3

1163 Words
YAZMIN POV OKINAWA, JAPAN PINAGMASDAN niya ang sobrang laking bahay. I mean, hindi siya ordinaryong bahay. Isang mansion. Nasa isang mansion siya. Nakaawang ang mga labi niya sabay bahing nang malakas. "You might get cold, wear your coat properly, Miss Yaz." Napatingin siya kay Mon. Napaka-malumanay talaga nito magsalita. Napalingon siya sa paligid. Napakaganda ng mansion na iyon, wala siyang masabi sa ganda. Mayamaya napabahing na naman siya sabay singhot. Mukhang naninibago siya sa klima. Sa loob lamang ng halos isang araw, nakakuha agad si Mon ng passport niya at nakaalis ng Pilipinas ng gano'n kadali. Wow! Sobrang yaman talaga ni Mr. Fuji para magawa ang bagay na 'yon. Iginiya siya papasok ni Mon. Sinalubong naman siya ng limang housemaid. Yumuko ang mga ito pagkakita sa kaniya. "Welcome home, Miss Yazmin." Sabay sabay na pagbati ng mga ito. Hindi niya maiwasan mapangiti, kaya yumuko rin siya at nagkaway sa mga ito. "Hello sainyo! Ay, mali. Hello, kon'nichiwa!" inulit niya uli ang pagbati nang magkamali siya. "Assist her." Utos ni Mon at saka lumingon sa kaniya. "You can go to your room, Miss Yazmin and rest. Feel free to ask maid if you need anything." Nang akma aalis si Mon ay tinawag niya ito kaya humarap uli ito sa kaniya. "Ahm, Mr. Fuji is here? Can I talk to him?" tanong niya. Syempre, gusto niya makilala agad 'yon taong nagbayad para pakasalan siya. Wala na siya pakialam kung gurang ito o panget, ang mahalaga makita niya ito. "I apologized, Miss Yazmin. Master Taka is not here and as of now, he is out of the country. You may call him over the phone if you like to talk to him." Napatango siya sa paliwanag ni Mon. So, siya lang pala ang nandito sa mansion. Wala si Mr. Fuji Taka. 'Di bale, marami pa naman araw para magkita sila. "I want to talk to him in personal, when he will be back?" "Master Taka stays in Osaka not here in Okinawa. I'm afraid, you may not be able to talk to him in person." "Why?" nakasimangot na tanong niya. Ano kaya 'yon? Osaka? Okinawa? Magkaibang lugar, 'di kaya kabit siya? At nasa Osaka ang legal family nito? kaya siya nandito para patago? Natampal niya ang noo. Ano ba 'to naiisip niya? Kakabasa niya siguro 'to ng pocketbook. Tsk! "He is busy dealing with his business and only Master Taka will decide when you can talk to him in person. Tomorrow, his lawyer will go here and meet you. I'll go ahead, Miss Yazmin." Yumuko na ito at umalis na. Naiwan siyang nakabusangot at tulala sa may pinto. "Akala ko ba papakasalan ako? Tapos ayaw akong ma-meet at makausap man lang? E 'di wow." Nakangusong sabi niya sa sarili. "Miss Yazmin..." Napabaling ang tingin niya sa isang maid. "Ako po si Loisa, ang head maid po rito sa mansion." Natuptop niya ang bibig at pinalaki ang mga mata. "Ohh, Pinay ka?" Bahagyang ngumiti ito. "Yes, Miss. Kaming lima po ay Pinay. Kami po ang makakasama mo rito, kung may nais kang kainin o ulamin ay sabihin mo lang po samin. Kung may allergy ka naman po, sabihin mo rin po nang sa gayon malaman po namin." Kumurap-kurap siya. Nakakatuwa naman mga Pinay ang makakasama niya. Pumalatak siya sabay tawa. "Hoy, grabe kayo! Ang pormal niyo naman masyado. Mabuti na lang at mga kababayan ko kayo. Diyos ko, dudugo na ilong ko kaka-ingles e." Lumapit siya kay Loisa saka inilapit ang mukha rito. "Nakita niyo na ba ang itsura ni Mr. Fuji Taka? Ano itsura niya? Mabait?" Lumayo nang kaunti si Loisa