Chapter 10 -Hindi pa raw ba buntis-

2335 Words
◄Rouge's POV► Nandito kami ni Kimie ngayon sa bahay ng aking mga magulang. Inimbitahan nila kami sa isang pananghalian na pinaunlakan naman namin. Ngayong araw na ito sana ang lipad ko patungo ng New York kasama si Mellard at si Phoebe, pero nakiusap ako kay David na siya na lamang ang sumama sa kapatid ko para matulungan niya ito at makabalik din agad ng Pilipinas. Pinaunlakan naman ako ni David at siya nga ang sumama sa kapatid ko, siya na raw ang bahala kaya ikinatuwa ko 'yon. Kaninang umaga ay tinawagan din ako ng abogado ko na ang kasal namin ni Kimie ay wala ng bisa. Mula pa kaninang umaga ay tapos na ang pagiging Hendrickson niya at hindi niya ito malalaman. Mahigit isang linggo na rin na maayos kaming dalawa ni Kimie na hindi kami nag-aaway o nagtatalo man lamang. Umiiwas ako ngayon na mapag-usapan din namin muna si Phoebe at hindi ko alam kung bakit. Pero hindi ibig sabihin ay hindi ko babalikan si Phoebe. Mahal ko si Phoebe at sigurado naman ako sa damdamin kong 'yon. Nandito ako ngayon sa library ng aking ama. Kanina pa ako dito, may gusto kasi akong tapusin na trabaho pero kahit na kanina pa ako dito ay parang wala naman akong nagagawa pa at wala pa rin akong natatapos. Masyadong okupado ang aking isipan ng mga bagay-bagay na nangyayari sa aking buhay. Napatingin ako sa mga nakakalat na dokumento sa ibabaw ng desk ng aking ama. Ang daming dokumento, pero ni isa yata rito ay wala pa akong natapos man lang. Natawa tuloy ako sa aking sarili kaya napasandal na lamang ako sa swivel chair. Humugot ako ng malalim na paghinga at bahagya kong ipinikit ang aking mga mata. Ilang katok sa pintuan ng library room ang nagpamulat ng aking mga mata. Tinitigan ko ang pintuan hanggang sa bumukas ito at iniluwa si Kimie na nakasuot ng mini dress na hanggang itaas ng tuhod lang ang haba nito. Napangiti ako... damn, napangiti ako sa kanya. "Kakain na daw tayo sabi ng mom mo. Okay lang ba sa'yo, naabala ba kita? Tapos ka na ba sa ginagawa mo diyan?" She said. Napatingin naman ako kay Kimie. I smiled at her, finding her facial expressions so amusing that it made her look even cuter tapos nginusuan pa niya ako kaya para akong matatawa na hindi ko mawari. I couldn’t help but be drawn to how naturally charming she seemed, her reactions adding a playful warmth that made her even more endearing to watch. "Bakit ganyan ka makatingin? Ang sabi ko kakain na daw sabi ng mom mo." Muli niyang sabi at muli na namang nanulis ang kanyang nguso. Naaalala ko tuloy nuong unang linggo sa kanyang psychiatrist. Ako ang kasama niya at lagi ko siyang pinapatawa para naman hindi niya maisip nuon 'yung mga bagay na nangyari. Ganito siya ka-cute nuon at ganito rin niya ako panulisan ng nguso. "I just find you so cute when you pout like that... it gives you an extra bit of charm and makes you even more beautiful." Sabi ko. Ngumisi pa ako sa kanya kaya tinaasan niya ako ng isang kila. Maganda naman talaga si Kimie at walang duda 'yon kaya sigurado ako na napakarami niyang manliligaw. Kung pwede ko nga lang turuan ang puso ko na mahalin siya, why not? Pero kahit na ano pa yata ang gawin ko, mananatiling si Phoebe lang ang itinitibok ng puso ko, pero bakit hindi ako sumama ngayon kay Mellard samantalang makakasama ko si Phoebe sa mahabang byahe? Well, dahil nangako ako kay Kimie na hindi ako aalis. Iyon ang dahilan kung bakit hindi ako sumama kay Mellard kanina. "Ewan ko sa'yo, Rouge!" Malakas akong tumawa. Ang cute niya talaga kapag naaasar at nanunulis pa ang nguso niya na tila ba gusto na yata akong batuhin ng kahit na anong mahahawakan niya. "Sabi ko pinapatawag ka na ng mom mo dahil kakain na raw tayo. Ang arte mo Rouge. Tumayo ka na diyan at mamaya mo na asikasuhin 'yang mga ginagawa mo, kasi oras na ng pananghalian." Muli niyang sabi kaya napatingin ako sa aking orasang pambisig at mahigit alas dose na nga pala. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at naglakad ako papalapit sa kanya. "Nagugutom ka na ba?" Tanong ko, tumango naman siya kaya kinuha ko ang kamay niya at iginiya ko siya palabas ng library room. Magkahawak kamay kaming nagtungo ng dining room kaya ang ngiti ng mga magulang ko ay abot hanggang tainga nila ng makita kaming dalawa na papalapit sa kanila. "Natutuwa talaga kami na nag-asawa ka na. Natutuwa din kami dahil gustong-gusto namin ng iyong ama ang babaeng pinakasalan mo. Halika dito hija at sa akin ka tumabi, hayaan mong sa ama niya tumabi iyang asawa mo at may mga pag-uusapan sila." Sabi ng aking ina kaya natawa ako. Tumingin ako kay Kimie na inaalis ang kamay ko sa pagkakahawak ko sa kanya kaya tinaasan ko siya ng dalawang kilay at hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kanyang kamay. "Mom, hindi ba dapat ako ang katabi ng aking asawa? Bakit sa iyo siya tatabi? Tignan mo at itinutulak na niya ang kamay ko, dapat ako ang katabi niya." Tumatawa ako ng sinabi ko 'yon sa aking ina. Tumawa lang din siya at hinila niya ang aking asawa palayo sa akin at saka niya ito iginiya sa silya na katabi ng kanyang silya. "Diyan ka sa tabi ng iyong ama dahil marami kayong pag-uusapan samantalang kami ni Kimie ay mag-ka-kamustahan. Mabuti na lang talaga at ikaw ang pinakasalan ng aking anak at hindi kung sino-sino. Natutuwa talaga ako hija na ikaw ang manugang ko. Kapag niloko ka ng anak ko ay magsabi ka lang sa amin dahil ako mismo ang magpaparusa sa batang 'yan." Mahinang ani ng aking ina na sadyang ipinarinig sa akin. Napapailing na lamang ako sa aking ina at naupo na ako sa tabi ng aking ama. Napatingin pa ako kay Kimie na kausap na ang mom ko at mahina itong tumatawa. "Baka naman matunaw ang asawa mo. Parang hindi mo naman siya laging kasama kung titigan mo." Bulong ng ama ko kaya bigla akong napatingin sa kanya. Makikita sa aking mukha ang pagkagulat dahil sa tinuran niya. Natawa na lang ako at sinimulan kong haluin ang mainit na soup na nasa harapan ko, pagkatapos ay nagsimula akong kumain. "Babe, tikman mo ang creamy potato soup, magugustuhan mo." Ani ko kaya napatingin sa akin si Kimie. Hindi siya sumagot, nakatitig lang siya sa akin kaya ngumiti ako sa kanya at itinaas ko pa ang hawak kong spoon. Ngumiti din naman siya sa akin at hinalo-halo niya ang soup hanggang sa ang lahat ng creamer na nasa ibabaw ng soup ay humalo ng tuluyan sa soup, napangiti naman ito at saka ito sumubo. Mukhang nagustuhan nga niya ang niluto ng aking ina dahil ang laki ng pagkakangiti niya. Sa tatlong buwan na magkasama kami ni Kimie sa iisang bubong ay unti-unti ko siyang nakikilala. Nalalaman ko rin ang mga pagkain na gusto niya at ang mga simpleng bagay na nagpapasaya sa kanya. Kapag ang aking ina ay nagluluto ng pagkain ay dinadalhan nila kami sa aming penthouse. Magaling ang mom ko sa pagluluto, isa 'yan sa dahilan kaya mahal na mahal siya ng aking ama. Mula ng ikinasal sila ay ni hindi na tumingin pa ang aking ama sa ibang babae. Isa 'yon sa katangian naming mga Hendrickson. Kapag nahanap na ng isang Hendrickson ang babaeng iniharap nila sa dambana, hindi na sila tumitingin pa kahit na kaninong babae. Napatunayan ko rin 'yan sa mga pinsan ko na nakapag-asawa na. Lalo na si David na nuknukan ng pagiging babaero. "Hijo, natapos mo ba ang mga ipinapagawa ko sa'yo?" Tanong ng aking ama. Umiling ako sa kanya. Sa totoo lang ay wala pa yata akong natatapos na kahit na ano mula ng naupo ako kanina sa desk niya. Masyadong naging okupado ang isipan ko ng iba't ibang bagay. "It's okay, you can finish it later." Muling ani ng aking ama. Tumango lang ako at muli kong sinulyapan si Kimie na masayang nakikipag-usap sa aking ina. "Mom, kamusta na ho si Frances sa America? Kailan siya dadalaw dito sa atin? I miss her, lalo na ang kakulitan niya. Natutuwa ako sa kanya dahil napakalaki na ng ipinagbabago niya" Wika ko. Isa sana sa dahilan ko si Frances kung bakit nais kong magtungo ng New York, pero nangako ako kay Kimie na hindi ako aalis ng bansa at hindi ako sasama kay Mellard kaya tinupad ko 'yon. "Nag-aaral siyang mabuti anak, next week nga ay pupunta ako ng New York para madalaw siya. May ipapadala ka ba para sa kanya?" Sagot ng mom ko. Ngumiti lang ako sa kanya at umiling. I don’t think na may maibibigay pa ako sa kanyang materyal na bagay dahil nakukuha na niya ang lahat ng kanyang nais. "Sabihin mo na lang sa kanya mom na mahal siya ng kanyang dalawang kuya. Kamusta naman ang pilat niya sa likod na paso ng plantsa? Napatanggal na ba ninyo 'yon? Mas okay sana mom kung wala ng magiging alaala pa ni Lianna sa pagkatao ni Frances." Wika ko. Ngumiti agad ang aking ina at tumango. "Wala na anak. Wala ng bakas ni Lianna ang naiwan sa buhay ni Frances. Isa na siyang ganap na Hendrickson at wala ng pwede pa na makapanakit sa kanya." Natuwa naman ako sa narinig ko mula sa aking ina. Malaking ngiti ang sumilay sa aking labi. Magsasalita sana ako, but then suddenly, my mom turned to Kimie with a questioning look, catching everyone by surprise as she asked. "Hindi ka pa ba buntis hija? Bigyan na ninyo kami ng apo." Naibuga ni Kimie ang laman ng kanyang bibig at buti na lamang ay agad niyang natakpan ng table napkin ang kanyang bibig, pagkatapos ay saka ito napaubo ng napaubo. Gulat na gulat naman ang aking ina at natataranta na habang hinahagod ang likod ni Kimie. Nakatitig lang ako sa kanya, gusto kong matawa pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. "Okay ka lang ba hija? Dahan-dahan naman kasi sa pagsubo para hindi ka nasasamid." Ani ng aking ina. Ako naman ay natahimik na, gusto kong tumayo upang tignan ang kalagayan niya, pero sa nakikita ko naman ay maayos siya. Nagulat lang talaga siya sa direktang tanong ng aking ina. Maging ang mga kasambahay na nakatayo sa likuran namin na may hawak na tubig at ilang pagkain na ilalagay sana sa ibabaw ng table ay mahinang natatawa. "Okay lang po. Pasensya na po medyo gutom lang ho kasi ako kaya sunod-sunod na pagsubo ang ginawa ko. Nasamid ho tuloy ako." Sagot niya. Natatawa naman ako dahil alam ko ang totoong dahilan kung bakit siya nasamid at muntikang maibuga ang laman ng kanyang bibig. Napatingin siya sa akin, nagtama ang aming paningin, ngunit binawi din niya agad ito at saka sinagot ang tanong ng aking ina. "Uhm, wala pa po kasi sa plano namin ni Rouge ang magkaroon ng anak. Pinaghahandaan po namin ang bagay na 'yan dahil ang gusto po sana namin ay maibigay sa magiging anak namin ang buong atensyon at pagmamahal namin. Sa ngayon ho kasi ay pareho kaming busy kaya hindi namin maibibigay ng buo ang panahon at pagmamahal namin sa magiging anak namin" Sagot ng asawa ko. Hindi ko naman inaalis ang pagkakatitig ko sa kanya. "Ganuon ba hija? Aba'y bilis-bilisan ninyo ang pagpaplano para naman magkaroon na kami ng mga apo na nagtatakbuhan sa bawat sulok ng malaking mansyon na ito. Sabik na rin kaming magka-apo at kami ay naiinggit na sa mga pinsan niya na may mga anak na rin." Sagot ng aking ina kaya muling napaubo si Kimie. Natawa ako ng mahina at muli kong hinarap ang pagkain ko. "Dito na kayo matulog ngayong gabi. Huwag ninyo akong tatanggihan dahil magtatampo ako." Sabi ng aking ina. Nag-angat ako ng mukha at nagsalubong ang mga mata namin ni Kimie. Sumenyas siya ng 'hindi pwede' sa akin kaya ngumisi ako. "Sure mom. Duon kami sa silid ko matutulog, hindi ba mahal kong asawa?" Pinandilatan niya ako pero ng mapatingin sa kanya ang aking ama ay biglang gumuhit ang pilit na ngiti sa kanyang labi at pilit din itong tumango. 'Yung ngiti niya ay parang gusto na niyang kuhanin ang steak knife sa harapan niya at isaksak sa akin. iyon ang nakikita ko sa kanya ngayon. "Sobrang saya ko na makakasama ko kayo dito hanggang bukas. At least ay matuturuan ko itong si Kimie kung paano ang gagawin niya para mabuntis agad." Natawa ako sa aking ina, para namang namutla si Kimie na napatitig sa aking ina. "Po?" Gulat na gulat ito at halos lumuwa na ang kanyang mga mata kaya natawa na ako ng tuluyan. Maging ang aking ama ay tawa na ng tawa dahil sa kalokohan ng aking ina. "Sabi ko tuturuan kita kung paano mo aakitin ang iyong asawa mamayang gabi. Dapat makabuo na kayo para kung busy kayo, kami ang mag-aalaga sa magiging anak ninyo, hindi ba honey?" Muli akong natawa. Hindi na tuloy makakain pa si Kimie dahil sa mga naririnig niya mula sa aking ina. Ang aking ama naman ay tango lang ng tango sa mom ko habang ako naman ay tawa lang ng tawa. "Narinig mo naman ang sinabi ng aking ina. Gagawa na raw tayo ng baby mamayang gabi." Akala ko ay lumuwa ang mga mata ni Kimie at nahulog sa kanyang soup dahil sa sobrang laki ng kanyang mga mata habang pinandidilatan niya ako. Tawa ako ng tawa, hindi ko maalala kung kailan ako huling tumawa ng ganito. "Humanda ka sa akin mamaya." Iyon ang nabasa ko sa bibig niya ng magsalita ito ng walang lumabas na tinig mula sa kanyang bibig. Dinilaan ko naman ang labi ko habang nakatitig ako sa kanya. Kulang na lang ay damputin na niya ng tuluyan ang steak knife at itarak niya ito sa aking leeg. Tawa na lamang ako ng tawa sa kanya kaya ang salo-salong pananghalian namin ay naging masaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD