5

1093 Words
YAZMIN POV ISANG malakas na dighay ang pinakawalan niya matapos kumain ng malaking bowl ng ramen. Grabe, busog-lusog ang isang bowl ng ramen dito. "Happy?" Nabaling ang pansin niya sa kasamang lalaki. Ahh, kasama nga pala niya 'tong guwapong lalaki. Tumango siya sabay ngumiti. Syempre, masaya at masarap pag libre ang pagkain. Marahan pa niyang hinimas ang tiyan. "Dōmo arigatō," (Thank you so much) nakangiting sabi niya. Nakita niya itong tinignan ang suot na relo. Hmm, mag iisang oras na rin kasi niyang inaantay si Mon. Habang nag aantay kasi nakaramdam siya ng gutom, kumalam ang sikmura niya. Mabuti na lang, nilibre siya ng ramen ni... "Ano nga ba kasi pangalan mo? Ayoko naman tawagin kang hoy, abnoy, pogi, o hapon?" nakataas ang gilid ng labi niya at ginalaw ang mga kilay. Bumuntong hininga ito. "My english name is Lee." Nalukot ang mukha niya. "Lee? Paano naging english 'yon Lee?" "Basta." Tila tinatamad na wika nito. Napailing na lang siya. Ang gara naman nito. Hmp! Nagkibit balikat na lamang siya. "Ang sabi mo kanina, asawa ka ni Mr. Fuji, 'di ka ba nagtaka kung bakit ka niya inasawa kahit napakabata mo pa?" Ngumuso siya. Sa sobrang daldal niya kasi naikuwento na niya yata sa lalaki ang talambuhay niya pati na rin kung paano siya naging asawa ni Mr. Fuji at napunta rito sa Japan. "Nagtaka syempre. Ano ba itsura ni Mr. Fuji? Masungit ba siya? Uugod-ugod na ba?" Sunod-sunod na tanong niya sa kasama. Nalukot ang noo nito. "Uugod-ugod?" "Oo, 'yon bang nakatungkod na maglakad. Gano'n na ba siya?" Tila nauumay na napabuntong hininga ito sabay iling. "You'll see pag nakita mo na siya." Ilan sandali pa ay humahangos na lumapit si Mon sa kaniya. "M-Miss Yazmin..." Matamis siyang ngumiti at nag peace sign. "Gomen'nasai. Sorry." (I'm sorry) "Let's go, Miss Yazmin. We need to go home if Master Taka find out that you--" Bigla na lang ito napahinto sa pagsasalita habang nakatunghay sa likuran niya. Napalingon siya. Pumalatak siya. " Oh, yeah. Don't think of anything, okay? He's Lee...he save me from those bad guys and he just accompanied me that's all." Mabilis na paliwanag niya kay Mon, mahirap na baka isipin nito kaya siya lumabas at umalis ng Okinawa ay para makipagkita sa lalaki. "I need to go. Next time, don't go out alone, especially if you don't know where you're going." Masungit na wika ni Lee at nilagpasan na sila ni Mon. Hindi na nga nito inantay makasagot siya. Napansin niyang hindi pa rin makaimik si Mon habang nakatunghay kay Lee na naglalakad palayo. Kinalabit niya ito upang kunin ang atensiyon nito. "What's wrong?" tanong niya kay Mon. Isang mahabang buntong hininga ang sinagot nito sa kaniya at umiling. "N-Nothing, Miss Yazmin. Let's go home." Tumango na lamang siya at sumakay na sila ng kotse. Pagkarating nila sa Okinawa makalipas ang ilan oras. Sinalubong siya agad ng mga katulong lalo na si Loisa na bakas ang pag aalala at takot sa mukha. "Miss! Miss Yazmin, thank God you are alright," bulalas ni Loisa pagkakita sa kaniya. Napangiwi siya. Buti na lang talaga okay siya, kung hindi dahil kay Lee baka nasa kahon na siya. "You-- Loisa and the other are fired." Seryosong turan ni Mon sa mga katulong na labis din niya kinabigla. "W-Why, Mon? They didn't do anything wrong to me?" Nagtatakang sabi niya. "That's the point. They didn't do their job well. You got out without them knowing." "What? that's all? you fired them because of that?" sikmat niya. Nakaramdam siya ng pagkaawa kina Loisa at sa ibang katulong na ngayon ay lumuluha at nakikiusap na huwag alisin sa trabaho. "It's not me. Mr.Taka fired them." Sagot ni Mon sabay pinakita sa kaniya ang text message ni Mr. Taka rito na naka-capslock pa. "He knew what happened even if I didn't report anything yet." FIRED ALL THE MAIDS NOW. Nalungkot siya at laglag ang balikat. Wala siya nagawa ng magbigay na ng sobra si Mon sa mga katulong bilang final pay ng mga ito. Napatakbo siya sa kuwarto niya at padapang bumagsak sa kama. Dahil sa kaniya nawalan ng mga trabaho ito. Hindi niya akalain na magagawa ni Mr. Taka ang gano'n desisyon. Napaiyak siya. Paano nito nalaman? Naramdaman niya na galit si Mr. Taka sa ginawa niyang pag alis ng walang paalam. Ilan minuto pa siya nanatiling nakahiga ng tumunong ang gamit niya cellphone. "Little wife, the next time you do that again, leaving the house without my permission. It will lead you back where you from." Napaiyak siya nang malakas. Kumpirmadong nagalit nga si Mr. Taka. Natatakot siya baka ibalik siya nito kay Tiya Lusing niya. Nagpadala siya ng mensahe para kay Mr. Taka. I'm sorry for what i did I promise it won't happen again. Naghintay siya ng sagot mula kay Mr. Taka subalit wala siya natanggap na kahit anong reply. Napabuga siya ng hangin. Dahil sa katigasan ng ulo niya, nadamay pati ang ibang tao. Nalulungkot siya dahil nawalan ng trabaho sina Loisa. Marahil hindi niya namalayan ang oras, nakarinig siya ng katok sa pinto ng kuwarto niya. Nang pagbuksan niya iyon, si Mon na may dalang tray ng pagkain. "Eat your dinner, Miss Yazmin." Kinuha niya ang tray at muli sinarado ang pinto. Nang matapos siya kumain, naisipan niya bumaba upang magtungo sa kusina ng magulat siya dahilan para mapatili siya nang malakas. May mga lalaking naka-fundoshi, isa iyon traditional dress para sa mga lalaki sa Japan. "Yes, Miss Yazmin?" tanong ni Mon nang makalapit sa kaniya sa kusina. Tinuro niya ang dalawang lalaki nakatayo sa back door malapit sa kusina. Napatango naman si Mon, tila naunawaan nito ang nais niya sabihin. "Oh, it's just the security, Miss Yazmin. Mr. Taka sent security personel to guard the house, don't be worry." Ha? Mga guard? Nang sumilip siya sa entrance ng bahay ay mayroon din mga lalaki, gano'n din sa may garden area. Napasimangot siya. Para sa kaniya ba ang mga guards? Iniisip marahil ni Mr. Taka na aalis siya uli ng bahay ng walang paalam. Huminga siya nang malalim. Bakit parang 'di siya natutuwa? Pakiramdam niya kinukulong siya nito? Mabibigat ang mga paa bumalik siya sa kuwarto niya. Ang hirap naman ng sitwasyon niya. Nabibili nga niya lahat ng gusto niya subalit hindi siya puwede lumabas ng bahay ng mag isa? Kailangan nakabuntot sa kaniya si Mon? Kailangan alam ni Mr. Taka lahat ng ginagawa niya? Napaisip siya. Hindi siya papayag na tratuhin siya ng parang preso. Naningkit ang mga mata niya at isang pilyang ngisi ang lumabas sa mga labi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD