┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈
Ilang araw na sila Kimie na nagbabakasyon sa Boracay. Inis na inis ito at hindi siya makapag-enjoy katulad ng kanyang mga kaibigan dahil nandiyan si Rouge. Binabantayan nito ang bawat kilos niya. Napipikon na siya, gusto na niya itong sapak-sapakin pero hindi naman niya magawa.
Nakahiga siya ngayon sa lounger dito sa private pool ng hotel na pag-aari ni Rouge. Dito lang muna siya palagi, pero hindi naman siya naliligo. Nakasuot nga siya ng swimsuit... pero hindi naman niya hinuhubad ang suot niyang cover up, kasi nga ay may bantay ito. Hindi kasi siya tinitigilan ni Rouge, ayaw na ayaw nito na makikita siyang nakasuot ng two-piece.
"Akala mo naman entitled ang sira ulong 'yon! Ang kapal ng mukha niya para sirain ang bakasyon ko dito. Nakakainis talaga!" Inis na bulong ni Kimie sa kanyang sarili. Ang mga kasama niya ay nakikita kung paano ito napipikon. Alam nila na gustong mag-enjoy ni Kimie pero hindi nito magawa dahil kay Rouge.
"Pinsan, mukhang kami lang ni Lhezel ang nag-e-enjoy dito. Gusto mo ba mamayang hapon ay pasyal na lang muna tayo at pumunta tayo sa isang market para tumingin ng mga souvenirs?" Wika ni Rasselle. May hawak itong kopita na may lamang ladies drink at pangalawa na niya ito. Sa kabilang lounger naman ay nakahiga si Lhezel at ini-enjoy nito ang bakasyon nila kahit nakikita niya na naiinis ang kanyang kaibigan.
"Nandiyan kasi ang asawa niya. Isipin mo naman... sa asawa sa papel niya pala ang hotel na tinutuluyan natin. Malay ko ba na siya ang may-ari ng lugar na ito, basta sabi lang ninyo na mag-pa book ako kaya iyon ang ginawa ko. Hindi naman ninyo sinabi sa akin na alamin ko muna kung sino ang may-ari bago ako magpa book." Wika ni Lhezel kaya tawa ng tawa si Rasselle.
"Hay naku! Ewan ko sa inyong dalawa. Basta ako naghihintay na lang na dumilim para makaligo ako ng naka bathing suit. That annoying impakto just refuses to leave me alone, no matter what I do. It’s beyond frustrating, like a thorn constantly pricking at my patience. I can’t even get a moment’s peace with him around, always showing up when I least expect it. Sometimes, I find myself wishing na maglaho na lang siya at huwag nang bumalik pa... leaving me to finally breathe freely without his constant interference. Life would be so much easier without his persistent, nakakainis, ang sarap niyang sapakin sa mukha!" Inis na sabi ni Kimie kaya tawa ng tawa ang dalawa niyang kaibigan. Alam nila na napipikon ito, alam nila na hinihintay ni Kimie na sana ay bumalik na si Rouge sa Manila, pero they doubted that Rouge would leave Kimie alone, especially knowing she was here and that many other guys might take an interest in her. Imposible talaga.
"My wife. Nandito ka pala... kanina pa kita hinahanap. Akala ko kung saan ka na nagpunta. Hinanap kita sa beach at hindi kita nakita duon kaya dito na ako tumuloy." Boses ni Rouge, pero hindi siya pinapansin ni Kimie. Nakahiga lang ito at ine-enjoy ang sikat ng araw. Ayaw niyang tignan si Rouge, ipinikit lang niya ang kanyang mga mata habang nakasuot sa kanya ang sunglasses. Gusto niyang iparamdam kay Rouge na para lamang itong hangin sa kanyang paningin.
"Are you okay, my wife?" Wika ni Rouge kaya tumaas na ang isang kilay ni Kimie at inalis ang suot nitong sunglasses, pagkatapos ay diretsong tumingin kay Rouge na nakatayo sa gilid niya. Si Rasselle at Lhezel naman ay mabilis na nag-dive sa pool at hinayaang mag-usap ang dalawa. Kanina pa siya tinatawag ni Rouge na wife at ikinaiinis niya 'yon.
"Can you please stop calling me wife, Rouge? Let's stop pretending, okay? We both know the truth... we only got married because of the deal we made. This isn't some fairytale romance where we're a happy, loving couple. There’s no love between us, so why keep up the act? I’m tired of hearing it, my gosh! Just stop calling me your wife. Is that clear?" Inis na sabi ni Kimie kaya ang lakas ng pagkakatawa ni Rouge, pagkatapos ay naupo ito sa isang lounger na nasa tabi ni Kimie, ipinatong ni Rouge ang dalawang braso niya sa kanyang mga hita at pinagsalikop ang dalawang palad habang nakatitig siya kay Kimie.
"Huwag mo akong tignan ng ganyan, naiirita ako sa'yo." Sabi pa ni Kimie. Ipinaparamdam niya sa kanyang asawa sa papel na hindi niya gusto na nasa paligid lang ito at binabantayan ang bawat kilos niya.
"I don't care about how you feel or what you think. We have a deal, and that’s final. Once my ex-girlfriend is back in my life and we’re together again, I will file for divorce, and this marriage will be over. But until then... as long as we are still legally married, you are my wife. You will remain my wife whether you like it or not. Do you understand that, too?" Nakangising sabi ni Rouge. Inis na inis si Kimie kay Rouge, gustong-gusto na niya itong sipain, pero nagtitimpi lang siya.
"Nakakainis ka na! Umalis ka na nga dito, bumalik ka na ng Manila dahil mas kailangan ka duon. Gusto kong mag enjoy dito, pero hindi ko magawa dahil epal kang impakto ka!" Inis na sabi ni Kimie. Tumawa lang si Rouge, pagkatapos ay nahiga ito sa lounger.
"May mga acting CEO ako na kumikilos kapag wala ako. Dito na lang muna ako para makapag relax din ako. Ikaw lang ba ang may karapatang mag-relax? Saka kung nasaan ang asawa ko, dapat nanduon din ako. Mag-asawa nga tayo, hindi ba? Huwag kang masyadong mainis sa mukha ko, masyado kang nagpapahalata na baliw na baliw ka sa akin." Sagot nito kaya sa inis ni Kimie ay padabog itong tumayo, pagkatapos ay tinalikuran na niya si Rouge at nagmamadali na siyang nagtungo sa entrance ng hotel.
"Kimie, saan ka pupunta?" Malakas na sigaw ni Rasselle.
"Kahit saan, basta malayo lang sa impaktong 'yan! Napipikon na ako, ayoko ng makita pa ang pagmumukha ng isang 'yan." Malakas na sagot nito kaya tawa ng tawa si Rouge dahil pikon na pikon sa kanya ang kanyang ex-wife. Wala pang nakakaalam na ang kasal nilang dalawa ay hindi na valid, maliban na lang sa lahat ng mga pinsan niya na alam ang kalokohang ginawa niya.
"Kahit saan ka magpunta, makikita mo ang gwapong impakto na ito! Huwag ka ng magkunwari pa my wife, alam ko naman na makalaglag panty ang kagwapuhan ko." Malakas na sabi ni Rouge. Tawa naman ng tawa ang mga kasama ni Kimie kaya mas lalo tuloy itong napipikon.
"Bwisit ka talaga Rouge, nakakainis ka na!" Galit na sigaw nito, pero hindi na nilingon pa si Rouge at patakbo na itong pumasok sa loob ng hotel. Sinusundan lang naman siya ng tingin ni Rouge. Masayang-masaya si Rouge na nainis niya si Kimie kaya hindi na ito makakapag swimming ng naka two-piece.
"Dito lang kayo. Susundan ko lang ang asawa ko." Sabi ni Rouge. Pagkatapos ay mabilis na itong umalis, dumaan muna ito sa front desk at kumuha ng keycard ng suite nila Kimie.
Pagkarating niya sa palapag ng suite ng mga ito ay tinungo na niya ang pintuan. Ilang katok muna ang ginawa niya, ngunit kahit na anong katok ang gawin niya ay walang sumasagot. Napapailing siya, alam niya na ayaw lang siyang pagbuksan nito. Isinuksok niya ang keycard, at pagkatapos ay bumukas na ang pintuan. Tumingin siya sa paligid sa loob ng suite, pero walang tao kaya naglakad na ito upang tignan sa silid si Kimie.
Pagbukas niya ng pintuan ay isang malakas na tili mula kay Kimie ang gumulat sa kanya. Walang saplot sa pang-itaas si Kimie kaya niyakap niya ang kanyang sarili upang hindi makita ni Rouge ang bulubundukin niya.
"Impakto ka, lumabas ka nga!" Sigaw nito. Pero sa halip na lumabas si Rouge ay naglakad pa ito papalapit kay Kimie.
"Lumabas ka Rouge, sisigaw ako!" Natawa naman si Rouge. Ngumisi pa ito hanggang sa tuluyan na siyang nakalapit kay Kimie. Wala nang maatrasan pa si Kimie, naramdaman na lang niya ang malamig na dingding na lumapat sa kanyang likod.
"Rouge, alis na, hindi na ako galit. Sige na, hindi na kita sisigawan pa." Ani ni Kimie, biglang nawala ang pagsigaw nito. Hindi na siya makatingin pa kay Rouge.
Hinaplos ni Rouge ng likod ng kanyang palad ang makinis na pisngi ni Kimie, pagkatapos ay hinawakan nito ang baba nito at saka iniangat ang mukha kaya nagtama ang kanilang mga paningin.
"Are you afraid of me?" Tanong ni Rouge, titig na titig sila sa isa't isa. Gustong magsalita ni Kimie, ngunit walang salitang lumalabas sa kanyang bibig. Para lamang siyang nahihipnotismo sa kagwapuhan ng lalaking nakatayo sa kanyang harapan. Hindi siya mapakapag salita, pakiramdam niya ay naumid na ang kanyang dila.
"I'm asking... are you afraid of me?" Bulong ni Rouge, nakatitig ito sa dibdib ni Kimie na pilit na itinatago nito kaya mas lalong niyayakap ang sarili.
"Natikman ko na 'yan. Nakalimutan mo na ba? Mula nuon hindi ko na 'yan makalimutan. Pwede ko bang matikman ulit?" Bulong muli ni Rouge kaya nanlaki ang mga mata ni Kimie, pagkatapos ay umigkas ang isang kamay nito at sapol ang mata ni Rouge.
"Aray ko! Bakit mo ako sinuntok sa mata ko?" Wika nito. Hawak niya ang kanyang isang mata kaya iyon ang kinuha ni Kimie na pagkakataon upang makaalis sa harapan ni Rouge, pagkatapos ay mabilis niyang kinuha ang kanyang t-shirt at bra na isusuot sana na nakapatong sa ibabaw ng kama, at nagmamadali na itong lumabas ng kanyang silid. Pumasok siya sa silid ng kanyang pinsan at saka niya ito ikinandado sa loob.
"My wife! Lumabas ka diyan, bakit mo ako binigyan ng black eye?" Malakas na sigaw ni Rouge.
"Buti nga sa'yo, impaktong manyakis ka!" Sigaw nito. Inis namang naupo si Rouge sa sofa, hawak pa rin nito ang isa niyang mata na nagluluha. Hindi kasi niya nailagan, mabilis ang naging kilos ni Kimie at hindi niya 'yon inaasahan.
"Damn it! Darating pa mamaya si Darwin, sigurado akong pagtatawanan ako ng isang 'yon kapag nagtuloy ito sa black eye." Inis na sabi ni Rouge. Tumayo ito, tumingin sa harapan ng salamin at saka niya pinagmasdan ang kanyang mata. Namumula ito, dilat kasi ang mga mata niya ng masuntok siya ni Kimie na tumama nga sa mata niya, kaya heto at nagluluha pa siya.
"Napapala mo Rouge, manyakis ka kasi." Mahinang bulong ni Rouge sa sarili habang nakatingin ito sa salamin. Inis itong nagbuga ng hangin, pagkatapos ay nagpunta ito sa harapan ng isang pintuan at kinatok ng kinatok ang pinto.
"Hindi pa tayo tapos. May ilang araw pa kayo dito, pasasaan ba at matutuloy din ang honeymoon natin. Huwag ka ng magmatigas, alam ko naman na mahal na mahal mo ako." Malakas na sabi ni Rouge.
"Baliw ka na Rouge, magpakulong ka na sa mental hospital, dadalawin na lang kita duon kapag hindi ako masyadong busy. Pero bago ka magpakulong, ibigay mo muna sa akin ang pera ko, impakto ka!" Sagot ni kimie kaya tawang-tawa si Rouge dahil pikon na pikon sa kanya ang dalaga.
"Aalis na ako my wife, magpapa-schedule lang ako sa mental hospital at magpapa reserve na rin ako ng room for two kasi isasama kita sa loob para naman hindi ako malungkot, at para naman kahit sa mental hospital ay matuloy na ang honeymoon natin. Pareho na naman kasi tayong baliw, ayaw mo lang umamin. Baliw ako sa pagmamahal ko kay Phoebe at ikaw naman ay baliw sa pagmamahal sa akin. Dapat nga tayong magsama sa iisang silid at sa loob pa ng mental hospital. Maghanda ka para magpapasundo na lang tayo sa ambulansya. Ikaw naman ang nakaisip nito, kaya isasama kita sa loob." Sagot nito. Inis na inis naman si Kimie sa isinagot sa kanya ni Rouge.
"Bahala ka sa buhay mo, impakto ka. Manigas ka at magpakabulok ka sa mental institution. Huwag mo na akong idamay pa sa kalokohan mo. Umalis ka na, hindi kita kailangan dito." Inis na sagot ni Kimie. Tumatawa ng malakas si Rouge. Alam nito na kaunting push pa ay lalabas na si Kimie sa sobrang pagkapikon upang muli siyang sapakin. Itatago na lang niya ang kabila niyang mata upang hindi maging dalawa ang black eye niya, baka magmukha pa siyang may suot na sunglasses.
"My wife, kanina pa matigas. Ikaw na lang talaga ang hinihintay para..." Hindi na natapos pa ang sasabihin ni Rouge ng biglang bumukas nga ang pintuan, pagkatapos ay isang suntok nga ang ginawa ni Kimie sa kanya, pero nasangga niya ito, pagkatapos ay bigla niya itong niyakap ng mahigpit upang hindi makawala at saka niya ito siniil ng halik. Nagwawala man si Kimie, pero wala siyang magawa kumpara sa lakas ng kanyang asawa. Tikom ang kanyang bibig, ayaw niyang bigyan ng chance si Rouge na maipasok ang dila nito sa bibig niya kahit na anong pilit nito, pero biglang kinagat nito ang pang-ibabang labi niya kaya wala na siyang nagawa at nakuha ni Rouge ang nais nito.
Halos mapugto ang kanilang hininga ng binitawan nito ang kanyang labi, pagkatapos ay mabilis na tumakas si Rouge at iniwanan siya nito. Galit na galit si Kimie, gusto niya itong batuhin ng kahit na ano, ngunit wala naman siyang mahagilap na kahit na anong maibabato niya sa asawa niya sa papel.
"Impakto ka talaga! Makakaganti din ako sa'yo." Sigaw nito at pinunasan niya ang kanyang labi.
"Hihintayin ko ang ganti mo, my wife. Ako naman ang sisiilin mo ng halik." Sagot ni Rouge sabay tawa ng malakas, 'yung malakas na tawa na parang wala ng bukas. Pagkasara ng pintuan ng suite nila Kimie ay inis na inis ito. Panay pa ang padyak ng mga paa niya dahil naisahan siya ni Rouge. Hindi siya makapaniwala na talagang inasar lang siya ng inasar ng lalaking 'yon upang makanakaw ng halik. Naupo siya sa sofa, pagkatapos ay napahawak siya sa kanyang labi. Bumukas naman ang pintuan at iniluwa nito si Rasselle at si Lhezel.
"Mukhang nagsipsipan kayo ng nguso ah!" Pang-aasar ni rasselle nang makita nila na nakahawak si Kimie sa labi nito. Agad tuloy nitong ibinaba ang kanyang kamay at itinanggi ito.