31

1276 Words
Nagising ako sa loob ng k'warto ni Kyro na ang bigat ng katawan ko dahil sa mga nakadagan sa aking binti at braso ng dalawang katabi ko. Inalis ko ang kaliwang binti ni Kyro na nakadagan sa akin, maging ang kanang binti ni Kori ay inalis ko rin. Hindi ba nila alam na ang bigat nilang dalawa. Sunod kong inalis ang kaliwang kamay ni Kyro na nasa aking tiyan gano'n din si Kori ang kanyang kanang kamay nasa tiyan ko rin. Umupo ako sa kama ng matanggal ko lahat ng mga nakadagan sa akin. Tinitigan ko silang dalawa, 'di pa rin ako makapaniwalang p'wedeng magmahal ng dalawang lalaki na sabay. Gumapang ako sa kama hanggang makababa rito. Maaga naman na, p'wede na siguro akong maligo. May pasok ako ngayon, kumusta kaya si Francheska? Kinuha ko ang uniform ko at saka pumasok sa bathroom ni Kyro. Bahala sila matulog na dalawa d'yan. Naging madali lang ang aking pagligo, sa loob na rin ako ng bathroom nagbihis mahirap na baka magising ang mga iyon once na nagbibihis na ako. Makanood pa sila ng babaeng nagbibihis ng uniform. Nang makitang maayos na ako, saka na ako lumabas sa bathroom at natanaw ko roon sa kama ang magkayakap na sina Kyro at Kori. Napangiti ako kaya kinuhanan ko sila ng picture na magkayakap. Pagkatapos ko silang pagmasdan, ginising ko na rin si Kyro, tinapik ko ito upang magising lang. "Wake up na, Kyro! Papasok pa ako!" Sabay tusok ko sa kanyang pisngi. "I'm awake, Sunshine! Good morning!" Nakita kong sumilay ang ngiti ni Kyro kaya ningitian ko rin siya. "Are you done?" Tumango ako sa kanya. "Oo, naka-ayos na ako kaya maligo na rin kayong dalawa!" Sabay turo ko roon kay Kori na humihilik pa. Bumangon siya, umupo siya sa kama at niyakap niya ako nang mahigpit. " I love you, Sunshine, my only sunshine." "Magugulo iyong uniform ko, Kyro! Maligo ka na!" Hampas ko sa braso niya pero ang isang ito, imbis na bitawan ako sinakop niya ang aking labi. Nagpalitan kami ng malalim na halik sa isa't-isa. Naputol lang ito ng magsalita si Kori. "What a view? How about me, baby?" Sinungitan ko siya at hindi pinansin. "What about Chandall?" Masungit na tanong ko sa kanya habang hindi pa rin ako umaalis sa kandungan ni Kyro. Nakapulupot ang aking kamay sa leeg niya kaya heto si Kyro panay halik sa pisngi ko. "She's nothing! I just used her to make you jealous. Please, give me a kiss too, baby." Sabay pout niya sa akin. "Naalala ko kaya na sinabi mo rin sa kanya na wala lang din ako, ha?" Pagtataray ko pa kay Kori. Manigas siya! Narinig naman namin ang mahinang tawa ni Kyro. "Don't even laugh, I'm irritated by your laughter!" Sungit na sabi ni Kori kay Kyro na hindi pa rin tumitigil sa pagtawa. Bumalik ang tingin sa akin ni Kori at sa punto na iyon malungkot na tumingin ito sa akin. Nagmamakaawa yata siya. "I only said that because I was annoyed with you because you watched their game." "Give him a kiss, sunshine. I feel sorry for Kori, my sunshine." Bulong na sabi ni Kyro sa akin. "Talaga? Eh, ano iyong narinig ko nu'ng sabado na may nangyari sa inyo?" Naalala ko niyon galing sa bibig nu'ng Chandall na iyon. He chuckled, "Do you believe her? The f**k! I can't do that. She's so plain and boring." "Really?" Paninigurado ko sa kanya. "Of course, baby! I will not lie to you. So, please give me a kiss too." Pagsusumamo nito sa akin at malungkot na nakatingin sa akin. Tumingin ako kay Kyro at tumango-tango ito. "Give him a kiss, sunshine. I'm going to take a shower, so, you won't be late for your class." Hinalikan muna niya ako sa aking labi nang mabilis at binigay niya ako kay Kori. Nakaupo na ako sa kandungan ni Kori na nakangiti na ngayon. "Ngingiti-ngiti ka ngayon d'yan!" Sabay hampas ko sa kanyang braso at sinuntok ang kanyang dibdib. Susuntukin ko sana ulit ang dibdib niya pero hinawakan niya ang aking kamay at saka ako hinalikan ng maingat. Lumalim ang aming halikan hanggang makapasok ang kanyang dila sa aking loob. Rinig ko na ang lagaslas ng tubig sa bathroom ni Kyro. Umusog sa pagkakaupo si Kori hanggang makasandal siya sa headboard ng kama. Pinaghiwalay niya ang aking binti at pinaupo ako sa kanyang harapan. Naka-slacks ako dahil ito ang uniform namin. Naramdaman kong binubuksan niya ang aking butones na suot kong uniform pero pinigilan ko siya. Napunta ang halik ni Kori sa akin tenga na siyang nagpaungol sa akin nang mahina. "May pasok pa tayo, Kori. Enough!" Nilayo ko na ang aking labi sa kanya at tatayo na sana pero pinigilan niya ako. "You drive me crazy, baby!" Mahinang sabi niya habang nakatingin sa aking mga mata. Humahaplos ang kanyang kamay sa aking hita. "Maligo ka na rin after ni Kyro, okay? Hintayin ko na lang kayo sa baba, ha?" Umalis na ako sa kanyang kandungan. Inayos ko ang aking uniform at kinuha ang aking bag, "maligo na, Kori!" Banta ko rito at lumabas na ng k'warto ni Kyro. Kung hindi ako lalabas ng k'warto na iyon mukhang may mas malalim pang mangyayari sa aming tatlo. Kung kaya ko pa pigilan na huwag ibigay ang virginity ko sa kanilang dalawa, gagawin ko iyan hanggang wala akong assurance na loyal talaga sila sa akin. "Kyro, diba sa passenger seat ako? Ba't dito ako pinaupo ni Kori?" Himutok ko kay Kyro. Paano ba naman kasi inagawan ako ng p'westo ni Kori. "When we go home baby, you are here in my place. Don't get upset with me anymore." Hindi ko siya pinansin. Bahala siya. "Are you mad at me?" Hinuli ni Kori ang kanang kamay ko at hinaplos ito pero hindi pa rin ako nagpatinag sa kanya. "D'yan kasi ako, nang-aagaw ka ng p'westo." Galit-galitan na sabi ko sa kanya. Nakita kong umusog siya. "Move here next to me, we can both be in the passenger seat. Come on, baby." Huminto muna si Kyro sa gilid ng kalsada at saka tinanggal ni Kori ang seatbelt kaya dumaan ako sa gitna ng sasakyan ni Kyro. Nang maka-upo, binalik na ulit ni Kori ang seatbelt sa amin. Kasya naman pala kami sa passenger seat. "See, it's possible?" Bati na ulit kami ni Kori. Iyon nga lang pagkalipat ko sa passenger seat, kanya-kanya naman silang haplos sa aking hita. Si Kyro na humahaplos sa hita ko at si Kori na humahaplos sa bewang ko at panay halik sa leeg. Sana 'di na lang ako lumipat. "Kori?" Tawag ko sa kanya na abala sa kanyang paghahalik. "P'wede kaming manood ng laban mo?" Napansin kong napatingin si Kyro saglit sa akin dahil sa sinabi ko. "Are you sure? You want to watch my fight? You may be surprised at what you see. I am a different person when I fight." Tumingin siya kay Kyro at mukhang humihingi siya ng tulong sa kakambal niya. "Gusto kong manood. Kyro, nood tayo ng laban niya?" Kalabit ko kay Kyro na abala ang tingin sa kalsada. "Okay, if that's what you want!" Payag ni Kyro sa sinabi ko. "Pumayag na si Kyro, pumayag ka na rin Kori, sige na, please!" Hinalikan ko siya sa kanyang pisngi para lalo siyang pumayag sa gusto ko. Nakita kong napabuga siya. "Okay, I agree!" "Thank you, Kori! Promise, manood lang kami ni Kyro! Kailan laban mo?" Masayang pagtatanong ko sa kanya. "Tomorrow at 4PM, my opponent is Conrad. Behave there while I fight, huh? Or, you can cheer me on so I want to fight more, baby." Sabay halik niya sa aking pisngi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD