11

1040 Words
"Hindi kita matawagan. Maging social media mo naka-block ako. Anong nangyari?" Buong-buo pa rin ang kanyang boses. Hindi ko siya kayang matignan sa mga mata niya. Nakakatakot ang kanyang awra. "Inuulit ko, bakit naka-block ako sa lahat ng social media mo?" Pag-uulit niyang tanong sa akin. Hininto niya ang kotse at pinarada sa madilim na eskinita. "B-bakit ka huminto?" Natatakot na ako. May araw pa naman sa labas pero rito sa eskinita na ito hindi naaabutan ng sinag ng araw. "Please, tignan mo ko. I'm asking you why I'm blocked on your social media? Did I do anything wrong?" Nakatingin pa rin ako sa bintana. Nakasimangot ako sa kanya. "Bakit hindi mo tanungin sarili mo, Kyro?" Pabalang na sagot ko sa kanya. "I'm asking. Would I ask if I knew? So, why?" Napapitlag ako ng maramdaman ang kamay ni Kyro sa aking binti. Inaalis ko ito pero binabalik niya rin. "Can we talk? Kasi hindi tayo magkakaintindihang dalawa. Can you elaborate, Bella?" Naging mahinahon ang kanyang boses. Kumalma na yata siya. "Nakita kita last week sa mall. May kasamang babae. Ikaw niyon, e. Ang pinagkaiba lang 'di ka nakasuot ng salamin. Naka-contact lens ka nu'ng nakita kita." Mahinang sabi ko sa kanya. Lumingon ako sa kanya at nakita kong sumandal siya. Nakapatong pa rin ang kanyang kanang kamay sa aking hita. "It's not me. Hindi ako iyong nakita mo." Nakasandal pa rin siya ng sabihin niya iyon. Kumunot ang aking noo at tinaasan siya ng kilay, hindi ko lang sure kung nakataas nga talaga. "Anong hindi ikaw? Kamukha-kamukha mo iyong nakita ko sa mall. Huwag ka na magsinungaling, Kyro. Ikaw iyong naki-" Sumabat siya agad, hindi pa ako tapos magsalita. "That's my twin." Mahina niyang sabi sa akin. "Kakambal mo? May kakambal ka?" Naguguluhang tanong ko sa kanya. Binibiro niya ba ako? May kakambal si Kyro? Inaalala ko ang itsura ng nakita ko nu'ng sa mall. Magkasing-tangkad silang dalawa kahit malayo sa akin niyong lalaki, parehas sila ng body proportion. Pinagkaiba lang nila, walang salamin niyong nakita. "Yes, I have a twin. His name Kori, Bella." Hinawakan niya ang aking mukha, "magkaiba kaming dalawa sa physical at sa ugali. He has a silver earring on his left ear. And, his right eyebrow has cut. Sa ugali namin, Kori is more dangerous than me, Bella. Kori is a very possessive and clingy person. Kapag alam niyang sa kanya, never na niya ito bibitawan." Seryoso ang pagkakasabi ni Kyro, mukha hindi siya nagbibiro sa mga sinabi niya tungkol sa kakambal niya. "Hindi naman niya ako kilala, Kyro. And, last time I know, ikaw ang nanliligaw sa akin at hindi siya." Kinakabahan man sa aking narinig, nilakasan ko ang aking loob. "We've known you for a long time, Bella. Since your sister married uncle Timothy, we have known you. Your sister always tells us about you, Bella. Doon kami nagka-interest sayo, kami ni Kori." Gulat na tinignan ko siya, "kinukwento ako ni ate sa inyo? Teka? Naguguluhan ako sa sinasabi mo, Kyro." Umiling ito at ginulo ang kanyang buhok. Inayos niya naman ang kanyang salamin. "Next time, I will explain to you especially about our family, Bella. But, for now, I will take you home first. I know you're tired." Umayos na ulit siya ng pagkakaupo. Nawala na rin ang kanang kamay niya sa aking hita. "Bakit hindi pa ngayon, Kyro? Sabihin mo na sa akin lahat?" Pangungulit ko rito. Tumingin siya sa aking saglit, "you will be surprised at what you will find out about us, Bella. So let’s take it easy. Huwag ka sana lumayo sa amin kapag malaman mo tungkol sa pamilya namin, Bella." Tinaas ko ang aking kanang kamay kay Kyro, "makikinig ako sayo tungkol sa pamilya niyo, Kyro. Sabihin mo na sa akin." Pangungulit ko pa rin sa kanya. Ngumiti ito at kinurot ang aking pisngi, "you're so cute. I'll tell you next saturday. There will be a party at our house on Saturday, all our relatives are invited." Ngumuso ako at sinimangutan siya. Ang damot. "And, by the way, don't ever tell Kori that you know Akihiro Yoo, that he's your classmate, Bella." Paano niya nakilala si Aki? Hindi naman siya nagtanong kung sino ang mga kasama ko kanina, ha? "Kilala mo siya, Kyro?" Tumango ito pero hindi na siya nagsalita pa. Nagsalita na lang ulit siya nang makarating kami sa tapat ng gate nila kuya Timothy. "Bye, see you tomorrow. Ihahatid kita. Forward me your schedule. So that I know what time I will take you to your school and pick you up at home." Inikutan ko siya ng mga mata ko. "Hindi ka ba muna papasok, Kyro?" Umiling ito sa akin, "need ko na rin umuwi, Bella. Take care, okay?" Nagulat ako ng halikan niya ako sa aking kaliwang pisngi. Hindi ako ready sa ginawa niya. Bumaba na ako sa sasakyan niya at kumaway hanggang mawala siya sa street. Pumasok na ako sa amin, nag-doorbell pa ako para makapasok. Buti na lang talaga nagdidilig si manang kaya narinig niya agad at pinagbuksan ako, syempre nagpasalamat ako sa kanya. Hahawakan ko pa lang sana ang screen papasok sa sala ng bumukas ito at niluwa si Luigi. "Tita Bella! Tita Bella nandito si uncle Ko--" Naputol ang sinasabi ni Luigi ng magsalita si Mario. "Kyro, uncle Kyro, Tita Bella. Hinahanap ka po." Nasa likod pala siya ni Luigi. Hindi ko napansin. Bigla akong kinabahan. Si Kyro nandito? Kasa-kasama ko lang si Kyro kanina. Umuwi na nga siya. "Nandito Uncle Kyro niyo?" Kunwaring nagulat ako sa nalaman ko. Si Kori. Pagkapasok ko pa lang nadatnan ko na agad siyang naka-upo sa sofa. Naka-bente-kwatrong upo ito. May pilyo sa kanyang ngiti. "Hi, bella!" Tumayo siya nang makita ako. Wala siyang eyeglasses. Naka-contact lens ulit ang isa. "K-kyro, anong ginagawa mo rito?" Kinakabahan man pero nilakasan ko ang aking loob na harapin siya. Kori is more dangerous than me, Bella. "Dito po siya mag-sleep po, Tita Bella!" Masiglang sabi sa akin ni Luigi. "Gano'n ba? Ah, sige una na ako, ha? May gagawin pa kasi ako." Aniya ko rito at nilagpasan siya. Magkaiba nga silang dalawa. May taplas ang kanyang kanang kilay niya pero ang hikaw na sinasabi ni Kyro, wala. Hindi niya suot. Nagpapanggap ba siya bilang si Kyro?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD