Chapter 1 -Kasal-kasalan-
Kimie's POV
Nalaman ko sa aking ama na nagkaroon ng problema ang kumpanya at nagbabadya itong mawala sa amin. Wala akong maisip na paraan, kailangan kong gumawa ng kahit na anong solusyon upang maisalba ang negosyo ng pamilya ko. Ang tagal ko din kasing nawala dahil sa taong nagtangka sa buhay ko. Kung hindi ko sila natakasan, baka wala na ako ngayon sa mundo. Mabuti na lang at nakilala ko si Rouge kaya nakabalik ako sa pamilya ko at nawala na ang mga taong nagtangka sa buhay ko. Dahil sa mga Hendrickson, nawalan ng kabuhayan ang kalabang mortal ng aking ama sa negosyo, sila ang mga taong dumukot sa akin nuon at muntik pa akong halayin. Isa pa ay nakita ko kung paano nila pinatay ang isang tao na walang kalaban-laban. Isa na rin 'yon sa dahilan kung bakit pinilit nila na mawala ako sa mundo. Pero hindi sila nagwagi, ngayon ay wala na silang lahat, pati ang mga taong kasangkot nila sa krimen.
Pero may nangyari ngayon na hindi namin inaasahan inaasahan. Nagkaroon ng malaking problema sa Maglinte Corps at kailangan itong maisalba bago pa ito tuluyang maglaho. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kailangan ko silang matulungan dahil kung hindi ako gagawa ng paraan, lahat ng pinaghirapan ng aking mga magulang ay maglalahong parang bula. I know someone who can help me with this problem. He once told me not to hesitate to reach out if I ever needed assistance, and now... I really do need his help.
"Dad, wait for me here. Pupuntahan ko lang si Rouge, siya lang ang makakatulong sa atin." Tumango ang aking ama. Nakikita ko sa kanyang mga mata ang pagkawalan ng pag-asa. Hindi pwedeng mangyari sa amin ito. Kailangan ko ng tulong at si Rouge lang ang alam ko na may kakayahan sa ganitong sitwasyon.
"Ate, gusto mo ba samahan kita? Baka may maitulong ako sa'yo." Umiling lang ako kay John. Kaya ko naman kasi ito, at saka magkaibigan na kami ni Rouge kaya hindi na ako maaalangan lumapit sa kanya upang humingi ng tulong. Sa kanya naman nanggaling na kapag may kailangan ako ay pwede akong lumapit sa kanya. Ito na 'yon at sana ay matulungan niya ang pamilya ko.
Tinawagan ko agad si Rouge. Ang sabi niya ay nasa opisina lang siya at duon na lang daw ako pumunta. Bawat kilos ko ay may pagmamadali, may kasiguruhan at may pag-asa na makakatulong siya sa problema ng pamilya ko. Sana nga. Kasi kung hindi namin maisasalba ang kumpanya ng aking mga magulang, sigurado ako na malulugmok ang aking ama sa kalungkutan.
Mabilis lang ang lahat at nakarating agad ako sa office ni Rouge. Walang tao, at talagang hinintay nga niya ako katulad ng sinabi niya sa phone.
"Please, tell me about the important matter you mentioned on the phone kanina at mukhang hindi na talaga 'yan makakapaghintay pa. Gusto kong marinig kung ano man ang problemang kinakaharap mo at baka makatulong ako. I'm all ears and fully attentive, so go ahead and share whatever's on your mind. I'm here to listen and support you." Sabi niya. Ngumiti ako sa kanya at ikinuwento ko sa kanya na patuloy na bumababa ang stock holdings ng kumpanya ng aking ama at kapag nagpatuloy ito, tuluyan na itong mawawala sa amin.
"I can help you with that. Pero may kondisyon ako sa pagtulong ko sa'yo. Siguro naman ay hindi lingid sa'yo ang tungkol sa ex-girlfriend ko, hindi ba? Naging open ako sa'yo tungkol sa kanya. So, bibigyan kita ng isang kondisyon para makasalba sa pagkalugi ang kumpanya ng iyong ama. Sisiguraduhin ko pa na magiging matatag ang kumpanya nila kung magtutulungan tayo." Kumunot ang noo ko. Kilala ko ang ex-girlfriend niya, pero ano ang kinalaman ng babaeng 'yon sa problema ko?
"Wait lang, ano ba ang kondisyon na sinasabi mo? Saka ano naman ang kinalaman ng ex-girlfriend mo dito? Tulong mo ang kailangan ko, bakit kailangang may kondisyon pa? Sabi mo sa akin dati that if I ever needed help, I could count on you. That’s why I’m reaching out now... I really need your help, Rouge." Ngumiti siya sa akin. Humugot siya ng malalim na paghinga at saka muli itong nagsalita.
"Pakasalan mo ako Kimie upang pagselosin ko ang ex-girlfriend ko at isasalba ko ang kumpanya ng iyong ama. Sa oras na bumalik na sa akin ang ex-girlfriend ko, ipapawalang bisa natin ang ating kasal. Huwag kang mahuhulog sa akin dahil hindi kita sasaluhin. Ang kailangan ko lang ay mapatunayan sa kanya na kasal nga ako at hindi fake ang kasal. Kaya mo ba itong gawin, kapalit ang tulong na hinihingi mo?"
Nagulat naman ako sa sinabi niya. Ito ba ang kondisyon na tinutukoy niya? Nababaliw ba ang lalaking ito? Bakit ko siya pakakasalan? Nasisiraan na yata ng ulo ang lalaking ito.
"What? Are you out of your mind? Rouge, ano ba 'yang pinagsasasabi mo? I can’t believe you would say that. I thought we were friends, and friends are supposed to support and help each other. Ang sabi mo sa akin, kapag kailangan ko ng tulong, I could always count on you. And now, when I need you the most, this is how you respond? Gagamitin mo ako para lang sa sarili mong kapakanan?" Inis na inis ako sa kanya. Nagpunta ako dito para humingi ng tulong sa kanya, hindi para magkaroon ng asawa para lamang magamit niya sa pagpapaselos sa kanyang ex-girlfriend. Bwisit na lalaking ito.
"Well, kung ayaw mo ng kondisyon ko. Sa iba ka na lang humingi ng tulong. Sa'yo na rin naman nanggaling Kimie na friends are supposed to support and help each other, pero ayaw mo naman akong tulungan. So, parehas na lang tayong magtiis. Madali naman akong makakahanap ng babaeng pakakasalan ako para pagselosin lang ang babaeng gusto ko. Isa akong Hendrickson Kimie, sa isang salita ko lang ay mawawalan na agad ng bisa ang kasal natin, so ano ang ikinatatakot mo? Hindi naman tayo magtatabi sa pagtulog. Magpapanggap lang naman tayo, pero totoo ang kasal dahil kilala ko ang ex ko. Hahalukayin niya kung totoo nga ba na kasal na tayo. Iyon lang naman ang mangyayari. Natulungan na kita, natulungan mo din ako."
Natahimik akong bigla. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Biglang pumasok sa isipan ko ang mukha ng aking ama kanina na nawawalan ng pag-asa. Humugot din ako ng malalim na paghinga. Bagsak ang mga balikat ko... a clear sign of defeat. Okay, kung ang pagpapakasal sa kanya ang magiging sagot sa problema ng aking ama, then... gagawin ko.
"Fine! But don’t fall for me either, Rouge. I won’t be there to catch you if you do." I replied firmly. As the words left my mouth, a broad smile slowly spread across his lips, lighting up his face in a way that made my heart skip a beat. Napalunok tuloy ako ng laway. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga at para bang gusto ko ng tumalikod at layasan na lang ang lalaking ito. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko?
"Nice. Kung gayon ay hintayin natin dito ang aking abogado upang ipagawa ko ang contract natin. Katulad ng sinabi ko kanina, don't fall for me dahil hindi kita sasaluhin. At huwag kang mag-alala sa kondisyon mo, never akong mahuhulog sa'yo. We are just friends, nothing more." Tumaas naman ang isang kilay ko. Suntukin ko kaya sa mukha ang lalaking ito. Akala ba niya sa akin, pangit? Ang daming nababaliw sa akin, tapos kung magsalita siya... akala mo hindi ako kagandahan. Sige nga Rouge. Pakakasalan kita, pero paiibigin kita ng hindi mo napapansin para kapag dumating na ang ex mo para bawiin ka, tignan natin kung ano ang gagawin mo. Tignan natin kung mapanindigan mo pa ang lahat ng sinasabi mo sa akin ngayon.
"Let's do it." Sagot ko. Tinaasan ko pa siya ng isang kilay ko. Nabubuwisit ako sa kanya.
"Relax lang. Tatawagan ko muna ang abogado ko. Kaming mga Hendrickson... hindi kami pumapasok sa isang kasunduan ng wala kaming kontratang hawak. Maghintay ka lang diyan my future wife dahil darating tayo diyan. Masyado ka namang excited na maging isang Hendrickson." May panunukso niyang sabi. Hindi ko siya pinansin. Ang kailangan kong gawin niya ay ayusin na agad ang problema ng kumpanya ng aking ama. Pumayag na naman ako sa kasunduan, dapat gawin na rin niya ang part niya.
"Pumayag na ako, magsimula ka na rin sa pag-gawa ng paraan para maibalik sa dati ang kumpanya ng ama ko. Pumayag na ako Rouge, dapat ay kumilos ka na. Do your part, Rouge just as I have done mine."
"I will, don't worry dahil pag-uwi mo mamaya, parang walang nangyaring masalimuot sa kumpanya ninyo. Trust me, Kimie, everything will be alright." Ngumiti na lang ako sa kanya ng pilit. Kahit papaano ay nawala na ang pangamba ko. Hindi kasi kakayanin ng aking ama kung mawawala sa amin ang kumpanyang 'yon. Iyon ang kumpanyang minana pa niya sa kanyang mga ninuno.
Hindi nagtagal ay dumating ang kanyang abogado. Katulad nga ng sinabi niya sa akin kanina. After na bumalik sa kanya ang kanyang ex-girlfriend ay tatanggalan niya ng bisa ang kasal namin. May matatanggap ako na one hundred million pesos after ng divorce. Nakasulat din na dapat ay walang makakaalam na ang kasal namin ay isang kontrata lamang. Dapat daw ay hindi ako ma-i-in love sa kanya dahil hinding-hindi daw niya ako sasaluhin. Never naman akong mahuhulog sa'yo, pero ikaw Rouge ang paiibigin ko ng hindi mo nalalaman. Tignan lang natin kung sino ang sisira sa kontratang 'yan.
Pagkatapos ng pirmahan namin ng kontrata ay may dumating naman na isang judge. Gulat na gulat ako, bakit ang bilis naman yata ng kasal na gusto niya?
"Teka lang muna Rouge. Kasalan agad? Hindi ka naman kaya nagmamadali sa lagay na 'yan?"
"Pumirma ka na, hindi ba? Nakalagay naman sa pinirmahan mo na sa oras na pumirma ka, magiging Mrs. Hendrickson ka. Well, let's get married para maisagawa ko na ang pagpapaselos ko sa ex-girlfriend ko." Inis na inis ako. Hindi ako makapaniwala na ganuon lang kabilis sa kanya ang lahat.
"Okay na rin ang kumpanya ng iyong ama, you can call him if you want. Go ahead para malaman mo na hindi ako nagbibiro. As I mentioned earlier, with just a single word, I can make things happen. Your father's company is back to normal operations, and there are no longer any threats of bankruptcy. The business is now stable and thriving once again."
Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya kaya agad ko ngang tinawagan ang aking ama. Baka mamaya ay niloloko lang ako ng isang ito. Mas mainam ng makasiguro muna ako.
"Kimie anak. Sabihin mo kay Rouge, salamat dahil bumalik na sa dati ang ating kumpanya. Salamat anak, okay na ulit ang lahat." Napatingin ako kay Rouge. Nakangisi lang siya sa akin habang hawak ang wedding ring at ipinapakita sa akin. Saan galing ang wedding ring? Kung sabagay, pinaayos nga naman niya ang lahat sa abogado niya, of course kasama na ang singsing.
Pagkatapos naming mag-usap ng aking ama sa phone ay tumayo na ako sa tabi ni Rouge. Kung ito ang kapalit ng ginawa niyang tulong sa akin, sisiguraduhin ko sa kanya na mababaliw naman siya sa akin. Paiibigin ko ang isang Rouge Hendrickson.
After thirty minutes. Naikasal kami ni Rouge ng legal. Isa na nga akong ganap na Mrs. Hendrickson, pero ang pangalang ito ay pansamantala ko lamang hahawakan hanggang sa bumalik na sa kanya ang babaeng gusto niyang pakasalan. Ang babaeng totoo niyang minamahal. Matagal ko ng alam ang tungkol sa babaeng 'yon, lagi kasi niyang bukang-bibig ang ex niya. Nabaliw na nga siya ng tuluyan sa babaeng 'yon, kaya pati ako ay ginagamit niya ngayon mabawi nya lang ito.
Damn you, Rouge! Ang dami kong pwedeng mahalin, bakit ikaw pa? Parang sasabog ang puso ko dahil aaminin ko na nasasaktan ako. Aaminin ko na lihim na tumitibok ang puso ko para sa kanya. Nakakainis talaga! Manhid ba talaga ang lalaking ito? Hindi ba niya nararamdaman na sa ngumingiti ako sa kanya ay may halong pagmamahal? Masyado kasi siyang focus sa babaeng 'yon.
"You may kiss the bride." Para akong natauhan sa malalim na pagkakatulog ng marinig ko ang huling sinabi ng judge. Kokontra sana ako dahil wala ito sa usapan, pero nagulat ako ng bigla akong siniil ng halik ni Rouge. Halik na akala mo ay may romantic relationship kami... 'yung sinisipsip nya talaga ang nguso ko at ipinasok pa ang dila niya sa bibig ko. Ni hindi ko magawang maitulak ang sira ulong ito dahil yapos niya ang katawan ko. Sa laki ng pangangatawan niya, ni hindi ako nakakilos para maitulak siya palayo. Halos mapugto pa ang hininga namin ng bitawan niya ang labi ko.
"Ang tamis ng labi ng asawa ko." Isang suntok sa mukha niya ang pinadapo ko kaya natawa ang judge sa amin. Sira ulo din ang lalaking ito para seryosohin ang halik.
"Ouch! Katatapos lang ng kasal natin, sinuntok mo na agad ako sa mukha? Gusto mo bang parusahan kita sa kama? Wala namang nakasulat sa kontrata na hindi tayo pwedeng magtabi, hindi ba? Gusto mo yatang ipatikim ko sa'yo ang tinatawag na unforgettable honeymoon. Gusto mo ba?" Inis niyang sabi sabay hapit niya sa baywang ko at pinalabas ang abogado at ang judge.
Nagwala naman agad ako. Wala ito sa usapan namin kaya pilit ko siyang itinutulak.
"See, takot ka naman pala. Next time na suntukin mo ako sa harapan ng kahit na sino, mapupunit sa akin ang iniingatan mong pagkabirhen. Bibitawan kita, pero ang gusto ko ay hahalikan mo ako sa labi. 'Yung masarap at unforgettable. Para kapag nakita tayo ng ex ko, alam mo na kung paanong halik ang gagawin mo sa akin."
Inis na inis ako, pero ito ang gusto niya at dito ko rin sisimulan ang pag-papaibig sa kanya. Gusto niya ng masarap na halik, iyon ang ibibigay ko sa kanya.
Ipinalupot ko ang mga kamay ko sa batok niya at tumingkayad ang mga paa ko upang maabot ng labi ko ang labi niya. Pagkatapos ay isang masarap na halik ang ginawa ko. Naramdaman ko ang pagkabigla niya, kaya mas pinagbuti ko ang halik. Naramdaman ko ang pagyapos niya sa akin at bahagya pa niya akong inihiga sa office desk niya. Naramdaman ko ang bahagyang panginginig ng kamay niya kaya nagdiriwang ang puso ko. Paiibigin kita Rouge, ikaw ang masasaktan sa laro mo at hindi ako.
Isang katok sa pintuan ang nagpahiwalay sa aming mga labi. Pagpasok ng kanyang sekretarya ay iyon na ang kinuha kong pagkakataon upang makaalis ako sa opisina niya.
"Kimie, bumalik ka dito! Uuwi na tayo sa bahay natin!" Hindi ko na siya pinansin pa. Nakita ko ang paghabol sa akin ng kanyang mga bodyguards, pero kabisado ko na ang pasikot-sikot ng building na ito kaya natakasan ko sila.
Pagkasakay ko ng sasakyan ko ay tinawagan ko agad ang pinsan kong si Rasselle Regala. Siya lang ang pinsan ko na napagkakatiwalaan ko at nasasabihan ko ng mga sikreto ko. Siya lang din ang nakakaalam ng tunay na damdamin ko para kay Rouge.
"What? Are you crazy? Bakit ka pumayag?"
"No choice na ako. Pero couz, paiibigin ko siya at sisiguraduhin ko na hindi ako ang magiging talo sa larong pinasok namin. Sisiguraduhin ko sa kanya na siya ang mababaliw sa akin. Paiibigin ko talaga ang lalaking 'yan."
"Punta ka na lang dito sa condo ko at saka tayo mag-usap. Nakakaloka ka pinsan, hindi ako makapaniwala na pumayag ka sa ganyang set up." tinapos ko na ang pag-uusap namin at pinaharurot ko na ang sasakyan ko. Pupuntahan ko ang pinsan ko, at least hindi alam ni Rouge kung saan nakatira si Rasselle. Bahala siya sa buhay niya. Akala yata niya ay titira ako sa bahay niya, manigas siya! Baka gapangin pa niya ako. Wait... baka ako pala ang gumapang sa kanya. Napahagikgik na lang ako sa tumatakbo sa isipan ko.