❀⊱Kinie's POV⊰❀
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ni Rasselle. Nakangiti lang ako habang nagmamaneho ako patungo ng Pangasinan. Pupunta muna ako sa hacienda ng aking mga magulang at duon muna kami ng ilang araw. Hindi ako nagpaalam kay Rouge, bahala siya sa buhay niya.
"Duon muna tayo sa Pangasinan. Ilang damit ba ang dinala mo?" Kumunot ang noo ng pinsan ko kaya natawa ako. Hindi kasi niya alam na duon ang punta namin. At least sinabi ko sa kanya na magdala siya ng mga damit kaya tuwang-tuwa naman ito, kasi akala niya ay resort ang pupuntahan namin. May resort din naman duon, kaya kung gusto niya ay pwede naman kaming magpunta sa mga private resort sa Pangasinan.
"Pang one week. Nakakainis ka Kimie, akala ko pa naman ay magpupunta tayo ng Boracay. Magpupunta lang naman pala tayo ng hacienda ninyo sa Pangasinan. Nakakainis ka talaga!" Tawang-tawa ako sa kanya habang nagmamaneho lang ako. Malayo-layo pa ang lalakbayin namin, pero nakausap ko na si Lhezel na darating kami ngayong araw ni Rasselle.
"Ano ka ba! Pwede naman tayong magpunta ng Boracay kung gugustuhin natin, hindi ba? Sige ganito na lang, pagdating natin sa Pangasinan, duon muna tayo maglagi ng isang araw, pagkatapos ay saka tayo magpa-book ng plane ticket patungong Boracay. Si Lhezel na lang ang pagawain natin niyan para naman hindi malaman ni Rouge kung saan tayo pupunta. Tatlong ticket sa iba't ibang pangalan. Madali na natin magagawan ng paraan ang Id, may kilala si Lhezel sa Pangasinan na gumagawa ng mga pekeng identification, kaya huwag kang mainis diyan."
Hindi ko man nakikita ang mukha niya dahil nakatutok ang mga mata ko sa kalsada, pero nararamdaman ko ang malaki niyang ngiti. Kahit naman ako ay natutuwa sa naiisip ko, at least, malalayo muna ako kay Rouge. Nakakainis kaya ang lalaking 'yon, binigyan ba naman ako ng kiss marked, tapos ayaw pa niyang umamin. Naghintay pa ako ng isang linggo para lang mawala ang marka sa balikat ko.
"Iniisip mo na naman ba ang kiss marked mo? Iniisip mo ba na sana gising ka ng mga oras na 'yon habang nilalagyan ka niya ng kiss mark para naitulak mo ang ulo niya sa kiffy mo?" Biglang nanlaki ang mga mata ko sa tinuran ng pinsan ko kaya sa inis ko ay hinampas ko ito sa braso. Ano ba ang pinag-sasasabi ng babaeng ito?
"Kunwari ka pa... pa hard to get ka lang naman. Umamin ka na, kilig na kilig ka dahil sa kiss marked na 'yon. Nakita kaya kita habang nakaharap ka sa salamin, tapos hinihimas mo ang balikat mo at kinilig ka pa. Huwag ka ng mag-deny, para namang hindi natin alam ang sikreto ng isa't isa. Umayos ka nga Kimie, I'm sure ibababa mo rin 'yang panty mo sa lalaking 'yon."
Inis na inis ako sa pinsan ko. Pero wala naman akong maisagot sa kanya kaya tawa siya ng tawa ng malakas. Nakakainis talaga ang Rasselle na 'to. Kung pwede ko lang siyang ihulog dito sa sasakyan ko, ginawa ko na.
"Hindi ka makasagot kasi alam mo na totoo ang sinabi ko. Bakit ba kasi pa-hard to get ka eh baliw na baliw ka naman sa lalaking 'yon. Pinagpapantasyahan mo nga ang mga larawan niya sa magazine, lalo na 'yong top less. Tapos kunwari ayaw bumigay, pero one day, bubukaka ka rin sa lalaking 'yon." Sabi pa ulit niya.
Para mas mainis siya sa akin ay mas lalo akong tumahimik. Madaling asarin ang pinsan ko, kapag hindi ko siya pinansin at patay malisya lang ako, sigurado mapipikon ito sa akin. Bahala siyang dumaldal ng dumaldal, hindi ako sasagot sa kahit na anong sasabihin pa niya.
Hindi naman tumitigil si Rasselle sa pang-aasar niya sa akin, sige lang siya ng salita at sa halip na siya ang hinihintay ko na mainis, ako ngayon ang nakakaramdam ng sobrang pagkainis sa kanya. Nakakapikon ang babaeng ito, ayaw niyang tumigil kaya talagang nanggigigil ako ngayon sa kanya.
We stopped at a gas station to ensure that my car’s gas tank is always full, mahirap nang maubusan ng gasolina lalo pa at nasa kalahatian pa lang kami ng pupuntahan namin. Mahaba-haba pang lakbayin ang mangyayari, pero nakahanda naman ako dahil mamaya, kapag napagod ako sa pagmamaneho ay ipapasa ko kay Rasselle ang manibela. Siya naman ang magmamaneho, habang ako ay matutulog.
"I’m eager to hear from you when Rouge finally gets into the most intimate part of your body. Let’s see how long you can keep up your ‘playing hard to get’ act." Wika pa niyang muli. Sa inis ko ay umibis ako ng sasakyan at iniwanan ko siyang mag-isa. Pumasok ako sa convenience store at naghanap ng pagkain na mabibili, something na pwede naming kainin habang nagmamaneho ako patungo ng Pangasinan.
Narinig ko ang pagsara ng pintuan ng sasakyan kaya alam ko na sinusundan ako ng pinsan ko. Nilingon ko siya, tumatawa ang bruha kaya inirapan ko siya kaya mas lalong lumakas ang pagkakatawa niya.
"Seryoso ako, hihintayin ko talaga na kusa mong hubarin 'yang panty mo para sa lalaking 'yon." Bigla akong napatingin sa paligid ko at inis akong humarap sa pinsan ko. Nakakahiya baka may makarinig sa sinabi niya!
"Ang bibig mo nga Rasselle, baka may makarinig sa'yo at kung ano pa ang isipin ang tungkol sa akin. Nakakahiya ka talaga!" Naiinis ako, panay tuloy ang tingin ko kung may tao. Tawa pa rin siya ng tawa at kumapit pa sa braso ko.
"Huwag ka na kasing mahiya pa sa akin. Umamin ka na kasi na gusto mo ng bumigay sa kanya. Sus naman! Maglolokohan pa ba tayo dito? Naaalala mo ba ang sinabi mo sa akin nuong nagpunta tayo ng Japan? Huwag mong sabihin na nakalimutan mo na 'yon. bago mangyari ang kasal na kasunduan ninyo ni Rouge, nagpunta tayo ng Japan, at ang sabi mo, kapag nainis ka, pipikutin mo ang lalaking 'yon para maging sa'yo. Bakit ngayong kasal na kayo nagpapa-hard to get ka?"
Hindi ko siya pinansin. Nagpunta lang ako ng cashier at binayaran ko ang mga binili kong chips, drinks at saka sandwiches. Pagkatapos maibigay sa akin ang resibo ay sabay na kaming bumalik sa sasakyan ko.
"You don't get it. I once thought he had forgotten about Phoebe, but he married me only to make her jealous and win her back. Masakit kaya 'yon, kasi gusto ko siya. Kung bibigay ako sa kanya na alam kong si Phoebe ang mahal niya, sino ba ang talo sa larong ito, hindi ba at ako? Think about it... he used me to win her back pagkatapos ay makukuha pa niya ang katawan ko? Sobrang unfair naman para sa akin 'yon. Akala ko kasi dati ay may lihim siyang pagtingin sa akin, kasi nga sobrang caring niya, malay ko ba na ang pagiging caring niya ay dahil sa may kailangan pala siyang kapalit. Buti sana kung marinig ko man lang sa kanyang bibig na ako ang mahal niya at maramdaman ko ang sinseridad nito, bakit hindi? Pero, wala eh! Si Phoebe ang mahal niya, at si Phoebe ang kailangan niya. Ang unfair lang nuon para sa akin."
See! Hindi siya nakakibo. Kasi may point naman talaga ako. Hindi sa nagpapa-hard to get ako, pero... ako kasi ang dehado at hindi naman si Rouge. Mahal ko si Rouge, pero ako lang ang nagmamahal sa kanya dahil si Phoebe lang ang nagmamay-ari ng kanyang puso. Masakit na katotohanan, pero wala naman akong magagawa. Hindi naman pwedeng turuan ang puso kung sino ang mamahalin nito, kaya nga lahat ay ginagawa ko upang hindi ako mas lalong mahulog sa kanya. Kaya kung kailangang lumayo ako sa kanya paminsan-minsan katulad ng ginagawa ko ngayon, ay gagawin ko talaga para lang hindi ako mas lalong masaktan. Alam ko naman kasi na kahit na ano pa ang gawin ko sa kanya para mapa-ibig ko siya ay hindi na mababago pa ang damdamin niya para kay Phoebe.
"Pero pa-hard to get ka pa rin." Wika niya. Kaya inis akong tumingin sa kanya. Malakas na tawa naman ang pinakawalan niya kaya sa inis ko ay bigla kong tinapakan ng madiin ang gas kaya humarurot ang sasakyan ko. Sa takot niya ay napahawak siyang bigla sa seat belt at sigaw ito ng sigaw sa akin na bagalan ko lang ang pagpapatakbo at hindi na niya ako aasarin pa. Napangiti ako, ang dali talaga niyang takutin.
╰┈➤Hindi nagtagal ay nakarating din kami ng hacienda ng mga magulang ko dito sa Pangasinan. Sinalubong agad kami ng katiwala nila mommy na walang iba kung hindi ang mga magulang ni Lhezel. Tuwang-tuwa din si Lhezel dahil tinupad ko ang pangako ko sa kanya na dadalaw kami dito, 'yun nga lang at hindi alam ni Rasselle na dito kami pupunta. Kasi kung sinabi ko sa kanya, sigurado naman ako na marami siyang dahilan para hindi makasama dito.
"May pagkain ba kayo diyan? Kanina pa ako nagugutom. Ito kasing babae na 'to ayaw dumaan sa kahit na anong restaurant, baka daw kami gabihin. takot yata ito sa bampira, palibhasa nakagat na ng bampira." Wika ng pinsan ko kaya natawa ako at saka ko siya siniko. Nakakaloka talaga ang pinsan kong ito, ayaw tumigil sa pang-aasar niya sa akin.
"Naku mga hija, maraming pagkain dito. Halikayo sa loob at ng makakain muna kayo. Kami na ang bahala sa mga bagahe ninyo, nakahanda na rin ang mga silid ninyo." Wika ng ina ni Lhezel.
"Thank you po tita. Tara Lhezel sa loob, sabayan mo kaming kumain at may sasabihin kami sa'yo. Hindi ba at matagal mo ng gustong magpunta ng Boracay? Pagkakataon mo na ito dahil isasama ka namin, pero may ipapagawa kami sa'yo." Wika ko. Namilog ang mga mata ng kaibigan ko. Tuwang-tuwa ito sa kanyang narinig at hinila pa kami papasok sa loob ng malaking bahay.
"Bilisan mo. Magkwento ka kaagad sa akin kung ano ang dapat kong gawin, at promise ko sa'yo, gagawin ko talaga 'yan. Excited tuloy ako." Natawa naman kami sa kanya.
Habang kumakain kami ay nag-uusap-usap kaming tatlo. Sinabi ko sa kanya kung ano 'yong napag-usapan namin ni Rasselle habang patungo kami dito. Nakikinig lang naman siyang mabuti kung ano ang dapat niyang gawin. Nuon kasi ay may gumawa ng Id namin na kakilala niya para makapasok kami ng bar nuon at makainom kami ng alak.
"Oh my gosh! Kayang-kaya ko 'yan. mamili na kayo ng pangalan ninyo at mamayang gabi, may mga bagong Id tayo. Oh my, I’m so excited! Boracay, here I come!" Tawang-tawa kami ni Rasselle kay Lhezel. Sobrang saya nito ng malaman niya kung ano lang ang kanyang gagawin. Sinabi ko sa kanya kung ano ang pangalan na gusto ko, at ganuon din si Rasselle. Ang Id na 'yon ang gagamitin namin upang makabili kami ng ticket patungong Boracay.
"Jusko, kinakabahan ako sa mga pinag-gagagawa natin. Hindi ba tayo mabubuko sa gagawin natin?" Ani ni Rasselle.
"Ano ka ba? Sa travel agency tayo bibili ng plane ticket, at kung may aberya sa mga Id natin, ano ang ginagawa nito?" Wika ko, pagkatapos ay binuksan ko ang malaking shoulder bag na dala ko at ipinakita ko sa kanila ang laman. Ang dami kong dalang cash. Sinigurado ko ito upang hindi ako gumamit ng mga cards. Isa pa ay nagpalit din ako ng phone. iniwan ko ang isa kong phone sa bahay, at bumili ako ng bago para hindi ako ma-trace ni Rouge. Itong sasakyan ko, hindi rin alam ni Rouge na sa akin ito dahil nakapangalan pa ito sa aking ama. Bahala siya sa buhay niya.
"Oh my gosh! Don't tell me na on the way here, ganyan karami ang dala mong pera? Nababaliw ka na ba, Kimie? Paano kung may nakatunog na ganyan karami ang dala mong pera, tapos hinarang tayo at na-salvage? Jusko naman, hindi ko pa natitikman si Luke, uuurin na agad ako sa ilalim ng lupa? Bwisit ka talagang babae ka!" Inis na sabi ni Rasselle kaya tawa ako ng tawa.
"Wala namang nakakaalam na ganyan karami ang dala kong pera. Huminahon ka nga! Ayaw mo ba magpunta ng Boracay? Sabihin mo na agad para dito na lang tayo sa hacienda." Nginusuan ako ni Rasselle kaya tawa ako ng tawa sa kanya.
"Sige na nga. Itago mo 'yan at baka may makaalam na marami kang dalang cash."
"Baliw ka talaga! Nandito na tayo sa hacienda ng mga magulang ko, wala ng makakaalam niyan dahil ilalagay ko ang mga 'yan sa safe duon sa silid ko. Bilisan mong kumain para makapunta na tayo sa kakilala ni Lhezel at ng magkaroon na tayo ng bagong Id. Excited na ako, mamaya kapag nakuha na natin ang bagong Id natin, maghanap agad tayo ng mabibilhan ng plane ticket." Sagot ko. Pagkatapos ay tahimik na kaming kumakain.
Hindi mawala sa isipan ko ang gabing 'yon na kasama kong natulog si Rouge sa silid niya. Hindi ko makalimutan kung gaano kalaki 'yung alaga niya at ang impaktong 'yon ay naglakad ng hubo't hubad sa harapan ko. Sanay na sanay talaga ang lalaking 'yon na maglakad ng hubo sa harapan ng babae. Palibhasa babaero at kung sino-sino na ang kinakalantari niya.
Pagkatapos kong kumain ay itinago ko ang malaking cash na dala ko sa loob ng malaking safe sa loob ng aking silid. May baril din ako sa loob ng aking safe, pero for my protection lang naman. Sinanay kasi ako ng dad ko kung paano mag self-defense, kaya pati pag-gamit ng baril ay alam ko.
Pagkatapos ng Boracay ay pupuntahan ko ang mga magulang ko para mabisita ko naman sila. Miss ko na rin ang kapatid kong si John Paul. Sigurado ako na nagtatampo na 'yon sa akin dahil hindi ako nakakadalaw sa kanila. kasi naman ay nagiging busy din ako, lalo pa at hinahawakan ko ang isa sa mga kumpanya ng aking ama. Tapos, sumasabay pa itong si Rouge na dapat ay laging duon ako sa kanyang penthouse uuwi.
Bigla tuloy pumasok sa isipan ko ang mansyon niya. Sino kaya ang ititira niya sa napakalaking estate niya na nasa Alabang? Siguro si Phoebe. Wala naman talaga akong alam na may estate siya, akala ko ay 'yung penthouse lang ang tinitirhan niya. Pero nalaman ko mula sa aking ina na mayroon pala itong isang malaking estate sa alabang. Ipinakita pa nga niya sa akin ang larawan nito na nasa social media, kaya lang hindi ko na siya mahanap ngayon. Mukhang may nagbura na ng post, baka si Rouge dahil nakita niya ito. Nakakaramdam na naman tuloy ako ng selos dahil buti pa si Phoebe, mahal siya ni Rouge samantalang ako... ewan! Naiinis talaga ako!