┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈
Nakarating sila Kimie, Rasselle at Lhezel sa Boracay. Mabilis silang nagtungo sa hotel suite na kinuha nila through online na nakapangalan sa isa sa kakilala ni Lhezel at binayaran na lamang ito ni Kimie ng cash.
"Oh my God, ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakarating ako dito. Kimie, ganito pala ang hitsura ng isang presidential suite, akala ko may mukha ng Presidente natin, kasi presidential suite." Pagbibiro ni Lhezel kaya ang lakas ng tawanan nila. Sumilip pa sila sa balkonahe ng hotel at pinagmasdan ang kagandahan ng resort.
"Kidding aside. Ang ganda dito, salamat at sinama ninyo ako sa lugar na ito. Maghahanap ako ng lalaki dito na kasing gwapo ni Emory." Muli silang nagkatawanan dahil sa tinuran ni Lhezel. Si Kimie naman ay nagtungo sa may telepono at saka hinanap ang menu ng mga restaurant na nakapatong sa end table.
"Ano ang gusto ninyong kainin? Magsabi lang kayo para naman ma-order ko na. Nagugutom na ako, kakain muna tayo bago tayo maligo sa dagat." Wika ni Kimie. Kinuha niya ang landphone at nagtipa ng numero na nakalagay sa menu. Pagkatapos ay nagsimula itong mag-order ng pagkain na gusto niyang kainin.
"Kung ano na lang ang oorderin mo, iyon na lang din ang sa amin. Per ang gusto kong drinks ay iced tea." Ani ni Rasselle na sinegundahan naman ni Lhezel. Ganuon na nga lang ang ginawa ni Kimie, kung ano ang kakainin niya ay iyon din ang kakainin ng mga kasama niya.
Hindi nagtagal ay dumating na din ang pagkain nila, at pagkatapos nilang kumain ay nagpahinga lang sila ng kaunti. Pagkatapos ay nagbihis na sila at isinuot ang mga nag-gagandahan nilang mga swimsuit. Si Kimie ay suot ang kulay pula nitong two-piece, at naghuhumiyaw ang napakagandang katawan nito na ipinagmamalaki niyang katangian.
"Ay grabe sya!" Ani ni Rasselle kaya tawa sila ng tawa. Nagsuot sila ng cover ups at ng beach hat saka sila tuluyang lumabas ng kanilang suite, pero biglang napatigil si Kimie sa paglalakad, pagkatapos ay suminghot-singhot ito na tila ba may inaamoy kaya nakatitig lang sa kanya ang kanyang pinsan at ang kanyang kaibigan.
"Hoy! Ano ba ang ginagawa mo? Mukha kang tanga, umayos ka nga!" Natatawang sabi ni Rasselle.
"Baka may naaamoy na pagkain." Pakli naman ni Lhezel.
"Huwag nga kayong magulo. May naaamoy kasi akong pabango na pamilyar sa akin. Hindi ba ninyo yan naaamoy?" Ani ni Kimie, pagkatapos ay suminghot ang dalawa niyang kasama, kaso may nakakita sa kanila na magkapareha na papasok sa suite ng mga ito at nakatitig sa kanila. Ngumisi agad si Kimie at ganuon din ang dalawa niyang kasama, pagkatapos ay tumayo ng tuwid at inayos ang kanyang sarili. Nagsimula na itong maglakad upang tunguhin na ang elevator at hindi na nila nilingon pa ang magkapareha na sinunda pa sila ng tingin.
"Nakakahiya talaga! Nadamay pa kami sa pasinghot mi. Nagmukha tuloy tayong mga adik niyan eh! Ang ganda-ganda natin pero nahuli nila tayo na mukhang tanga na sumisinghot sa paligid." Inis na sabi ni Rasselle kaya tawa na ng tawa si Lhezel habang si Kimie at inirapan lamang ang kanyang pinsan.
Pagbukas ng elevator ay nagsimulang mag-usisa ang dalawa kay Kimie. Humugot ng malalim na paghinga ang dalaga. Kung tutuusin ay kaamoy lang naman ang pabango na naamoy niya at dahil nasa floor sila ng mga presidential suite, normal lang na makaamoy siya ng ganuong uri ng pabango. Kaamoy kasi ito ng pabango ni Rouge kaya nagulat siya, pero katulad lang din naman ng iniisip niya ay nandon sila sa floor kung saan puro mayayaman ang naka okupa.
"Yung pabango kasi na naaamoy ko duon kanina, kaamoy ng pabango ni Rouge. Pero alam ko naman na imposible na nandito si Rouge."
"Jusko Kimie! Alam mo ba na ang pabango ng asawa mo, katulad ng pabango ni Luke? Mayayaman ang mga 'yan kaya natural lang na mamahaling pabango ang gagamitin nila at hindi maiiwasan na magkataon na magkakamukha sila ng pabango. Nakakaloka ka talaga pinsan! Nakita mo ba ang tingin sa atin ng magkasintahan kanina? Akala yata ay mga durugista tayo. Sa ganda kong ito, mukha ba akong durugista? Nakakaloka ka, hanggang dito ba naman ay si Rouge pa rin ang laman ng utak mo." Inis na sagot ni Rasselle kaya natawa ng mahina si Kimie.
"Sorry na kasi! Malay ko ba na bubukas ang elevator at may darating na dalawang chismoso? Isipin ninyo ha, sinundan pa nila tayo ng tingin. Ay nakakaloka!" Tumatawang sabi ni Kimie kaya maging sila Rasselle at Lhezel ay tawa na rin ng tawa habang nasa loob silang tatlo ng elevator.
Pagbukas ng elevator ay agad silang lumabas, at habang naglalakad sila sa lobby ng hotel ay panay sulyap sa kanila ng mga kalalakihan na nadadaanan nilang tatlo. Tumatawa naman ng mahina si Lhezel kaya napalingon sila dito at may pagtataka sa kanilang mga mukha.
"Okay ka lang ba? Bakit ba tawa ka ng tawa?" Nag-angat ng mukha ang kaibigan ni Kimie at saka ito nag-peace sign, pagkatapos ay para itong kinikilig na tumingin sa isang sulok ng hotel.
"Tignan ninyo ang gwapo ng lalaking naka kulay itom na naka muscle shirt." Wika ni Lhezel kaya bigla silang napalingon sa lugar na ininguso ni Lhezel. Tumaas bigla ang kilay ni Rasselle at inis na humarap ito kay Lhezel.
"Don't even think about it! That's Luke Salvador, and he's going to be my husband. Oh my God, he's here! Who's with him? Kinikilig ako, my gosh!" Wika ni Rasselle at halos tumili pa ito habang nakatitig kay Luke. Pero nawala ang ngiti nito at ang kilig nito ng makita niya na tatlong babae ang lumapit dito at sabay na ipinalupot ang mga kamay nito sa magkabilang braso ni Luke at ang isa ay halos yapusin na ang binata. Halos maiyak si Rasselle sa nakikita ng kanyang mga mata. Hindi siya makapaniwala na ganuon kababaero ang lalaking itinatangi ng kanyang puso.
"Ouch!" Bulong ni Lhezel.
"Awe, cousin..." Mahinang ani naman ni Kimie. Pero nagulat si Kimie nang magsimulang maglakad si Rasselle na akala mo ay nobya na susugod sa nagtataksil niyang nobyo, pagkatapos ay tumayo ito sa harapan ni Luke at saka niya ito tinaasan ng kanyang kilay.
"Hi, Luke! Mukhang mauubusan ka yata ng babae kaya dinalawa mo pa talaga. Sino sila?" Nagulat naman si Luke at tumingin pa ito sa paligid niya na tila ba ayaw nitong may makakuha ng atensyon nila.
"I'm Gerchelle."
"I'm Alice."
"And I'm Kany."
Pagpapakilala ng tatlo at nakataas pa ang kilay ng mga ito kay Rasselle. Tinaasan din sila ni Rasselle ng kilay. Magsasalita sana si Rasselle pero hinila siya ni Kimie palayo. Hindi ito makapaniwala na talagang nilapitan ng pinsan niya ang kinaroroonan nila Luke.
Nasa harapan na sila ng dagat ng binuksan ni Rasselle ang kanyang bag. Nagulat pa sila na may dala pala itong bag na maliit. Tinignan nila ang hawak nitong phone at nagsimula itong mag scroll sa contacts, at isang numero ang tinawagan nito.
"Hello Alona, sorry besh kung naabala kita. May itatanong sana ako sa'yo. May kilala ka bang Alice, Gerchelle at Kany? Kasama kas sila ni Luke at naiinis ako dahil mukhang manyakis pala ang lalaking ito! Naiinis ako na naiiyak sa impaktong 'yon. Ang kapal ng mukha na mag-date ng tatlong babae dito sa Boracay." Malakas na tawa ni Alona ang naririnig ni Rasselle at isa pang babae, kaya inis na inis ito sa kanyang kaibigan. Alam naman nito ang pag-ibig niya para sa lalaking 'yon, pagkatapos ay pagtatawanan pa siya.
"Baliw ka talaga Rasselle. Iyang tatlong babaeng binanggit mo ay kasamahan niyang assassin. Huwag mong lalapitan dahil baka may misyon sila. Ginagawa lang namin ang ganyan kapag may misyon, so kung nandyan si Luke at kasama ang tatlong assassin na babae ni Trenz, iisa lang ang ibig sabihin niyan, may misyon sila diyan at nagpapanggap lang sila. Magkakaibigan lang ang mga 'yan, nakakasama ko sila sa misyon kapag kailangan ni Marcus ng tulong. Kung magalit ka diyan, akala mo naman may relasyon kayong dalawa, nakakaloka ka!" Dahil sa narinig ni Rasselle ay unti-unting nawawala ang inis niya sa lalaking 'yon. Muli itong ngumiti at lumingon sa paligid, hinahanap ng kanyang mga mata ang assassin ni Trenz.
"Bruha ka! Nandyan ka pala sa Boracay, hindi ka man lang nagsabi, pero okay lang hindi rin naman kami pwede. Tinuturuan ako ngayon ni Kuya Lucio kung paano mamahala ng isa pang negosyo namin. Enjoy ka lang diyan, huwag magpahalata kay Luke." narinig ni Rasselle ang boses ni Keziah. Pagkatapos nilang mag-usap ay kinikilig na humarap si Rasselle kay Kimie.
"May nalaman ako, pero hindi ko sasabihin kasi sikreto lang. basta ang mahalaga ay hindi niya babae ang mga 'yon." Wika ni Rasselle. Hindi naman nagtanong sila Kimie. Hinubad lang niya ang suot niyang cover ups at saka ito naupo sa buhangin na nakaunat ang isang binti habang ang isa ay nakabaluktot. Ang kamay nito ay nakadiin sa may likuran niya at bahagya siyang nakatingala sa langit.
"Grabe ang seksi nating tatlo, nakakaloka!" Sabi ni lhezel at katulad ni Kimie ay hinubad din nito ang suot niyang cover ups at saka naupo sa tabi ni Kimie. At habang masaya silang nagkukuwentuhan ay may biglang bumagsak na tuwalya sa kandungan ni Kimie na ikinagulat niya, pagkatapos ay tumingala siya sa lalaking nakatayo sa may uluhan niya. Nagulat siya ng makilala niya ito jaya agad siyang tumayo at namaywang sa harapan ni Rouge.
"What the hell, Rouge! What are you doing here?" Galit na sabi ni Kimie. Nakatitig naman si Rouge sa katawan ni Kimie, pagkatapos ay inis nitong dinampot ang tuwalya na nasa lapag at saka ito ibinalot sa katawan ng dalaga.
"Ano ka ba? Bwisit ka talaga! Nandito kami sa beach, natural lang na magsuot ako ng ganito." Inis na inis na sabi ni Kimie. Hindi siya makapaniwala na nasa harapan niya ngayon si Rouge. Paanong nalaman ni Rouge na nandito sila ngayon samantalang sinigurado niya ang kanyang plano.
"Wala akong pakialam kung beach man ito. Ang sabi ko sa'yo ay takpan mo 'yang katawan mo. Kapag hindi mo ginawa ang inuutos ko, bubuhatin kita at ikukulong sa suite ko. Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko sa'yo?" Inis na sagot ni Rouge. Tumaas naman ang isang kilay ni Kimie, pagkatapos ay dinampot niya ang kanyang cover ups at iyon ang isinuot niya, pagkatapos ay sunod-sunod na padyak ng kanyang paa ang ginagawa niya habang papalayo siya kay Rouge.
"Wait Kimie, saa ka pupunta?" Malakas na sigaw ng dalawa niyang kasama. Halos maiyak na sa inis si Kimie dahil sinisira ni Rouge ang mga plano niya.
"Kimie, wait!" Malakas na sigaw ni Rasselle at nagmamadali silang tumakbo upang habulin nila si Kimie. Papasok ito sa isang resto bar upang bumili ng ladies drink.'
"Impakto talaga ang lalaking 'yon! Paano niyang nalaman na nandito ako? Maysa bampira ba 'yon at naaamoy niya ang dugo ko? Nakakainis talaga!" Inis na ani ni Kimie.
"Ako yata ang may kasalanan kasi tumanggap ako ng tawag nuong nasa airport tayo. Baka na-trace niya ang tawag ko." Sabi ni Rasselle kaya inis na inis si Kimie. Magsasalita sana si Kimie pero narinig nila ang pag-uusap ng ilang empleyado sa resort.
"Nandiyan pala ang may ari ng resort na si Sir Rouge, grabe ang gwapo niya. kagabi pa raw 'yan dito, may kasama siyang isang gwapo din, may ka-meeting daw dito." Sabi ng empleyada na mukhang may gusto kay Rouge.
Halos lumuwa naman ang mga mata ni Kimie ng marinig niya ang sinabi ng babae. Hindi siya makapaniwala na kagabi pa nandito si Rouge at pag-a-ari din ni Rouge ang hotel and restaurant resort na ito.
"Miss, si Rouge Hendrickson ang may ari ng resort na ito?" tanong ni Rasselle.
"Itong buong resort na ito, pati ang hotel at mga restaurants at bar sa buong paligid ay pag-a-ari ho ng boss namin na si Sir Rouge Hendrickson. Kilala rin ho pala ninyo siya?" Sagot ng babae. Tinaasan pa nito ng kilay si Kimie. Nagulat naman si Kimie kaya tinaasan niya rin ng kilay ang malditang empleyada.
"Excuse me. Tinatarayan mo ba ako? Ako ba ang nagtanong sa'yo kung sino ang may-ari nito? Umayos ka Miss, baka masesante ka sa ginagawa mo. Isang salita ko lang ay tanggal ka na dito." Inis na sabi ni Kimie. Tawa naman ng tawa si Rasselle at si Lhezel dahil napipikon na si Kimie sa babae.
"Wala naman ho akong sinasabi, masama ho ba na tumaas ang kilay ko sa inyo? Saka hind ko ho 'yon sinasadya, minsan nagiging maldita lang ho ako. Pasensya na." Magsasalita sana si Kimie para tarayan pa ang babae ng magtilian bigla ang mga kababaihan na nasa loob ng resto bar ng pumasok si Rouge.
"Ano ang nangyayari dito?" Tanong nito.
"Wala ho sir. May itinatanong lang po sila, tapos tinatarayan na ho ako." Sagot ng babae kaya mas lalong tumaas ang isang kilay ni Kimie. Hindi siya makapaniwala na binabaligtad siya ng babaeng kaharap nila.
"My wife, ang sabi ko magpalit ka ng damit mo kung ayaw mong ikulong kita sa suite." Gulat na gulat ang lahat ng marinig nila ang malakas na sinabi ni Rouge kay Kimie. Maging ang babaeng nagtataray kay Kimie ay nagulat at napa-atras ng ilang hakbang.
"Oo na! Bumibili lang ako ng drinks ko." Inis na sagot ni Kimie. Hindi makapaniwala ang lahat sa naririnig nila.
"Hindi mo kailangang bumili dito. Pag-a-ari natin ito kaya utusan mo sila ng kahit na anong gusto mo, basta sundin mo ang ipinag-uutos ko dahil ayokong nakikita ng kahit na sinong lalaki 'yang katawan mo."
"Naku ma'am... I'm so sor..."
"Whatever, miss!" Inis na ani ni Kimie at tinalikuran na niya ang malditang babae. Mas okay ng umalis siya sa loob ng bar kaysa malaman pa ni Rouge ang ginawa ng empleyado nito at mawalan pa ito ng trabaho. Mamaya na lamang niya haharapin ang babae kapag wala na si Rouge.
"Babe, hintayin mo ako!"
"Bahala ka sa buhay mo!"
Malakas namang tumatawa si Rasselle at si Lhezel dahil ang mahusay na plano ni Kimie ay hindi nakalusot sa isang Hendrickson. Hindi na nila sinundan si Kimie, tumakbo na lang si Rasselle at si Lhezel sa dagat upang maligo.
"Huwag mo akong sundan, Rouge. Hindi ako natutuwa sa'yo." Inis na ani ni Kimie.
"Akala mo ba ay matatakasan mo ang isang Hendrickson? Kahit saa ka magtago Kimie, mahahanap at mahahanap kita. Magpalit ka ng suot mo. Mag short ka kung gusto mong maligo sa dagat, hindi 'yung parang lilitaw na ang kaluluwa mo sa suot mo." Huminto si Kimie sa paglalakad at saka niya tinitigan ng masama si Rouge.
"Shorts? I’m in Boracay, and you expect me to wear shorts? Are you out of your mind?" Inis na sabi ni Kimie.
"Yes, I am out of my mind!" Galit na galit si Kimie at nagmamadali na itong tumakbo at iniwanan na niya si Rouge. Ang gusto lang niya ay makapasok siya ng elevator na hindi niya ito makakasama sa loob, at nagawa naman niya. Nagkulong muna siya sa loob ng kanyang suite at mamaya na lamang siya maliligo kapag nakabalik na ang kanyang dalawang kaibigan.