Chapter 6 -His true intent-

2430 Words
◄Rouge's POV► Habang nasa opisina ako, tumunog ang aking telepono. Napatingin ako dito at nagulat ako ng makita ko kung sino ang tumatawag ulit sa akin. It’s Phoebe... she’s been calling me nonstop since last night pero hindi ko siya sinasagot, katulad ng kung paano niya hindi pinapansin nuon ang mga tawag ko. Ngayon siya naman ang nangungulit sa akin at paulit-ulit na tumatawag. Hindi katulad nuon, paulit-ulit akong tumatawag sa kanya to the point na nagm8ukha na akong kawawa na namamalimos ng atensyon niya, pero isa man sa mga tawag ko ay hindi niya sinagot. Ngayon, heto at siya na ang kumukulit sa akin. I deeply desire to have her back in my life mula pa nuong iniwanan niya ako dahil sa nangyari, but hindi ko muna siya papansinin sa ngayon. I want her to realize my worth first para malaman niya na hindi niya kayang mabuhay ng wala ako sa piling niya... na mahalaga ako sa buhay niya at ako lang ang lalaki sa puso niya. Pagkatapos ay saka ko pa lang siya tatanggapin sa buhay ko at tuluyan ng iiwanan si Kimie. Iyon naman talaga ang plano ko kaya ko ginamit si Kimie. Nararamdaman ko na malapit ng mangyari ang inaasam ko. Mahal na mahal ko si Phoebe at mali ang sinasabi sa akin ng mga pinsan ko na mahuhulog ako kay Kimie dahil lamang nakakasama ko ito sa iisang bubong. Hindi mangyayari 'yon lalo pa at nandito na si Phoebe sa Pilipinas upang bawiin niya ako sa aking asawa, na ginagamit ko lamang upang makuha ko muli ang puso ng aking dating kasintahan. Muling tumunog ang aking phone, ngumisi ako at hindi ko pa rin siya sinasagot sa mga tawag niya. Ipinasok ko sa loob ng drawer ang phone ko at nagsimula akong magtrabaho. Bumukas ang pintuan ng aking opisina at iniluwa nito ang aking ina. Nagulat pa ako, hindi ko siya inaasahan dito dahil hindi naman siya normally na nagpupunta sa aking building para lang dalawin ako dito sa opisina ko kaya nakakapagtaka lang. Ano kaya ang sadya sa akin ng mahal kong ina? "Hey, Mom, what brings you here today? I wasn’t expecting to see you here, may problema ba?" Tanong ko. Nakangiti naman ako, pero ang nakakunot kong noo ang magpapatunay na hindi talaga ako sanay na nandito ang aking ina. "Alam mo naman hijo na gustong-gusto na talaga naming magkaroon ng mga magagandang apo. Nandito ako upang tanungin ka kung hindi pa ba buntis ang asawa mo. Bigyan mo na kami ng iyong ama ng isang maganda o poging apo. Naghihintay kami anak na magbalita kayo sa amin na nagdadalang-tao na ang iyong asawa. May laman na ba?" Nagulat ako sa sinabi ng aking ina. Wala pa akong balak na magkaroon ng anak kahit na kanino, kahit na kay Phoebe pa. Hindi pa ako handa pagdating sa pagkakaroon ng obligasyon. Hindi pa ako sawa sa kandungan ng iba't ibang babae. Wala pa sa plano ko ang totoong pagseseryoso sa isang relasyon. "Mom, wala pa ho kaming plano ni Kimie na magkaroon ng anak. Marami pa kaming gustong gawin na hindi namin iniisip ang obligasyon sa magiging anak namin." Nakita ko ang lungkot sa mga mata ng aking ina. Tumayo ako mula sa swivel chair ko at nilapitan ko siya. Niyakap ko siya at iginiya sa sofa. "Try to understand Mom. Hindi ba mas mabuti kung napag-pa-planuhan naming mabuti ang pagkakaroon ng anak? My wife and I have agreed that we’re not ready to handle the responsibilities and challenges of having children right now. Hindi pa kami ready mom kaya sana huwag kang malungkot. Darating din naman tayo diyan, pero hindi pa sa ngayon. Malay mo naman mauna pa si Mellard na mabigyan kayo ng apo, mukhang may kinababaliwan ang isang 'yon. Kimie and I want to make sure that when we do start a family, dapat ay pareho kaming ready to give our time, energy, and dedication to raising a child. Mas okay 'yon, hindi ba mom?" Sagot ko. Humugot siya ng malalim na paghinga at saka tipid na ngumiti sa akin. "Isa pa 'yang kapatid mo sa ama. Humihingi ako ng apo sa kanya, ang sagot sa akin ay kikidnapin muna daw niya ang bulaklak ng buhay niya. Ang lintik na batang 'yon kung ano-anong kalokohan ang pinagsasasabi niya." Malakas akong tumawa ng marinig ko ang isinagot sa akin ng aking ina. Hindi ako makapaniwala na isasagot 'yon ni Mellard sa mom ko. Sira ulo din talaga ang isang 'yon. "Tuwang-tuwa ka sa kalokohan ng kapatid mo. Pareho nga kayong Hendrickson, puro pang-ba-babae lang ang alam ninyo. Manang-mana kayong dalawa sa ama ninyo. Naku ikaw Rouge, huwag na huwag mong sasaktan si Kimie at ako ang makakalaban mo. Iyang si Phoebe ay kalimutan mo na dahil sumama na siya sa ibang lalaki. Hindi ko gusto ang ganuon na basta na lang mang-iiwan at pagkatapos ay sasama sa ibang lalaki at maninirahan na parang mag-asawa. Kalimutan mo na 'yan dahil masaya na kami ng ama mo diyan sa asawa mo. Apo na lang ang hinihintay namin kaya bigyan ninyo kami ng apo." Napakamot ako ng ulo. Heto na naman ang aking ina. My mom never truly liked Phoebe, not even from the beginning at ramdam ko 'yon nuon pa man, but there’s nothing she can do if she’s the one I choose dahil ako naman ang makikisama at hindi sila. Phoebe is the one I love, not Kimie kaya susundin ko kung sino ang isinisigaw ng aking puso, I love her dearly at iyon ang mahalaga sa akin. Everything between Kimie and me was just an act, nothing real at malalaman nila ang tungkol diyan soon. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ng aking mga magulang, pero sigurado ako na ikagagalit nila ito sa akin. Lalo pa ngayon at nakikita ko na nagugustuhan nila si Kimie. Dapat talaga ay hindi ko na lamang ito ipinaalam sa kanila, pero nandiyan na 'yan at wala na akong magagawa pa. Ang kailangan ko na lamang ay panindigan ang ginawa kong kalokohan. Soon naman ay mapapawalang bisa na ang kasal namin ng hindi nila nalalaman. Saka ko na lamang sasabihin sa lahat kapag nagkabalikan na kami ni Phoebe. "Alam mo mom, mabait si Mellard, hindi 'yon gagawa ng kalokohan." Tinaasan ako ng kilay ng aking ina. Tumawa ako dahil sa hitsura niya. "Mabait? Mabait ba 'yung kung sino-sino ang babaeng dinadala niya sa hotel niya? Naku Rouge, ang dami mong ituturo sa kapatid mo, puro kamanyakan pa!" "Mom, wala akong itinuturo diyan. Dugong Hendrickson 'yan kaya huwag ka ng magtaka pa. Mas magulat kayo kapag iyan ay naging matino. Pagdudahan ninyo pagkatao ni Mellard kapag iyan ay hindi naging babaero. Nagmana lang naman kami kay dad na hindi maitaas ang zipper ng pantalon kapag may babaeng nakabukaka sa harapan namin." Biglang tumayo ang aking ina at hinampas ako ng bag kaya tawa ako ng tawa. "Lintik kang bata ka! Baka nakakalimutan mo kung sino ang kausap mo? Gusto mo bang ipadala kita sa kulungang isla para magtanda ka?" Napakamot ako ng ulo. Napapailing ako ng bumalik ako sa swivel chair ko. Ayoko ng makipagtalo pa sa kanya at baka nga totohanin niya ang sinabi niya. "I have to go. Basta pag-isipan ninyong mag-asawa ang hinihiling namin sa inyo ng iyong ama, Rouge. Bigyan mo kami ng apo kay Kimie. Excited na kaming humawak ng bata kaya pagbutihin mo ang pangangabayo mo." Nagulat ako sa sinabi ng aking ina, pagkatapos ay bigla akong bumunghalit ng malakas na tawa. Maging siya ay natawa habang naglalakad na ito palabas ng opisina ko kasunod lamang ang mga bodyguards niya. "I love you, mom! Iba ka talaga!" Malakas kong sabi habang tumatawa ako. Nilingon niya ako at nginusuan, sabay irap, kaya tawa ako ng tawa sa aking ina. Mabait ang aking ina at pasensyosa, pero masama itong magalit kapag niloloko siya kaya nga medyo kinakabahan ako kapag nalaman na niya ang katotohanan tungkol sa amin ni Kimie, pero I'm sure naman na mas papanigan niya ako dahil ako ang kanyang anak. Dapat lang na nasa akin ang side niya. Tinignan ko ang phone ko sa loob ng drawer. Hindi ko na mabilang ang missed calls ni Phoebe. Napapailing ako ng ulo na muling isinara ang drawer at nagsimula akong magtipa sa keyboard. Si Kimie naman ngayon ang pumapasok sa utak ko. Paano nga kaya kapag nalaman ng mga magulang ko na ang lahat lamang sa amin ni Kimie ay isang malaking kasunduan lamang? Siguradong-sigurado ako na my mom would be the first to feel sad and disappointed. I know she likes Kimie and probably thinks we’re a good match. But Kimie is just my wife in name... my true feelings belong only to Phoebe at hindi ko na mababago pa 'yan, kaya kahit na ano ang mangyari... si Phoebe pa rin ang totoong ihaharap ko sa dambana. Napatingin ako sa aking orasang pambisig. Mag-aalas sais na pala ng gabi. Damn! Hindi ko na namalayan na ginabi na pala ako sa pagtatrabaho at pag-iisip. Kinuha ko ang phone ko sa drawer at ibinalik ko ito sa bulsa ko. I shut down my computer and carefully organized all the documents scattered across my desk, stacking them neatly at inilagay ko sila sa loob ng aking file cabinet. Then kinuha ko ang susi ng sasakyan ko at sinigurado ko rin na naka-lock ang file cabinet ko bago ako tuluyang lumabas ng opisina ko. "Gina, you can head home now. We have finished everything we need to do for today." I said, letting my secretary know the workday was over. Nakakaramdam na rin ako ng pagod at hindi ko na hinintay pa na sumagot ang sekretarya ko. Diretso na akong naglakad at tinungo ko ang private lift. ╰┈➤ Twenty minutes lang ay nakauwi na din agad ako sa penthouse ko. Pagbukas ng elevator ay ibinaba ko na lang sa kung saan ang dala kong computer bag at saka ko niluwagan ang kurbata ko habang naglalakad ako patungo sa living room, pero natigilan ako ng makita ko si Kimie na nakahiga sa sofa, tulog ito at nakasuot lamang ito ng maigsing short at sando na kulay pink. Kahit malamig dito sa loob ng penthouse ko ay tila ba bigla na lamang akong pinag-pawisan ng malagkit. Nakatitig ako sa natutulog akong asawa. Kitang-kita ko ang napakaganda niyang mukha. May kung anong pagnanasa ang nabubuhay sa pagkatao ko ngayon na tila ba gusto ko siyang buhatin at dalhin sa silid ko. Pinahid ko ang kung ano mang namumuong pawis sa noo ko. Naglakad ako papalapit sa kanya at naririnig ko ang malalim niyang paghinga, katunayan na tulog na tulog ito. Napatingin din ako sa kabuuan ng penthouse ko. malinis na malinis ito, maging sa kusina ay naaamoy ko ang mabangong pagkain. Siya ba ang gumawa ng lahat ng ito? I crouched down beside the bed at sinigurado ko na hindi ako makakagawa ng dahilan upang magising siya then, I gently brushed aside the strands of hair that were covering her face at talagang hindi ko maiwasang mapahanga sa taglay niyang kagandahan. I gazed at her intently, my heart racing as I watched her delicate, soft lips na tila ba kay sarap halikan. I couldn't help but swallow hard habang hindi ko inaalis ang pagkakatitig ko sa kanyang labi, feeling an overwhelming urge to kiss her, as if I was on the verge of giving in to that desire. Damn, kailangan kong kontrolin ang sarili ko. Humugot ako ng malalim na paghinga at tumayo ako, pagkatapos ay binuhat ko siya at dinala ko ang asawa ko sa kanyang silid. I gently laid her down on the bed at sinisigurado ko na hindi ko siya magigising dahil mukhang pagod ang asawa ko. I adjusted the blanket around her at ng sigurado na ako na maayos na siya ay saka ako naupo sa gilid ng kama. 'Magiging akin ka din Kimie. Sisiguraduhin ko na bago pa man tayo maghiwalay ng landas ay mapagsasawaan muna kita. Sisiguraduhin ko na mahuhulog ka sa patibong ko at kusa mong ibibigay sa akin ang katawan mo. Akin ka Kimie hangga't alam mo na mag-asawa tayo. Akin ka lang hanggang sa bitawan na kita.' Bulong ko, pagkatapos ay tumayo na ako at naglakad palabas ng kanyang silid. Isang sulyap pa ang ginawa ko sa kanya bago ako tuluyang lumabas. I headed straight to my room, but I couldn’t stop thinking about her... her flawless body na tumatak na yata sa isipan ko, the softness of her skin, and the beauty of her face na kahit na sinong lalaki ay maaakit sa taglay niyang kagandahan. If only my heart could learn to feel differently, maybe I could learn to love her. But the truth is... my heart belongs to Phoebe at wala na akong ibang iniisip pa kung hindi si Phoebe lang, and no matter how much I try na kalimutan siya nuon, she’s the only one I desire. As for you, Kimie, para ka lang isang bagay na kaya kong paglaruan sa palad ko... someone I can control and manipulate ng hindi mo nalalaman. I'm sorry Kimie kung dito tayo humantong. Naging mabuti naman akong kaibigan sa'yo at minsan kitang nailigtas sa mga taong nais kang saktan. Siguro naman ay sapat na 'yang kabayaran ko sa kung ano man ang mamamagitan sa ating dalawa. Kung masasaktan man kita, ngayon pa lang ay patawad na. Hindi ko na mapapalitan pa si Phoebe sa puso ko. Aaminin ko na ang tanging hangad ko lamang sa'yo ay ang matikman ka at pagsawaan ka, pagkatapos ay saka ko babalikan si Phoebe at kalilimutan ko na minsan ay naging parte ka ng buhay ko. Ibibigay ko pa rin sa'yo ang halaga na napagkasunduan natin, sapat na 'yan para makapag bagong buhay ka at sana ay makahanap ka ng lalaking tunay na magmamahal sa'yo. Marahas na buntong hininga ang pinakawalan ko at nilapitan ko ang mini bar sa loob ng aking silid. Kumuha ako ng isang bote ng alak, pagkatapos ay tinungga ko ito na parang tubig. Kailangang mawala ang matinding pagnanasa ko ngayon sa'yo, Kimie. Nag-iinit ang buong katawan ko, naghuhumiyaw ang matinding pagnanasa ko ngayon na maangkin ka. Damn it! Naglakad ako palabas sa aking silid, hawak ko pa rin ang bote ng alak, at pagkatapos ay pumasok ako sa loob ng silid ni Kimie. Pagpasok ko sa loob ay sumandal ako sa pintuan at pinagmasdan ko ang natutulog kong asawa. Tinungga ko ang alak, hindi ko inaalis ang aking mga mata sa kanyang kabuuan. Damn Kimie, I want you so bad! -To be continued-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD