Chapter 12 -Ano daw ang kiffy- ?

2526 Words
◄Rouge's POV► "Dude, bakit ba ang laki ng pagkakangiti mo diyan? Para mang kumikiliti sa junior mo. Ano ba ang nangyayari na hindi ko alam? Huwag mong sabihin na naka-score ka na kay Kimie." Si Ethan. Kunot ang noo nito habang nakatitig sa akin. Naglalakad kami sa mall. Katatapos lang namin ng isang lunch meeting. Kasama namin kanina ang kanyang ina, pero umalis din agad ito pagkatapos ng meeting namin. "Gago ka, walang kumikiliti sa junior ko. Sasama ka ba sa akin sa Bataan? Kailangan kong puntahan ang resort ko duon, gusto mong sumama sa akin?" Nagkibit balikat si Ethan, tumingin sa kanyang orasang pambisig at saka siya tumango. Natuwa naman ako. Hindi kasi pwede si Clyde ngayon dahil kalilipad lang ng eroplanong sinakyan niya patungo ng Japan. May mahalaga siyang sadya duon kaya kami lang ni Ethan ang magkasama ngayon. "Hindi mo sinasagot ang tanong ko, nakuha mo na ba? Napaungol mo na ba? Paungulin mo na para maghabol 'yan sa'yo." Natawa akong muli at saka ko siya sinuntok sa kanyang braso. Makalokohan talaga ang isang ito. Sinanay ng husto ni Red upang maging bato ang puso, upang hindi na ito naiisahan pa ng kahit na sino, upang hindi na mangyari dito ang nangyari sa kanya nuon sa mismong kamay ng kanyang sariling ama. "Saka na ako magkukuwento. Huwag ka ngang matanong, bakit hindi ikaw ang magpa-ungol ng mga babae mo, bakit ako ang inaasar mo?" Natawa lang siya at tinapik ako sa aking balikat. Pagkarating namin ng parking lot ay dumiretso na agad kami sa building ko. Nanduon ang helicopter sa helipad ko at iyon ang dadalhin namin. Wala ako sa mood magmaneho ng mahabang byahe, kaya helicopter na lang ang gagamitin namin. Pagkarating namin ng building ko ay dumiretso muna kami ng opisina ko. Inutusan ko ang aking secretary na tapusin ang lahat ng trabaho niya bago siya umuwi. Ipinaalam ko rin sa kanya na hindi na ako babalik dahil may mahalaga akong sadya sa resort ko sa Bataan. After ng ilang ginawa ko sa opisina ko ay nagtungo na rin kami sa ituktok ng building ko. Naghihintay na sa amin ang piloto at pagkasampa namin ay tuluyan na itong umangat sa ere. Mabilis lang ang hinihintay namin at lumalapag naman kami ngayon sa ituktok ng hotel ng aking resort. Mula dito sa itaas ay nakikita ko na maraming tao sa ibaba. Mukhang puno na naman ang aking hotel, laging puno ang aking resort ng mga taong gustong mag-relax. "Sir, nasa opisina na ho ninyo ang gustong makipag-usap sa inyo." Wika ng secretary ko na kanina pa kami hinihintay dito. "May meeting ka pala? Sa ibaba muna ako, mukhang napakaraming chicks, magsasawa muna ang mga mata ko sa mga naggagandahang babae na naka two-piece." Natawa ako sa kanya at tinapik ko siya sa balikat. Tumango ako at hinayaan ko na siya na naiwan sa loob ng elevator upang magtungo sa ibaba. Mamaya ko na lamang siya pupuntahan, pero bago ako magtungo sa aking opisina ay nagpunta muna ako sa aking presidential suite. Dumiretso ako ng aking silid. Nagtungo ako ng banyo upang maligo, at pagkatapos ay nagbihis na rin ako ng damit, simple lang kumpara sa suot kong suit kanina. Naka ripped jeans ako, t-shirt na bakat ang maskulado kong katawan at saka ako lumabas ng suite ko, pagkatapos ay nagtungo na ako sa aking opisina, at pagbukas ko ng pintuan ay isang malakas na boses ang narinig ko. "Damn you! Kung hindi pa kita kulitin, hindi ka pupunta dito. Sira ulo ka talaga! Kinakalimutan mo na ba ang friendship natin?" Si Kayden, kaya tawa ako ng tawa sa kanya. Ilang beses na kaming nagkita sa mga gatherings, pati nga birthday ng lolo ko ay nanduon siya pero hindi ko ito pinapansin. Galit kasi ako sa kanya nuon kaya parang hangin lang siya sa akin at nagpapanggap ako na hindi ko siya kilala. High school friend ko si Kayden, kaso iisang babae ang nagustuhan namin nuon, pero wala na 'yon. Matagal ko ng naunawaan kung bakit nangyari 'yon at kung bakit niya nagawa 'yon. "Balita ko ay nag-asawa ka na? Hindi rin pala kayo nagkatuluyan ni Phoebe? Nag-away pa tayo ng dahil sa kanya, pero hindi rin pala kayo ang magkapalad? Akala ko ba mahal na mahal mo ang babaeng 'yon? Galit na galit ka nga sa akin nuon, hindi ba?" Hindi ko siya pinansin, naupo ako sa swivel chair ko at saka ako sumandal. Nakatingin ako sa kanya at natatawa ako dahil ang laki na ng ipinagbago niya. "So, kamusta ang buhay? Kay tagal din ng panahon na hindi tayo nagkikita. Kamusta na at ano ba ngayon ang pinagkakaabalahan mo?" "Well... not much is happening. I'm busy overseeing a few businesses that need my focus. Beyond that, I'm just letting life unfold naturally, going wherever the wind takes me. I don't have any fixed plans or specific expectations... alam mo na? Simpleng kasiyahan na lang ang ginagawa ko, may mga bagay kasi na mas inuuna ko kaysa sa sarili ko." Sagot niya kaya tumawa ako ng pagak. Kilala ko siya kahit matagal kaming hindi nagkakasama o nagkikita. Kung minsan ay nag-uusap kami sa phone, pero hindi na katulad nuon na para kaming magkapatid. Nasira ang lahat ng 'yon dahil kay Phoebe. Hinalikan siya ni Phoebe sa labi, at kahit na nakita ko kung ano ang totoo, siya pa rin ang sinisi ko at sa kanya ako nagalit. Ganuon talaga, bulag ako sa pagmamahal kay Phoebe kaya kahit may kasalanan ito, si Kayden ang sinisi ko. "May nobya ka na ba? Sa gandang lalaki mo na 'yan, imposibleng wala pang nakakakuha ng puso ng isang katulad mo." Natawa siya at binato pa ako ng unan. Sinalo ko lang ito at ibinalik ko ito ng pabalibag din. "Actually meron. Kaso may atraso sa akin ang babaeng 'yon kaya medyo parurusahan ko muna." Kumunot ang noo ko, si Phoebe ba ang tinutukoy niya? Nakita niya ang pagkunot ng aking noo, at ang pagsalubong ng mga kilay ko kaya ang lakas ng pagkakatawa niya. "Man, I was just a teenager when I thought I was in love with Phoebe but believe me... that was ages ago. Now, she doesn't even cross my mind. But the woman I like now? She's on a whole other level." Sagot ni Kayden kaya unti-unting nawawala ang pagkunot ng noo ko. "Woah! Wait a minute, kapeng mainit! Don’t tell me you're still into her? Come on, you’re a married man now... you can’t cheat on your wife." Natawa ako. Wala naman akong sinasabi sa kanya pero may mga ganyang salita na agad siya sa akin. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko. Kumuha ako ng alak at ng dalawang baso. Ipinatong ko ito sa ibabaw ng aking office desk at saka ko ito sinalinan ng laman. "Wala naman akong sinasabi sa'yo ng kahit na ano, pero kung ano-ano na agad ang sinasabi mo sa akin. Sino ba 'yang babae na gumugulo ngayon sa sistema mo?" Ani ko, pagkatapos ay inabot ko sa kanya ang isang baso na may lamang alak, at naupo na rin ako sa sofa, sa tabi niya. "Saka mo na lang malalaman. Hindi ka na ba galit sa akin? Wala naman akong kasalanan sa nangyari, gago ka! May asawa ka na ngayon at narinig ko na Kimie Maglinte Hendrickson ang pangalan niya. Nag-search ako bro, ang ganda ng asawa mo, kaya huwag na huwag mo na 'yang pakakawalan. Ang layo niya kay Phoebe, at 'yang asawa mo, pag-aagawan 'yan kapag iniwanan mo pa 'yan at ipagpalit sa iba." Natawa ako sa sinabi niya. Tinungga ko ang baso na may lamang alak, pero ang isipan ko ay si Kimie ang laman. Mahal ako ni Kimie, imposibleng papatulan niya ang mga lalaking magtatangkang masungkit ang puso niya. Naalala ko tuloy ang nangyari kagabi sa bahay ng aking mga magulang. Hindi talaga ako makapaniwala na gusto niya akong matulog sa sahig, at hindi rin ako makapaniwala na sinipa niya ako kaya nahulog ako sa kama. Tama lang ang ginawa ko sa kanya kagabi, pasalamat nga siya at nagawa kong magtimpi, kung hindi, warak na warak na siya ngayon. "What's that smile for? Para kang may dinidilaang kiffy sa isipan mo." "Kiffy? What the hell is kiffy?" Humalakhak siya ng malakas kaya nagsisimula na naman ang inis ko. Ibuhos ko kaya sa kanya ang laman ng baso ko? lakas mang-inis ng isang ito. "Naririnig ko lang kasi 'yan sa kapatid ko at kay Tami. Makalokohan kasi ang dalawang 'yon kaya ang dami kong natututuhang kalokohan sa kanila, lalo na sa Tami na 'yon. Well, 'yung kiffy kasi ay 'yung paborito nating dinidilaan sa mga babaeng nagugustuhan natin. Masarap 'yon sa babaeng walang karanasan." Natawa ako ng maunawaan ko ang sinabi niya. Inulit ko pa ang pagkakabigkas ng salitang kiffy. Parang kay Kimie lang kagabi, ramdam ko ang pagkibot ng alaga ko kasi nakatapat sa kiffy niya ang junior ko. Bakit ba kasi bigla na lang siyang pumatong sa ibabaw ko, nagalit tuloy ang alaga ko. Muli kong sinalinan ng alak ang baso ko at saka ko sinalinan ang baso niya. Habang nilalapag ko ang mamahaling bote sa coffee table ay nagtatanong naman ako sa kanya. "So, 'yung Tami na 'yon na kaibigan ng kapatid mo ang tinutukoy mo?" Tanong ko. Muli na naman siyang humagalpak ng tawa kaya kaunting-kaunti na lang ay iiwanan ko na dito ang gagong ito. Alam naman niya na pikon ako kapag ganuon na ang tawa niya. Sarap niyang ihagis mula sa ituktok ng building na ito. "Gago ka talaga! Kaunti na lang at pikon na ako sa'yo." Tumawa siyang muli at sinabi niya sa akin na wala siyang pagtingin kay Tami at ibang babae ang tinutukoy niya. Kapatid lamang daw ang turing niya dito, katulad ng pagmamahal niya kay Genevieve. Kamusta na kaya ang babaeng 'yon? Mataba pa rin kaya at nerd pa rin? Hindi ko makakalimutan nuon na laging tampulan ito ng tukso, one-time nga ay pinagtanggol ko pa ito. "Tara sa ibaba, maraming babae ngayon na naka two-piece. Huwag ka lang titingin sa kanila, may asawa ka na at duon ka mag-focus. Ikaw lang ba ang nandito? Wala ka ba kasamang nagpunta rito kung hindi 'yong mga bodygurads mo na sakay ng ikalawang helicopter? Nanduon ako kanina sa rooftop, hinihintay kong matanaw ang helicopter mo, at ng makita ko na nga ang dalawang helicopter ay bumalik na ako dito." "Ano ba talaga ang sadya mo sa akin? Bakit mo ako pinapunta dito?" "Duon na lang tayo sa ibaba, kwento ko 'sayo habang patungo tayo sa beach." Nagkibit balikat na lang ako. Nang tumayo siya ay tumayo na rin ako at saka kami naglakad palabas. Habang nandito kami sa elevator ay saka niya sinabi sa akin ang kanyang sadya. Nagsalubong ang dalawang kilay ko at kumunot ang noo ko habang nakikinig lang ako sa mga sinasabi niya sa akin. Pagbukas ng elevator ay nagsasalita pa rin ito habang patango-tango na ako. Tungkol ito sa isang negosyo na napag-usapan namin nuong kabataan namin, at ngayon nga ay gusto na niya itong ituloy. Wala namang problema sa akin, ang hindi namin pagkakaunawaan nuon ay natapos na. Pagkarating namin sa harapan ng dagat ay magsasalita sana ako, pero laking gulat ko ng biglang isang suntok ang dumapo sa mukha ko mula sa kanya. Biglang sumulpot si Ethan mula sa kung saan at isang suntok na malakas ang ginawa niya, pero inilagan lang ito ni Kayden. Ang bilis ng kilos niya, medyo nagulat ako duon. Maging ang mga tauhan ko ay susugod sana, pero sumenyas ako kaya hindi sila sumugod. Maraming mga tao ang nagulat at may mga nagtilian pa na tila ba natakot sa nangyari, pero kontrolado naman ng guard ng resort ko ang mga nangyari at inilayo ang mga tao mula sa amin. Susugod sanang muli si Ethan, pero agad ko siyang pinigilan. Alam ko kung bakit ako sinuntok ni Kayden. "Ethan, enough!" Wika ko. Nakatingin ako kay Kayden na tumatawa ng malakas. Napapailing na lamang ako sa kanya, pagkatapos ay bigla na lang niya akong niyakap ng mahigpit. "Quits na tayo. Baka nakakalimutan mo ang sinabi ko sa'yo nuon. Hindi tayo magiging okay hangga't hindi ako nakakaganti sa'yo. Nakaganti na ako sa'yo kaya masaya na ako. Pasalamat ka nga at isang suntok lang 'yan. Ang inabot ko sa inyong dalawa ni Clyde muntikan na akong gumapang. Isa pa 'yan, kapag nagkita kamo kami, isang ganti ang ibibigay ko sa kanya na hindi niya makakalimutan." Ani niya at muli itong tumawa. Napahawak ako sa gilid ng labi ko, medyo pumutok ito at nalalasahan ko ang dugo. Pero okay na sa akin, malaki naman talaga ang naging kasalanan ko sa kanya dahil napagtulungan namin siya nuon kahit alam ko nuon sa sarili ko na wala naman talaga siyang kasalanan. "Ethan, ito nga pala si Kayden, ang kapatid ni Caleb. Si Kayden ang panganay, siya ang sumunod at ang bunso nila ay si Genevieve. kaibigan ko 'yan mula pa high school. Kung tutuusin, siya talaga ang best friend ko at hindi si Clyde, pero dahil sa isang gulo na nangyari, kinalimutan ko ang friendship namin at si Clyde ang naging matalik kong kaibigan. "Pasensya na bro kung umatake ako." Ani ni Ethan. "Don't apologize. Hindi ka naman tumama." Sagot nito sabay tawa ulit ng malakas. Sira ulo talaga ang isang ito, hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago. Ang way niya ng pang-aasar ay ang tumawa ng tumawa ng malakas. Pero natawa din naman ako sa sinabi niya. Oo nga naman, walang dapat ihingi ng pasensya dahil hindi naman siya tumama. "Kapag tumingin ka sa mga babae dito, tatawagan ko ang asawa mo para sabihin sa kanya na niloloko mo siya, na pinagtataksilan mo siya." Nagulat ako, tumaas pa ang dalawang kilay ko at tinitigan ko siya ng masama. Ang gagong ito akala naman niya ay kilala niya si Kimie. "Don't underestimate me dude. Isang dutdot ko lang malalaman ko na ang numero niya, wanna try me? Kaya magpakabait ka habang ako ang kasama mo dahil hindi kita hahayaan na maglaway sa mga babaeng naka two-piece dito." Sagot nito, sabay tawa ulit ng malakas kaya tawa na rin ng tawa si Ethan. Mukhang nahawa na rin ang sira-ulo kong kaibigan. "I like him bro. Mukhang magkakasundo kami ng kaibigan mong ito." Natuwa naman si Kayden at saka ito nakipag fistbump kay Ethan. Humarap ako sa karagatan, malakas ang alon habang nakatitig lang ako. Inalala ko ang nangyari sa amin kagabi ni Kimie. May gumuhit na ngiti sa labi ko ng maalala ko kung ano ang ginawa ko sa kanyang balikat. Medyo natagalan din ako duon, tapos ang junior ko sumasaludo at gusto na siyang saksakin kagabi. Ganti ko 'yon sa pagsipa niya sa akin kaya ako nahulog sa kama. Nakita ko kaninang umaga kung paano niya itago ng make-up ang kiss marked na iniwan ko sa balikat niya, pero syempre, hindi niya ito malalaman. Lamok lang ang dahilan kung bakit 'yon namumula. Pero ang bango niya, sobrang bango ni Kimie kaya hindi tuloy mawala sa isipan ko ang ginawa ko sa kanya. Hihintayin ko ang araw na kusa siyang bibigay sa akin. Huh! No one can resist my charm.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD