23

1566 Words
Matapos ang lunch kanina, hindi ko na masyadong kinakausap si Akihiro. Natatakot akong baka buksan niya ulit ang usapin kanina. Hindi ko talaga masabi na si Kori ang may gawa nu'n kaya nagsinungaling na lang ako. Naging tahimik din naman si Akihiro sa sumunod naming subject. Hindi rin siya umiimik at nakatingin lamang sa akin kaya umiiwas na lang ako sa kanya. Nang matapos ang klase namin, laking pasasalamat kong 'di niya sinabi kina Francheska at Cashel ang kanyang nakita. Nilagay ko ang mga gamit ko sa loob ng aking bag, susukbitin ko na sana ang bagpack ko ng unahan ako ni Akihiro. Nilagay niya ito sa kanyang kaliwang balikat kasi sa kanang balikat niya ay ang kayang bag. Tumingin siya sa akin at nauna ng naglakad palabas ng classroom. Hinabol ko siya pero mas pinili kong maglakad sa likuran niya. Nahihiya kasi ako sa kanya, nagsinungaling ako tungkol sa pasa ko tapos ngayon buhat-buhat niya ang bagpack ko. Lumingon ako sa aking likuran, 'di ko nakita sina Cashel at Francheska na sumunod sa amin. Saan kaya pumunta ang mga iyon? "Pumunta silang library, may hihiraming book si Fran." Tumigil sa paglalakad si Akihiro at lumingon sa akin. "Come on? Baka nandyan na sundo mo." Tumango ako sa kanya at sinabayan siya maglakad. Wala pa ring imik sa pagitan naming dalawa. Parehas yata kaming naghahanap ng tiyempo sa isa't-isa. Nang makarating sa parking lot, natanaw ko na roon ang black na SUV ni Kyro. Nasa as usual na p'westo niya siya naka-parking. Nakatayo si Kyro sa tabi ng driver seat at alam kong nakita na niya ako. Kumaway siya sa akin kaya kumaway na rin ako pabalik sa kanya. Kahit naka-tinted eyeglasses siya alam kong nakangiti ang kanyang mga matang nakatingin sa akin. "Thank you, Akihiro. Salamat kasi 'di mo sinabi kina Francheska at Cashel ang tungkol sa nakita mo. Sana wala ng makaalam, ha? Thank you uli!" Ngumiti ako sa kanya at saka kinuha ang aking bag. Tumakbo akong palapit kay Kyro na ngayon ay nasa passenger seat na siya, nakaabang sa akin para pagbuksan ako ng pinto. "Thank you po! Ang aga niyo naman po, Kyro." pabirong sabi ko sa kanya at pinaupo na ako nang maayos sa passenger seat. "I don't want to wait as long for my sunshine." Kinurot niya ang aking pisngi at saka sinarado ang pinto. Hindi talaga siya nawawalan ng banat sa akin. Kaya ibang-iba siya kay Kori. Inayos ko ang aking seatbelt, pagka-ayos ko, nakita ko si Akihiro na kinakausap si Kyro. Sinabi ba niya? Sabay na tumingin sila sa akin at nakita ko na lang na lumayo na paalis si Akihiro habang kumaway ito sa akin. Napalunok ako ng makitang pasakay na sa kotse si Kyro. Sinabi ba niya? Kinagat ko ang aking ibabang labi ng tuluyang nakasakay sa kotse si Kyro. Narinig ko siyang bumunting hininga at ramdam kong nakatingin na siya sa akin. Nanunuyo na ang aking lalamunan dahil sa kaba. Kinakabahan akong nakatitig ngayon sa akin si Kyro. "Who did it? Where did your bruise come from?" Napaawang ako dahil sa tono ng pananalita niya. Sinabi nga ni Akihiro kay Kyro. Akala ko ba hindi na niya sasabihin. Napalunok ako habang nakatingin sa harap ng sasakyan, 'di ko kayang titigan si Kyro ngayon. "Who did it, my sunshine?" ulit niyang tanong sa akin. Hahawakan niya sana ang aking balikat pero napakislot ako. "I won't hurt you, My sunshine. Who did that to you? Is it Kori?" Napasiksik ako sa bintana ng sasakyan niya. Nanginginig ang aking buong katawan dahil sa sinabi niya. "Kaya ba nag-aya ka na agad umuwi kagabi dahil sa ginawa niya? Why did not you tell me?" Bakas sa boses ni Kyro ang pagtitimpi habang kinakausap niya ako. Yumuko na lang ako at hindi ko namalayang humihikbi na pala ako, "I'm sorry, my sunshine. I'm not mad at you. I hate Kori and not you. Why you didn't tell me?" Niyakap niya ako habang umiiling ako sa kanya. "Natakot ako baka kasi mag-away kayo dahil sa akin, Kyro. Natatakot ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit kailangan kong iwasan si Akihiro. Mabait naman si Akihiro at kaibigan ko siya. Galit na galit siya kagabi ng lumabas ako sa restroom. Sobrang diin ng pagkakahawak niya sa kanang braso ko, pinipigilan at nakikiusap ako sa kanya pero 'di siya nakinig sa akin. Buti na lang dumating niyong manager ng restaurant kaya nabitawan niya rin ako." Tuloy-tuloy ang naging pag-iyak ko habang nakayakap pa rin kay Kyro. "That's fcker! I agreed last night that he was with someone but that stupidity really fills me up!" galit na galit ang boses ni Kyro habang sinasabi niya iyon. Inangat niya ang aking mukha at tinitigan ako, "don't cry anymore, my sunshine. He can no longer approach you and hold you even the tip of your hair. He is stupid!" Pinunasan niya ang aking pisngi at hinalikan ako sa aking noo nang paulit-ulit habang sinasabi sa akin na walang mananakit pa sa akin. Nang mahimasmasan ako saka pa lang nagdrive si Kyro pauwi. Pagod na rin ako dahil sa pag-iyak ko, maga na nga ang mga mata ko. After ng scene namin kanina, pinapagaan ni Kyro ang loob ko, maging ang paghaplos niya sa aking binti ay nagpapagaan sa aking pakiramdam. "That asshole is here. Don't go down first." Nang makalapit doon ko lang nakitang may nakaparadang isang kotse sa labas ng gate. Bigla akong kinabahan. "Don't be nervous, I'm here my sunshine. He can't hurt you." Pagpapagaan ni Kyro sa akin. Nang makapagparada siya, bumaba na siya agad at pinagbuksan ako ng pinto. Ayoko ngang bumaba dahil natatakot akong harapin si Kori. Natatakot ako na baka saktan niya ulit ako. Pero, naniniwala ako kay Kyro na hindi niya ako pababayaan. Sabay kaming pumasok sa loob ng bahay at hindi nga nagkamali si Kyro, nasa sala si Kori habang nakikipaglaro sa mga pamangkin ko. Nang makita niya kami napatayo ito at tumingin sa akin. Nagtago naman ako sa likuran ni Kyro para hindi siya makita. Takot ako sa kanya. "B-bella, can we talk?" Nakagat ko ang aking ibabang labi. Nakita kong kumuyom ang kamao ni Kyro dahil sa sinabi ng kakambal niya. "He's tired, Kori. Go home. Just go to Chandall." seryoso ang pagkakasabi ni Kyro sa kakambal niya. Nakatingin lang din siya kay Kori. Nakita kong kumunot ang noo ni Kori dahil sa sinabi ni Kyro sa kanya, "You're not the one I'm talking to, Bella is the one I need to talk to and you're not Kyro." Lalapit na sana sa akin si Kori pero kinuha ni Kyro ang kanang braso nito para mapahinto papalapit sa akin. Naguguluhan na rin ang dalawa kong pamangkin habang palipat-lipat ang tingin sa dalawa nilang Uncle. "Ano ba bitawan mo nga ako! Let me go, Kyro!" Nagwawala na sa pagkakahawak ni Kyro si Kori. Pilit nitong winawaksi ang mga kamay ni Kyro sa kanya. Sabay kaming nagulat ng mga pamangkin ko ng biglang sinuntok ni Kori si Kyro. "Oh my gosh!" "Mommy!" "Daddy, sina Uncle Kyro and Uncle Kori!" Tumakbo paakyat sina Luigi at Mario habang hinahanap sina ate Bea at Kuya Timothy. Lalapitan ko na sana si Kyro pero bigla siyang bumawi ng suntok kay Kori. Tumabingi ang mukha ni Kori dahil sa suntok ni Kyro sa kanya. Napapunta ako sa sulok ng sala dahil ayaw nilang makinig sa akin. Inaawat ko na silang pareho, may mga nababasag na rin silang display sa sala, maging ang mga figurines ni ate Bea ay nasasangga na rin nila kaya nagkakabasag na ito. Napalingon ako sa hadgan ng marinig ang mabibilis na yapak galing doon. Nakita ko ang seryosong mukha ni kuya Timothy. "What's going on here?" malakas ang boses ni kuya Timothy habang ang pares niyang mga mata ay nakatingin sa dalawang aamba pa sana ng suntok. Ibang-iba si kuya Timothy, ngayon ko lang siya nakitang nagalit. "What's going on with the two of you? Look what you did to my house! And, you're still fighting in front of Bella. What kind of men are you?" malakas pa rin ang boses ni Kuya Timothy habang pinagsasabihan ang dalawa na nakaharap ngayon sa kanya. Punit ang uniform na suot nila pareho. Magulo ang kanilang mga buhok at maging ang mga mukha nila ay puro galos na. Magkakapasa sila bukas. Narinig kong nagmura nang mahina si Kyro habang nakangisi itong nakatingin kay Kori, "It's not my fault, Uncle Timothy. I was just taking care of mine but this idiot hurt Bella." Matatalim ang titig niyang tumingin kay Kori. Gulat namang tumingin si Kori sa akin kaya yumuko na lang ako para iwasan ang kanyang tingin. "Bella had a bruise because of him. Because what? Because of his jealousy of Akihiro Yoo. It's not Bella's fault that Akihiro beat you. Bella and Akihiro are friends so don't be silly, stupid!" Lumapit si Kyro sa akin at hinawakan ang aking kanang braso, "Look uncle what that idiot did!" Nakita ni kuya Timothy ang aking pasa sa kanang braso ko. "I didn’t mean to, Bella. I'm sorry, baby." Lalapit sana si Kori sa amin pero tinulak siya ni Kyro. "Change your habit, fool!" Hinila ako ni Kyro paakyat sa second floor. Hindi ko na alam kung anong nangyari kay Kori. Naawa ako sa kanya pero galit pa rin ako sa kanya. Ang iniisip ko lang, sa'n siya tinalo ni Akihiro? Magkakilala na ba sila?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD