Chapter 4 -Pasaway na Kimie-

2108 Words
┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Inis na inis na si Rouge. Kanina pa niya tinatawagan si Kimie pero hindi nito sinasagot ang tawag niya. They needed to go to his parents' house for dinner, as they were expecting them tonight. However, Kimie hadn't answered any of his calls. "Damn it, Kimie! Where are you?" Malakas na sigaw ni Rouge. kanina pa ito parang lagari na palakad-lakad sa gitna ng living room ng kanyang penthouse. Inis na inis na ito, gusto niyang hanapin ang kanyang asawa pero naka off na ang phone nito. Padabog na naupo ito sa malaking sofa. Marahas itong nagbuga ng hangin at pahagis na binitawan ang kanyang phone sa sofa. Pinaalala niya kay Kimie ang tungkol sa dinner nila sa mansyon ng kanyang mga magulang, pero hindi niya alam kung nakalimutan ba ito ng kanyang asawa o sinasadya lamang nito na pagalitin siya. Tumunog ang kanyang phone. Kumunot ang noo niya ng makita niya na ang tumatawag sa kanya ay si Ethan. Naging malapit na kaibigan niya si Ethan mula ng tinulungan nila ito. Sila ng lolo niya ang gumawa ng paraan upang mapalitan ang apelyido ni Ethan, at gamitin na lamang nito ang apelyido ng ina nito. "Bro, napatawag ka? May problema ba?" Tanong ni Rouge. "I just saw your wife here at the bar with her cousin. Kararating lang nila, mga one minute ago." Kumunot agad ang noo ni Rouge ng marinig niya ang sinabi ni Ethan. Galit na galit ito at tinanong kung saang bar ang tinutukoy nito. Matapos sabihin sa kanya ni Ethan ang lugar ay nagmamadali itong kinuha ang susi ng kanyang sasakyan. Kinuha din nito ang baseball cap at isinuot ito at tinungo agad ang private elevator sa mismong loob ng kanyang penthouse. "Damn it Kimie! Alam mo kung ano ang usapan natin, pero nasa bar ka lang pala. Humanda ka talaga sa akin." Inis na ani ni Rouge. Pagkasakay niya ng kanyang sasakyan ay mabilis na niya itong pinaharurot at tinungo ang lugar na sinabi sa kanya ni Ethan. Twenty minutes lang ay nakarating na agad siya ng bar sa Makati. Pagkaparada ng kanyang sasakyan ay halos lundagin na niya palabas makarating lamang agad siya sa loob ng bar. Sinalubong siya ni Ethan at itinuro ang pwesto nila Kimie sa first floor. "Baka naman awayin mo dito. Huwag mo namang ipapahiya ang asawa mo sa mga tao." Sabi nito kay Rouge. natawa ng mahina si Rouge at tinignan ang kinaroroonan ng kanyang asawa at ng pinsan nito. "Don't worry, never ko siyang ipapahiya. But she has to face the consequences of her actions. She’s fully aware that my parents went through the trouble of preparing dinner for us, yet here she is... having a good time at this bar instead. Humanda talaga sa akin ang babaeng 'yan." Inis na sabi ni Rouge. Tumatawa lang si Ethan. Kasama nito si Eryx at si Christian na katulad niya ay assassin din ni Red at nag-iinuman lang sila. Nagsimulang maglakad si Rouge papalapit sa table ng kanyang asawa. Walang kamalay-malay si Kimie na na nasa likuran na niya si Rouge. Napatingin si Rasselle sa likuran ni Kimie kaya biglang nanulis ang nguso nito. "Oh, don't tell me na nanghihingi ka sa akin ng kiss?" Sabi ni Kimie. Hindi sumagot si Rasselle, mas lalo lamang nitong itinulis ang kanyang nguso upang ituro si Rouge na nakatayo sa likuran ng kanyang pinsan. Dahan-dahan namang pumapaling ang ulo ni Kimie. Nang makita niya si Rouge na nakatayo sa likuran niya ay tinaasan lamang niya ito ng isang kilay. "Ano ang ginagawa mo dito? Inimbitahan ka ba namin?" Napapailing naman ng ulo si Rouge, at sa inis niya ay bigla niyang binuhat ang kanyang asawa at ipinasan sa kanyang balikat. Sigaw naman ng sigaw si Kimie habang pinapalo niya ang likod ng kanyang asawa. "Help! Tulungan ninyo ako. Kidnapper, gusto niya akong gawan ng masama!" Sigaw nito na ikinagulat ni Rasselle. Pinandilatan niya ang kanyang pinsan, pero umirap lang si Kimie at muling sumigaw. "Help, please help me!" Muling sigaw nito. Hinarang si Rouge ng ilang kalalakihan sa bar. Malalaki ang pangangatawan ng mga ito at handang protektahan si Kimie. Magsasalita sana si Rouge upang magpakilala na isa siyang Hendrickson dahil hindi siya nakikilala ng mga ito dahil sa baseball cap na suot niya, pero muling sumigaw si Kimie at sinabing kinikidnap siya ng lalaking may buhat sa kanya. Biglang umunday ng suntok ang isang lalaki na malaki ang katawan. Nakaiwas naman agad si Rouge at ibinaba ang kanyang asawa. Tutulong sana ang mga bodyguards nito, pero pinigilan nila Ethan. "Let him enjoy himself and have fun. They don’t seem to recognize him, kaya mamaya ay siguradong magugulat ang mga 'yan kapag nalaman nila na isang Hendrickson ang kinalaban nila. But for now, let him make the most of the night." Sabi ni Ethan. Tumatawa ito kasama niyang tumatawa si Eryx at si Christian. Isang suntok muli ang umigkas mula sa kalaban, pero agad na nakaiwas si Rouge. Susugod sana ito ng suntok, pero hindi niya nailagan ang isang suntok sa kanyang tagiliran mula sa lalaking nasa likuran niya. Sa galit ni Rouge ay umigkas ang kanyang paa, at isang malakas na sipa ang tumama sa sikmura ng lalaki. Nabigla naman si Kimie. Hindi niya ito inaasahan. Napatakip siya ng kamay sa kanyang bibig at napatingin kay Rasselle. "Lagot ka." Sabi ng kanyang pinsan. tatlong lalaki ang sumugod kay Rouge ng suntok, pero inunahan agad ni Rouge ng malakas na suntok sa mukha ang lalaking nasa harapan niya kaya bagsak ito sa sahig. Ang isa ay tinadyakan niya at ang isa ay sinuntok niya sa sikmura. Bagsak ang mga ito, pero hindi pa rin sumusuko. Ang isa na nasa likuran ni Rouge ay sinuntok ito sa ulo kaya halos sumubasob si Rouge. Natanggal din ang sombrero nitong suot kaya makikita na ngayon ang galit na galit na mga mata ni Rouge Hendrickson. "R-Rouge Hendrickson?" Gulat na gulat ang lahat, maging ang mga nagkakasiyahan dahil sa pinapanuod nila. Biglang natahimik ang lahat. Si Rouge ay halos sumabog sa galit habang ang mga humarang sa kanya ay unti-unti ng umaatras. "Men, I want all of them..." Hindi na natapos pa ni Rouge ang kanyang sasabihin ng bigla siyang hinila sa kamay ni Kimie. Pilit siyang inilalabas sa bar, pero hindi naman siya matinag nito. Tahimik lang ito na nakatayo at masamang nakatingin sa mga lalaking umatake sa kanya. Itinaas ni Rouge ang kamay niya, pero ibinaba agad ito ni Kimie. Hindi niya inaasahan na ganito ang mangyayari at nagsisisi siya kung bakit niya ito ginawa. "Tara na. Sorry na, hindi na mauulit. Nagbibiro lang naman ako. Sa akin mo na lang ibuhos ang galit mo, huwag lang sa kanila. Please Rouge." Masama siyang tinignan ni Rouge, tawa naman ng tawa si Ethan. "Hey, bro, gusto mo ba na ako na ang bahala sa kanila? Tatlo naman kami dito, plus ang mga bodygurads mo, pero kahit wala ang mga bodyguards mo ay kayang-kaya namin ang mga 'yan." Wika ni Ethan. "Mga boss, hindi namin alam. Ang gusto lang naman namin ay protektahan ang babaeng 'yan. Akala namin ay totoo ang sinasabi niya. Hindi namin hangad ang manggulo, ang nais lang namin ay matulungan sana siya." Sabi ng lalaking unang sumuntok kay Rouge. Humugot naman ng malalim na paghinga si Rouge. Nauunawaan niya ang sinabi ng lalaki kaya bahagya nitong tinungo ang kanyang ulo. "Forgiven." Maigsing sagot ni Rouge kaya parang gumaan ang loob ng mga lalaking sumugod sa kanya at nakahinga ang mga ito ng maluwag. "As for you, my wife, you will have to face the consequences. Let’s go... my parents are waiting for us. Ethan, siguraduhin mo na uuwi na si Rasselle. Kapag hindi 'yan umuwi, ibigay mo sa mga lalaking umatake sa akin." Pagkarinig ni Rasselle ng tinuran ni Rouge ay nauna pa itong lumabas ng bar. Nagtungo ito ng kanyang sasakyan at mabilis na umalis. Tawa naman ng tawa sila Ethan. Binitbit muli ni Rouge ang kanyang asawa na parang isang sakong bigas. Pagkalabas nila ng bar ay saka pilit na nagwawala si Kimie, pero hindi siya binibitawan ni Rouge. "Sorry na nga kasi. Ibaba mo na ako. Gusto kong maglakad." Hindi siya pinapansin ni Rouge. Isinakay lang siya sa sasakyan nito, pagkatapos ay sumakay na rin si Rouge. Ang mga tauhan nito ay nakasunod lang sa likuran ng sasakyan nila. Nang makarating sila ng estate ng mga magulang ni Rouge ay inis na inis si Kimie. Ang gusto niya ay umuwi muna upang makapag-palit ito ng damit, ngunit hindi siya pinansin ni Rouge at dumiretso na sila dito sa estate. "Sabi ko uuwi muna tayo para makapaligo ako, hindi ba? How can you be so irritating, Rouge? Look at me... I’m not even dressed properly. Amoy alak at sigarilyo pa ako. Nakakahiya sa mga magulang mo. I really hate you!" Galit na sabi ni Kimie habang nasa loob sila ng sasakyan ni Rouge. "You had every opportunity, Kimie. I tried calling you several times to remind you about this dinner, but you chose to ignore me, turn off your phone, and head to the bar instead, pagkatapos ay muntik mo pa akong ipahamak dahil lang sa binitbit kita. It’s not my fault if you smell like cigarettes and alcohol... that was your decision, not mine kaya huwag ako ang sisihin mo sa pagiging matigas ang ulo mo." Inis naman na nagdadabog si Kimie. Inamoy niya ang blouse na suot niya at amoy na amoy sa katawan niya ang sigarilyo ng mga customer na nasa loob ng bar kanina. "My God Rouge, be considerate naman. Mukha akong bar girl sa amoy ko. Please, it won't happen again basta tulungan mo lang ako ngayon. Amoy na amoy sa akin ang sigarilyo." Wika ni Kimie. Tinapakan naman ni Rouge ang preno ng kanyang sasakyan. Tinitigan niya si Kimie at humugot ito ng malalim na paghinga. Tumingin si Rouge sa orasang pambisig niya... may isang oras pa kaya mabilis niyang ibinalikwas ang kanyang sasakyan at lumabas ng estate ng kanyang mga magulang. "Thank you. I honestly thought you would make me face your parents smelling of cigarettes and dressed like this. Naiiyak na talaga ako kanina pa, baka kung ano pa ang isipin nila sa akin. I swear, it won’t happen again." Hindi naman siya pinapansin ni Rouge. Masama pa rin ang loob nito kay Kimie dahil sa mga pinag-gagagawa nito. Nagmamaneho lang ito, tahimik lang at hindi niya kinakausap si Kimie hanggang sa nakabalik sila ng penthouse. "Maliligo lang ako. Saglit lang naman ako." Hindi pa rin siya pinapansin ni Rouge. Ramdam ni Kimie na nagtitimpi lang ng galit ang kanyang asawa sa papel. Iniisip ni Kimie na maaaring nagalit ang kanyang asawa dahil nadagukan ito ng isang lalaki kanina na kamuntikan na nitong ikasubasob. Bigla tuloy siyang napabungisngis kaya masama siyang tinitigan ni Rouge. Mabilis tuloy itong tumakbo papasok sa loob ng kanyang silid. "Hurry up, Kimie. Phoebe never made my parents wait. She was always prepared kahit maaga pa lang whenever we were visiting my parents. You, on the other hand, act like you're too special at talagang pinatayan mo pa ako ng telepono kanina." Malakas na sigaw ni Rouge. Hindi ito nakaligtas sa pandinig ni Kimie kaya napasandig ito sa pintuan ng silid niya. "Rouge, how could you? How could you say that to me? Masama lang ang loob ko sa'yo kaya ayoko sanang pumunta sa mga magulang mo at alam mo 'yan. Sinabi ko sa'yo kaninang umaga na saka na lang, pero hindi ko alam na itinuloy mo pa rin. Masama ang loob ko sa'yo dahil puro ka kasi Phoebe ng Phoebe sa tuwing magkasama tayo. Naririndi na ang tainga ko ng kababanggit mo sa kanyang pangalan. Sana matapos na ang pagpapanggap na ito para maka move on na ako." Tuluyan ng lumuha si Kimie. Nangako siya sa kanyang sarili na hindi niya pag-aaksayahan ng luha si Rouge, pero ito ang ikalawang beses na lumuha siya ng dahil sa lalaking 'yon. Humugot ito ng malalim na paghinga. Pinahid niya ang kanyang mga luha at pilit na pinapatapang ang kanyang sarili. Hindi siya dapat lumuluha, ipinangako niya ito sa kanyang sarili. "I won’t cry for you again, Rouge at kahit na isang luha ay hindi na ulit ako mag-aaksaya pa. I love you, I really do... but I’m also capable of letting go of my feelings for you. Ito na ang huling luluha ako para sa'yo Rouge at alam ko na kakayanin ko." Mahinang wika ni Kimie habang naglalakad na ito papasok sa loob ng banyo. Pinahid niya ang kanyang mga luha at saka nito hinubad ang lahat ng kanyang suot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD