◄Rouge's POV►
"What? Ulitin mo nga ang sinabi mo Rouge." David was taken aback by what I said. Alam ko na ikagugulat nila ang pagsasabi ko sa kanila ng tungkol sa amin ni Kimie. Pero natatawa ako sa hitsura nilang lahat. Titig na titig sila sa akin at pinandidilatan pa yata nila ako ng kanilang mga mata.
"Huwag n'yo nga akong pandilatan ng mga mata ninyo. Kasal-kasalan lang 'yon at hindi 'yon seryoso. Kailangan ko lang paniwalain si Phoebe na may asawa na ako para bumalik na siya sa akin at iwanan niya ang tarantadong lalaki na 'yon. Kapag nakuha ko na si Phoebe ay mawawalan na ng bisa ang kasal namin ni Kimie. Kilala ninyo ako, wala sa bokabularyo ko ang salitang kasal kaya ang kasal namin ni Kimie ay isa lamang palabas. Ang gusto ko lang ay makaganti ako kay Phoebe kahit gamitin ko pa si Kimie." Nakikita ko ang pagkagulat ng aking mga pinsan. Hindi sila makapaniwala na nagawa kong pakasalan si Kimie out of personal interest.
"I think mahal mo pa si Phoebe kaya ka nagkakaganyan. Hindi ka makapaniwala na nakipag break siya sa'yo at ipinagpalit ka niya sa lalaking 'yon. Naniniwala ako na hindi mo siya gustong bawiin para lamang makaganti, ang nais mo ay mabawi mo siya dahil mahal na mahal mo pa rin si Phoebe hanggang ngayon kahit pinagpalit ka na niya sa iba. Tama ba kami?" Sabi ni Braxtyn. Humugot ako ng malalim na paghinga at sumandal ako sa swivel chair ko. I'm not quite sure how to respond to my cousin's question. The truth is... tama si Braxtyn. I am still very much in love with Phoebe at hindi talaga siya nawawala sa isipan ko, and my feelings for her have never changed kahit ipinagpalit niya ako. Kasalanan ko rin naman kasi dahil babaero ako.
Now I ended up marrying Kimie in an attempt to make Phoebe jealous para iwanan ang lalaking 'yon at bumalik na siya sa buhay ko. However, what Kimie doesn't know is that our marriage is set to be void after just three months. Regardless of anything I say or do, our marriage will automatically be terminated. Iyon ang ipinagawa ko. I took steps to ensure that our marriage wouldn't last beyond a year by secretly consulting with my lawyer. We arranged for it to be void after three months, whether I want it to be or not, pero makakatanggap naman si Kimie sa akin ng pera katulad ng napag-usapan namin. So, it will end automatically ng hindi niya alam. Kahit na void na ang kasal namin, magpapanggap pa rin ako na kasal pa rin kami. She will never know na void na ang kasal namin, hindi ko 'yon sasabihin sa kanya. Kailangan ko munang mabawi si Phoebe bago ko siya tuluyang hiwalayan.
"Hindi ka na sumagot diyan? So... in love ka pa nga talaga kay Phoebe. Sinasabi ko na nga ba at hindi paghihiganti ang nais mo. Gusto mo siyang mabawi, at ginagamit mo si Kimie ngayon para pagselosin siya at bumalik sa'yo. Hindi mo magawang saktan ang bago niyang nobyo dahil natatakot ka na kamuhian ka ni Phoebe, tama ba? So... pinaka the best na magagawa mo is to make her jealous at si Kimie ang kasagutan sa problema mo, right?" Sabi ni Noah at tumawa pa ito. Napapailing ito ng ulo dahil sa ginawa ko. But my life is none of their concern. I don’t meddle in their petty dramas, so they should spare me their judgment. Kung ano man ang ginawa ko, huwag na lang nilang pakialaman. Ginamit ko man si Kimie, magkakaroon naman siya sa akin ng malaking halaga at pumayag naman siya.
Humugot ako ng malalim na paghinga, hindi ako makasagot sa kanila dahil totoo naman ang lahat ng sinasabi nila. Natawa si Noah, nagkibit-balikat naman ako. Hindi na ako nagsalita pa upang sagutin si Noah. Hahaba lang kasi ang usapan, but it seems like they won’t stop asking questions.
"Well, what if you end up falling for Kimie? Ano ang gagawin mo kapag nangyari ang part na 'yan?" The question caught me off guard, and I couldn't help but let out a sarcastic laugh. The idea seemed so absurd to me that it was almost comical. After a moment, I shook my head and responded with unwavering confidence.
"Trust me, that's never going to happen." Sagot ko at muli akong natawa. Oo magandang-maganda si Kimie at wala akong masasabi tungkol diyan, pero ang puso ko ay si Phoebe ang itinitibok nito. Nuong makita ko nga siya nuon na marusing at hinahabol ng mga kalalakihan ay hindi ako nagdalawang isip na tulungan siya, at aaminin ko na nagulat ako sa nakita ko sa mukha niya. Hindi siya pangkaraniwan na babaeng gala sa kalye kaya siguro nagkaroon ako ng interes na hanapin siya upang tulungan. Kaso tinakasan niya ako. Buti na lang at sa orphanage namin siya napunta kaya muli ko siyang nakita. Matagal-tagal ko din siyang hinanap para matulungan, at hindi ko alam kung bakit nag-aksaya ako ng panahon sa paghahanap nuon sa kanya. Siguro nga ay dahil sa nakikita ko sa kanya na hindi siya mahirap na nilalang, at iyon ang nagtulak sa akin upang alamin ang kalagayan niya. At katulad nga ng hinala ko ay mayaman nga ito, pero hindi pala siya solong anak katulad ng pagkakaalam ko nuon. May isa pa itong kapatid na lalaki, pero bilang panganay sa kanila ay siya ang tagapagmana.
Sumailalim siya sa isang pagsusuri ng isang mahusay na psychiatrist at sabi naman nila ay maayos si Kimie, traumatized lamang ito at hindi naman ito nawawala sa kanyang sariling katinuan. After just three months under the care of a psychiatrist, Kimie was able to return to her normal life na parang walang nangyari.
We discovered that she had witnessed a crime, which had a profound impact on her kaya siya nagkaganoon. Following this, there was an attempt on her life, and in her desperation to escape, she ended up living on the streets. The trauma she experienced left her unable to return to her family, as she seemed to have lost a sense of herself. However, her doctor assured us that her condition was purely a result of the trauma she had endured, and she was not suffering from any mental illness. The journey back to her old self was challenging, but understanding the root of her struggles was an important step in her recovery, and I'm glad na after ng mahigit na tatlong buwan lamang ay bumalik na ito sa dati niyang buhay. Nawala na ang takot niya at nahuli na rin ang mga taong nagtangka sa kanyang buhay, at nabigyan ng hustisya ang nangyari sa taong pinatay ng mga kriminal na 'yon kasangkot na ang dating kalabang mortal ng aking ama sa negosyo.
"Malalim ang iniisip ng isang 'yan." Boses ni Mellard kaya napatingin ako sa kanya. Natawa ako ng mahina, talagang ayaw akong tigilan ng mga ito. Pero totoo namang kay lalim ng iniisip ko.
"As I said, that's never going to happen." Sagot ko kaya natawa si David. Isa pa ang pinsan kong ito. Akala mo naman ay naging matino siya nuon, samantalang kapag ang isang poste ay sinuotan ng palda ay papatusin niya, pagkatapos ngayon ay akala mo kung sinong matino. Walang matino sa mga Hendrickson. Kahit ang mga ninuno namin ay puro mga babaero at nasa lahi na namin 'yan... nasa mga dugo na nananalaytay sa mga ugat namin kaya huwag silang magmalinis.
"Tignan natin kung hindi nga mangyayari ang sinasabi namin. Ikaw ang nagsimula ng laro bro, mukhang sa huli ay ikaw ang matatalo. So, seryoso ka ba talaga na after bumalik sa'yo ni Phoebe ay ipapawalang bisa mo ang kasal ninyo?" Tumawa ako at kumamot ng aking ulo dahil sa tinuran ni David. Biglang nagtaasan ang mga kikay nila habang nakatingin sa akin. Alam ko kung ano ang tumatakbo sa isipan nila, alam ko na may isusunod silang tanong.
"Oh shìt! Did you do it?" Ani ni David. Halos lumuwa pa ang mga mata nito. Nagpanggap naman ako na hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin, pero hindi ako nagsasalita.
"Did what?" Tanong ni Zandro habang nakatingin sa akin. Mukhang sa kanilang lahat ay si Zandro ang nagulat at hindi pa pumapasok sa isip niya ang kaya naming gawin.
"The magic trick. You know what I mean." Natawa ako sa sinabi niya habang si Zandro ay nakatingin pa rin sa akin. Nakasandal lang ako sa swivel chair ko habang nilalaro ng daliri ko ang hawak kong pen.
"So, tama kami? Did Kimie know that your marriage with her is set to end automatically soon?" Umiling ako, walang alam si Kimie. Ang alam lang niya ay ipapawalang bisa ko ang kasal namin sa oras na makipagbalikan na sa akin si Phoebe, pero nasa Europe pa si Phoebe at wala pa rin siyang alam na kasal na ako. Hindi pa nakakarating sa kanya na ikinasal ako kaya nga sa halip na sikreto lang ito ay nagawa ko itong sabihin kagabi sa mga magulang ko upang makarating ang balita kay Phoebe. Iyon lang ang paraan para malaman ni Phoebe ang tungkol sa kasal namin ni Kimie. Kaibigan ng aking ama ang ama ni Phoebe, pero sa negosyo lang ang friendship nila. Sigurado ako na makakarating ang lahat ng sinabi ko sa kanila sa ex-girlfriend kong 'yon. Tignan ko lang kung hindi siya magmadali sa pag-uwi dito.
"Kaylan ang balik ni Phoebe dito sa Pilipinas?" David asked.
"Hindi ko alam. Ayoko namang tawagan at baka isipin niya na may plano ako. Ayokong malaman niya ang plano ko at baka hindi pa siya bumalik sa piling ko." Sagot ko kaya tawa sila ng tawa. Pero seryoso ako. Gusto kong bumalik sa piling ko ang babaeng tunay kong mahal.
"Sira ulo ka talaga. Gagamitin mo ang ibang babae para lamang sa sarili mong interest." Sabi ni Dazzle. Napapailing pa ito ng ulo. As if naman naging matino siya nuong kabataan niya. Dalawang babae nga nuon, pinagsabay niya. Lahi na namin ito, wala na silang magagawa pa.
"I didn’t have to force Kimie to do anything. I simply have my own way of getting people to cooperate with me. Just a little maneuver with their company, and she had no choice but to play along. It wasn’t difficult, really... just a clever trick, and I got exactly what I wanted. You see... what Hendrickson wants, Hendrickson always gets." Wika ko kaya ang lakas ng tawa nila. Ngumisi lang ako at humugot ng malalim na paghinga. See... lahat sila agree sa sinabi ko. Pare-pareho lang naman kami, hindi naman magkakaroon ng bunga na mansanas ang puno ng mangga.
Napangisi ako habang nakasandal ako sa swivel chair ko. Malapit ka ng bumalik sa piling ko Phoebe. Pahihirapan lang kita ng kaunti, pagseselosin hanggang sa ikaw mismo ang magmakaawa na balikan na kita, at saka ko bibitawan si Kimie.
"So, are you seriously telling us you don’t have any feelings for Kimie at all? Not even a little bit?" Tanong ni David. The question lingered, as if daring me to reconsider. Natawa ako. Umiling ako sa kanila at saka ako sumagot.
"Not even a little bit. I was just playing along since unti-unti ng nalalaman ng lahat ang tungkol sa amin, pero isang araw ay magugulat na lang sila na divorce na kami. I made sure na hindi dito sa Pilipinas inirehistro ang kasal namin para easy lang sa akin na ma-void ang kasal namin."
Napapailing na lang sila sa akin. As if naman na matitino sila. Kung gago ako, ano pa kaya sila? Natatawa na lang tuloy ako sa mga reaksyon nila.
"Don't let karma get to you. Baka sa huli ikaw ang magkandarapa kay Kimie na balikan ka. Hindi pangit si Kimie, maraming lalaki ang mababaliw sa kanya at maaaring isa ka na duon." Natawa ako ng malakas sa sinabi ni Dazzle. Inis naman siya na binato ako ng bilog na throw pillow. Pikon na pikon siya sa pagtawa ko kaya sinundan pa niya ulit ito ng isa pang throw pillow.
Nakakatawa lang na isipin nila na mahuhulog ako kay Kimie. I know myself at alam ko rin kung gaano kalalim ang pagmamahal ko kay Phoebe. Hindi na mapapalitan pa sa puso ko ang babaeng itinitibok nito. Hindi ko tuloy mapigilan ang pagtawa ko.
"I'm serious Rouge kaya umayos ka. You might believe that you were the one who played her... but trust me, when karma comes into play, it will be you who ends up begging Kimie to come back into your life at baka pati kami ay bulabugin mo upang tulungan ka. Pwedeng tumatawa ka ngayon, pero huwag mong kalilimutan na the tables can turn quickly, and you may find yourself wishing for her presence when you least expect it."
Hindi ako kumibo sa tinuran ni Dazzle. Hindi naman kasi mangyayari ang sinasabi niya dahil kilala ko ang sarili ko. Mahal ko si Phoebe at sigurado ako sa nararamdaman ko. Kaya ko nga ginagawa ang lahat ng kalokohang ito ay upang maibalik sa piling ko ang babaeng itinitibok ng aking puso... kahit na may ibang babae ako na matatapakan just to get what I want.
"I know myself very well, Dazzle. There’s no way I would ever fall for Kimie. I’m confident in my feelings and can assure you that my emotions are firmly in check." Sagot ko.
"If you say so." Sagot ni Dazzle kaya natawa ako. Kung hindi siya naniniwala sa sinasabi ko, hindi ko na problema 'yon. I don't need his skepticism. Bahala siya kung ayaw niyang maniwala na kaylanman ay hindi ako mahuhulog kay Kimie. I understand how to play the game, and I also know when it's time to step back and walk away from the situation I have been involved in.
Humugot ako ng malalim na paghinga. Napangiti ako ng maalala ko ang hitsura ni Kimie ng ikinasal kami. Bigla akong natigilan. Bakit ko siya iniisip? Bwisit kasi itong mga pinsan ko, puro na lang Kimie ang topic namin kaya tuloy naiisip ko ang babaeng 'yon.
"Anyway, I have a business proposal. Baka interesado kayo kaya ilalatag ko ito sa harapan ninyong lahat, pero hindi ngayon. Kapag kumpleto tayong magpipinsan. Gusto kong magtayo tayo ng isang business na tayong lahat ang involve. May plano na ako, pero kailangan ko pa ng second opinion ng aking ama." Tumango lang sila sa akin.
Ewan ko ba. Pero bigla kong naisip ang sinabi sa akin ni Dazzle. nah! Imposible, bago pa mangyari 'yan ay nagkabalikan na kami ni Phoebe.