Chapter 5 -Lihim ni Rouge-

2228 Words
┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Dalawang buwan na ang lumilipas mula ng maikasal si Rouge at si Kimie. Isang buwan na lang at tuluyan ng mawawalan ng bisa ang kasal nilang dalawa. Walang kaalam-alam si Kimie tungkol dito, at wala rin plano si Rouge na sabihin sa kanyang asawa na tatlong buwan lang ang magiging kasal nila. "Bro, hindi ba at isang buwan na lang at divorce ka na?" Si Clyde, ang matalik na kaibigan ni Rouge. Kasama ito ngayon ni Rouge upang puntahan si Ethan sa isang resto bar at duon maghapunan. "Yes. I can't wait to feel free again. You know, Phoebe actually called me to ask if I got married. She said she's coming back and promised she would do whatever it takes to win me back... and that was just last week kaya baka nandito na nga siya sa Pilipinas. Ito na ang hinihintay ko. My marriage is only set to last for three months, and after that, I will be free from any obligations with Kimie ng hindi niya alam. Ito ang lihim ko na hindi niya dapat malaman." Sagot ni Rouge. Nakangisi pa ito habang naglalakad patungo ng parking lot ng kanyang building. "Sira ulo ka talaga Rouge. Hindi ka ba napapalapit kay Kimie. Two months mo siyang nakakasama sa loob ng iyong penthouse. Magkaiba man ang tinutulugan ninyo, pero kasama mo pa rin siya araw-araw. Are you sure you don’t feel anything at all for her? Not even a little?" Napahinto si Rouge sa paglalakad. Hindi agad ito nakapagsalita, pagkatapos ay humarap ito kay Clyde. "No, I really don’t have any feelings for her. Kung meron man akong nararamdamang pagmamahal para kay Kimie, iyon ay bilang isang kaibigan lang. Iyon lang at wala ng iba pa." Sagot nito kaya mahinang natawa si Clyde. Hindi naman pinansin ni Rouge ang tawang 'yon. Sigurado siya sa kanyang sarili na wala siyang nararamdaman na kahit na ano kay Kimie kung hindi kaibigan lang. "So, are you saying na kapag nakita mo si Kimie na may ibang kasamang lalaki after na hiwalayan mo siya, okay lang sa'yo?" "Yes. Definitely." Tumango-tango lang si Clyde sa tugon ng kanyang kaibigan. Hindi niya ito kinokontra sa mga isinasagot nito sa kanya. Pero sa nakikita niya sa kanyang kaibigan ay tila ba ito nag-iisip. Malalaman niya ang tunay na kasagutan sa tanong niya kapag dumating na si Phoebe. Gusto niyang makita kung ano ang mararamdaman ng kanyang kaibigan kapag nawala na sa buhay nito si Kimie. Tatlong buwan ay hindi madali sa dalawang tao na magkasama sa iisang bubong araw-araw. Hindi man magkasundo, pero alam niya ang pagiging aso't pusa ng dalawa ay may kahahantungan. Sakay ng sasakyan ni Rouge ay tinungo nila ang madalas nilang puntahang resto bar na paborito nilang kainan na magkaibigan. Naghihintay na sa kanila si Ethan, hindi man ito ganuon ka-close kay Clyde, pero kahit na papaano ay nag-uusap ang mga ito. Hindi katulad ni Rouge na siya mismo ang lumapit kay Ethan upang tulungan itong makalimot sa karahasang nangyari sa buhay nito. Napapansin din nila ang pagiging mailap nito sa mga babae at hindi nakakalimutan ang nag-iisang babae na minahal ng puso nito. "Kamusta naman si Ethan? 'Yung trauma na nangyari sa buhay niya, nakalimutan na ba niya? Hindi ako makapaniwala na may klase ng ama na ikukulong ang anak at pahihirapan sa matagal na panahon. Hindi pa rin ako makapaniwala na ama niya ang lumapastangan at pumatay sa nobya niya. Walang puso at kaluluwa ang matandang 'yon. Mabuti talaga ang pinatay na 'yon dahil kung ako ang nasa katayuan ni Ethan ng mga panahon na 'yan. Mas nanaisin ko na lamang siguro na mamatay upang hindi na bumalik sa alaala ko ang lahat ng kahayupang nangyari sa buhay ko." Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Rouge. Inaalala niya ang mga panahon na sumailalim si Ethan sa isang psychiatrist upang makalimutan nito ang lahat ng karahasan na nangyari sa buhay niya, upang matanggap din nito na hindi na mababago pa ang nakaraan. Naging maayos ang lahat kay Ethan, tinanggap nito ang kalupitan ng mundo na ipinataw sa kanyang balikat. "He’s doing okay now. He’s been through a lot, and we did everything we could to help him heal and move on from the pain his past caused. He’s feeling better, but right now, he’s not interested in getting involved with any women." Sagot ni Rouge. "I see. Understandable naman kung ayaw niyang ma-involve sa kahit na kaninong babae. Tama lang 'yan, mag focus na lang muna siya sa kanyang sarili. Sobra ang nangyari sa kanya, sariling ama niya ang nagparanas ng kalupitan sa kanya." "Kilala mo si Red, hindi ba? Malupit na pinuno si Red at tinuruan niyang maging malupit si Ethan. Hindi na ito ang Ethan na mabait nuon. Ibang-iba na siya ngayon. Nakikita mo naman, hindi ba? Dahil na rin siguro 'yon sa naranasan niyang kalupitan kaya iyon na rin ang tumimo sa utak niya." Sagot ni Rouge. Tumango lamang si Clyde. Isa 'yon sa napansin niya kay Ethan. "Kaya nga lagi kong pinapaalalahanan si Braxtyn. Hindi ako sigurado kung may damdamin siya para sa Alona Rivera na 'yon, pero si Red ang pinuno nito at puro karahasan lang alam ni Red. Nakita mo naman kung ano ang nangyari sa kanila ni Jhovel, hindi ba? Hindi nakikialam si Orion dahil wala siyang magagawa. Ipinagkasundo niya ang kanyang kapatid sa isang malupit na pinuno. Expected na rin siguro niya kung ano ang mangyayari, basta huwag lang physical na sasaktan ni Red ang kapatid ni Orion... wala silang magiging problema. Iyon lang ang iiwasan ni Red dahil sigurado ako na maglalaban ang dalawang organisasyon kapag nangyari 'yon. Si Marcus na naman ang mahihirapan nito. Kailangang mapanatili ni Marcus ang kapayapaan sa pagitan ng kanyang mga nasasakupang organisasyon. Isa 'yan sa kasunduan nila ng director ng CIA." Hindi na sumagot pa si Clyde. Hindi man ito parte ng kahit na anong organisasyon, pero marami itong alam dahil kay Rouge. Bata pa lamang silang dalawa ay matalik na niya itong kaibigan. Kababalik lang din ni Clyde ng Pilipinas, matagal-tagal din itong naglagi ng America dahil sa mga negosyo nito. Nakarating sila ng resto bar sa isang high end mall na pag-aari ni Juancho Herrera. Pagka-park nila ng sasakyan ay naglakad na sila patungo sa entrance. Dumiretso na agad sila kung saan ay sunod-sunod na makikita ang mga mamahaling resto bar na lagi nilang pinupuntahan. Sinalubong din agad sila ni Ethan. Malaki ang pagkakangiti nito at itinuro sa kanila ang kanilang table. "Mukhang kanina ka pa dito." Sabi ni Clyde. Nagkibit balikat lang si Ethan ng bumalik ito sa kanyang upuan. Inabutan niya ng menu ang dalawa at saka pa lang sila umorder ng makakain nila. "Wait, tatawag ako ng waitress. Baka gusto muna ninyo ng kahit na anong maiinom. My treat, okay?" Itinaas ni Ethan ang kanyang kamay. Isang simple at magandang waitress ang lumapit sa kanila upang kuhanin ang order nila. "Just give us some water for now." Isang simpleng ngiti ang itinugon ng waitress at nagmamadali din itong umalis. Kinamusta ni Clyde si Ethan. Maayos naman silang nag-uusap at kahit hindi sila ganuon kalapit sa isa't isa, unti-unti na rin naman silang nasasanay na magkakasama. Ito rin ang gusto ni Rouge, ang magkalapit ang dalawa dahil kaibigang matalik na rin ang turing niya kay Ethan. Wala namang problema kay Clyde, mas gusto rin nito na makasundo si Ethan katulad kung paano sila mag-usap ni Rouge. Hindi naman nagtagal ay bumalik ang waitress. may dala itong isang tray na may lamang tatlong baso ng iced cold water. Inilapag niya ang mga baso, ngunit hindi nito sinasadya na matabig ang isang baso kaya bumuhos ito sa kandungan ni Ethan. Takot na takot ang waitress, kinuha ang malinis na basahan na nasa bulsa ng half apron niya at saka niya agad pinunasan ang kandungan ni Ethan. "Get your hands off me!" May kalakasang sigaw ni Ethan kaya ang lahat ng customers ay sa kanila na nakatingin. "I'm so sorry sir, hindi ko po sinasadya." Naiiyak na sabi ng dalaga. Galit na galit naman si Ethan. Nakatingin lang si Rouge at si Clyde sa nangyayari. "Hindi mo sinasadya? Kung kani-kanino ka kasi nakatingin. Nagpapa-cute ka? Alam mo ba kung anong perwisyo ang ginawa mo? I can’t believe they would actually hire someone like you to work in a restaurant with such high standards." Galit na galit si Ethan. Dinaig pa niya ang naihi sa pantalon dahil bumuhos sa kanya ang laman ng isang basong tubig. Panay ang paumanhin ng waitress, dumating na rin ang dalawang manager ng resto bar at maging sila ay humihingi ng paumanhin, ngunit hindi siya pinapakinggan ni Ethan. "Ano ang pangalan mo?" Galit na tanong ng binata. "J-Jhonalyn Lopez ho." Takot na sagot nito. "You’re unbelievably dumb, did you know that? Someone like you shouldn’t be working in a place like this. Stupid!" Galit na sabi ni Ethan at saka ito tumayo. Nagsimula itong lumakad at tinabig pa niya ng kanyang balikat ang napapahiyang waitress habang nakatungo lamang ang ulo nito. Hindi magawang makatingin sa ibang customers dahil sobra na siyang napapahiya. Sumunod na rin sila Rouge at Clyde sa kanilang kaibigan. Hinayaan nila itong magmadaling pumunta sa sasakyan nito, marahil ay may dala itong pamalit sa nabasang suot nito. "I like him. Tama lang ang ginawa niya sa babaeng 'yon. A careless woman has no place working in an upscale restaurant like that. Someone with more professionalism should be in that role." Sabi ni Clyde habang nakatingin sa nagmamadaling si Ethan na papalabas na ng mall. Pero nagulat silang dalawa ng makita nila na sa entrance naman ay pumapasok naman si Kimie at si Rasselle. "Your wife is here." Hindi naman kumikibo si Rouge, nagsimula lang bumilis ang bawat hakbang nito upang salubungin ang nagulat niyang asawa pagkakita sa kanila. Natatawa naman ng mahina si Clyde at napapailing ng ulo nito. "Ano ang ginagawa ninyo dito?" Tumaas naman ang kilay ni Kimie dahil sa tanong ng kanyang asawa. "Birthday ko ngayon, bakit masama ba na nandito kami?" Mataray na pakli ni Rasselle. Natawa naman ng mahina si Rouge at sumabay sa paglalakad nila Kimie. Naiwan naman si Clyde upang hintayin nito si Ethan na makabalik. "Gusto ba ninyong kumain kasabay kami? My treat para naman birthday gift ko na kay Rasselle. You can also treat yourself to a shopping spree with my black card... it’s my gift to you. Enjoy it and get yourself something special. Matapos mo itong gamitin ngayong araw na ito, my black card will be deactivated, so you won’t be able to use it starting tomorrow. Do you want to take advantage of my gift offer?" Lumaki ang ngiti ni Rasselle at tumango agad ito. Natawa naman si Rouge at bahagyang inangat nito ang suit niya at saka kumuha ng isang black card sa kanyang bulsa na nasa loob ng suit. "Here, happy birthday!" "Oh my God, thank you! Don't worry, hindi ko uubusin ang laman nito, pero syempre bago mag-deactivate, gagamitin ko muna." Tawa naman ng tawa si Kimie. Napatingin pa siya kay Rouge at nag-thank you ito. "Join us for lunch. Hindi pa naman kami kumakain." Sabi ni Rouge kaya tumango naman si Kimie. Nagsimula silang maglakad patungo sa isang mamahaling restaurant. Duon na lamang hihintayin ni Rouge ang dalawa niyang kaibigan. Tahimik naman si Kimie, hindi ito kumikibo at nakikiramdam lamang ito. Kahit si Rouge ay tahimik lang din, si Rasselle lamang ang kanina pa nagsasalita at panay tango lamang ang sagot na ginagawa ni Kimie. Habang naglalakad sila ay nakasalubong naman nila ang grupo na assassin ni Trenz. Si Luke, Dustin, Cairo at si Trenz mismo. Huminto ng paglalakad si Rouge kaya huminto rin sila Kimie at Rasselle. "Oh my God, si Luke. Couz, si Luke nandito." Bulong ni Rasselle na kinikilig pa. In love na in love ito kay Luke, pero ang binata ay tila ba wala namang pakialam. "Mukhang may lakad kayo, katatapos lang namin mag-lunch, nagkaroon kami ng meeting." Sabi ni Trenz. "Birthday ni Rasselle, treat ko lang sila ng lunch ng aking asawa." Pagkarinig ni Kimie ng isinagot ni Rouge kay Trenz ay tila ba ito kinikilig na hindi nito maipaliwanag, ngunit sumaging muli sa isipan nito si Phoebe kaya unti-unting nawala ang ngiti nito sa labi. Pero nagulat siya ng kinuha ni Rouge ang kamay niya at pinagsalikop ang kanilang mga palad. Pagkatapos ay idinaiti nito ang kamay ni Kimie sa kanyang labi. "Sweet." Sabi ni Trenz. "Hi! Wishing you a very happy birthday... hope you have an amazing day filled with joy and celebration!" Sabi ni Luke kaya parang hindi humihinga si Rasselle. Siniko naman siya ni Kimie, ang ngiti ni Rasselle ay tila ba naka-laminate na. "Uhm... thank you." Pilit na pinipigilan ng dalaga ang kiligin, pero napapansin pa rin ito ng mga kaibigan ni Luke at lalong-lalo na ni Trenz kaya natatawa na lamang ito. Dumating na rin sila Clyde at Ethan. Nagpaalam na rin sila Trenz na aalis na sila. Si Rouge naman ay hindi binibitawan ang kamay ni Kimie, magkasalikop lamang ang kanilang mga palad habang naglalakad sila patungo ng restaurant. Mabilis na kumakabog ang kanyang puso, pero pilit lamang niyang iniisip na isa ito sa mga palabas ni Rouge. Gayunpaman ay hindi naman mawala ang ngiti niya sa labi, hindi niya maitago ang damdamin niya na halos nagkukumawala sa kanyang puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD