❀⊱Kimie's POV⊰❀
Tapos na akong maglinis ng penthouse ng asawa ko na soon ay mukhang ex-husband na dahil magkasama na sila ni Phoebe nuong isang araw. Hindi ako umuwi dito kahapon kahit na ilang beses niya akong tinawagan. Sa inis ko ay pinatay ko ang phone para hindi na niya ako makontak pa. Kaninang umaga lang ako umuwi, sinigurado ko na wala na sya dito. Ayokong makita ang pagmumukha niya, masyado na akong nahihirapan. Sana lang ay balikan na niya si Phoebe para matapos na rin ang lahat ng pagpapanggap na ito. Gusto ko ng makabalik sa dati kong pamumuhay. I can’t stand him, and I want him out of my life as quickly as possible.
Napatingin ako sa elevator ng marinig ko ang mahinang tunog nito. Nakita ko ang ilaw ng numero na unti-unting umaakyat dito sa penthouse. Kinabahan ako, mukhang magtatagpo kami ni Rouge. Iniiwasan ko pa naman sana ang lalaking 'yon, pero heto at mukhang magkakaharap pa yata kaming dalawa.
Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko, I'm sure naman na kaya siya nandito ay naibalita na sa kanya ng kanyang mga tauhan na nandito ako. Hinihintay ko na lang na bumukas ang elevator.
Bumukas ang elevator at nagulat pa si Rouge ng mukha ko ang unang bumungad sa kanya. Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa labi niya kaya tinaasan ko siya ng isang kilay. What’s he smiling about? Is it because he finally saw Phoebe again kaya ganyan kalaki ang ngiti niya? Nakita ko sila habang kumakain sa restaurant at habang naglalakad sa mall. The way she clings to him is unbelievable... like a leech that just won’t let go, ganuon kadikit. She knows Rouge is married, yet she shamelessly holds on to my husband’s arm as if it’s her right. It’s honestly pathetic and infuriating, watching her act like she doesn’t care at all. Oo nga at pagpapanggap lang kaya kami ikinasal, pero sa mata ng lahat ay mag-asawa pa rin kami kaya hindi siya dapat kumakapit na parang tuko sa asawa ko. Ito namang impakto na 'to, hindi makapaghintay na mapawalang bisa ang kasal namin. Bwisit talaga! Parang nagmamadali, kaya tuloy lalo akong nasasaktan.
"Hey, I have been looking everywhere for you. Where have you been? Why didn’t you come home? I was worried sick, imagining all kinds of things that might have happened. You could have at least called to let me know you were safe, kahit ang mga tawag ko ay hindi mo sinasagot."
Tumaas muli ang isang kilay ko. Talaga ba? Worried sick ka? I'm sure nag-enjoy ka sa kandungan ng babaeng 'yon. Bwisit ka Rouge, dahil sa'yo nasasaktan ako ng ganito. Hindi mo man lang maisip na kahit na sa papel lang tayo kasal, dapat naman habang mag-asawa tayo, matuto ka namang rumespeto. Kaso atat na atat ang lalaking ito sa babaeng 'yon kaya kinalantari na niya.
"I’m fine, Rouge. Go ahead, enjoy yourself with Phoebe... that’s what you wanted all along, isn’t it? But at least have the decency to divorce me first before you go off and do something reckless. How could you para makipaglampungan ka sa kanya habang kasal tayo. At least maranasan ko man lang na irespeto ang pagiging asawa ko sa papel. Hindi ka ba makapag-hintay?" Gigil na gigil ako sa kanya. Alam ko naman na palabas lang ito para mabawi niya si Phoebe, ang mali lang ay mahal ko siya kaya ako nasasaktan ng ganito. At ang mas masakit, ang lalaking mahal ko, mahal ang iba. Who’s the pathetic one now? Gosh, kung hindi ko lang talaga kailangan ng tulong mo Rouge, hindi talaga mangyayari ito.
"Hey, are you actually feeling jealous? Huwag kang mag-isip ng kung ano-ano dahil hindi sinasadya ang pagkikita namin. I swear nagkita lang kami at the restaurant by chance and I was with Mellard. Then afterward... I just dropped her off at her dad’s office... nothing more kaya mali ang iniisip mo. You have got it all wrong, baby. So, that was really you I saw at the mall kasama si Rasselle at isang kaibigan mo? I wasn’t sure at first."
Inirapan ko siya. Akala yata niya ay mapapaniwala niya ako. Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi niya kung 'yan ang inaakala niya. Huwag niya akong paglaruan, hindi ako nandito para makipaglaro sa kanya.
"Hey, believe me." Wika niya ng pahakbang na ako palayo, tapos ay hinablot niya ako sa palapulsuhan ko at saka niya ako hinila kaya napayakap ako sa kanya ng hindi ko sinasadya, pero agad ko din siyang binitawan. Magkadikit ang katawan namin, nakatitig siya sa mukha ko, pero tinulak ko siya palayo.
"Hindi mo ako maiisahan, Rouge." Wika ko, natawa siya ng mahina pero hindi niya inaalis ang pagkakatitig sa mukha ko. Gumalaw ang kanyang kamay, hinimas niya ang pisngi ko at saka niya ako hinalikan sa noo.
"Hindi ako nagsisinungaling. Hindi sadya ang pagkikita namin. Don’t you believe me? I care about you, Kimie… can’t you feel it? I wouldn’t say it if it weren’t true." Hindi ako kumibo. Niloloko na naman niya ako at ayoko siyang paniwalaan. Muli ko siyang itinulak, pero bigla niya akong niyakap ng mahigpit kaya ang ulo ko ay nakasandig lang sa kanyang dibdib. Dinig na dinig ko ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.
"Maniwala ka sa akin, hindi ako nagsisinungaling. Huwag ka na ulit aalis ng hindi nagpapaalam sa akin. Halos dalawang araw kang wala, hindi mo ba alam na hindi ako nakatulog?" Muling tumaas ang kilay ko. Ayokong maniwala sa kanya, alam ko na hindi totoo ang sinasabi niya.
"Magtiwala ka sa akin Kimie, sinusubukan ko na huwag muna siyang makita, may mga bagay na gusto kong alamin sa sarili ko pero hindi ko 'yon magagawa kung lagi mo na lang akong iiwasan." Hindi ako kumikibo, hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala sa kanya. Niloloko lamang niya ako. Isang malakas na tulak ang ginawa ko sa kanya kaya nabitawan niya ako. Hindi naman siya kumikilos, nakatayo lamang siya at nakatitig sa akin.
"What do I have to do to make you believe me? What can I show you or say to prove that I'm being honest with you?" Wika niya. Hindi ko alam ang sasabihin ko, hindi ko rin siya magawang tignan. Gusto kong maiyak, bakit pinaglalaruan niya ang damdamin ko? Hindi ba pwedeng ipawalang bisa na lang niya ang kasal namin at sumama na siya sa Phoebe na 'yon? Hindi ba pwedeng tapusin na lang namin ang pagpapanggap na ito para naman makalayo na ako sa kanya?
"Divorce me." Mahina kong sagot. Napatingin ako sa kanya, gusto kong makita kung ano ang magiging reaksyon niya. Lumungkot ang kanyang mga mata kaya napapailing na lamang ako. Napakagaling niyang magpanggap, natatakot ako na baka mas lalo akong ipagkanulo ng sarili kong damdamin at tuluyang bumigay sa kanya.
"I can't do it. I'm sorry, but I just can't. Wala namang dahilan para i-divorce kita, hindi ba?" Wika niya. Natawa ako ng mahina. Talaga ba na gusto niya akong paniwalain na may nabubuong damdamin sa kanya? I’m not naive enough to fall for his tricks, pero hanggang kailan? Baka isang araw magulat na lamang ako sa sarili ko na pinapaniwalaan ko ang lahat ng sinasabi niya sa akin. Kilala ko si Rouge dahil magkaibigan kami, masyado siyang matamis magsalita, para siyang isang masamang espirito na nagbabalat-kayong anghel. Pero kahit ganuon ang ugali niya, minahal ko siya dahil nakikitaan ko pa rin siya ng ginintuang puso sa ibang tao. Pero ngayon... nasasaktan ako dahil ako ang ginamit niya upang mabawi niya ang babaeng mahal na mahal ng puso niya. Bakit kailangang ako? Gusto kitang paibigin Rouge, pero nandyan na si Phoebe. Paano ko 'yon gagawin?
"Okay, tapusin mo na lang ang lahat ng kalokohan na ito. Gawin mo na ang napagkasunduan natin. Makipag-balikan ka na sa kanya para may dahilan na tayo para maghiwalay." Sagot ko sa kanya. Kung reason ang hinahanap niya, balikan na lang niya si Phoebe.
"No. May tamang panahon para diyan." Para akong sinaksak sa puso ko ng marinig ko ang sinabi niya.
"Paano kaya kung manlalaki na lang ako para may rason ka na upang hiwalayan ako? Pwede naman 'yon, hindi ba? Huwag na nating patagalin Rouge, huwag na nating hintayin pa ang sinasabi mo na tamang panahon para sa magaganap na pagbabalikan ninyo."
Biglang nanlisik ang kanyang mga mata kaya nagulat ako. Napaatras pa ako ng isang hakbang dahil sa takot. Ano ang nangyayari sa lalaking ito? Pwede siyang makipaglandian, pero ako hindi?
"Subukan mo Kimie, papatayin ko kung sino man ang lalaking tinutukoy mo. Papatayin ko Kimie." Hindi ako nakakibo. Mabilis lang na tumitibok ang puso ko habang nakatitig ako sa nagngangalit niyang mga bagang. Is he falling for me? Am I winning his heart, or is this just part of his game? I don't know. Ayokong maisahan ako ni Rouge, pero bakit iba ang nakikita ko sa mga mata niya?
"T-tinatakot mo ba ako?" I stuttered, trying to hold on to my composure habang siya naman ay titig na titig sa akin at nagsisimula ng humakbang papalapit sa kinatatayuan ko.
"Yes. Subukan mo lang na lokohin ako habang mag-asawa tayo, papatayin ko ang magiging lalaki mo." Galit siya, nararamdaman ko. Kinakabahan ako, nakatayo na siya sa harapan ko, pagkatapos ay hinapit niya ang baywang ko at saka niya ako hinalikan sa labi. Itinulak ko siya, nagkahiwalay kami kaya muli ko siyang itinulak ng mas malakas.
"Stop playing with my heart, Rouge! Can’t you at least have some compassion?" Sigaw ko. Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko. Nakita ko ang pagkabahala sa kanyang mga mata, nakita ko ang matindi niyang pag-aalala pero parang ayokong maniwala na he really cares about me. Pakiramdam ko gusto lang niya akong paglaruan.
"I do care about you Kimie, at totoo 'yan. I know I have been acting like a shít lately at aminado naman ako na kung minsan ay may ugali talaga ako na hindi maganda, but please believe me when I say that I’m trying my best to make this marriage work. Maybe we can give it a real chance, don’t you think? I have been doing a lot of thinking nang wala ka at ang dami kong nare-realize. I want you to know that I truly care about you, and I’m not playing games with you right now. Pagbigyan mo lang ako na patunayan ko 'yan sa'yo at paniwalaan mo lang ako."
Umiling-iling ako, hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kanya. After all, isa pa rin siyang Hendrickson na lahat ay gagawin makaisa lang sa isang babae, at kahit na magkaibigan kami, kung gugustuhin niya na saktan ako ay magagawa niya 'yon dahil isa siyang Hendrickson.
"Trust me on this. When I say I care about you, iyon ang totoo." Napatungo ako ng ulo ko. Naramdaman ko ang kamay niya sa aking baba at dahan-dahan niyang inaangat ang aking mukha. Nagtama ang aming mga paningin, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung magtitiwala ba ako sa kanya, pero ang puso ko... unti-unti ng bumibigay.
Pinunasan niya ang mga luha ko, muli niya akong hinalikan sa aking noo. Dapat ba akong maniwala sa kanya? Naalala ko 'yung kasal nila Zandro, umalis nuon si Phoebe at muling bumalik ng ibang bansa dahil sa nakita niya na halikan namin ni Rouge. Pero ngayon ay nandito na ulit siya, bumalik ba siya dahil nag-uusap na sila upang magsama na sila? Hindi ko alam, naguguluhan na ako.
"Hey, alam mo ba na sasamahan ko si Mellard next week sa New York, at pupunta din duon sa New York si Phoebe? Inaya ko pa nga siya na sumabay sa amin ni Mellard, pero sige, hindi ako aalis. Ipapasa ko kay David ang pagsama kay Mellard para siya ang tutulong dito para lang mapatunayan ko sa'yo na hindi ako nagsisinungaling. Katulad ng sinabi ko sa'yo kanina, marami akong na-realize habang wala ka. Magtiwala ka sa akin Kimie, hindi kita pinaglalaruan." Wika niya. Hindi ako makasagot, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya.
"Kumain ka na ba? Pwede akong mag-order ng tanghalian para sa atin at pwede rin akong magluto. Kaya kong magluto, Kimie." Wika niya. Hindi ako kumikibo, tinatantiya ko ang katapatan ng mga sinabi niya sa akin. Ewan ko ba, hindi ko alam kung dapat ko ba siyang paniwalaan, pero ang puso ko, parang gustong maniwala sa kanya.
"Halika sa kusina, tuturuan kitang magluto ng mga paborito ko." Hinila niya ang kamay ko at iginiya niya ako sa kusina. Naguguluhan ako, gusto ko munang umalis upang makapag-isip, pero alam ko na hindi niya ako ngayon hahayaan na makalayo. Napatingin ako sa isang sulok ng ng living room, may mga tauhan na siya ngayon dito sa loob. Para ba sa akin ang mga ito? Babantayan na ba nila ang bawat kilos ko? Hindi ko alam kung ano pa ang iisipin ko, nagpatianod na lamang ako kay Rouge sa kung ano man ang ginagawa niya ngayon.
"Maupo ka lang muna diyan, ako na lang ang bahala sa tanghalian natin." Wika pa ulit niya at saka siya nagtungo ng fridge. Pinagmamasdan ko lamang siya, hindi ako nagsasalita dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Ang daming tumatakbo ngayon sa aking isipan. Hindi ko alam kung hanggang kaylan ko kayang protektahan ang sarili ko upang hindi mahulog sa patibong ni Rouge. Mahal na mahal ko si Rouge pero ayokong magpakatanga. Paano ko ba maiiwasan ang lalaking itinitibok ng aking puso? Paano ko ba poprotektahan ang puso ko laban sa kanya kung ganito siya sa akin ngayon.
"Rouge, please. Kung ang ipinapakita mo sa akin ay kasinungalingan lamang, nakikiusap ako sa'yo na huwag mo akong paglaruan. Hindi mo ako laruan, hindi ako isang bagay na pwede mong gamitin at paglaruan sa palad mo, at pag tapos ka na ay saka mo ako itatapon na parang isang basahan. Magkaibigan tayo, kaya mo ba akong saktan?"
Napalingon siya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya, pero hindi ko ipapakita at hindi ko ipaparamdam sa kanya na mahal ko siya. Pero hindi pa nga ba niya nararamdaman ang aking tunay na damdamin?
"I won't hurt you. I promise." Tumulo ang luha ko ng dahil sa binitawan niyang salita, pero agad ko itong pinunasan dahil ayokong makita niya ito. Ayokong tumulo ang mga luha ko, pero kusa itong nalalaglag. Sana nga... sana nga Rouge hindi mo ako paglalaruan sa mga palad mo.