12

1098 Words
Nag-stay ako sa k'warto ko. Hindi ako lumabas dahil 'di ko kayang magpanggap na siya si Kyro. Ano bang pakay niya para magpanggap siyang siya si Kyro? Hindi niya ba alam na sinundo ako ng kakambal niya? Tama niyong sinabi ni Kyro kanina. Kori is more dangerous than him. Nu'ng nakita ko kanina si Kori, natakot na ako agad. May kakaiba sa awra niya, sa mata pa lang niya ay nangungusap na ito. Iyong pakiramdam na, everyday siyang may binubugbog. Gano'n ang tingin ko sa kanya kanina. Umupo ako sa kama at iniisip kung anong pakana ng kakambal niya. Bakit nagsinungaling siyang siya si Kyro? Bakit hindi siya magsabi talaga na siya si Kori? Napatingin ako sa side table ko, nakatitig lang ako sa aking phone. May text message akong na-receive kay Kyro kanina. Inun-block ko na kasi siya. Gusto ko nga sabihin sa kanya na, 'nandito iyong kakambal mo.' Pero, hindi ko na lang ginawa baka magkagulo pa. "Good evening, Sunshine ?? Eat well, okay? I love you forever." Bigla akong kinilig dahil nakatanggap na naman akong text galing kay Kyro. Ganito pala ang pakiramdam na may nagmamahal sayong tapat. First time kong kiligin ng ganito para akong sinisindilan ng apoy. Ang sarap magmahal. Nagreply rin ako sa text ni Kyro, "Good evening din, Kyro! Kain ka na rin, ha? See you tomorrow! ?" Syempre nagpabebe muna ako. Baka sabihin niya patay na patay ako sa kanya. Nag-away kaya kami tas kanina lang kami nagkaintindihang dalawa. Bwisit na Kori-ng iyon. "Bella, Uncle Timothy begged me to call you, because we were going to eat." Buong-buo ang kanyang boses. Iyong boses na nakakatakot. Gano'n. Magkaiba sila ng kakambal niya. "Heto na! Lalabas na ako!" Sigaw ko sa kanya. Paano ba naman kasi kumatok siya nang napakalakas at sunod-sunod ito. Baka narinig pa hanggang sa sala. "I thought you were asleep. I thought you didn’t hear what I said so I knocked." Urgh! Bwisit ka talaga, Kori! Dali akong bumaba sa kama ko at binuksan ang pinto. Prenteng nakatayo siya sa gilid ng k'warto ko habang may ngisi sa kanyang labi. Bwisit na pagmumukhang niyan. Tinarayan ko ito at malakas na sinarado ang aking pinto. Hindi ko na siya pinansin, nauna na akong bumaba sa kanya. "You didn't wait for me. I waited for you." Napahinto ako sa paglalakad ng magsalita ito. "Hindi ko naman sinabing hintayin mo ko? Ano bang pake ko sa'yo? D'yan ka na nga!" Pinag-ikutan ko siya ng aking mga mata at nauna ring bumaba. Ano bang pakay ng isang ito sa akin? Hindi ba niya alam na kilala ko na ang lahi niya at kung sino siya? Ngumiti ako nang maayos ng matanaw ko na sila ate Bea. Nakaupo na silang lahat sa dinning table at kami na lang hinihintay. Sa dating gawi, tumabi ako kay Luigi. Si Mario kasi ang katabi ni ate Bea. Sa magkabilang gilid ng table na ito ay may tatlong upuan meaning tatlong tao rin ang p'wedeng umupo sa magkabilang gilid na ito. Nakita kong may extrang plato, baso at kutsara't tinidor sa tabi ni Mario. Thanks, God, doon siya sa tatabi sa suplado kong pamangkin. "Finally, you're here. Take a sit now!" Ma-otoridad na utos ni Kuya Timothy. Ibang-iba niyong trato niya kay Kyro. "Whatever!" Sagot naman ng isa. Naglakad ito sa aking likod at nagulat akong tumabi ito sa akin. "B-bakit nandito ka? Nandoon niyong plate mo?" Kinakabahan na tanong ko sa kanya at tinuro ang plato sa tabi ni Mario. Bored na tumingin ito sa akin, tumaas ang sulok ng kanyang labi at hinila ang placemat papunta sa harapan niya. Kinabahan ako. Buti hindi nabasag iyong baso. "Done, easy right?" May pilyo sa kanyang boses. Kailangan ko na bang sabihin kay Kyro na nandito si Kori? Aatakihin ako rito sa kakambal niya. Hindi yata napansin nila ate Bea iyong usapan namin dahil pokus na silang nag-uusap at kumakain. "Bella, how's your school today?" Napalingon ako kay kuya Timothy ng magtanong ito. "Okay lang naman po. Nakabili na rin po ako ng uniform ko. May kaibigan na rin po ako roon." Masayang pahayag ko. "Okay lang magkaroon ng kaibigan, Bella pero ang atupagin ang pag-aaral, ha?" Tumango ako sa sinabi ni ate Bea, "oo naman po. Malapit lang po sila rito sa atin, Ate. Nasa kabilang subdivision lang daw po sila." "Sa Highlands? Anong surname nila Bella?" Sa Highlands ba iyong sinabi nila sa akin? Basta ang sabi nila, magkalapit lang subdivision naming apat. "Hindi ko po sure, Kuya Timothy. Basta po sabi nila malapit lang po sila rito." Nakapokus ang aking mga mata kay kuya Timothy. "Highlands lang ang malapit na subdivision sa atin." "You forget the subdivision of Sunriser. Near lang din dito niyon." Sabat nitong katabi ko. Akala mo ang cool niyang tignan niya. "Yeah, the Sunriser also. Anong surname ng mga bagong kaibigan mo, Bella?" Sumubo ito habang nakatingin sa akin. "De la Cruz, Ty and..." Inisip ko ang apelyido ni Akihiro, "saka po Yoo, Kuya Timothy!" Napapitlag ako ng padabog na tumayo si Kori. Madilim ang kanyang mukha. Anong nangyari sa kanya? "I have lost my appetite." Aniya at dumiretsong umalis sa dinning hall. "Don't mind him, Bella. Ganyan lang talaga niyan masyadong spoiled." Pagpapagaan ni Kuya Timothy sa akin. Dahil ba nabanggit ko ang apelyido ni Akihiro? Hindi ko naman sinabi ang pangalan niya, ha? Ang daming may surname na Yoo, sure ba siyang si Aki lang may apelyidong gano'n? Nangako ako kay Kyro na hindi ko sasabihin ang tungkol kay Akihiro sa kakambal niya. Ano bang mayro'n sa kanilang dalawa? Natapos ang dinner namin at pina-akyat na agad ako nila ate Bea. Need ko na raw magpahinga kasi bukas may pasok na ulit ako. Tinatahak ko ang hallway papunta sa room ko ng may masinagang lalaking nakasandal dito, sa mismong pinto ko. Anong ginagawa na naman ng isang ito? "Anong kailangan mo?" Pagtatanong ko rito. Nakakunot ang aking noo habang nakatingin sa kanya. Umalis siya sa pagkakasandal sa pinto, nakalagay ang kanyang dalawang kamay sa bulsang suot niya. "Never come near him." May babala sa kanyang boses at nakatingin talaga siya sa akin. "Ano namang pake mo? Mabait niyong ta--" "Fck! I'm telling you never to come near him! Iba ako magalit, Bella. Sundin mo ang utos ko sa'yo!" Malakas na sabi niya sa akin. Nanginig ako dahil first time kong masigawan. "Fck! I'm sorry. I didn’t mean to scare you. I just don't want you to be taken away from us." Hindi na ako nakagalaw, nagulat na lang akong niyakap niya ako nang mahigpit habang hinahaplos ang aking buhok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD