6

1029 Words
"Good Morning, my sunshine! ??" Everyday na akong nakakatanggap ng messages na galing kay Kyro. Simula ng ibigay ko ang number ko sa kanya, every hour na ako nakakatanggap ng mga text at minsan nagugulat na lang ako may dumadating na delivery ng food. Nakapagtataka hindi nagtatanong sila ate Bea kung kanino galing ang mga iyon. Kasi wala naman akong kaibigan dito, wala nga akong kakilala sa Manila. Tinitigan ko lang mga messages na natatanggap ko lagi kay Kyro, kasi napakabilis ng mga pangyayari. Mag-i-isang linggo pa lang ako rito kila ate Bea 'tas naging close na agad kaming dalawa? Paano nangyari niyon? Binaba ko ang aking phone sa side table, napapikit at huminga nang malalim. Pupunta nga pala ako ngayon sa FEU at makikita ko si Kyro. Nakakailang. Maligo na kaya ako at pagkatapos aalis na ako, alam kong may pinag-usapan kaming dalawa pero bigla akong nailang sa kanya, sa mga ginagawa niya. Napagpasyahan kong maligo na, hindi na lang ako sisipot sa pinangako ko sa kanya. Baka nga nakalimutan niya rin niya ang pinag-usapan namin. Sana. Mabilisan ang naging galaw ko, naka-fitted pants ako, loose shirt na black na may design na Nirvana, nabili ko ito sa shopee at sneakers. Tinuck-in ko iyong loose shirt ko para maging maganda naman ang pormahan natin. Nilugay ko na lang ang buhok ko, basa pa kasi ito. Bago ako bumaba sa sala, nilagay ko sa body bag ko ang payong, wallet, phone and iyong form na naka-print na. Nang makitang ayos na at kumpleto na ang mga dala ko, bumaba na agad ako. Nasa huling baitang na hagdan na ako ng makita ang lalaking tatakasan ko sana. Nakaupo siya ngayon sa isahang sofa at nakatutok ang kanyang mga mata sa binabasa niyang magazine. Bakit ang aga niya? Naramdaman niya yata ang presensya ko kaya tumingala ito sa akin. Nang makita niya ako, ngumiti ito nang napakalaki sa akin at binaba ang binabasa niyang magazine. Paano ko nalamang Magazine niyon? Iyon 'yong huling binasa ko rin kagabi, featured kasi roon ang KathNiel. Favorite love team ko kaya sila. Nananadya ba si tadhana? Bakit kulay itim din ang suot niyang polo. Naka-black polo in grey slim pants na pinaresan niya ng black penny loafer. Gosh. Para siyang Oppa ngayon, isama mo pa na nakasalamin siya. "Bella, bumaba ka na pala. Tatawagin na sana kita." Napaiwas ako ng tingin sa kanya ng marinig ang boses ni ate. "Napaaga iyong gising ko ate," aniya ko at inayos ang ilang hibla ng aking buhok. "May usapan pala kayo ni Kyro. Nagkakilala na pala kayong dalawa. Kumain ka muna Bella bago kayo umalis," tumingin ang gawi ni ate kay Kyro na nakatayo na, "kumain ka na ba Kyro?" Tumango siya sa tanong ni ate sa kanya. "Ikaw kumain ka na. Nakakahiya na paghintayin mo si Kyro." Tumango ako kay ate at dumiretso na sa kusina. Hindi ko na nga naibaba iyong shoulder bag ko, basta na lang ako umupo sa dinning area. "Good morning, Tita Bella!" "Good morning po, Tita." Hindi ko na nagawang bumati rin pabalik sa dalawang pamangkin ko. Basta kumuha na lang ako ng fried rice, hotdog at ham. Bahala na. "Bella, may allowance ka pa ba?" Napahinto ako sa pagsubo ng makitang nandito pa rin pala si kuya Timothy. Bigla tuloy ako nahiya. "M-mayro'n pa po, Kuya Timothy. Hindi pa nga po nababawasan." Sagot ko sa kanya at bumalik na sa pagkain. "Kailan kayo nagkakilala ni Kyro?" Naputol na naman ang pagsubo ko dahil sa tanong na naman niya. "Daddy, nu'ng wala po kayo ni Mommy. Pumunta po rito si Uncle Kyro." Si Luigi na ang sumagot para sa akin kaya tumango na lang ako. "Good. Kyro is nice, Bella. Sasamahan ka raw niya sa pag-enroll." Tumango ako kay kuya. "Text me kung sa'n kayo pupunta, okay?" Nagulat ako ng mag-iba ang tono ng pagsasalita ni kuya Timothy. Tumango ako sa kanya, "Opo." Baka mag-aalala lang siya sa pamangkin niya at sa akin. Lalo na siguro ako. "Tapos na po, kuya." Tumayo na ako at dinala ang pinagkain ko sa lababo. Sa paglabas ko sa dinning hall, nagkasalubong agad mga mata naming dalawa. Hinihintay niya talaga ako. "Ah, hello, Kyro. Sorry ha?" Hingi ko agad ng paumanhin sa kanya. Nakakahiya talaga. Tumayo ito at pinagpagan ang kanyang pantalon, "No worries. Napaaga ang dating ko." Ngiti nito sa akin. Bakit naging palangiti na siya ngayon? Nu'ng unang kita namin ang sungit niya kaya. "Si ate Bea pala? Magpapaalam na akong aalis." Tanong ko sa kanya ng makitang wala si ate sa sala. "Umakyat sa taas." Kibit-balikat nito sa akin. "Gano'n ba? Kay kuya Timothy na lang ako magpapaalam." Hindi ko na siya hinintay na magsalita, bumalik ako sa dinning area at nagpaalam kay kuya Timothy. Nang makabalik sa sala, kinukuha niya ang body bag ko pero tumanggi ako. Hindi naman mabigat iyong dala ko. "Ayos lang, Kyro. Hindi naman mabigat." Ngiti ko sa kanya. Pinagbuksan niya ako ng pinto at saka siya umikot sa driver seat. Napahinto siya ng makitang naka-seatbelt na ako. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya, tumingin na lang ako rito sa bintana. Nakakailang talaga. "I always text you but you don't reply to me. Is there a problem?" seryosong tanong niya sa akin. Napaayos ako ng upo ng marinig iyong tanong niya. Hindi siya nakatingin sa akin, naka-focus ang kanyang tingin sa kalsada. "Ah? May ginagawa kasi ako. Inaalagaan ko sina Luigi at Mario, wala kasi minsan sila ate kaya 'di ako makapag-reply. And, wala akong load." Wala naman talaga akong load. May messenger naman kaya roon na lang ako nakikipag-usap sa mga kaibigan ko. "Take my phone, "nginuso pa niya kung nasa'n ang kanyang phone, "i-type mo peysbok name mo para maging friend tayo. But, I don't like you as a friend." Nakatingin lang ako sa kanya. Ayaw niya ako maging friend? Pero, i-a-add ko sarili ko gamit account niya. Siraulo ba siya? "I don't like you as my friend. 'Cause I want you to be my girl, my sunshine." Nanuyo ang aking lalamunan dahil sa sinabi niya. Totoo ba iyong narinig ko sa kanya? Parang ang bilis naman ng pangyayari. Naka-drugs ba ang isang ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD