2

1131 Words
"Bella, iyong k'warto mo nasa second floor malapit iyon sa mga guest room. Baka roon ka na naman matulog sa baba katulad nu'ng unang punta niyo roon." Napangiwi ako ng maalala pa ni ate niyon. Nakalimutan ko kasi kung saan iyong k'warto na tinutuluyan namin nu'ng unang luwas namin ng Manila. Kaya ang ginawa ko natulog na lang ako sa salas nila. "Basta ate Bea, kakaliwa ako at kahilera ko ng k'warto iyong mga pamangkin ko pero katapat ng guest room ang magiging k'warto ko? Tama po ba?" Pagtatanong ko rito. Malapit na kami sa bahay nila, actually natraffic kami dapat kasi eight hours lang ang byahe paluwas dito pero kulang-kulang eight hours na simula umalis kami sa Boac, isa sa bayan ng Marinduque. "Oo, kung gusto mo lagyan mo ng design iyong pinto ng k'warto mo para 'di ka malito at matandaan mo agad." Ngumiting tumango ako sa kanya. Good Idea. Oorder na lang ako sa Pi-shop pero aalamin ko muna ang tamang address ng bahay nila ate. Nagdrive thru muna kami sa pulang bubuyog, bumili si ate Bea ng isang chicken bucket, tatlong sundae and tatlong large fries. Favorite raw din kasi ng dalawa kong pamangkin ang sundae and fries. Baka sinasawsaw din nila niyong fries sa sundae. Masarap kaya. "Ate Bea kayo lang ba roon ni kuya Timothy?" Pagtatanong ko rito habang kumukuha ng palihim sa fries. 'Di ko na alam kung kaninong fries niyong nakukuha ko. Kukunin ko na lang mamaya iyong konti. Lumiko ang kotse na minamaneho ni ate, "Oo kaya 'wag kang kabahan. Saka mabait naman magulang ni Timothy. Alam nilang dito ka na rin mag-aaral." Tumango na lang ako sa kanya at kumuha pa ng isang fries at tumingin sa bintana. Nakita ko ang gate ng Subdivision kung sa'n nakatira sila ate. May guard na sumaludo sa amin at tinaas ang nakaharang sa gate para makaraan kami. Nandito na talaga ako sa Manila. Ang tanong sana hindi ako maligaw kapag pasukan na. Huminto si ate Bea sa kulay black na gate at saka bumisina ng dalawang beses. Bumukas ang malaking gate nila at nakita ko roon ang pagsenyas ng isang kasambahay nila. Sobrang yaman talaga nila kuya Timothy kaya nagtataka kami kung paano naging sila ni ate Bea. Buti na lang din tanggap siya ng mga magulang ni kuya. Once ko palang sila nakita pero hindi ko nakausap kaya kinakabahan ako. Pinatay ni ate ang makina at saka ako bumaba. Nakita ko roon si kuya Timothy na kasama ang dalawang pamangkin ko. "Tita Bella!" Sabay na tawag nila sa akin. Ang popogi ng mga pamangkin ko. Mukhang maraming papaiyakin kapag nagbinata na ang mga ito. "Hi, Luigi at Mario!" Sabay kurot sa mga pisngi nilang mapupula at matambok. Naaarawan ba ang mga ito? Grabe sa kaputihan. Parang nahiya akong tumabi. "Bella, ang mga gamit mo." Oo nga pala! Napangiwi ako ng makitang kinukuha na ni kuya Timothy iyong maleta ko, iyong bagpack at shoulder bag ko naman ay binigay roon sa kasambahay nila na nagbukas ng gate. Nakakahiya. "Sorry po, kuya. Ako na po sa maleta ko po." Hingi ko ng paumanhin. Imbis na magalit o magsungit si kuya, ngumiti ito sa akin, "ayos lang ako. You can rest now, Bella. Enrollment niyo na next week kaya magpahinga ka muna at mag-enjoy ka muna habang wala pang pasukan." "Pero, kuya nakakahiya po." Paano kasi bitbit na rin niya iyong karton na ang laman ay puro gulay. "I'm okay. Sige na pumasok kana roon sa loob." Nahihiya man sumunod na ako sa sinabi niya. Pagkapasok ko sa bahay nila, napanganga ako sa ganda ng sala. Ang lawak ng sala kumpara sa bahay mismo. Mukhang bago pa ang mga sofa nila. Tinignan ko ang figurine dito na malapit sa akin at wala man lang alikabok. "Tita Bella, where's your room po?" Napakurap ako at binalingan ang pamangkin kong si Luigi, kambal sila ni Mario at hindi ko alam ba't niyan ang pinangalan sa kanila. Luigi at Mario. Sana ayos lang si ate nu'ng pinagbubuntis niya ang dalawang ito. "Sa second floor ako, malapit sa guest room. Tara puntahan natin?" Nakita ko sa may hagdan ang bagpack at shoulder bag ko. Kinuha ko ito at binitbit. Mamaya ko na lang kukunin niyong maleta. Nandoon niyong mga pang-alis ko. Sumunod din sa amin si Mario. Kapag talaga kambal may isang masungit at mainitin ang ulo, si Mario niyon. "Tita Bella, dito kana mag-study po?" Hawak ko ang kanang kamay ni Luigi habang tinatahawak ang pasilyo sa second floor. "Opo, kuya Luigi. Dito na rin ako magwo-work kapag grumaduate na ako ng studies ko." Tumango ito sa akin na akala mo alam ang pinagsasabi ko sa kanya. "Aalagaan mo rin kami like mommy?" Tumango ako sa kanya. "Yehey! Atleast we have a new playmate!" Masiglang sabi nito. Playmate raw. "Tita, here na po room niyo." Napahinto kami ni Luigi ng magsalita si Mario at nakahinto ito sa isang pinto. "Ha?" "Ito po iyong room niyo. You told us na malapit sa guest room? This is the guest room and this," turo niya sa dalawang pintong kulay black. Ang isang black na pinto ay kaharap ng aking room na kulay puti naman at sa kahilera ng k'warto ko naman ang isa pang guest room. Napaharap ako sa isa pang pinto na kulay itim na pula ang design, "eh, ang isang ito, Mario? Guest room din ba ito?" Turo ko roon. "Hindi po. Kay Uncle K-" "Bawal po gamitin niyan, Tita. Pasok ka na po sa room niyo." Lumapit na ako sa pinto ng k'warto at kinuha ang susi na binigay ni ate. Namangha ako sa ganda, kulay pink ang k'warto ko. Ang ganda! Pumasok din ang dalawa kong pamangkin. Nilapag ko ang mga bag ko at saka pinagmasdan lahat ng gamit sa k'wartong ito. Kumpleto na. May Queen size bedroom ako, may tv rin na 48", may mini ref sa gilid ng study table, may mga libro rin na nandito. Pinaghandaan ba nila ang paglipat ko rito? Pumasok ako sa isa pang pinto ng k'warto ko, "Wow!" bulaslas ko. Maging ang bathroom ko ay kulay pink. Maging tiles at wallpaper ay pink. Lumabas na ako at tinignan naman ang mga cabinet sa k'warto ko na gawa sa magandang klase ng kahoy. Wala pang laman at mabibinyagan siya ngayon. "You like it po ba Tita?" Napalingon ako ng magsalita ang pamangkin ko at nakita ko si Luigi na tumatalon-talon sa kama. Sisirain niya yata agad ang kutson ko. Si Mario naman ay nakatingin lang sa akin habang nakaupo sa bean bag na kulay baby pink. May mini salas pala ako. Ang cool. Need ko bumili kay Pi-shop ng mga LED strips lights and Quotations sticker para maging cool lalo itong room ko. Hihingin ko na nga kay ate iyong address nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD