"Just stay here, baby. Just stay here."
Gulong-gulo ang mundo ko ng magising ako. Parang gusto ko na lang lumubog at kainin ako ng kama ni Kori.
Paano ba naman pagkagising ko, ang mga kamay ko ay nasa katawan niya at nakayakap nang mahigpit sa kanyang matipunong katawan.
Hindi ko itatanggi na maganda ang pangangatawan ni Kori, parehas lang sila ni Kyro. Mukhang babad sila sa gym.
Kaya nataranta ako kanina at dali-daling lumabas sa k'warto niya. Buti na lang talaga hindi ako hinanap ni ate Bea at hindi siya pumasok sa loob ng k'warto. Pagnagkataon na malaman ni ate Bea na hindi ako natulog sa k'warto ko mismo, isusumbong ako nu'n kila Mama.
Pahamak talaga si Kori.
Bakit nga pala hindi ako nakatanggi sa alok niyang doon matulog sa k'warto niya? Pumayag akong halikan niya ko sa aking leeg. Nagcheat ba ako kay Kyro? Si Kyro kasi nanliligaw sa akin tapos nagpahalik ako kay Kori.
Gulong-gulo na ang mundo ko, Lord.
Alam ko naman pong NBSB ako, No Boyfriend Since Birth pero ba't binigyan niyo naman po ako ng tatlong lalaki sa buhay ko. Ganito niyo ba ako kamahal at tatlo-tatlong lalaki pa ang nakapaligid sa akin?
"Are you okay, sunshine? Kanina ka pa balisa?" Nawala ang aking iniisip ng magtanong itong si Kyro.
Balisa? Bwisit kasi niyang kakambal mo, pinapagulo ang mundo ko.
Katulad ng pinag-usapan namin ni Kyro kagabi, hinatid-sundo nga niya ako. Pauwi na ulit kami sa amin. Sinundo niya ulit ako sa campus.
Hindi ko nga alam kung paano natapos ang oras ko sa University. Puro si Kori kasi ang iniisip ko. Hindi ko alam tuloy kung anong ginawa namin maghapon.
Hindi ko sinunod ang sinabi ni Kori sa akin na lumayo kay Akihiro. Sobrang bait nu'ng lalaking iyon. Kaya paano ako lalayo sa kanya kung sila lang din ang kaibigan ko sa campus.
Bahala na, hindi ko na lang sasabihin. Hindi niya naman siguro malalaman.
"Sunshine? If you see Kori on saturday, just ignore him first." malumanay ang pagkakasabi ni Kyro habang nakatutok pa rin ang kanyang mga mata sa daan.
Sabihin ko na kaya sa kanyang nagkita na kami ni Kori. Para wala na akong ililihim sa kanya. Baka magalit pa ang isang ito kapag inunahan ako ng demonyong kakambal niya na magsabi.
Umayos ako ng aking pagkakaupo tas huminga nang malalim, "Kyro..."
Tumingin ito saglit sa akin at ngumiti, "what is that, sunshine?"
"Kagabi," kinakabahan talaga ako. Bwisit kasing Kori na iyon. Lumingon ako sa kanya at nakita ko siyang nakatingin sa akin at mukhang naghihintay sa aking sasabihin.
"Nagkita na kami ni Kori," mabilis na sabi ko at hindi huminga nang sabihin ko iyon.
Diretso lamang ang aking tingin at hindi lumingon sa kanya. Hinihintay ang kanyang sasabihin sa aking sinabi sa kanya.
"Nagpakita na pala siya. I thought he would show up for you on saturday. Nag-usap ba kayong dalawa?" malumanay lang ang kanyang boses ng sabihin niya iyon. Ang kalmado niya iba sa inaasahan kong reaction niya.
"Hindi ka ba magagalit, Kyro? Kasi nakita ko na si Kori?" nag-aalala kong tanong sa kanya.
Pipilitin ko naman sanang hindi makita si Kori sa sabado pero nagkita na kami at nagpanggap pa siyang siya si Kyro.
Huminto siya ng makitang nag-red light. Tumingin siya sa akin habang nakangiti, "nope, sunshine. Why would I be angry with you? It's not your fault."
Ito na naman ang kanang kamay niya at nilagay sa aking hita. Habit na niya siguro ang bagay na ito.
"Nagpanggap siyang ikaw, Kyro. Buti na lang talaga sinundo mo ko kahapon kung 'di mapagkakamalan talaga kitang ikaw niyon."
Sumeryoso ang kanyang mukha at malamig na tumingin sa kanyang harapan, "hindi pa rin siya nagbabago. What did you tell him when you knew he was just pretending?"
"Sinabi ko lang na alam kong siya si Kori at nagpapanggap lang siya. Sinagot naman niya ako ng, alam niya raw na alam ko na." Sabay kibit-balikat ko kay Kyro.
Muling umandar ang kotse na minamaneho niya pero ang seryosong mukha ni Kyro ay hindi pa rin nababago.
Umiling na lang siya at wala nang sinabi hanggang makarating kami sa tapat bahay nila ate Bea.
Hindi ko pa siya sinasabihang bumaba pero nagkusa na ito at pinagbuksan pa ako ng pinto.
"Wala kang gagawin, Kyro?" pagtatakang tanong ko sa kanya.
Nu'ng isang araw tinanong ko siya, busy raw siya. Marami raw siyang gagawin kaya nagtataka ako ba't bumaba ito.
"I have something to say to Uncle Timothy," Inalalayan niya ako at binitbit ang aking backpack. Iniwan niya sa labas ng gate ang kotse niya.
Nag-doorbell kami, ilang beses lang bumukas na agad ang gate. Sinalubong kami ni Manang.
"Sir Kyro, Ma'am Bella." bati niya sa amin at pinapasok na kami.
Bumalik na ulit sa likod si Manang. Nahihiya nga ako kapag sinasabihan nila akong Ma'am.
Pagkapasok namin sa sala nandoon ang kakambal niyang si Kori, hindi ito nagulat ng makita ang kakambal niya. Ngumisi lang ito sa aming dalawa.
"My twin," bati niya sa aking katabi.
Magkasabay namang lumapit ang dalawa kong pamangkin kay Kyro at nagpabuhat pa si Luigi sa lalaki. Kinuha ko ang aking bag kay Kyro at umakyat sa k'warto ko.
Nakasalubong si kuya Timothy sa hallway sa second floor, ngumiti ito sa akin, "nakilala mo na pala ang dalawa."
Napahinto ako sa kanyang sinabi, nagtataka man pero ngumiti rin ako sa kanya, "kahapon ko lang po nalaman, kuya Timothy."
"Don't worry, Bella, hindi ka mapapahamak sa dalawang niyon. Welcome to our family." Nagtataka man sa sinabi niya sa huli, hindi na ako nakapagtanong kay kuya Timothy dahil bumaba na rin ito agad.
Welcome to our family?
Hindi ba ako welcome nu'ng unang punta ko rito?
Paulit-ulit sa isipan ko ang sinabi ni kuya Timothy na Welcome to our family. Hanggang makababa ulit ako, nasa isipan ko pa rin ito.
Nakita ko si ate Bea na nakatingin sa akin habang nakatingin din ang mga mata niya kina Kyro at Kori. Kaya lumapit ako sa kanya, "ate, bakit?" pag-aalala kong tanong dito.
Umiling lang siya sa akin at ngumiti, "wala, Bella. Umupo ka na roon muna, magmeryenda ka na rin."
Tumingin ako kay ate Bea para masiguradong ayos lang ba talaga siya, ng itulak niya ako nang mahina alam kong ayos lang talaga siya.
Umupo ako sa pang-isahang sofa at nakikain na rin ng cookies na binili nila sa isang bake shop.
"Mas masarap bake mo Tita Bella." Tinaas ni Luigi ang kanyang kamay na may hawak na red velvet cookies, "diba po, Uncle Kyro, mas yummy po iyong cookies ni Tita?"
Parehong napaubo ang dalawa dahil sa sinabi ni Luigi, anong nangyari sa kanila?
Sabay silang uminom, inisang lagok lang nila ang juice sa baso nila. Nakita kong gumalaw ang Adam's apple ni Kori at mahinang umubo si Kyro.
Nang hindi pa rin sumasagot si Kyro ay nilapitan na ni Luigi ang Uncle niya at saka pinalo nang mahina, "diba po, Uncle?" Ulit niyang tanong dito.
Sunod-sunod ang naging tango ni Kyro, "O-of course." Sabay lunok nito.
Hindi ba masarap bake ko? Bakit parang napipilitan lang siya na magsabing masarap?
"Mas masarap ang cookies ni Tita Bella!" Paulit-ulit na sinasabi ni Luigi habang umiikot sa sala table rito.
Nakatingin lang kami sa kanya maging ang kakambal niyang si Mario ay napapailing na lang.
Sana ayos lang talaga iyong pamangkin kong ito. Prayer for Luigi.