33

1078 Words
Pumarada si Kyro sa isang madilim na lugar, sabi niya dito raw ginaganap ang laban ng mga underground fighter. Nakakatakot naman sa lugar nila, ang dilim dito. Hinawakan ni Kyro ang aking bewang at nilapit ako sa kanya. Sinilip ko siya at ang kanyang mukha ay napakaseryoso, ganito ang mukha niya nu'ng una ko siyang nakita at nakilala. May dalawang bouncer kaming nakitang nakabantay sa isang pinto. May pinakita si Kyro sa kanila at agad kaming pinapasok. Naglalakad pa lang kami sa isang masikip na daan ng may matanaw na akong isang lugar na mailaw at nagsisigawang mga tao. "We're here, sunshine. Don't separate from me, okay?" May bantang sabi sa akin ni Kyro kaya tumango ako sa kanya. Hindi rin ako lalayo sa kanya. Pagkarating sa lugar na puno ng mga ilaw ay may isang lalaking nagtanong sa amin at may hinanap kay Kyro. Pinakita niya ulit ang bagay na pinakita niya kanina sa mga bouncer. Inassist niya kami at pinaupo, malapit kami sa ring mismo. "Kyro, ang lapit natin sa ring. Makikita natin si Kori talaga!" Manghang sabi ko sa kanya. Nasa pangatlong row kami kaya masaya akong 'di kami nasa dulo. Inusog ako ni Kyro sa kanya at nilagay niya ang aking bagpack sa gilid ko. Kulang na lang sa hita ako ni Kyro umupo at iyong bag ko na lang uupo sa seat ko. Nakadantay ang kanyang kanang kamay sa aking hita kulang na lang mapasubsob ako sa matipunong katawan niya. "Bakit, Kyro, may problema ba?" Pagtatanong ko sa kanya. Grabe kasi iyong pagbabakod niya. Nakadantay na iyong kanang kamay niya sa hita ko tas ang kaliwang kamay niya ay nasa bewang ko panay haplos doon kaya halos sumubsob na ako sa kanya. "I'm just protecting was ours, sunshine." Bulong nito sa akin na siyang nagbigay kilig sa buong pagkatao ko. "Sa inyo lang naman ako." Bulong ko rin sa kanya at lumibot ang tingin ko sa buong lugar. May mga lalaki at babae ring nanonood. "Kyro, may babae rin bang lumalaban?" Mahinang pagtatanong ko sa kanya. Tumango siya sa akin. Galing naman nila kung gano'n. Biglang dumilim ang buong paligid at ilaw na lamang sa loob ng ring ang mayro'n. "Kori's fight is about to begin, sunshine." Napahawak ako sa kanang kamay ni Kyro ng lumabas sa kabilang side si Kori na tanging saplot lamang ay short na itim. Sa kabila rin ay lumabas ang isang lalaki na may kulay pulang short at wala rin itong saplot pang-itaas. "Siya iyong nasa party ni Akihiro, 'di ba, Kyro?" Turo ko roon sa magiging kalaban ni Kori. "Yes, sunshine. He's the one at the party." Nakatingin si Kyro sa ring kung nasa'n sila Kori. Ibang-iba iyong mukha nu'ng Conrad. Matipuno ang pangangatawan niya at kita rito sa p'westo ko ang ugat niya sa kanyang braso. Nakakatakot. Seryoso kaya si Francheska na crush niya ang isang ito, o, baka naman pinagseselos lang niya si Cashel. "Good evening everyone!" Announced nu'ng announcer sa loob ng ring kaya nag-ingay ang mga tao. "We will now witness the battle between Kori the Beast and Conrad the Fighter! Who will win between our two great and brave fighters? The Beast or The Fighter? Show support to the person you choose to support!" Dahil sa balita ng announcer lalong nag-ingay ang mga tao. Ganito pala rito. "Si Kori ang mananalo!" Sumisigaw na rin ako dahil nakakadala ang energy ng mga kapwa kong nanonood. Tinapik ko si Kyro na hindi man lang nagche-cheer para sa kakambal niya. "Magcheer ka rin! Sabihin mo Kori!" Pagpipilit ko sa kanya. "He knows we support him, sunshine. You are the one he wants to hear to cheer him on. Cheer for him, sunshine, he needs that for him to win." Seryoso ang pagkakasabi niya sa akin kaya ginawa ko ang sinabi ni Kyro sa akin. "Go Kori! Kaya mo iyan!" Sigaw ko sa abot ng aking makakaya. Kaya kinilig ako ng lumingon siya sa p'westo namin at ngumiti sa akin. "Nakita niya ba tayo, Kyro?" Pagtatanong ko sa aking katabi na hindi ko maitago ang ngiti sa labi ko. Tumango siya sa akin at tumutok na ulit ang kanyang tingin sa ring. Minsan talaga si Kyro walang kwentang kausap. "Yah! Ang daya niya!" Sigaw ko kay Kyro at tinuro si Conrad. Paano ba naman kasi tinutuhod niya si Kori malapit sa private parts nito! "It's legal, sunshine. All body parts can be used on the opponent except when below the belt." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Kyro. Below the belt na iyon, 'di ba? Nabibingi na ako dahil sa patuloy na sigawan na naririnig sa buong paligid. Maging iyong sa likod namin ni Kyro ang ingay kulang na lang mag-megaphone siya. Sana mapaos siya mamaya. "Ayan! Bugbugin mo Kori!" Sigaw ko sa kanya at tumayo pa ako sa upuan para lang makita ang ginagawa ni Kori kay Conrad. Nakahiga si Conrad sa ring habang tinutuhod at sinusuntok siya ni Kori sa tagiliran at katawan niya. "Buti nga! Dapat lang sayo! Tapusin mo na iyan, Kori!" Napapasuntok na rin ako sa hangin dahil sa intense ng laban. "Sit down, sunshine!" Hinila ako ni Kyro paupo ulit. Sumimangot ako sa kanya. "Ang yabang-yabang kaya niya, Kyro! 'Di ba, ang yabang niya nu'ng birthday ni Akihiro. Wala naman pala siyang binatbat kay Kori!" Tatayo na sana ulit ako pero hinawakan niya ako sa aking bewang kaya napaupo ulit ako. "Maya-maya lamang their fight will end." Nakita kong tumayo si Kyro at kinuha na ang aking bagpack. "Come on, Sunshine. Let's just wait for Kori in the car." Hinuli niya ang aking kamay at umalis na kami sa p'westo namin. "Hindi pa tapos laban nila Kyro." Nakalingon ako sa ring nandoon pa rin sina Kyro at Conrad. "Tapos na niyan. Kori wins against Conrad." Napanguso ako sa sinabi ni Kyro pero agad din akong ngumiti ng marinig ang boses ng announcer. "We have a winner, Kori the Beast!" Announced nito kaya napahinto ako at pumalakpak. "Panalo si Kori, Kyro!" Masayang sabi ko at lumabitin pa ako sa leeg ni Kyro. "Panalo si Kori! Panalo si Kori!" Ulit kong sabi sa kanya. "I told you, he will win, sunshine." Mabilis na hinalikan niya ako sa aking labi, pinutol ko rin agad ang halikan naming dalawa baka may makakita sa amin. "Hintayin na natin si Kori sa kotse! Tapos uuwi na tayo!" Masayang sabi ko habang kinakanta niyo na pabalik sa kotse ni Kyro. Ang saya pala manood ng laban!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD