10

1053 Words
Classmate ko ba talaga siya? Napanganga ako ng makitang pumasok siya sa classroom namin, maging ang ibang mga babae ay tumahimik at nakatingin sa kanilang dalawa. Sino sila? "Sila sina Akihiro Yoo and Cashel Ty." Siyang sagot niya sa akin habang nakaharap sa dalawa. "Kilala mo sila?" Pagtatanong ko rito habang nakatingin din doon. Hindi ako p'wede magkamali, siya iyong nakasabay ko sa jeep. Siya iyong lalaking kamukha ni Harry Potter. Humarap ito sa akin at ngumiti nang napakalaki, "oo, kilala ko silang dalawa." "Akihiro and Cashel, dito oh!" Sigaw nito sa dalawa at kumaway. Bumalik ulit ang kanyang tingin sa akin, "si Akihiro pinsan ko siya, si Cashel naman barkada niya. Naging classmate ko ang dalawang niyan nu'ng senior high." Palihim kong kinagat ang aking ibabang labi, bakit kinabahan ako? Hindi naman dapat ako kabahan pero lumalakas ang t***k ng puso ko. "You're so early, Fran. Anong nakain mo?" Napatitig ako roon sa Cashel na tinukoy niya. May pagkapilyo ang pagkakasabi niyang iyon. May pagka-chestnut ang kulay ng kanyang buhok, kulay dark brown ang kanyang mga mata at sa kaliwang tenga niya may maliit na silver na hikaw. Nailang ako sa kanyang titig ng tumingin siya sa akin. Naningkit ang kanyang mga mata habang nakatuon pa rin sa akin, "first day pa lang, may friend ka na agad? Anong pangalan mo?" "Huwag mo nga siya tinatakot, Cashel! Tignan mo natakot tuloy sa mukha mo!" "Sa gwapo kong ito? Ang daming na-i-inlove rito sa pagmumukhang ito, Fran." Nilapit pa ni Cashel ang mukha nito kay Francheska. Umubo muna ako nang mahina, "ako si Bella Trinidad. Nice to meet you, Cashel..." "Nice name! Nice to meet you too! Oh, by the way," lumingon siya sa kanyang likuran, "siya naman si Akihiro," turo nito. "Dude, napakatuod mo talaga. Kaya hanggang ngayon wala kang girlfriend. Tsk." Sabay iling nito sa kaibigan. "Shut up, playboy." Umupo ito sa tabi ng pinsan niyang si Francheska. Bali sa row na ito, isang tao na lang kailangan namin. Five chairs kada row. "Why ba kinuha niyo iyong teacher, ha? Dapat nag-business course na lang kayo, Aki!" Naiiritang sabi ni Francheska sa kanila. "Why not? Gusto rin naman namin magturo. Sa mukha naming ito paniguradong maraming makikinig sa amin." Imbis si Akihiro ang sumagot, si Cashel ang umepal. Ngumisi pa siya. Marami ngang makikinig sa kanya baka wala naman matututunan. Nag-umpisa ang aming klase, puro orientation lang naman ang ginawa namin. As usual, para sa first day of class. "Maiwan na lang kayo rito, Fran, kami na lang bibili ng pagkain niyo." Nasa canteen na kami ngayon. Sobrang daming tao. Pahirapan makahanap ng mauupuan, swerte lang kami dahil nabighani yata nu'ng apat na babae sa mukha ni Cashel. "May gusto akong bilhin, e. Sina Aki at Bella na lang maiwan dito! Sama ako Cashel!" Hindi ko na siya naawat nang tumakbo ito papalapit kay Cashel. Hindi ko na sabi sa kanya kung anong pagkain ang bibilhin ko. Tatayo sana ako para habulin silang dalawa pero pinigilan ako ni Akihiro, "alam na nila kung anong bibilhin." "Hindi ako nakapagbigay ng pera sa kanila," mahinang sabi ko rito. Nasa kabilang side siya ng table. Kami ni Francheska ang magkatabi. "Ayos lang niyon. Mabait ang pinsan ko kapag kaibigan na niya, siya na bahala sa lahat." Yumuko siya pagkatapos niyang magsalita. "Ikaw niyong nakasabay ko sa jeep, right?" Napalunok ako dahil sa lamig ng kanyang boses. Tiningala niya ako habang nakapatong pa rin ang kanyang baba sa dalawang kamay niya. Nakita kong ngumisi siya sa akin, "Ikaw nga iyon. Nice to meet you, Ms. Oh, Bella. Small word, right?" Tumango ako sa kanya, "nice to meet you rin, Akihiro." Naiilang ako sa usapan naming dalawa. "Aki na lang. Magkaibigan naman na tayo." Umayos na siya ng kanyang pagkakaupo at sumandal. "Ngiti ka, nandyan na sila, oh. Baka sabihin ni Fran, inaway kita." Naging malambing ang kanyang boses. Tumayo ito at pinuntahan ang pinsan niya, kinuha niya ang isang tray, siya na ang nagbuhat. "Ang haba ng pila! Bella, binilhan na lang kita. Same tayo ng food!" Masigla sabi niya sa akin. Nilagay naman ni Aki sa harap ko ang binili ni Fran. Kanin ito na may porkchop na hiniwa sa maliit at may sauce sa tuktok nito. "Thank you, Fran." Inabot ko sa kanya ang bayad pero hindi niya tinanggap. Totoo nga ang sinabi ni Aki. Masaya kaming kumain. Sobrang daldal kasi ni Cashel. Hindi siya nauubusan ng k'wento. Daig pa ang babae. "May sundo ka, Bella?" Palabas na kami ng campus, nasa likuran namin sina Aki at Cashel. "Oo, may sundo ako." Ngiti ko kay Fran. Nakakahiya naman kung isasabay nila ako. Wala akong sundo, hindi ako nagpasundo kay kuya Timothy. "Malapit lang naman bahay niyo sa amin, Bella. Magkalapit lang subdivision nating dalawa." Dugtong pa niyang sabi. Nagkwentuhan kami kanina, napag-alaman naming malapit ang subdivision ng tinitirahan namin. Kaya pala nakasabay ko sa jeep si Aki. "Uy, hindi na. Kita na lang ulit tayo bukas!" Tanggi ko sa alok nila. "Sabay ka na sa amin, may kotse naman itong si Aki, Bella. Safe kapag sumabay ka na. Lalo na't may schedule tayong gabi ang uwian. Hindi safe para sa'yo kapag gabi lalo na galing kang probinsya." Ngayon ko lang narinig ang seryosong boses ni Cashel. Napatingin ako kay Aki at tumango ito sa akin, "A-ah sige na nga," suko ko sa kanila. Nasa parking area na kami nang may lumabas sa kotse na CUV na kulay black. Naka-white long sleeve siya and black blazer. Nakaka-intimidating siyang tignan dahil sa kanyang salamin. "Pinapasundo ka ni ate Bea." Buong-buo ang kanyang boses, na nagbigay kilabot sa buong katawan ko. Bakit siya galit? Dapat nga ako ang magalit dahil nakita ko siyang may kasamang babae. Tatanggi pa sana ako pero kinuha niya ang bag ko, napatingin na lang ako sa mga kaibigan ko, "sorry, sa susunod na lang ha?" Nakita ko ang pagtangis at pag-igting ng panga ni Aki pero hindi ko na binigyan ito ng kahulugan. Kailangan kong makaalis. Lumakad na ako palapit sa kotse niya, "sakay," binuksan niya ang pinto sa passenger seat at umikot na siya pabalik sa driver seat. "Wear seatbelt, Bella." Hindi pa rin nagbabago ang kanyang boses gano'n pa rin. Sinunod ko na lang siya at hindi na umimik pa. Iba ang awra niya ngayon at nakakatakot siyang kausapin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD