4

1977 Words
YAZMIN POV SIX MONTHS LATER... MALAKAS na buntonghininga ang ginawa niya sabay inat ng dalawang mga braso. Kakatapos lang ng home school niya at umay na umay siya mag aral ng japanese language. Konti na lang sasabog na utak niya. Napatingin siya sa cellphone niya. Nakatanggap na naman siya ng text mula kay Mr. Fuji Taka. Good morning, little wife. Be good in your study! Umingos siya. Little Wife? Anim na buwan na ang lumipas ngunit kahit anino ni Mr. Fuji Taka ay hindi pa niya nakikita. Nagtataka na siya kung bakit siya nito pinakasalan, dinala rito sa Japan, binigyan ng bahay at mga luho niya subalit ayaw siyang makita o makilala man lang sa personal? 'Di kaya napangitan 'to sa kan'ya? Mabilis siyang napatingin sa full body wall mirror sa kuwarto niya. Ngumuso siya. 4'11 ang taas niya, balingkinitan ang katawan niya, matangos ang ilong niya, maputi naman siya, bagay sa maliit niyang mukha ang buhok niya hanggang balikat. Napahawak siya sa dibdib niya. Hmm, kahit papaano, may dibdib siya, sakto nga lang ang laki. Napahimas din siya sa balakang niya sabay ikot. May curve naman siya, at sakto lang din ang puwet niya. Kumbaga sa laban, may ibubuga pa rin naman siya. Hindi kaya ayaw na nito sa kaniya dahil sa edad niya? Natuptop niya ang bibig. Baka ibalik siya nito kina Tiya Lusing. Napailing siya. Kailangan niya magkaroon ng silbi kay Mr. Fuji. Hindi man bilang asawa nito kahit man lang bilang katulong ay papatusin niya. Tama! Kung ayaw ni Mr. Fuji na magpunta ng Okinawa, siya na mismo ang pupunta sa Osaka para makilala ito. Mabilis pa sa alas-kuwatro kinuha niya ang kaniyang sling bag at nag-book ng plane ticket at palihim na tumakas sa mansion. Hindi naman siya gaano nahirapan patungo sa airport dahil naintindihan naman ng taxi driver ang english niya. Kahit kinakabahan siya pinilit pa rin niyang lakasan ang loob. Nandito na siya, ayaw na niya pumayag na bumalik sa poder ni Tiya Lusing kaya gagawin niya lahat 'wag lang siya ibalik ni Mr. Fuji. Saglit lang ang naging byahe sa eroplano, sunod naman ay kailangan niya sumakay ng train patungo mismo sa Osaka. Nang makasakay sa train, na amazed sa sobrang high tech at ka-displinado mga tao sa Japan. Malawak siyang nakangiti habang tahimik na nakaupo sa train. Nilalaro-laro pa niya ang mga paa sa sobrang excitement dahil sa mga nakikita sa paligid sa may bintana. Talagang isa ang Japan sa pinakamagandang lugar sa mundo. Kaya naman ayaw na niya umalis pa rito. Wala rin naman siya pamilya o kaibigan sa Pilipinas. Panigurado, hindi na siya hahanapin ni Tiya Lusing. Mayamaya lumingon lingon siya sa mga taong nakasakay din sa train hanggang sa tumama ang paningin niya sa isang lalaki na nakatayo sa 'di kalayuan sa kan'ya. Siya ba ang tinitignan ng lalaki? Kanina pa ba siya nito tinitignan? Matangkad ang lalaki, naka maong na kupas ito, puting tshirt na pinatungan ng maong na jacket. Nakatali ang mahaba nito buhok. Ang weird sa mga lalaki ang mahahabang buhok pero sa lalaking iyon bumagay. Maangas itong tignan, parang akala mo naghahanap ng ayaw lagi, kakaiba rin ang mga mata nito, mabagsik pero 'di nakakatakot. Malapad din ang mga balikat nito na nagpalakas ng appeal nito. Hmm, overall 10/10 para sa kaniya ang lalaki. Ngumuso siya. Malas nga lang, asawa na siya ngayon ni Mr. Fuji, ayaw niyang balewalain ang pagiging asawa nito. Marunong siyang tumanaw ng utang na loob. Huminga siya nang malalim at iniwas ang tingin sa guwapong lalaki sa train. Nang huminto ang sinasakyan train sabay nag-announce na nasa Osaka na siya. Inayos niya ang sling bag at lumabas na ng train subalit bigla siyang nalito pagkalabas ng train station. Paktay! Paano niya hahanapin ang bahay ni Mr. Fuji? Wala siya ideya kung saan mismo ito nakatira. Argh! "Naliligaw ka?" Napaigtad siya sa gulat. Grabe naman kasi ang boses nito. Baritone voice ang dating. Napa 'Oh' siya nang ma-realized niya na ito pala 'yon lalaki sa train. "You speak tagalog? Ay, Pinoy ka ba?" Umiling ito saka nagpamulsa. "Nope. Marunong lang." "Paano mo naisip na Pinay ako?" Nagkibit balikat ito. "Naririnig kita nagsasalita mag isa." Napa 'Ah' siya sabay kamot sa ulo. Hindi ba ang weird dahil bigla na lang 'to sumulpot sa tabi niya. "You look lost. Saan ka ba pupunta?" Hindi siya kumibo. Nakikiramdam siya. Alam niyang bago salta siya rito sa Japan pero hindi naman siya tanga at uto-uto para magpaloko. Uso pa naman ngayon ang mga manloloko kahit pa super gwapo at macho nito hindi pa rin siya magtitiwala basta. "May hinahanap akong tao." Tumango tango ang lalaki. "Ano bang pangalan? Baka pamilyar sa'kin, you know I was raised and born here in Osaka." Paliwanag nito. Pinatulis niya ang nguso at umaktong nag iisip. Well, wala naman siguro masama kung ibibigay niya ang pangalan ni Mr. Fuji. "Ahm, Mr. Fuji..." Nalukot ang noo ng lalaki at tinignan siya ng seryoso. "Mr. Fuji?" ulit nito. Tumango siya. "Yup, Mr. Fuji. May kilala ka ba gano'n? Gusto ko kasi malaman kung saan siya nakatira." Sumeryoso ang mukha nito. Medyo kinabahan siya sa paraan nang tingin nito. "What do you want from him?" naging malamig ang tono ng boses nito. "So, kilala mo si Mr. Fuji? May sasabihin lang sana ako sa kan'ya kaya--" "Not possible. Mahihirapan ka kausapin siya," maagap na sabi nito. "At bakit naman? impossible hindi niya ako kausapin, ituro mo na lang kung saan siya nakatira." Nakaramdam siya ng kaunti inis. Sino ba 'to para magsalita sa kan'ya ng gano'n? Naglakad siya at iniwan na ang lalaki. Hindi niya alam kung saan direksyon ba siya pupunta. Maghahanap na lang siya ng ibang matatanungan hanggang sa makakita siya ng isang mini store. "Kon'nichiwa. Otazune shite īdesu ka?" ( Hi, good afternoon. Can I ask something?) magiliw na bati niya sa lalaking cashier. Ngumiti rin naman sa kan'ya ito. "Hai. Sore wa dōdesu ka?" (Yes. what about it?) Lumapit siya sa cashier na lalaki. "I'm looking for Mr. Fuji's house. Did you know where I can find him?" matamis siyang ngumiti subalit napawi rin ang ngiti niya nang maglabas ng shotgun ang lalaki. Nahindik siya sa pagkagulat at takot lalo na nang itutok nito ang shotgun sa kan'ya. "Anatahadaredesu ka? Naze kare o sagashite iru nodesu ka?" (Who are you? Why are you looking for him?) malakas na singhal nito sa kan'ya. Para siyang aatakehin sa puso sa sobrang takot. Nanginginig ang buong katawan niya. May masama ba sa tanong niya? Bakit parang may ginawa siyang mali? "No. No. Don't get me wrong. I just need to talk to him that's all and besides I'm his wife..." Nangangatal na ang bibig at mga kamay niya. Ilan sandali pa siyang tinitigan ng lalaki, mayamaya ay may dalawang lalaki mukhang adik ang pumasok sa mini store at sinipat siya. Nag usap-usap ang mga ito sabay tingin sa kaniya hanggang sa hinila ng isang lalaki ang buhok niya at marahas na kinaladkad siya palabas ng mini store. "Ouch--! P-Please, let me go. I do nothing wrong, please. P-Please, don't hurt me," naluluha na siyang pagmamakaawa. Mukhang mapapahamak pa siya dahil sa ginawa niyang pagtakas. Tsk! Nagsisisi na tuloy siya ba't naisip pa niya hanapin si Mr. Fuji. "Kokode wa dare mo damasu koto wa dekimasen!" (You can't fool anyone here! ) bulyaw sa kan'ya ng lalaki na hindi pa rin binibitawan ang buhok niya. Napaigik siya sa sakit parang mahihila na ang anit niya dahil sa marahas na pagkaladkad ng lalaki sa kan'ya. Dinala siya ng lalaki sa isang eskinita, sa pinaka dulo ng eskinita ay dead end na. Maraming mga lalaking mukhang sanggano ang nakatambay doon. Kulang na lang maihi siya sa labis na takot. Pinagmasdan niya ang mga lalaki, nakakatakot ang mga ito, halos lahat ng mga lalaki ay may mga tattoo sa buong katawan pati sa mukha. Pahagis na tinulak siya ng lalaki at pasadlak na natumba siya sa gitna ng mga lalaking mukhang sanggano. Lumuhod siya at pinagsiklop ang dalawang kamay. "P-Please, spare me. I'm not bad person. Don't hurt me..." naiiyak na pakiusap niya sa mga ito ngunit wala yatang silbi dahil nagtawanan lang ang mga lalaki. "Mr. Fuji-san is not ordinary person that you can easily meet. Idiot!" sabay-sabay nagtawanan ang mga lalaki. Napahagulgol siya sa labis na takot hanggang sa may biglang bumuhat sa kan'ya. Natigilan siya sabay tingala sa taong bumuhat sa kan'ya. Ang isang braso nito ay nakahawak sa likod niya habang ang isa naman braso nito ay nakasuporta sa ilalim ng tuhod niya. Para siyang prinsesang binuhat ng walang kahirap-hirap ng lalaking guwapo kanina sa train. Napaawang ang mga labi niya habang nakatingala pa rin sa lalaki. Ngunit, mas nakaagaw pansin sa kan'ya ang mga lalaking sanggano ay tila nailag sa guwapong lalaki ay sabay-sabay yumuko ang mga ito. "Hindi sila naniniwala sa mga sinabi mo. Ba't mo kasi sinabi, asawa ka ni Mr. Fuji?" pabulong na tanong ng guwapong lalaki habang naglalakad na buhat siya palayo sa mga lalaki. "B-Bakit naman? Totoo naman ang sinabi ko?" Nakita niyang nangunot ang noo ng lalaki kahit diretso itong nakatingin sa nilalakaran. "Mr. Fuji is 86 years old. You think they will believe you?" Nanlaki ang mga mata niya sa nalaman. 86 years old na si Mr. Fuji? Hala, totoo nga ang hinala niya na uugod-ugod na matanda na ito. Napakagat labi siya, may point nga naman ang lalaki. Sino bang maniniwala sa sinabi niya? Samantalang, 16 years old lamang siya. Ilan saglit pa ay binababa na siya ng guwapong lalaki. "Bumalik ka na kung saan ka galing, delikado kung magtatagal ka pa rito at kung ipipilit mo pa rin asawa ka ni Mr. Fuji." Tila umay na utos nito. Ngumuso siya at nagpameywang sa harapan nito. "Asawa naman talaga ako ni Mr. Fuji Taka!" gigil na singhal niya sa lalaki. Parang natigilan naman ito at naumid ang dilang napatitig sa kaniya. "W-What did you say again?" "Sabi ko, asawa ako ni Mr. Fuji Taka." Naiinis na ulit niya. Sayang, guwapo sana kaso bungol. Nakita niyang napailing ito parang natawa sa sinabi niya. Umingos siya. Ano bang nakakatawa ro'n? "I see..." Mayamaya kinuha ng lalaki ang cellphone nito sa bulsa at may tinawagan. Hindi niya gaano naintindihan ang sinasabi nito hanggang sa lumingon ito sa kan'ya. "Kilala ko si Mr. Fuji Taka." Umasim ang mukha niya. "Hindi nga?" Tumango tango ito. "Sasamahan kita sa kan'ya pag nandito na siya uli sa Osaka. Ihahatid na lang kita kung saan ka nakatira." Ba't parang ayaw niya maniwala? "Paano mo na nakilala si Mr. Fuji Taka?" "Ahm, nagtrabaho ako sa kan'ya dati, kaya kilala ko siya." Hmm, kaya naman pala. "Ano bang pangalan mo?" tanong nito. "Ako?" "May kausap pa ba akong iba?" sarcastic na tanong nito at mukhang naiirita na sa kan'ya ang lalaki. "Yazmin. Ikaw?" Sympre curious din siya kung ano pangalan ng guwapong masungit na 'to "Okay, Yazmin. Ihahatid na kita saka ko na sasabihin sa'yo ang pangalan ko pag nagkita na kayo ni Mr. Fuji Taka." Napabuntong hininga siya sabay iling. "Nevermind. Kaya ko na sarili ko. Nakaalis ako ng mag isa kaya makakabalik din ako ng mag isa," matigas niyang sabi. Ayaw na niyang mang-abala ng ibang tao. Ilan sandali pa ay tumunog ang cellphone niya. Si Mon. "Miss Yazmin. Why did you leave? Where exactly are you? I will go there just stay where you at." Nag aalalang sabi ni Mon. "Okay." Matamlay na tugon niya sabay sinulyapan ang guwapong lalaki sa tabi niya. "May susundo na sa'kin. Salamat sa tulong mo." Tumango lang ito. "Samahan na lang kita mag antay sa sundo mo. Delikado sa tulad mo ang walang kasama lalo napaka bata mo pa, baka ma-pano ka na naman." Humalukipkip na lamang siya at wala ng sinabi. Wala man lang siya napala sa pagtakas niya. Mukhang malabo na yata makita niya si Mr. Fuji Taka.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD