Chapter 7 -Kimie-

2314 Words
-Continuation- ◄Rouge's POV► Titig na titig lang ako sa kanya. Muli kong tinungga ang bote na may lamang alak. Gusto ko siyang lapitan, gusto ko siyang hubaran, gusto kong maramdaman ang ng katawan ko ang kanyang katawan. Hindi ko alam kung kaya kong kontrolin ang sarili ko, ngayon pa lang ay nagliliyab na ang pagnanasa na bumabalot sa buo kong pagkatao, pero may mali sa nararamdaman ko habang pinagmamasdan ko si Kimie. Hindi ko alam at hindi ko masabi kung ano, ang alam ko lang ay may mali sa nararamdaman ko. Crap! Damn, Kimie, why am I feeling this way about you? Bakit ganito? Bakit hindi ko magawa sa'yo ang mga ginagawa ko nuon sa mga babae ko? Alam ko Kimie na mahal mo ako, nararamdaman ko na may pagtingin ka sa akin at gusto kong iyon ang gamitin ko sa'yo para maangkin ka. I have been with countless women before, but I have never felt this kind of desperation to have someone the way I feel about you right now. Bakit ganito Kimie? Ano ba ang meron ka na wala sa mga naging babae ko nuon? Habang pinagmamasdan kita ngayon, hindi ko naiisip si Phoebe, tanging mukha mo ang naglalaro sa isipan ko. Bakit ganito? Nakainom lang ba ako kaya ganito ang nararamdaman ko? Oh Kimie, there’s something about you that pulls me in, something I can't shake off. Damn it! Bakit pakiramdam ko ngayon ay nais kong ikulong ka sa aking mga bisig? Damn, damn, damn! Nababaliw na ba ako? Marahil ay dahil ito sa iniinom kong alak. I want you Kimie more than I have wanted anyone. But it’s not just about taking what I want Kimie, I want you to give in willingly... to come to me on your own terms. I’m not the kind of man who forces someone into my bed... I have never been that way. But with you... the desire is so intense at ngayon ko lang ito naramdaman... I can't help but wonder why it's so different this time. Gusto kitang lapitan Kimie, gusto kitang hubaran, gusto kong maramdaman ng labi ko ang bawat sulok ng katawan mo, pero may kung anong pumipigil sa akin. Hindi ko magawa, hindi ko alam kung bakit ganito ako ngayon sa'yo samantalang alam ko sa sarili ko na kaya kitang paglaruan. Muli kong tinungga ang bote ng alak. Napapangalahati ko na ito, ganito katindi ang pagnanasa ko na maangkin si Kimie. Hindi pa ako lasing, medyo nahihilo ako pero alam ko sa sarili ko na hindi ako lasing. Matino pang gumagana ang utak ko kaya kontrolado ko pa ang sarili ko. Nakatitig lamang ako sa kanya habang natutulog ito. Damn, she’s absolutely stunning! Ipinilig ko ang aking ulo, ayokong mag-isip ng kahit na ano, ayokong gumawa ng isang bagay na ikagagalit niya. Gusto ko ay ikaw mismo ang magkusa na ibigay sa akin ang iyong sarili. Nagsimula akong maglakad palabas ng silid ng asawa ko sa papel. Nagtungo ako ng silid ko, gusto ko lang munang maligo upang maibsan ang init na nararamdaman ng aking katawan. Masyado akong nababaliw ngayon na tuluyang angkinin ang aking asawa. ╭────────✎ ❀⊱Kimie's POV⊰❀ Naalimpungatan ako ng gising at unti-unti kong idinidilat ang aking mga mata. Pakiramdam ko ay may mga matang nakatingin sa akin, ngunit ng tuluyang dumilat ang mga mata ko ay wala naman akong nakitang tao, pero laking gulat ko ng mapagtanto ko na nandito na ako sa aking silid. Sigurado ako na nasa sofa ako kanina at sa sobrang pagod ko ay nakatulog ako. Bigla akong kinabahan at dinama ang katawan ko kung may masakit ba sa akin, ngunit wala naman. Tinignan ko rin kung may damit pa ako at nakahinga ako ng maluwag dahil mukha namang maayos ako. Dinala ba ako dito ni Rouge? Bumangon ako mula sa aking pagkakahiga, pagkatapos ay nagtungo ako ng banyo upang maligo. Naglinis ako ng penthouse kanina at napagod ako dahil nagluto pa ako ng dinner. Kumain na kaya si Rouge? Iinit ko na lang ang pagkain namin. Twenty minutes lang ang itinagal ko sa banyo, at paglabas ko ay nagbihis agad ako. Nagtungo ako ng kusina, walang tao at hindi pa nagagalaw ang pagkain na niluto ko. Ininit ko na lang ito at mamaya kapag nakapaghain na ako ay sisilipin ko si Rouge kung gising pa. Napatingin tuloy ako sa orasan na nakasabit sa ding-ding. Mag-aalas otso na pala ng gabi. Medyo napahaba pala ang pagkakatulog ko. Pero napangiti ako ng maalala ko na nagising ako na nanduon na ako sa silid ko. Naglagay ako ng dalawang plato, pagkatapos ay naglagay na din ako ng baso na may lamang malamig na tubig sa table, pero nagulat ako ng mula sa likuran ko ay niyakap ako ni Rouge. "Rouge, bitawan mo nga ako." Wika ko. Naaamoy ko sa kanya ang tapang ng alcohol. Mukhang umiinom itong mag-isa. Inalis ko ang kanyang kamay at humarap ako sa kanya. Tinaasan ko siya ng isang kilay ko, pero naglakad ito ng mas malapit sa harapan ko kaya halos magdikit na ang katawan namin. Itinukod niya ang kanyang dalawang kamay sa table at saka niya idinikit ang noo niya sa aking noo. "I want you Kimie." Bulong niya. Amoy na amoy ko ang alak na nanggagaling sa kanyang bibig. Napalunok ako ng laway at bahagya akong umiling. Gusto kong magsalita pero bigla niya akong siniil ng halik. Nagwala ako at pilit ko siyang itinutulak, pero dahil malakas ito ay wala akong magawa. Tikom ang labi ko, pero kinagat niya ang pang-ibaba kong labi kaya agad na napaawang ang bibig ko, kinuha niya ang pagkakataong 'yon at saka niya ginalugad ng dila niya ang loob ng bibig ko. Nadadarang ako sa ginagawa niya sa akin dahil may pagtingin ako sa kanya, pero hindi ako dapat magpadala sa nararamdaman ko kaya pilit ko siyang itinutulak. Halos mapugto na ang aming mga hininga ng binitawan niya ang labi ko. Habol ko pa ang hininga ko habang inis akong sumuntok sa dibdib niya, pero bigla niyang dinilaan ang leeg ko at saka niya hinagod ng dila ang panga ko, pagkatapos ay gumalaw ang isang kamay niya at ipinasok sa dibdib ko saka niya nilaro ang korona ng dibdib ko. "Rouge, stop!" Sigaw ko. Hindi ako pwedeng magpadala sa damdamin ko. Kailangan muna kitang paibigin para maghabol ka sa akin. "Please, let me have you." Bulong niya at nararamdaman ko ang panginginig ng kanyang katawan. Umiling ako, hindi ko ibibigay sa kanya ang nais niya. Ayokong masaktan, ayokong mapaglaruan ang puso at pagkatao ko. Mahal na mahal ko siya, pero kailangan muna niya akong mahalin bago ko tuluyang isuko sa kanya ang sarili ko. "Please, Kimie, I need you. We’re married... we’re legally bound to each other. You’re my wife, and I want you in every way that a husband and wife should be. Please, let me have you." Bulong niya at ramdam ko ang hangarin niya na maangkin ako. Hinalikan niya ako sa labi, mapusok, ngunit hindi ako nasasaktan, bagkus ay kakaibang sarap ang dulot nito sa akin. Humagod ang kamay niya sa katawan ko at pilit niyang ipinapasok ang kamay niya sa suot kong pang-ibaba. Pigil ko ang kamay niya, but I couldn't stop him until his hand reached somewhere it shouldn't. s**t! Kailangan kong kumilos bago pa ako tuluyang madarang ng apoy. "Stop, Rouge. We can't do this. We don’t love each other, and this isn’t right. I’m sorry, but I just can’t let you." Sabi ko, at isang malakas na pagtulak ang ginawa ko sa kanya. Sapat na 'yon upang mapahiwalay ako sa katawan niya. "I'm sorry Kimie, nakainom lang ako." Sabi niya. Pero nasaktan ako. Bakit kailangan niyang mag sorry at sabihin na nakainom lang siya? Bakit ganuon ang sagot niya sa sinabi ko? Why can't he just tell me that he wants me because he loves me? Why is he saying sorry? Naramdaman ko sa halik niya kanina ang pagpapahalaga, why can't he be honest about his feelings instead of hiding behind apologies? I don't understand why he can't just admit what’s in his heart. Naramdaman ko 'yon eh. Gusto ko sanang ang isagot niya sa akin ay mahal na niya ako... pero sorry? Sorry talaga? Baka mali lang ako ng naramdaman kanina ng hinalikan niya ako, kasi ang totoo ay ako lang ang nagmamahal sa kanya kaya inakala ko na ang halik niya ay may halong pagpapahalaga. "Sorry din." Sagot ko at mabilis na akong tumakbo sa loob ng silid ko. Umaagos ang aking mga luha, nasasaktan ako dahil mahal ko si Rouge, pero hindi ko pwedeng ibigay ang sarili ko sa kanya. Pagkasara ng pintuan ko ay tuluyan na akong napahagulgol. Ang sakit magmahal ng taong walang pagpapahalaga sa akin at ang tanging hangad lamang ay ang katawan ko. Masakit, pero kailangan kong tanggapin. Iyak lang ako ng iyak. Naririnig ko ang katok sa pintuan, naririnig ko ang paghingi niya ng sorry pero hindi ko siya pinapansin. Masakit ang ipinaparanas sa akin ni Rouge... masakit dahil nagmamahal ang puso ko sa kanya ng totoo. Hindi ko na namalayan na sa sobrang pag-iyak ko ay nakatulog na ako. Nagising na lamang ako na nararamdaman ko ang sikat ng araw na nanggagaling sa bintana. Hindi ko na napansin na nakahawi ang kurtina kaya ang sikat ng araw ang gumising sa akin. Napatingin ako sa aking orasang pambisig. Mag-aalas diyes na pala ng umaga. Bigla akong napabalikwas ng bangon. Oh my God, baka hinihintay na ako ng kaibigan ko sa mall! Nakakainis, ang usapan nga pala namin ay alas diyes dapat ay nanduon na ako! Nagmamadali akong nagbihis, pagkatapos ay sumilip ako sa pintuan ng aking silid. Mukhang tahimik at wala na si Rouge kaya nagmamadali akong lumabas, pero napahinto ako ng mapadaan ako sa kitchen. Malinis na at wala na ang mga inihain ko kagabi. Hindi na rin ako nakapag-hapunan dahil nakatulog na ako. Pero naagaw ng paningin ko ang isang note sa ilalim ng plato na may takip na plato kaya agad kong nilapitan ang table. "Good morning! I made breakfast for you. Enjoy, and again, I’m so sorry for what happened last night." Tinignan ko ang laman ng plate. Omelet with crunchy bacon, pero hindi ko ito ginalaw. Bahala siya sa buhay niya, pero isa lang ang sisiguraduhin ko Rouge, paiibigin kita para malaman mo na hindi mo ako dapat pinaglalaruan ng ganito. Mabilis na akong umalis at nagtungo ako ng Astronex mall sakay ng aking sasakyan. Hinanap agad ng mga mata ko ang kaibigan ko, at kumaway ako ng makita ko si Lhezel. Siya si Lhezel Guevarra, anak siya ng katiwala ng hacienda ng mga magulang ko sa Pangasinan. Pero nandito siya ngayon sa Manila dahil inutusan daw siya ng kanyang ina na pumunta sa bahay ng lolo nila dito sa Manila kaya mag-stay siya dito ng isang linggo. "OMG! Ang laki na ng ipinagbago mo!" Malakas niyang sigaw kaya tawa ako ng tawa sa kanya. Niyakap ko siya ng mahigpit, sobrang saya ko dahil muli na naman kaming nagkita. Dapat nga ay pupuntahan namin siya ni Rasselle sa Pangasinan, pero ng tinawagan niya ako at sinabi niya na pupunta nga siya ng Manila ay hindi na kami natuloy. Pero kami ni Rasselle ang maghahatid sa kanya pabalik ng hacienda ng mga magulang ko sa probinsya at hindi ako magpapaalam kay Rouge. "Halika kumain muna tayo dahil kanina pa ako gutom." Sabi ko sa kanya, pero umiling siya kaya nagtaka ako. "Pupunta tayo kila lolo dahil namimiss ka na nila. Sabi ni lola ay ipagluluto ka niya ng adobong kangkong na may malalaking sugpo, hindi ba at paborito mo 'yon?" Sagot niya. Tuwang-tuwa naman ako kaya hinila ko ang kamay niya upang magtungo na kami sa parking lot, pero hinila rin niya ang kamay ko kaya napahinto ako sa pagtangka kong paghakbang. "Umiyak ka ba? Si Rouge na naman ba? Jusko naman Kimie, kalimutan mo na ang lalaking 'yan. Hindi siya nababagay sa'yo, kasi ginagamit ka lang niya para sa sarili niyang interes. Tignan mo nga at namamaga 'yang mga mata mo. Kahit itago mo ng make up ang mga 'yan, nakikita ko pa rin. Kapag iniwanan ka na niya, huwag kang iiyak ha, ang gawin mo ay kalimutan mo siya at tumanggap ka ng manliligaw mo. At kung gusto mo, duon tayo sa Ilocos tumira, lumayo ka muna dito at duon muna tayo manirahan sa probinsya namin para makalimot ka. Parang nuong bata pa tayo, hinatid ka sa amin ng mommy mo kasi iyak ka ng iyak dahil gusto mo akong makasama. Nanduon pa rin ang manliligaw mo at napakagwapo. Single pa rin at mukhang hindi naman 'yon maka-move on sa'yo. Duon na yata 'yon nanirahan sa private resort niya, at nakikita ko siya duon sa tuwing umuuwi kami ni nanay ng Ilocos." Sumibangot ako. Si Emory Clayton ang tinutukoy niya. Masyadong malihim si Clayton, marami siyang mga bagay na hindi sinasabi sa akin nuon kaya hindi ko siya kinakausap. Matagal na rin ang huli naming pagkikita, at ang balita ko ay nagkaroon naman siya ng nobya nuon, hindi ko na lang alam kung ano na ang nangyari ngayon sa lalaking 'yon, kaya ang sinasabi ng kaibigan ko na hindi maka-move on ay imposible. Mabait naman si Emory, kaso ang problema sa kanya ay marami siyang inililihim sa akin. Hindi ko nga alam kung ano ang iisipin ko sa kanya, pero sa isang banda na curious na rin ako kung ano na nga kaya ang hitsura nito. "Huwag na nga natin siyang pag-usapan. Tara na at ng makakain na tayo. Tatawagan ko na lang si Rasselle para makasunod siya sa atin, alam naman niya ang bahay ng lolo at lola mo." Sagot ko, at tuluyan na naming nilisan ang mall. Excited na akong makita ulit ang kanyang lolo at lola na mahal na mahal ako. Parang tunay na apo ang turing nila sa akin mula pa nuon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD