Chapter 8 -Ang plano ni Rouge-

2405 Words
◄Rouge's POV► "Ano ang nangyayari sa'yo? May problema ka ba, Kuya Rouge?" Napatingin ako kay Mellard na naglalakad papasok sa loob ng aking opisina. Bihis na bihis ito, naka suit ng kulay itim at may dala itong makapal na folder. "What's that?" Tanong ko sa hawak niyang folder. "Oh, this? I just came from a meeting with Dad, kasama din ang kanyang mga amigo at ilang board members. He wants me to handle the New York branch, so I will have to fly there next week. Ayoko nga sana dahil may inaasikaso ako, pero wala akong choice, alam mo naman na kapag sinabi ni Dad, dapat gawin. Ikaw naman, bakit ganyan ang pagmumukha mo? Tignan mo nga sa salamin 'yang mukha mo dahil hindi maipinta... what’s going on with you? I can see that confused look on your face, does it have to do with a woman?" Kumunot ang noo ko, kumibot ang gilid ng labi ko. Babae agad ang iniisip ng sira ulo kong kapatid. Hindi ba pwedeng pagod lang ako sa trabaho kaya ganito ang hitsura ko? "I'm tired at walang babaeng gumugulo ng isipan ko." Sagot ko, nagsalubong pa ang dalawang kilay ko. Babae na naman ang iniisip nito na gumugulo sa isipan ko. "Sinabi ko ba na ginugulo ng isang babae ang isipan mo? I didn’t say anything specific like that... you’re the one putting words in my mouth." Sagot ng kapatid ko kaya napapailing ako ng aking ulo. "Twisting the situation again, are we?" Malakas siyang tumawa kaya sa inis ko ay binato ko siya ng pen na sinalo naman nito agad. Madali talaga niyang mahuli ang pagkapikon ko, lalo na kapag tumatawa na ito ng malakas, talagang pikon na pikon ako at hindi ko ito kayang itago. Naupo si Mellard sa swivel chair na nasa tapat ng aking desk, inilapag niya ang folder na hawak niya at bahagyang itinulak palapit sa akin kaya hinila ko ito at nag-usyoso na ako kung ano ang laman nito. Natawa ako ng mabasa ko kung ano ito, mukhang sinasanay na ng husto ng aming ama kung paano hahawakan ni Mellard ng sabay ang apat na kumpanya. Dapat lang, mas napapagod ako kung puro na lang sa akin iaasa ang lahat samantalang siya ay panay ang punta sa probinsya para lamang masilayan ang kanyang bulaklak. It’s time for him to expand his skills, build resilience, and learn what it takes to manage multiple businesses kaysa naman habol siya ng habol sa kanyang bulaklak na lagi naman siyang pinagtataguan. Kumpanya muna ang asikasuhin niya ngayon, he needs to stretch his capabilities, strengthen his decision-making, and develop the discipline required to succeed in a demanding business environment kaya hahayaan ko siyang magpunta ng New York mag-isa. Alam ko naman na kaya siya nandito ay upang ayain akong samahan siya at gabayan sa New York. Hindi ko gagawin, hahayaan ko siyang mag-isa upang matuto siya. Magaling si Mellard sa negosyo dahil kami ni Dazzle ang nagtuturo sa kanya. Ipinasa na sa kanya ang isang clothing company at ang mom ko ang nagtuturo sa kanya kung paano 'yon pamahalaan. Nasa kanya na rin ang isang construction company... ang THCCo. Tapos ngayon ay mukhang dalawang kumpanya pa ang hahawakan niya na nasa New York. Tignan ko lang ang galing niya sa paghawak ng negosyo ng hindi namin tinutulungan. "Samahan mo ako. Hindi ba sabi mo, ang magkapatid ay nagtutulungan at nagdadamayan. Tara samahan mo ako sa New York, tulungan mo ako sa dalawang pinapahawakan sa akin ni Dad." Malakas akong tumawa. Tama nga ang hinala ko na kaya siya nandito ay para humingi ng tulong. Nakangisi naman siya sa akin, akala naman niya ay makukuha niya ako sa pag-ngisi niya. "Sige na bro, samahan mo ako sa New York para naman mas mapadali ako. Alam mo naman na binabantayan ko si Daisy at baka kapag nalingat ako ay may sumalisi." Pakiusap niya sa akin at natawa naman ako, pero umiling lang ako at sinalansan ko ang mga dokumento sa ibabaw ng desk ko. Napatingin ako sa aking orasang pambisig, kaya pala gutom na gutom na ako ay dahil mag-a-ala una na pala. Kailangan ko ng kumain para may panibagong lakas na naman ako para sa mga susunod kong trabaho. "Lunch time na, halika at samahan mo akong mag-lunch. I'm sure na hindi ka pa kumakain, mukhang ako agad ang pinuntahan mo after ng meeting ninyo ni Dad." Wika ko. Natawa siya at napakamot ng ulo, pagkatapos ay hinawakan ang kanyang tiyan, kaya mukhang gutom na nga rin ang kapatid ko. Buti na lang at dumating siya, dahil kung hindi ay baka trabaho pa rin ang inaatupag ko hanggang ngayon. Wala pa naman si Kimie, nagpaalam siya kaninang umaga ng sabay kaming nagising. Ang sabi niya ay may lakad sila ng kanyang kaibigan at ng pinsan niya at huwag ko na raw alamin kung saan. As if naman may pakialam ako. Hindi ko nga siya pinansin para malaman niya na kahit saan siya magpunta ay wala naman akong pakialam. Kinuha ko ang coat ko na nakasampay sa sandalan ng swivel chair ko at saka ko ito isinuot, kinuha ko rin ang susi ng sasakyan ko at saka ko inakbayan ang kapatid ko. Talagang gutom na ako at kailangan ko ng kumain. "Ayokong kumain, ayaw mo akong samahan papuntang New York kaya magpapakagutom na lang ako." Wika nito na nagpapakunsensya pa sa akin kaya muli akong natawa. Sira ulo din talaga ang kapatid kong ito, kayang-kaya niya akong utuin. "Let's go at duon natin 'yan pag-usapan sa restaurant. Kumbinsihin mo akong mabuti kung bakit kailangan kong sumama sa'yo. Galingan mo Mellard, ipakita mo sa akin na dapat nga kitang samahan." Sagot ko. Natatawa talaga sa kapatid kong ito. Malaking ngiti ang sumilay sa kanyang labi at naglakad na kami palabas ng aking opisina. Inutusan ko na rin ang aking sekretarya na kumain na ng pananghalian at huwag magpapapasok ng kahit na sino sa loob ng opisina ko. ╰┈➤ Hindi nagtagal ay nakarating kami ng mall, isang Chinese restaurant ang napili namin ng aking kapatid. Pagkaupo namin sa aming table ay nilatagan agad kami ng menu ng isang waiter. Kinuha ko ang isa at saka ko tinignan ang mga paborito kong orderin sa restaurant na ito. Pero natigilan akong bigla ng isang boses ang gumulat sa amin. "Hi, can I join you?" Biglang napaangat ang ulo ko ng marinig ko ang boses ni Phoebe. Gusto na yatang lumundag ng puso ko ng muli kong masilayan nang malapitan ang napakaganda niyang mukha. Damn, sobrang ganda talaga ng mahal ko. "Sure." Sagot ko, muntik pa akong pumiyok kaya I cleared my throat pagkatapos ay umusad ako upang maupo siya sa tabi ko. Kumakabog ang puso ko, hindi ko maalis ang tingin ko sa kanyang mukha. Napakaganda niya, kahit nuon pa man, ang mala-anghel niyang mukha ang nagpapabaliw sa aking sistema. "Uhm... dito ka pa rin pala kumakain sa favorite restaurant natin. Same order?" Wika nito kaya tumango ako ng bahagya, ang mga mata ko ay hindi ko inaalis sa kanyang magandang mukha. Nalunok ko yata ang dila ko, hindi ako makapag-salita at nakatitig lamang ako sa kanyang mukha. "Ako na ang mag-o-order para sa'yo. Alam ko naman kung ano ang gusto mong kainin dito." Sabi ni Phoebe. Tumango lang ulit ako at siya na nga ang umorder ng pagkain namin. Naramdaman ko ang pag-sipa sa paa ko ni Mellard kaya para akong natauhan at napatingin sa kapatid ko. "What? Uhm, umorder ka na ba, Mellard?" Sa halip na sagutin ako ng aking kapatid ay pinagtawanan lang ako nito kaya inis na inis ako sa kanya. Pinandilatan ko pa ito ng mga mata pero hindi ito tumitigil sa pagtawa. "Anyway kuya, samahan mo na ako sa New York next week, kailangan ko talaga ang tulong mo duon. Sige na..." Napasandal ako sa silyang inuupuan ko. Next week? Next week ay mapapawalang bisa na ang kasal namin ni Kimie ng hindi niya alam. Wala din akong balak sabihin sa kanya ang tungkol duon. Hindi rin niya malalaman na ako ang dahilan kung bakit muntikan ng bumagsak ang kumpanya ng kanyang ama. Pero hindi ko naman talaga pababagsakin ang negosyo nila, kailangan ko lang ng kasiguruhan upang mapapayag ko si Kimie sa gusto ko. Iyon lang naman talaga ang plano ko, ang lahat ng nangyari ay ako ang may gawa. Ang goal ko lang naman talaga nuon ay mabigyan ko ng assurance si Kimie in exchange for her agreeing to help me, and I will be the one to fix the company’s problems and restore its stability na ako naman talaga ang dahilan kung bakit unti-unti itong bumabagsak. Hindi rin niya 'yan malalaman kahit mapawalang bisa na ang kasal namin. Isa 'yan sa aking lihim na walang makakaalam na kahit na sino maliban sa aming magpipinsan na nakakaalam ng katotohanan. Bago mawalan ng bisa ang kasal namin, magpapanggap ako Kinie na unti-unti kang napapamahal sa akin para tuluyan ka ng bumigay. Sisiguraduhin ko na makukuha ko sa'yo ang kailangan ko bago tayo tuluyang magkahiwalay. Magpapanggap ako Kimie kung iyan lang ang tanging paraan para makuha kita. Let's see kung tatanggihan mo pa ako kapag ipinaramdam ko na sa'yo ang pagmamahal na aakalain mong totoo. Isang ngisi ang gumuhit sa labi ko dahil sa naiisip ko. "Kuya, nandito ka pa ba sa earth? Para kang lumulutang sa alapaap dahil sa hitsura mo." Wika ni Mellard. Bigla akong napatingin sa kanya. Kumunot ang noo ko kaya natawa siya. Hindi ko na namalayan na kay lalim na pala ng iniisip ko. Bigla din akong napatingin sa entrance ng restaurant, bakit parang may mga matang nakatingin sa amin, pero wala namang tao. Baka guniguni ko lang. "Kuya, in ten days ay lilipad tayo patungong New York. Sasamahan mo ako, okay?" Sasagot sana ako sa sinabi niya pero nagsalitang bigla si Phoebe. "Pupunta rin ako ng New York next week, makikipagkita ako sa pinsan ko. May ipapakilala daw kasi siya sa akin dahil nakipag-hiwalay na ako sa nobyo ko." Pakli ni Phoebe kaya bigla ko siyang tinititigan. Tapos na ang relasyon nila ng lalaking 'yon? Dahil ba 'yon sa akin? "Sige, sasamahan kita. Sumabay ka na rin sa amin, Phoebe." "Talaga? Hindi ba magagalit ang asawa mo?" Natawa ako ng mahina at umiling ako sa kanya. Gusto kong sabihin sa kanya na walang magagalit at wala rin akong pakialam kahit magalit si Kimie, pero nananatiling tikom ang bibig ko. Humugot ako ng malalim na paghinga , natahimik akong bigla, pero ngumiti ako ng maramdaman ko ang paghaplos ni Phoebe sa likuran ko. "Are you okay?" Tumango ako sa kanya. Ngumiti ako at saka lang ako nag-open ng ibang topic at tungkol na ito sa negosyong hahawakan ni Mellard. Dumating din ang pagkain namin, natawa ako ng mahina ng makita ko ang inorder niya para sa akin. "Paborito mo ang lahat ng 'yan." Tumango lang ako sa kanya. Aaminin ko na sobrang saya ko ngayon dahil nasa tabi ko naman muli si Phoebe. Pero babalikan ko siya kapag tuluyan ng nawalan ng bisa ang kasal namin ni Kimie. At least maibigay ko sa kanya ang pagiging faithful habang kasal kami. Iyon man lamang ay maiwan ko sa kanya bago ko siya tuluyang iwanan. Sa araw mismo ng pag-alis namin ni Mellard patungong New York ang araw na mawawalan na ng bisa ang kasal namin ni Kimie. Malaya na ako sa araw na 'yan kaya magagawa ko na ang lahat ng gusto ko na hindi ko iniisip na nakatali ako sa kanya. Patawad Kimie, pero iisang babae lang ang itinitibok ng puso ko at iyon ay para lamang dito sa babaeng katabi ko ngayon. Muli akong humugot ng paghinga at nagsimula na akong kumain. Hindi ko pinapansin si Phoebe, subo lamang ako ng subo dahil ayokong makalimot sa ngayon. Gusto ko, kapag binalikan ko siya ay malayang-malaya na ako. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ni Kimie sa oras na lumabas na ang totoo, pero saka ko na 'yan iisipin. Ang mahalaga ay malapit ko ng magawa ang gusto ko. Malapit ko ng makasamang muli ang totoong minamahal ng puso ko. "Kuya, bakit nakangiti ka? Iniisip mo ba si Ate Kimie?" Napatingin ako kay Phoebe, bigla itong nagyuko ng ulo kaya masama kong tinitigan ang kapatid ko. Hindi naman niya ako pinansin. Gusto kong magalit but I can't let Phoebe discover the truth behind my lies. "Kumain ka ng kumain. Huwag kang madaldal at baka hindi kita samahan magpunta ng New York." Sagot ko. Natawa ang kapatid ko. "Imposible. Ngayon pa ba?" Isang palihim na sipa ang ginawa ko sa paa niya. Akala yata niya ay natutuwa ako sa mga sinasabi niya. Pagkatapos naming kumain ay naglakad-lakad pa kami sa mall. Nagkakatuwaan kami hanggang sa kumapit na sa braso ko si Phoebe. napahinto ako sa paglalakad at napatingin ako sa kamay niya na nakakapit sa braso ko kaya agad niya itong inalis. "I'm sorry, nakalimutan ko na may asawa ka na nga pala." Malungkot niyang sabi. Nakaramdam ako ng mga mata na nakamasid sa amin kaya inilibot ko ang aking paningin. Sa isang sulok ng mall ay nakita ko ang tatlong bulto na mabilis na naglalakad papalayo. Kilalang-kilala ko ang nasa gitna at sigurado ako na si Kimie 'yon at nakita niya na kasama ko ngayon si Phoebe. "Sino ba ang tinitignan mo?" Tanong ni Phoebe, hindi naman ako kumibo, hindi ako sumagot at nagpatuloy lang ako sa paglalakad. muling kumapit sa akin si Phoebe, pero hindi ko na ito pinansin pa. Iniisip ko ngayon si Kimie kung nakita ba niya kami. Siguro dahil naramdaman ko ang mga matang nakamasid sa amin. Sigurado ako na nakita niya kung paano kumapit sa akin si Phoebe. Alam ko na nasasaktan ko siya dahil may pagtingin ito sa akin, pero ang lahat ng mayroon kami ay isa lamang kasunduan at alam niya na kapag nabawi ko na si Phoebe ay iyon na rin ang katapusan ng pagpapanggap namin. "I have to go, may tatapusin pa ako na pinapagawa ng Dad ko." Sabi ni Phoebe. "Ihahatid na kita. Ibigay mo na lang ang susi ng sasakyan mo sa mga tauhan ko at sila na ang bahalang magmaneho upang sundan tayo. Okay lang ba?" Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa labi ni Phoebe kaya maging ako ay napangiti na. Damn, I love you Phoebe. Magiging akin ka muli, kaunting tiis na lang dahil mapapawalang bisa na ang kasal namin ni Kimie next week.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD