┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈
Madilim na sa labas pero nandito pa rin sa garden si Rouge at naninigarilyo, hindi pa niya pinupuntahan si Kimie sa kanilang silid, tahimik lamang siya dito na nagpapahangin at nag-iisip ng malalim. Nilapitan siya ng kanyang ama at inabutan siya ng isang beer. Nagulat pa ito pero agad din naman niya itong tinanggap.
"Ang lalim naman yata ng iniisip ng aking anak. May problema ka ba? Pwede ka namang magsabi sa akin kung may mga bumabagabag sa iyong isipan."
Umiling si Rouge at ngumiti. Inilapit niya ang bote ng beer sa kanyang ama at pinag-untog nila ang mga boteng hawak nila. Pagkatapos ay agad niyang tinungga ang laman ng bote habang ang isipan niya ay kung saan-saan na yata nakarating.
Humugot si Rouge ng malalim na paghinga at saka niya hinitit ang kanyang sigarilyo. Habang unti-unti niyang ibinubuga ang usok nito, his mind was overwhelmed with a whirlwind of images... Phoebe’s face, their moments together na magkasama sila nuong mga panahong may relasyon pa silang dalawa, and then ang mukha din ni Kimie. The two women kept flashing in his thoughts, intertwining in ways he couldn’t escape, humugot itong muli ng malalim na paghinga na akala mo ba ay pasan niya ang mundo. Tinapik siya ng kanyang ama sa kanyang balikat kaya napatingin siya dito.
"Huwag mong sabihin na iniisip mo si Phoebe. May nakarating na balita sa akin na nakita kayo na magkasama sa iisang mall almost two weeks ago na. Niloloko mo ba ang asawa mo? Tandaan mo Rouge, pwede kang maging babaero hangga't malaya ka pa, pero kapag may babae ka ng pinakasalan... matuto kang makuntento at dapat lamang na irespeto mo ang asawa mo at mahalin. Huwag ka ng titingin pa sa ibang babae, pahalagahan mo ang relasyon mo sa iyong asawa upang mapagtibay ninyo ang inyong pagsasama katulad ng pagmamahalan namin ng iyong ina." Biglang napatingin si Rouge sa tinuran ng kanyang ama. Natawa ito ng mahina at muling tinungga ang beer bago ito sumagot.
"Nagkataon lang 'yon, Dad. Hindi naman sinasadya ang pagkikita namin ni Phoebe. Magkasama kami ni Mellard after ng trabaho for lunch at nakita kami ni Phoebe sa restaurant. Gusto niyang mag-join sa amin ng kapatid ko kaya I let her. Hindi ko siya hinawakan, dad, in case that’s what’s been bothering you. Kimie is fully aware tungkol sa nangyari na 'yon. You don’t need to worry Dad dahil hindi ko pinagtataksilan ang aking asawa. Hindi na naman naulit ang pagkakataon na 'yon. Aaminin ko na kumapit siya sa braso ko ng araw na 'yon, pero agad akong huminto sa paglalakad at tinitigan ko ang kamay niya upang makuha niya ang ibig kong sabihin na hindi siya pwedeng humawak sa akin dahil may asawa na ako." Sagot ni Rouge kaya isang simpleng ngiti ang gumuhit sa labi ng kanyang ama.
"Do you still have feelings for Phoebe? Remember, Rouge, you’re already married to Kimie. Don’t forget that, and don’t cause her any pain. It's time to step up and be the responsible husband she deserves." Natawa ng mahina si Rouge. Walang kaalam-alam ang kanyang mga magulang sa tunay na estado ng relasyon nila ni Kimie. Hindi rin niya alam kung mapapatawad siya ng kanyang ina kapag nalaman nito ang totoong ginawa niya. Pero alam niya kung gaano siya kamahal ng kanyang ina at ng kanyang ama kaya batid nito na mauunawaan siya ng mga ito.
"I know that dad. Huwag kayong mag-alala, alam ko ang responsibilidad ko. Magkasama nga kami ni Kimie, hindi ba? Nakita ba ninyo kaming nag-away or nagsagutan man lang? Maayos ang relasyon namin dad kaya wala kayong dapat na alalahanin." Sagot nito at sunod-sunod na hitit ang ginawa nito sa kanyang sigarilyo.
Hindi agad nakakibo ang kanyang ama. Naglabas lang ito ng sigarilyo at sinindihan naman agad ito ni Rouge. Nakatingin lang kay Rouge ang kanyang ama habang humihitit ito sa kanyang sigarilyo.
Gustong magsalita ni Rouge, gusto niyang aminin ang kanyang ginawa, pero walang kahit na anong salita ang lumalabas sa kanyang bibig. Gusto niyang aminin sa kanyang ama kung ano ang totoo, pero kinokontra ito ng kanyang isipan kaya kahit na gaano niya kagustong sabihin na ginagamit lang niya si Kimie, hindi niya ito magawa. Hindi niya alam kung bakit ayaw niyang malaman ng mga ito na isang kasunduan lamang ang kanilang kasal at wala na itong bisa.
"Kamusta naman ang negosyo? Habang tumatagal, mas lalo kang humuhusay sa larangan ng pagpapatakbo ng ating mga negosyo. Maging ang sarili mong mga negosyo ay napapatakbo mo ng maayos at mas napapaunlad mo pa ang mga ito. Nakakahanga ang kakayahan mo anak, kaya proud na proud ako sa'yo. Si Mellard ay nakakahanga din, kahit na baguhan pa lang siya sa kanyang mga ginagawa, masasabi ko na mahusay siya. Namana niya ang kahusayan ng mga Hendrickson pagdating sa pagpapatakbo ng mga negosyo natin." Wika nito. Tumango naman si Rouge. maging siya ay proud sa kanyang kapatid dahil sa ipinapakita nitong kahusayan.
habang masaya silang nag-uusap ng kanyang ama tungkol sa mga negosyo nila ay isang boses ang gumulat sa kanila kaya napalingon sila sa kanilang likuran.
"Hon, ano ba ang ginagawa mo diyan? Bakit mo inaabala ang ating anak eh gabi na. Hindi ba dapat ay nanduon na siya sa silid nila ni Kimie para makapag pahinga na sila at alam mo na kung ano ang dapat nilang gawin. Hindi tayo magkakaroon ng mga apo kung aabalahin mo ang ating anak. Halika na at matulog na tayo, hayaan na natin na puntahan niya ang kanyang asawa." Natawa naman si Rouge dahil sa tinuran ng kanyang ina. Maging ang kanyang ama ay tumatawa na rin.
"Narinig mo ang iyong ina. Sige na anak, lumalalim na ang gabi at magpahinga ka na. Ang apo namin, ihanda na ninyo at kailangan na naming makarinig ng maliliit na tinig ng baby. Sige na anak, matutulog na rin kami ng iyong ina." Wika ng ama ni Rouge, tumatawa ito ng niyakap nito ang ina ng kanyang anak.
"Dad, Mom, kaya nahihiyang magpunta si Kimie at matulog dito ay puro kalokohan ang sinasabi ninyo. Buti na lang at nanduon siya sa silid namin dahil kung nandito 'yan, baka namumula na naman ang mukha nuon sa kahihiyan. Parang hindi ninyo kilala ang aking asawa." Tumatawa si Rouge, pero ang mukha ng kanyang ina ay seryoso.
"Tama na ang pagdaldal mo diyan anak. Baka makatulog na ang asawa mo. Sige na magtungo ka na sa inyong silid para naman makarami ka." Sagot ng kanyang ina kaya humahalakhak na si Rouge dahil sa mga naririnig niya.
Napapailing na lamang ito ng kanyang ulo na nagsimulang maglakad patungo sa loob ng malaking mansyon. Inabot niya sa kasambahay ang hawak niyang bote at nagtungo na ito sa ikatlong palapag kung nasaan ang silid nila ni Kimie. Hindi niya agad binuksan ang pintuan. Nakiramdam lamang si rouge dahil ito ang unang pagkakataon na makakatabi niya sa iisang kama ang kanyang asawa.
"Damn it!" Bulong ni Rouge. Humugot ito ng malalim na paghinga at saka niya dahan-dahang pinihit ang seradura ng kanyang silid. Pagbukas ng pinto ay nagulat siya na may nakalatag na comforter sa sahig at may dalawang unan din. Si Kimie ay nakahiga sa gitna ng kama at pinalibutan ang paligid niya ng mga unan. Agad niyang isinara ang pintuan at baka makita ng kanyang mga magulang ang loob ng silid nila at magtaka pa ang mga ito, pero hindi pa niya ito kinandado. Inis kasi ito sa kanyang nakikita na nakalatag sa sahig.
"Sino ang matutulog sa sahig?" Tanong nito. Nag-angat naman ng mukha si Kimie at saka tumaas ang isang kilay nito.
"Ikaw." Sagot nito sabay turo niya ng hintuturo kay Rouge. Nanlaki naman ang mga mata nito at itinuro ang kanyang sarili habang nakatingin ito kay Kimie.
"Ako? Dito ako matutulog sa sahig? Nababaliw ka na ba? Hindi ako sanay matulog sa sahig, saka bakit ako matutulog sa sahig eh kama ko 'yan? King size ang kama na 'yan at kahit mag-gulong-gulong tayo diyan ay kasya tayong dalawa diyan." Inis na sagot ni Rouge.
Hindi naman pumapayag si Kimie na matutulog sa tabi niya ang kanyang asawa kaya mas lalo niyang ikinalat ang mga unan sa kanyang paligid.
"Hindi ako papayag Kimie. Diyan ako sa kama matutulog at kung ayaw mo akong katabi, dito ka sa sahig o kaya dito ka sa sofa matulog. Ibaluktot mo ang katawan mo dito at ako ang uunat diyan sa malaki kong kama." Inis na sabi ni Rouge at dinampot niya ang kanyang comforter and ang kanyang mga unan. Pero ayaw pumayag ni Kimie at pilit niyang itinutulak si Rouge upang hindi ito makasampa sa kama. Pero natigilan silang dalawa ng marinig nila ang katok sa pintuan at ang boses ng ina ni Rouge. Agad na tumalon si Rouge sa kama, at si Kimie naman ay agad na yumakap sa katawan ng kanyang asawa at kunwaring nakangiti. Ipinalupot naman agad ni Rouge ang kanyang mga braso sa balingkinitang katawan ni Kimie at ipinatong ang kanyang hita sa katawan nito.
Biglang bumukas ang pintuan ng kanilang silid at nakangiting ina ni Rouge ang bumungad sa kanila. May hawak itong isang plastic na may laman at ipinakita pa ito sa kanyang anak.
"Papasok na ako anak, tumigil muna kayo sa paglalampungan ninyo. Heto ang balut Rouge, ubusin mo 'yan. Anim na piraso 'yan pang palakas ng tuhod mo 'yan."
Gulat na gulat si sa narinig Kimie sa narinig niya, ngunit si Rouge naman ay may malaking pagkakangiti. Mas hinigpitan pa niya ang pagkakayakap niya kay Kimie at hinalikan pa niya ito sa pisngi na ikinagulat naman nito. Masama niyang tinitigan si Rouge, pero muli itong humalik sa kanyang pisngi.
"Ang sweet pala ninyong dalawa. Naku sigurado akong magbibilang na ako ng mga buwan para magkaroon ako ng apo." Masayang sabi ng ina ni Rouge kaya napaubo si Kimie.
Nagpaalam na rin ito na aalis na upang magkasarilinan daw ang dalawa at isinara ang pintuan ng makalabas. Si Kimie naman ay agad na nagwala upang mabitawan siya, pagkatapos ay sinipa nito ang kanyang asawa kaya nahulog ito sa kama.
"Lintik! Bakit mo ako sinipa? Kama ko 'yan, kaya diyan ako matutulog sa tabi mo."
"Para 'yan sa paghalik mo sa akin."
"Ginawa ko lang 'yon para hindi makahalata ang mom ko na umaakting lang tayo." Sagot naman nito.
Magsasalita pa sana si Kimie upang kontrahin ang sinabi ni Rouge, pero mabilis itong sumampa sa kama at nahiga ito sa tabi niya, pagkatapos ay saka ibinuka ang mga hita upang makasigurado na hindi siya mahuhulog kapag sinipa siyang muli ni Kimie.
"Kung ayaw mo akong katabi, maluwag ang sahig at ikaw ang matulog diyan. Basta ako ay dito matutulog. Huwag mo akong inisin at baka kainin ko nga ang balut na ibinigay sa akin ng aking ina kahit na hindi ako kumakain niyan para lang lumakas ang tuhod ko at magdamagan tayong..." Kimie cut him off.
"Bwisit ka talaga! Haharangan ko ang pagitan natin at huwag kang didikit sa akin. Kapag ginawa mo 'yan, nakikita mo ba itong steak knife? Puputulin ko 'yan, Rouge. Nagkakaintindihan ba tayo?" Natawa lang si Rouge at umayos na ito ng higa at paharap pa kay Kimie. Inis namang tinambakan nito ng unan ang pagitan nila at saka siya umayos ng higa, nakaharap din sa mga unan. Binalot din niya ng comforter ang kanyang sarili upang protektahan laban sa kanyang asawa.
Si Rouge naman ay agad na pinindot ang button na nasa may gawing likuran ng headboard, pagkatapos ay nakarinig ng click si Kimie kaya napatingin siya sa pintuan. Kusa itong nag-lock dahil sa ginawa ni Rouge.
"Umayos ka Rouge, hindi talaga ako nagbibiro." Bulong nito habang dilat na dilat ang kanyang mga mata.
"Ako nga ang dapat mag-ingat dahil baka gapangin mo ako. Mahirap na... wala pa akong karanasan sa mga bagay na 'yan." Isang malakas na pagpalo ng unan sa mukha ni Rouge ang tumama sa kanya kaya sa sobrang inis niya ay bigla itong napabangon. Masama niyang tinitigan si Kimie, pagkatapos ay ngumisi ito at dinalaan ang pang-ibabang labi niya habang nakatitig sa dibdib nito.
"Bastos ka talaga, impakto!" Inis na sabi nito at muling binalot ng comforter ang kanyang katawan. Malakas na halakhak ang maririnig sa bawat sulok ng silid. Nag-e-enjoy si Rouge sa pang-aasar dahil alam nito na pikon na pikon na si Kimie sa kanya.
"Matulog ka na, babantayan kitang mabuti. Kapag malamig ang naramdaman mo, ibig sabihin ay pwedeng multo na humaplos sa'yo. Pero kapag mainit-init, mahaba, malaki, matigas, madulas-dulas, at tayong-tayo, ibig sabihin ay..." Isang malakas na suntok sa mukha ni Rouge ang tumama sa kanya mula sa kanyang asawa. Biglang napabangon muli ito at galit na galit na talaga ito at masamang nakatitig kay Kimie.
"Ibig sabihin, jumbo hotdog on a stick para mapakain ka. Bakit Kimie, ano ba ang iniisip mo na mahaba, madulas, malaki at tayong-tayo, ha? King size jumbo hotdog on a stick lang naman ang sasabihin ko sa'yo dahil lagi ko 'yang pinapaluto kapag nagugutom ako sa hatinggabi. Bakit ka nanununtok diyan, ha? Pinagnanasahan mo ba ako?"
Sa halip na sumagot si Kimie ay inirapan nya lang ito at saka niya ito tinalikuran. Simpleng natawa si Rouge habang napipikon na talaga si Kimie.
"Matulog ka na diyan dahil inaantok na ako. Huwag mo akong gagapangin, Kimie."
Hindi na ito sumagot pa, ayaw niyang patulan ang pang-aasar sa kanya ng kanyang asawa. Ipinikit na lamang niya ang kanyang mga mata at saka niya sinubukang matulog. Kanina pa naman siya inaantok, pero hindi lang siya makatulog dahil katabi niya ang kanyang asawa.
Narinig pa niya ang malalim na paghugot ng buntong hininga ni Rouge kaya mas lalo niyang hinila ang blanket upang itago niya ang kanyang katawan hanggang leeg. Nakatitig pa siya sa steak knife na nasa end table na hinanda talaga niya.
"Pupusta ako sa'yo, kapag pinag-init kita, sa halip na steak knife ang kukuhanin mo, 'yung king size jumbo hotdog ko ang hahawakan mo." Pang-aasar nito. Naiinis man si Kimie, pero hindi niya pinapatulan ang pang-aasar nito hanggang sa unti-unti ay namimigat na ang talukap ng kanyang mga mata. Hindi nagtagal ay unti-unti na ring ipinipikit ni Kimie ang kanyang mga mata hanggang sa tuluyan na nga itong makatulog.
»»----------►
Nagising si Rouge na nakaibabaw na sa kanya si Kimie. Tulog na tulog pa rin ito, nakadapa lang ito sa kanyang ibabaw kaya ang kanyang sandata ay nagwawala na, pero pilit niyang pinipigilan ang kanyang sarili. Naririnig pa niya ang malalim na paghinga nito kaya hindi niya mapigilan ang hindi matawa ng mahina.
Unti-unting nagigising si Kimie, malabo pa ang kanyang paningin, pero ng makilala niya ang mukha ng bumungad sa kanya ay bigla itong tumayo at saka umigkas ang kamao nito. Isang suntok na naman sa mukha ni Rouge ang tumama sa kanya.
"Manyakis ka!"
"Anong manyakis? Sino ba ang nakaibabaw sa akin? kagigising ko lang, nauna lang ako ng ilang segundo sa'yo, tapos sapak na naman ang ibinigay mo sa akin. Isa pa Kimie, gagapang ka sa sahig kapag niromansa kita. Tumigil ka ng kasusuntok mo sa akin dahil napipikon na ako." Inis na sabi ni Rouge. Natahimik naman si Kimie, si Rouge naman ay inis na bumangon at saka naglakad. Nagulat si Kimie ng makita niya na walang kahit na anong saplot ang kanyang asawa. Tayong-tayo pa ang kargada nito dahil sa pagkakadapa niya sa ibabaw nito.
"Impakto ka! Bakit ka nakahubad? Ang bastos mo!" Sigaw nito.
"Hindi ako natutulog ng may damit. Huwag kang mag-alala, maginoo ang junior ko, gusto niyang kusang bumibigay, hindi namimilit 'yan." Sagot nito sabay halakhak.
Mabilis namang nagtungo sa walk-in closet si Kimie at nagpalit ito ng damit. Si Rouge ay nasa loob ng banyo upang maligo. Binuksan ni Kimie ang pintuan ng silid, ngunit kahit na anong hila niya ay hindi ito bumubukas kaya galit na galit ito kay Rouge at sunod-sunod na katok ang ginawa niya sa banyo.
"Kapag hindi ka tumigil, lalabas ako dito ng wala ulit saplot, pero sisiguraduhin ko sa'yo na ako na ang papatong sa'yo at puro ungol mo na lang ang maririnig sa loob ng silid ko." Malakas na sabi nito kaya bigla itong tumigil sa pagkatok at saka lumayo sa pintuan ng banyo. Hihintayin na lamang niya itong matapos para makalabas na siya sa silid nito. Humarap siya sa salamin, napakunot ang noo niya ng may makita namumula ang balat sa kanyang balikat. Kinaskas niya ito ng kanyang daliri, pero hindi ito nawala. Biglang nanlaki ang kanyang mga mata at saka siya sumigaw.
"Rouge! Puputulan kita, bakit may kiss marked ako?" Bumukas ang pintuan ng banyo at iniluwa ang matikas na pangangatawan ni Rouge na basa ng tubig, nakatapis ng tuwalya ang pang-ibabang parte at bumagay dito ang basang buhok na nakalaylay sa noo nito kaya bahagyang tumaas ang isang kilay ni Kimie.
"Baka nakagat ka ng lamok. Baka may nakapasok na lamok dito sa silid ko kaya namumula 'yan. Kiss marked agad? May naramdaman ka ba kagabi? Wala akong ginawa sa'yo kaya huwag kang mangarap." Wika nito sabay halakhak. Hindi naman kumibo si Kimie, tinitigan lang niya ang kanyang balikat na pulang-pula at saka niya ito hinimas.