sa kaniya at umiling. "Pasensya na, Miss Yazmin. Kailangan po kasi namin maging pormal sa pakikipag usap sa'yo. At, pasensya na rin po hindi pa po namin nakikita si Mr. Fuji Taka. Lahat po kami rito ay bagong hire po." Ngumuso siya uli. Laglag ang balikat niya. Tumingin siya sa apat pang maid, maging ang mga ito ay bahagyang nakayuko ang mga ulo. Huminga siya nang malalim. Alam niya ang feeling na kailangan sumunod sa utos dahil kung hindi, wala kang kakainin o sasahurin, masaklap pa, matatanggal ka sa trabaho. "Okay lang, hindi naman ako maarte sa pagkain, wala akong allergy pero hindi pa ako sanay kumain ng lutong hapon kahit ano lang lutuin niyo basta masarap." Nakangiting sabi niya. Gusto niya good vibes lang kaya gano'n ang sinabi niya. Nakakatuwa naman sa pakiramdam maging parang isang amo 'yon tipong susundin nila lahat ng iutos at sabihin mo tapos magalang kang tatawagin palagi. "Tara na po sa silid niyo po." Aya ni Loisa sa kaniya saka iginiya siya patungo sa magiging kuwarto niya. Nang makarating sa kuwarto niya ay kaagad naman siya iniwan ni Loisa. Luminga linga siya. Napakaganda ng kuwarto niya. Napaka elegante tignan pati ang mga muwebles ay halatang mamahalin. Napatingala siya at natuptop ang bibig sa gulat. "Hala! May chandelier sa kuwarto ko! Ang bongga!" tuwang tuwa bigkas niya. Maging ang banyo sa loob ng kuwarto niya ay sobrang ganda, parang five star hotel na nakikita niya sa internét. "Wow!" bulalas niya at parang batang binuksan ang shower. For the first time sa buhay niya, makakaligo na siya sa shower. Tuwang tuwang naglaro siya sa tapat ng shower. Wala siyang pakialam kung mabasa ang suot niya basta masayang masaya siya. MATAPOS maligo ay tinawag na siya ng isang maid. Natameme siya nang makita ang isang mahabang dining table na mayroon napakaraming iba't ibang putahe. May Japanese curry, tonkatsu, grilled rice balls, miso soup, sushi at mayroon pang japanese cheesecake. Napaawang ang bibig niya, pakiwari'y tutulo ang laway niya sa pagkatakam sa mga pagkain. Tumingin siya sa mga maids na nakatayo sa paligid niya. Ngumiti siya sa mga ito. "Tara, kain tayo." Pang aaya niya sa mga ito. Sabay-sabay na umiling ang mga ito. "Miss Yazmin, hindi po kami p'wede sumabay sainyo kumain. Mapapagalitan po kami, pasensya na po." Paliwanag ni Loisa. "Bakit naman? Hindi ko naman maubos ang lahat ng 'to." Nalungkot tuloy siya. Ang boring pag siya lang mag isa ang kumakain. "Pasensya na po talaga, Miss Yazmin." Huminga siya nang malalim. Wala na siyang nagawa kun'di ang kumain mag isa hanggang sa matapos siya at bumalik uli sa kuwarto niya. Kinabukasan, bumalik si Mon na may kasamang lawyer. May pinaliwanag ang lawyer sa kaniya tungkol sa kasal nila ni Mr. Fuji Taka, hanggang sa mayroon siyang pinirmahan. Dahil wala naman siyang ideya sa nangyayari at pinagsasabi ng lawyer ay panay tango lang siya hanggang sa umalis na ang lawyer. "This is your temporary marriage certificate, and your black card." Inabot ni Mon sa kaniya. "How can I use this card?" "Buy everything you want. Sky is the limit." Ani ni Mon. Napatitig siya sa black card. Sky is the limit? Ibig sabihin, kahit ano p'wede niyang bilhin? Totoo ba? "As in everything? like car, house or jewelry?" curious na tanong niya. Tumango ito. "Yes, Miss Yazmin. Everything. And you are now Mrs. Fuji Taka." Uh-oh! Mrs. Fuji Taka na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD