miss niya ako! "Eat first, I'll just wait for you here, Sunshine." turo niya sa sofa at umupo roon. "Kumain ka na?" Tumango lang ito sa akin at saka tinuro ang kusina. "Okay!" Nilapag ko ang aking bag sa sofa, nagulat akong kinuha niya iyon at niyakap. Si Kyro talaga. "Bibilisan ko ang pagkain ko," ngiti ko rito. Nakakahiya naman kung paghihintayin ko siya. "Don't. You might be choke. I can wait and it's still early." ani niya sa mababang tono. Bakas sa boses ni Kyro ang pag-aalala sa akin. Natapos na rin akong kumain kahit pinagsabihan ako ni Kyro na huwag akong mabilis kumain, binilisan ko pa rin. Nakakahiya naman kung paghihintayin ko siya, ihahatid niya ako sa campus and diretso na rin siya University niya baka magkaroon pa ng traffic papunta roon at baka ma-late pa siya dahil sa akin. "Sunshine, do you have anything else to do after your class?" Napatingin ako kay Kyro na abala sa pagmamaneho. Nag-isip muna ako kung may gagawin ba ako mamaya after class ko, nang maalalang wala naman kaming usapan ni Francheska, umiling ako sa kanya. "When you come home later, will you do any assignments or other work that you left behind at school?" Umiling ulit ako sa kanya. "Hindi ko pa alam, Kyro, pero kung ngayon ang babasehan lahat ng activities ko sa school tapos ko na." May assignments kami sa isang subject namin sa Assessment, madali lang naman dahil kay kumpareng encyclopedia kaya tapos ko na. Tumango ito sa akin, "can I ask you out later? Let's go home before six, we'll just have a snack." Napangiti ako sa sinabi niya pero hindi ko pinapahalata sa kanya na kinikilig ako, gusto ko maging Maria Clara sa paningin niya, "okay! Before six uuwi tayo, Kyro!" Pag-uulit ko sa kanyang sinabi. "Of course, I promise." Saglit na tumingin siya sa akin at saka bumalik ang kanyang tingin sa daan. "Bye! Ingat sa byahe, Kyro, text ka kapag nasa classroom ka na?" Bilin ko sa kanya ng makababa ako sa kanyang kotse. Hindi ko na siya pinababa balak pa niya kasing pagbuksan niya ako ng pinto pero I insist. "Yes, my Sunshine. I will text when I get to campus." Ngumiti ako sa kanya at kumaway bago niya tinaas ang window ng sasakyan. Ganito ba kapag inlove? Ganito ba kapag nasa tamang tao ka? Ang sarap sa feeling na ma-inlove dapat pala nu'ng una pa lang na-inlove na ako. Alam ko na ang pakiramdam na kiligin katulad ng kilig ni Tricia sa first boyfriend niya. Masaya akong nakikinig habang nagle-lecture ang professor namin sa Biology. May maramdaman akong sumiko sa akin, nakita ko roon si Aki na titig na titig sa mukha ko. Ang gwapo ni Aki pero habang tumatagal nagiging baliw ang isang ito. "Ngiting-ngiti ka d'yan tapos na iyong klase natin." Napapikit ako at tinignan ang classroom namin, wala ng tao. "Nasa'n na sila?" Anong klaseng tanong iyon, Bella? Malamang lumipat na sa ibang classroom. Pang-biology class lang ang room na ito. Hindi ako nakapalag ng kunin ni Aki ang bag ko ang sinukbit sa kaliwa niyang braso, "come on, Bella, mahuhuli tayo sa next class." Mabilis na tumayo ako at hinabol siya. "Nasa'n si Fran? Ba't hindi niya ako tinapik?" pagtatanong ko sa kanya habang nasa likod niya ako. Ang haba naman kasi ng bias niya. "Bigla na lang tumakbo after class," bumagal ang kanyang paglalakad kaya nakasabay ako sa kanya. "Nasaan iyong bag niya? Sino kumuha?" "Cashel," bagot at maikling sagot niya sa akin. Nang makarating sa next classroom namin, laking pagsasalamat ko wala pa si professor, next subject kasi namin ay Komunikasyon Sa Akademikong Filipino. Mukhang easy ang subject pero hindi, nag-advance reading ako sa subject na niyan at buong semester na ito reporting kami. Umupo ako sa tabi ni Fran, "bakit iniwan mo ko? Hindi mo ko kinalabit na tapos na klase natin." "Sorry, Bella, ihing-ihi na kasi ako. Lalabas na kaya tumakbo na ako." hingi nitong paumanhin sa akin. Mga nakaupo lang kami at hinihintay ang professor namin nang may sumigaw na, "wala si prof! P'wede na raw umuwi!" "Huh?" "Yes!" "Tara mall tayo?" "Sa Isetann Mall tayo, may bagong bukas na pagkain doon." "T-teka," tumayo ako at pinigilan ang nag-announce sa amin. "Diba may isa pa tayong klase? Sa Fundamentals Of Mathematics?" Tumango ito sa aking sinabi. Iyon kasi ang last subject namin tuwing MWF. "Pinuntahan na namin si prof sa Fundamentals wala rin daw tayong klase sa kanya, may meeting ang mga Mathematics teacher. Kaya p'wede ng umuwi." Tatlong subjects lang pinasok namin. Second week na ngayon pero parang opening classes pa rin ang pakiramdam. Wala na akong nagawa ng makitang naglalabasan na ang mga kaklase ko kaya maging kami nila Fran ay tumayo na rin. "Tambay muna tayo sa gym, Bella. May practice sila Aki mamayang three." Nag-angat ako ng tingin sa kanya, tinetext ko na kasi si Kyro na wala na akong klase, one in the afternoon pa lang. Mamaya pa ang labas ni Kyro. "Three?" Ulit kong tanong dito. "Ay, teka! Nagtext si Aki, punta na raw tayo sa gym, nagpapractice na raw pala sila. Wala kasi tayong klase kaya siguro naurong. Tara?" ani niya sa akin at hinila na ako. Ano pa nga ba? Kaysa naman tumunganga ako sa parking at hintayin mag-three o' clock ng hapon para sunduin ni Kyro. "Tara!" Wala na akong nagawa kung 'di magpahila na rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD