32

1560 Words
Maaga ako nakarating sa classroom. Nakakapagtaka wala pa sila Francheska. Mamaya pala ang laban ni Kori against kay Conrad. Si Conrad ba iyong nakilala namin sa Birthday party ni Akihiro? O, baka ibang tao na naman niyon. Basta ako excited na mamaya para sa laban ni Kori. Ngayon ko lang makikita si Kori na lumaban sa loob ng ring at mamaya lang ako makakapanood ng live ng gano'n. Ano kaya feeling manood ng live. Hindi ko tuloy maitago ang ngiti ko para mamaya. Ang aking ngiti na napakalaki ay biglang unting nawawala dahil natanaw ko si Francheska. Nakayuko ito habang papasok sa aming classroom, magulo ang buhok at mukhang galing lang sa pag-iyak. Napatayo ako para salubungin siya, umangat ang kanyang mukha ng makita ako at niyakap ako nang mahigpit. "Bella," mahinang banggit niya sa aking pangalan. Niyakap ko rin siya pabalik at hinimas ang kanyang likuran. "Ayos ka lang ba, Fran? May nangyari ba sa'yo?" Nag-aalala kong tanong sa kanya. Tinignan ko ang kanyang mga mata, namumula pa ito at namamaga ang kanyang mga mata. "Umiyak ka ba?" Dugtong na tanong ko sa kanya. "Parang gusto kong umabsent sa isang subject ngayon, Bella. Tinatamad nga akong pumasok." Pilit siyang ngumingiti pero hindi ito umaabot hanggang sa mga mata niya. Ano bang nangyari sa kanya? Napabuga ako ng hangin, humiwalay siya sa akin, nakita kong palabas na ulit siya sa classroom namin ng tawagin ko siya. "Samahan na kita, Fran. Wala namang quizzes sa subject natin." Dinampot ang aking bagpack at sabay kaming lumabas ng classroom namin. Naglalakad kami ngayon papunta sa botanical garden ng campus. Pinagmamasdan ko siya, walang ekspresyon ang kanyang mga mata at tulala ito habang naglalakad. Umupo siya sa dulong bahagi ng botanical garden, pinili niya ang pinakatagong parte ng botanical. Yumuko ito sa lamesang nandito na gawa sa makapal na kahoy. "Francheska, anong nangyari? Masaya ka naman kahapon diba?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya. Hinawakan ko ang kanyang kamay at hinaplos ito. Masaya pa siya kahapon ng maghiwalay kami. Nang-aasar pa nga siya tungkol kay Kyro dahil alam na niyang boyfriend ko ang sumusundo sa akin kaya wala akong alam kung ba't naging ganito siya. "Umamin na ako, Bella." Umawang ang aking labi sa sinabi niya. Nakayuko pa rin siya sa lamesa, naghihintay akong magsalita ulit siya. Umangat ang kanyang mukha at pilit na ngumiti sa akin. "Napag-isipan ko kasing umamin na sa kanya pero wala, e. He don't like me, tingin lang niya sa akin bilang kapatid. Ang sakit-sakit, Bella. I really don't kung sa'n mag-uumpisa ulit , naliligaw na naman ako." Pinunasan niya ang tumulong tubig na nagmula sa kanyang mata. Huminga siya nang malalim habang nakatingin sa mga halamang nandito. "Akala ko magiging madali kapag umamin ako sa kanya... Naging mahirap pala lalo kasi umiiwas na siya sa akin. Nakita ko siya kanina sa parking para kausapin ulit pero napaatras ako dahil narinig ko silang nag-uusap." Pinunasan niya ulit ang kanyang pisngi pero sa punto na ito naging sunod-sunod na ang pagtulo ng kanyang luha. Namumula na rin ang kanyang ilong. "Sino, Fran?" Sino narinig mo?" Lumipat ako ng upuan at tumabi sa kanya. Hinaplos ko ang kanyang likuran at inayos ang kanyang buhok. "Si pinsang Akihiro at si Cashel," nakita kong pinipilit na lamang niya ngumiti. "Narinig ko ang pinag-uusapan nila, tungkol sa akin. Sinabi ni Cashel na umamin ako sa kanya pero hindi niya masusuklian ang pagtingin ko sa kanya dahil nga kapatid lang ang turing niya sa akin. Akala ko nga pipilitin ni cous si Cashel pero narinig ko lang kay pinsan Akihiro na, buti na lang daw umamin na rin daw si Cashel na kaibigan lang ang turing niya sa akin. Alam naman pala ni cous na gano'n ang tingin sa akin ni Cashel, bakit hindi niya agad sinabi sa akin. Sana nakaiwas ako, sana napigilan ko itong nararamdaman ko sa kanya. Ang sakit!" Kumuyom ang kamao ni Francheska at pinagsusuntok niya ang kanyang dibdib na siyang pag-awat ko naman sa kanya. "Sshh... Iiyak mo lang niyan, Fran pero after this hindi ka na iiyak sa kanya. Maraming lalaki d'yan ha? Hindi lang si Cashel ang lalaki sa mundo. Tahan na. Malakas ka, Fran. Maganda ka, Fran, imposibleng walang magkakagusto sayo. Makakahanap ka ng para sayo, iyong lalaking titignan ka na parang isang diyamante. Iyong hindi ka iiwan at papaiyakin." Pagpapagaan ko sa kanya habang patuloy siyang umiiyak sa aking balikat. Dalawang subject ang hindi namin napasukan ni Francheska. Kaya sa pangatlong subject ay pumasok na kami. Tinulungan ko siyang mag-ayos para 'di mahalatang galing siya sa iyak. Halos trentang minutos din kasi siya umiyak hanggang mapagod siya at nagpasya kaming kumain muna bago pumasok sa third subject namin. Nang makapasok kami classroom, parehas na tumingin sa amin sina Cashel at Akihiro. Hindi ko mabasa kung hinahanap ba nila kami? Dahil sa tatlong oras na wala kami ni Francheska, ni-isang text o tawag galing sa kanila ay walang kaming nakuha. Napagpasyahan namin ni Francheska na sa first row kami umupo. Wala kasing gaanong umuupo rito, kaya simula sa araw ngayon dito na permanent seat namin. Ayokong masaktan si Fran, sobrang bait niya para saktan lang. Nakakainis lang din ba't 'di sinabi ni Akihiro ang totoo sa pinsan niya. Sana hindi na umasa ng ganito si Francheska kay Cashel at sana rin 'di na lang nagbigay ng motibo si Cashel para kay Francheska. Pinagmamasdan ko si Francheska, nakapokus lang siya sa professor namin habang nag-di-discuss ito ng lessons. Seryoso ang mga mata niya habang nagta-take down notes ito. Sumapit ang lunch break, hindi rin kami nakisabay sa kanila. Nagsarili kami ng table sa dalawa. Kasagsagan ng pagkain namin ng makita namin ang dalawa kasama iyong dalawang tourism student na sina Nathalie at Pauline. Masasaya sila nagkukwentuhan habang papasok sa canteen kaya nabaling ang tingin ko kay Francheska nakita ko itong kumakain lang at mukhang 'di niya nakita ang dumaan. After our last two subjects, tapos na ang araw namin ngayon. Nagligpit na ako ng mga gamit ko dahil ngayon pala ang laban ni Kori, muntik ko ng makalimutan dahil sa nangyari kanina. "Fran, kanino ka sasabay?" Mahinang tanong ko sa kanya habang nag-aayos siya ng gamit. Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Susunduin ako ng kuya ko. Huwag kang mag-aalala." Nilagay na niya ang sling bag niya sa kanyang kanang braso. "Tara? Sabay na tayong pumuntang parking? Baka nandoon na rin ang kuya ko." Tumingin siya sa kanyang phone at nagtipa ito roon. "Nandoon na ang kuya ko. Hindi ko ba nasabi ang tungkol sa kuya ko sayo?" Tumango ako sa kanya. Hindi niya naikwento sa akin na may kapatid pala siya. Akala ko only child lang siya. "Pakilala kita sa kanya. Dalawa lang kami magkapatid ni Kuya Finn, may asawa na iyong kuya ko pero wala pa akong pamangkin." Aniya sa akin. "Sa inyo sila nakatira, Francheska?" Tumango siya sa tanong ko. "Oo, ayaw kasi ni Mommy na magbukod sila Kuya, dalawa na nga lang kami 'tas hihiwalay pa sa amin si kuya." Nakarating kami sa parking lot at nagulat akong nandoon na agad si Kyro. Sinisilip ko ang kotse niya pero walang Kori ang nasa loob. "Nand'yan na iyong boyfriend mo, Bella!" Panunukso nito sa akin. "Ayon iyong kuya ko, oh!" Turo nito sa kahilera ni Kyro. Sasakyan na kulay pula na ang tatak ay Kia. "Hindi ka ba magpapaalam sa kanila, Fran?" Bulong ko sa kanya at palihim na tinuro sina Cashel at Akihiro. "Hindi na, saka hindi tayo ang hinihintay ng mga iyan. Iyong dalawa kaya ba't pa tayo magpapaalam?" Sabay ismid niya sa akin. "See you next week, Bella! Wala tayong pasok until friday! Pero, marami namang gagawin." Sabay kaming ngumiwi sa isa't-isa. "See you next week, Fran! Be happy!" Sigaw ko sa kanya at kumaway ako bago siya pumasok sa kotse ng kuya niya. Pagkarating ko kay Kyro, kinuha niya ang bag ko at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse niya. Pagkapasok ko, siya namang ikot niya sa driver seat. Tinignan ko rito ang dalawa habang nakita ko ang tingin ni Cashel sa kotse nila Fran na palabas na sa campus. Hays. "How's your day, my sunshine?" Napabaling ako sa driver seat, nandoon na pala si Kyro. Sumilip ako sa backseat walang Kori na nandoon. "Ayos lang, Kyro! Hindi ako nakapasok sa dalawang subject ko kanina," pag-amin ko sa kanya. Sinulyapan niya ako at tumingin ulit sa kalsada. "Did something happen to you, sunshine?" Ngumiti ako sa kanya at umiling. "Hindi, ayos lang ako. Iyong kaibigan kong si Francheska ang hindi okay kanina. Kaya dinamayan ko siya. Heart broken siya dahil kay Cashel." K'wento ko sa kanya. "Pero, ayos naman na siya ngayon. Okay na siya." "Saka pala, Kyro, nasa'n si Kori? Akala ko manonood tayong laban niya ngayon?" Tumingin ako sa phone ko at nakita kong malapit na mag-alas-kuwatro. "Malapit na mag-4PM, Kyro. Baka 'di natin maabutan laban ni Kori!" Sabi niya kasi kanina 4PM daw ang laban niya with Conrad. Hinaplos niya ang aking binti, "don't worry aabot tayo sa fight niya. 5PM pa naman ang umpisa ng laban niya sunshine. By the way, wala kayong class until friday?" Sunod-sunod na tumango ako sa kanya. "Yes! May gagawin kasi sa buong building namin kaya wala kaming class pero maraming pinapagawa sa amin katulad ng book review! Tulungan mo ko, Kyro?" Pagpapa-cute ko sa kanya. "Of course, sunshine. I love you most!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD