Chapter 3 -Kimie-

2244 Words
❀⊱Kimie's POV⊰❀ "Bwisit! I hate him so much!" "Don't tell me you're starting to fall for him, cousin. You can’t let your feelings get the better of you, especially now. Ginagamit ka lang niya para mabawi ang dati niyang kasintahan. Don't fall, couz. He won't be there to catch you when you do." Sagot ni Rasselle sa akin. Inis na inis ako kay Rouge. Bwisit siya, kung hindi ko lang talaga kailangan ng tulong niya, hindi ako mapapasok sa ganitong sitwasyon. Hindi ko nanaisin na mas lalong lumalim ang pagtingin ko sa kanya. "You know naman na I have been in love with him mula ng makilala ko siya. Hindi ko naman alam na baliw na baliw pa rin siya sa Phoebe na 'yon." Inis ako. Inis na inis talaga ako. Ang kapal ng mukha niya para paulit-ulit niyang sabihin sa akin na si Phoebe lang ang babaeng laman ng isip at puso niya... na si Phoebe lang ang gusto niyang pakasalan. Nagtatanong ba ako? Ginusto ko ba ang sitwasyon namin ngayon? Kung hindi lang talaga nangailangan ng tulong ang aking ama, hindi naman ako lalapit sa kanya. "Then paibigin mo ang lalaking 'yon para sa kanya bumalik ang laro niya. Kimie, you’re a beautiful, young, and captivating woman. You have everything it takes para mapaikot mo siya sa palad mo. Use that charm of yours...make him fall for you completely para masira ang ulo ng isang Rouge Hendrickson." Hindi ako makakibo sa pinsan ko. Naiinis pa rin ako kay Rouge. Isang buwan na mula ng ikinasal kami. Pero heto at para pa rin akong tanga na nagmamahal sa isang lalaki na nababaliw naman sa ibang babae. Pero hindi naman ako desperada. Kaya kong kontrolin ang sarili kong damdamin, at baka nga kaya ko din siyang kalimutan. "How can I do that kung lagi niyang sinasabi sa akin na mahal na mahal niya si Phoebe? Mahal niya si Phoebe pero niloko naman niya. Kung talagang mahal niya ang babaeng 'yon... then why on earth did he betray her trust like that? Nababaliw ba siya? Kapag mahal niya ang isang tao, dapat lang na pahalagahan niya at ipakita dito, na kahit na sino pa ang magtangkang sumira ng relasyon nila ay hindi siya magpapatalo. He claims he didn’t actually cheat... that he was just at the bar ng dumating ang isang babae na nakilala niya minsan... tapos bigla na lang daw siya hinalikan sa labi, at hindi lang daw 'yon simpleng halik. Sabi niya sa akin dati na he was too drunk to push her away, and that’s exactly what Phoebe saw, and it was enough to shatter her faith in him, kaya iniwanan siya ni Phoebe. I don’t believe his story for a second... it feels like he’s just trying to cover his tracks. If he truly loved her, he wouldn’t have put himself in that situation to begin with, hindi ba? Baka iba ang nakita ni Phoebe, baka higit pa sa halik ng babaeng tinutukoy niya. Kilala naman natin ang mga Hendrickson, hindi ba? They play around whenever they get the chance, no matter if they're in a relationship or not. Ganyan sila kaya nakakarma ang mga 'yan." Sagot ko. Totoo lang naman ang sinabi ko. Mahinang natawa ang pinsan ko. Hindi ako kumibo, inirapan ko siya at saka ako tumingin sa ibaba ng building. Nandito ako ngayon sa condo ni Rasselle, pero nagpapahangin kami dito sa rooftop. Mas okay dito, hindi alam ni Rouge ang condo unit ng pinsan ko. "Gusto mo punta na lang tayo ng mall para naman mawala ang stress mo sa lalaking 'yon? Kumain na lang tayo sa labas, tinatamad akong magluto." Napatingin ako kay Rasselle. Ngumisi ako sa kanya at nagtaas-baba ang dalawang kilay ko. May pumapasok sa utak ko, sigurado akong matutuwa siya. "Rouge gave me a black card... how about we go on a shopping spree? Are you in?" Nanlaki ang mga mata ni Rasselle ng marinig niya ang tinuran ko. Tuwang-tuwa nga ito at syempre ganuon din ako. Sabi naman ni Rouge, bilhin ko ang lahat ng gusto ko. Bilhin ko kaya ang buong mall? Natawa tuloy ako sa naiisip ko. Sabay kaming bumalik ng unit niya. Buti na lang maayos ang suot ko, siya na lang ang magbibihis, at habang hinihintay ko siya ay hindi naman mawala sa isipan ko ang sinabi sa akin kahapon ni Rouge. Kapag daw bumalik na sa kanya ang babaeng 'yon, pakakasalan na niya. Grabe ang sakit. Pero syempre hindi ko ipinapakita sa kanya na apektado ako. Ayokong malaman niya na matagal na akong may pagtingin sa kanya. Hindi ko na rin hahayaan pa na mas lalong lumalim ang damdamin ko para sa kanya. Wala siyang lugar sa puso ko, ang isang katulad niya... dapat hindi ko bigyan ng pagkakataon na mas lalong makapasok sa aking puso. Marami namang lalaki na nagkakagusto sa akin, sila na lang ang bigyan ko ng pansin. After na mapawalang bisa ang kasal namin. Ibabaling ko sa iba ang pagtingin ko sa kanya. Hindi naman mahirap gawin 'yon, kayang-kaya ko 'yon. "Let's go?" Napatingin ako sa pinsan ko. Ang ganda talaga niya. "Mag-e-enjoy tayo ngayong araw na ito." Sabi niya. Ngumiti naman ako. Excited akong magwaldas ng pera ng mga Hendrickson. Bago man lamang matapos ang kontrata namin, at least nabili ko ang mga gusto ko. May karapatan naman ako dahil legal kaming mag-asawa... iyon nga lang at sa papel lang 'yon. ╰┈➤ Nakarating kami ng mall. Dito mismo sa mall ni Dazzle. Sobrang ganda ng mall na ito, iyon nga lang ay talagang napakamahal ng mga bilihin dito. Pati ang mga restaurant na kakainan dito ay sobrang mahal din. Dapat siguraduhin na may laman ang bulsa mo para sa halaga ng mga pagkain ng bawat restaurant sa mall na ito. Ang lahat ng gamit na gustong bilhin sa lugar na ito ay talaga namang naghuhumiyaw ang halaga ng bawat presyo. "Gusto kong tumingin ng mga signature bags and shoes. Excited na ako, biruin mo may black card ka. Dapat pala nagsuot ka ng mamahaling damit mo, baka mapagkamalan pa tayo na ninakaw lang 'yan." Siniko ko si Rasselle habang tumatawa ito. Baliw talaga ang babaeng ito! Ano ba ang akala niya sa suot ko, mumurahin lang? Nakakaloka siya ha! "Just so you know, I’m wearing an exquisite Prada embroidered double satin mini dress that I bought in Paris. Tignan mo akong mabuti, hindi pangkaraniwan lang ang suot ko and this dress alone cost me three hundred thousand pesos, and that doesn’t even include the price of my designer shoes. Nakakaloka ka Rasselle. Hindi ako mukhang magnanakaw ng black card." Tumitirik pa ang mga mata ko habang nagsasalita ako sa kanya. Nakakainis ang pinsan kong ito, sarap pisilin ang maliit at matangos na ilong nito. Tawa naman siya ng tawa. Alam na alam talaga niya kung paano niya ako mapipikon ng bonggang-bongga. "Baka naman gusto mo pa sabihin sa akin ang halaga ng sapatos mo. Nakakaloka ka couz, nagbibiro lang ako, ginulantang mo na agad ako sa presyo ng suot mong damit. Oo, hindi ako bulag noh! Nakikita ko ang suot mo pati ang shoes mo. Nagbibiro lang ako, kumagat ka naman. Masyado kang pikon." I rolled my eyes at her and crossed my arms, but I couldn’t help laughing at the same time. "Nakakainis ka kasi. Alam na alam mo kung paano mo ako maiinis na sagad hanggang buto." Tawa siya ng tawa. Pati tuloy ako ay nahahawa na. May ilang lalaki pa na lumapit sa amin, gustong makipagkilala, pero hindi namin sila pinapansin. "Miss, gusto lang naman naming makipagkilala sa inyong dalawa. Wala naman sigurong masama kung malalaman namin ang mga pangalan ninyo. Hindi naman siguro kami masasamang tao para iwasan ninyo ng ganyan." Sabi ng isang gwapong lalaki, pero syempre, di-hamak na mas gwapo ng isang daang paligo ang Rouge ko. I mean... Rouge pala ni Phoebe. "Sorry, hindi kami nakikipagkilala kung kani-kanino. Excuse me, may mga mahahalaga pa kaming gagawin." Sabi ko. Pero humarang ang isang lalaki sa nilalakaran namin ni Rasselle. "What part of what I just said don’t you actually understand?" Tanong ko, nakataas pa ang isang kilay ko. Mahinang natawa naman ang pinsan ko. Alam ko na naiinis din siya sa kakulitan ng tatlong lalaki na nasa harapan namin ngayon. Sarap tuhurin sa harapan, pero hindi ko gagawin, ayokong masira ang poise ko ng dahil lang sa kanila. "Miss..." Hindi na niya natapos pa ang sasabihin niya ng isang baritonong boses ang gumulat sa amin. "What's going on here? Why are you bothering my Mrs. Hendrickson?" Nagulat ako sa tinuran ni Rouge kaya napatingin kami ni Rasselle sa likuran namin. Kasama ni Rouge si Mellard, ang kapatid niya sa ama. Gwapong-gwapo din ang isang ito. Syempre, dugong Hendrickson kasi. "Oh God... I’m truly sorry. We had no idea she was your wife. Damn, this is such a mess! Please, we beg you to forgive us." Tahimik lang si Rouge. Kita sa nagngangalit niyang mga bagang na gusto niyang saktan ang tatlong lalaki na nasa harapan namin. Pero naging mabilis naman ang kilos ko. Kumapit agad ako sa kanyang braso at hinila ko siya palayo. "Kumain na ba kayo? Kung hindi pa, pwede kayong sumabay sa amin ni Rasselle." Ayaw sana niyang lumakad palayo sa tatlong lalaki na mabilis ng tumatakbo palabas ng mall. Pero pilit ko siyang hinihila. Kawawa naman ang tatlong 'yon kapag ginulpi ng dalawang ito, isama pa na ang daming bodyguards na nakasunod sa kanila. Humugot ito ng malalim na paghinga, huminto sa paglalakad at tumingin sa mga bodygurads nito. Nag-alisan naman ang mga bodyguards nila kaya parang alam ko na kung ano ang lihim na utos nito. Tinitigan niya ako. Hinawi niya ang hibla ng buhok ko na kumakalat sa mukha ko, pagkatapos ay hinawakan niya ang baba ko at bahagya niyang inangat ang mukha ko upang magtama ang aming paningin. "Are you okay?" Ngumiti ako, tumango ako ng dalawang beses kaya bahagya din siyang ngumiti. Nakatitig siya sa mukha ko, hindi siya nagsasalita kaya naiilang ako. Maraming tao na ang napapadaan sa amin at napapatingin. Ano ba ang problema ng lalaking ito? "I gave you a black card. I want you to buy anything you desire. Everything you want, no matter what it is. You have every right to get whatever you wish for." Sabi niya. Tumatawa ngayon ng malakas ang utak ko. Talaga ba? Paano kung ang desire ko ay siya? Whatever I wish for? Paano kung hindi naman materyal na bagay ang gusto ko? Paano kung ang puso niya ang nais ko, ibibigay ba niya ito sa akin? Gusto kong tumawa pero hindi ko magawa. Pilit lang akong ngumiti sa kanya at saka ako nagsalita. "Okay na ako, sige na at baka may gagawin pa kayo. Hindi ba sabi mo ay may mahalaga kayong meeting today?" Sabi ko. Nagsalita naman si Mellard. "Kuya Rouge, tara na. Hinihintay na tayo ni Dad. Kailangan na nating tapusin 'yung pinapagawa sa atin. Let's go." Tumango si Rouge, pero bago sila tuluyang umalis ay nagsalita ito. "Pinabugbog ko sila sa labas. Don't worry, humihinga pa ang mga 'yon. Kailangan lang nilang malaman na hindi binabastos ang kahit na sinong Hendrickson." Hindi ko alam kung matutuwa ako sa lalaking ito o maiinis, pero at the same time ay kinikilig naman ako. Pero alam ko naman na ginagawa lang niya ito dahil hawak ko ngayon ang pangalan nila. Taglay ko nga ito pero alam ko rin naman sa sarili ko na panandalian lamang ito. Hindi magtatagal, ang pagiging Mrs Hendrickson ko ay malilipat na kay Phoebe. Tinalikuran ko siyang bigla. Sa isiping 'yon ay bigla akong nasaktan. Nanunubig ang mga mata ko at ayokong makita niya ang mga luha ko. Nasasaktan ako sa nangyayari, pero ganuon talaga ang buhay dahil hindi naman ako ang nagmamay-ari ng kanyang puso. Ginagamit lamang niya ako upang makuha niyang muli ang babaeng tunay nitong minamahal. "Kimie." Mahinang tawag niya sa akin. Hindi ko siya nilingon, patuloy lamang akong naglalakad papalayo sa kanya. "Sige na Rouge. Hinihintay na kayo ng iyong ama. Salamat kanina." Sagot ko, pero hindi ko na siya nilingon pa dahil tuluyan ng tumulo ang mga luha ko. "Are you okay?" Tanong ng pinsan ko. Hindi pa ako makasagot. Okay nga lang ba ako? Masyado akong nasasaktan ngayon. Pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko. Naiiyak ako, gusto kong magalit, pero wala naman akong karapatan. Ang kasal namin ay dahil lamang sa isang kasunduan. Pero Rouge, ipinapangako ko... aalisin ko ang pangalan mo sa puso ko. Isang araw, kapag nagkaharap tayong muli at si Phoebe na ang kasama mo, ipinapangako ko... nakangiti na ako at masaya sa piling ng iba. "Yes, I am okay. Tara na couz, mag-ubos tayo ngayon ng pera. Damihan mo ang pamimili mo ha. At least, dito man lang ay maibuhos ko ang lahat ng sama ng loob ko. Nakakainis ang lalaking 'yon, parang gusto pa yata akong paasahin sa wala. Hindi ako magpapakatanga, I’m fully aware of my limits, and I have no intention of crossing them or pushing beyond what I know is right. I don’t want to get my hopes up for nothing... at lalong ayokong masaktan at mapaglaruan ng isang Hendrickson." Hinawakan ng pinsan ko ang kamay ko at pinisil niya ito. Huminto kami sa paglalakad at humarap siya sa akin. "Atta girl!" Sabay kaming natawa ng pinsan ko at masaya na kaming pumapasok sa isang mamahaling boutique upang magwaldas. Bahala si Rouge sa buhay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD