1
TAKA POV
OSAKA, JAPAN
TAHIMIK siyang nakaupo sa black zabuton habang nag aantay nang sasabihin ng kaniyang Ama. Mag iisang oras na kasi itong nililinisan ang katana nito.
Ama niya si Fuji Asihiro, isang kilalang lider ng Yakuza dito sa Osaka. Ang pamilya nila ang pang limang malaking crime syndicate group o yakuza sa bansa na mayroon three thousands members.
Labing dalawa silang magkakapatid at siya ang pangalawa. Lahat ng iutos ng kanilang Ama ay kailangan nilang gawin o sundin, ang mangahas na kumontra ay magkakaroon nang mabigat na kaparusahan.
Marahan inilapag ng Ama niya ang katana nito sa gilid nito, tanda 'yon na tapos na ito sa ginagawa. Umayos siya ng upo.
Kinuha nito ang isang kahon sa tabi nito at marahan inabot sa kaniya. Kaagad niyang kinuha iyon, kahit nagtataka 'di niya magawang magtanong sa Ama kung ano ba ang laman niyon.
"Open."
Binuksan niya ang kahon. Wala naman importante bagay ang laman no'n kun'di papel at...kumunot ang noo niya, sabay kinuha ang tila tuyot na pusod?
Napatingin siya sa Ama niya.
"Sensei, What is this?"
Sensei ang tawag nila sa Ama nila, maliit pa lang siya sinanay na sila na gano'n ang itawag nila bilang respeto dahil ito ang lider.
"This is your time to finally get married."
Okay. Naunawaan naman niya na kailangan talagang magpakasal, tulad nang ginawa ng kanilang panganay na si Fuji Saiko. Ipinakasal ito ng kanila Ama sa isang anak na babae ng gobernador.
Parang arrange marriage ang kinalabasan kaya alam niyang hindi masaya ang kapatid.
"That's the umbilical cord stump," wika ng Ama niya sabay turo sa hawak niyang tuyot na pusod.
Well, alam niyang pusod iyon ng baby. Ang gusto niya marinig ay para saan iyon? Nalilito siya.
"It's your soon to be wife umbilical cord stump. There's a copy of her birthcertificate inside, find her and marry her as soon as possible."
Nalukot ang mukha niya sabay tinignan ang birthcertificate. Hindi nga? Ikakasal na nga lang may challenge pa na ganito?
Pambihira! Tsk!
Mas lalo siya nagulat ng makita ang edad ng babaeng papakasalan niya.
"S-Sensei, she's only 16 years old?" Gulat na tanong niya.
Tumango ang Ama niya.
"I got your Mother when she's 15."
Gusto niyang mapailing subalit hindi niya ginawa. Tumango siya at yumuko bilang pag sang-ayon.
"Yes, sensei. I will find her."
Sumenyas na ang Ama niya, na kailangan na niya lumabas. Pagkalabas niya sa silid ng Ama, muli niyang tinignan ang kahon na dala.
Tsk! Child abuse 'yon! Argh!
Mabilis siyang naglakad pabalik sa kuwarto niya, sakto naman lumapit si Chiyo-san sa kaniya, ang younger sister niya.
"My resources told me, your friend is here."
Friend? Sino kaya?
"Who?"
"Donovan. Blue hair."
Napa 'Ah' siya at nginitian ang kapatid.
"Thank you, Chiyo-san."
May naisip siya, tutal nandito rin naman si Twix. Ipapahanap na lang niya rito ang soon to be wife niya. Kilala niya si Twix Donovan na mahusay maghanap at mangalap ng mga impormasyon. Tiyak matutulungan siya nito.
Kaagad niya tinawagan ang kaibigan upang papuntahin sa kanilang bahay.
Habang nag aantay sa kaibigan, pasadlak siya nahiga sa sahig ng kuwarto niya.
Anong mangyayari sa kaniya at sa 16 years old na aasawahin niya? God!
Never siyang pumatol sa minor!
Bakit kaya? Napaupo siya at napaisip. Anong mayroon sa 16 years old na iyon?
Ahh f*ck! Bahala na nga!
Mayamaya pa ay tinawag na siya ng tauhan nila na dumating na ang kaibigan niya kaya sinalubong na niya ito.
Pagkakita kay Twix, gusto niya matawa sa itsura nito halatang kakagising lang ngunit nagpigil siya.
"You look lousy." Lait niya rito. Nakita niyang umingos ito.
"And..so are you," ganti nito saka ngumisi ng nakakaloko at taas ng gitnang daliri.
Napailing na lamang siya. Nang makapasok hindi na niya pinahaba pa ang usapan, sinabihan niya si Twix na hanapin ang babaeng magiging asawa niya.
"Yazmin Cornelio."
Right. That's the name of his soon to be wife.
"Child abuse 'to?" nakangiwing sabi ni Twix.
Alam naman niya 'yon, pero ano bang choice niya? Wala? ni wala rin siya ideya sa itsura ng dalagita na 'yan. My Goodness! He's 29 years old at ikakasal siya sa isang teenager na 16 years old?
13 years ang age gap nila?
Ah bahala na.
"Just find her." Seryosong sabi niya kay Twix.
Matapos kunin nito ang nag iisang impormasyon sa Yazmin Cornelio na 'yon ay agad din nagpaalam si Twix.
Napabuntong hininga siya. Ang plano niya ay pakasalan lang ang dalagita na iyon, siguro after two o three years saka niya aayosin ang divorce, ang mahalaga lang ay matupad niya ang inuutos ng Ama niya.
Tahimik pa rin siyang nakaupo at nag iisip nang lumapit ang assistant niya na si Rio.
"Yes, Master."
Napalingon siya sa bagong dating. Rio Jones is his business assistant, an english man and he's also a master of martial arts.
Humikab siya. "I'm bored, Rio."
"Your father cancel all of your meetings. You only have a month to get marry the woman he chose."
Pumalatak siya. Woman my ass! May gatas pa sa labi ang babaeng papakasalan niya.
Wait...
"Did you just said a month?"
"Yes, Master Taka." Magalang na tumango ito.
Heck no! Gano'n kabilis?
Natuptop niya ng palad ang noo kasabay ang pagtayo. Kailangan niya mahanap ang dalagita sa lalong madaling panahon.
Ilan sandali pa ay may tumatawag sa cellphone niya. Napansin niyang umalis na rin sa tabi niya si Rio.
Its unknown caller.
"Yes?"
"Its me. Sacha."
Bahagya siya nagulat dahil sa pagtawag nito. Anong mayroon ba't tumawag 'to?
"So?"
Narinig niya ang mahinang pagmumura nito sa kabilang linya.
"Don't give me that kind of tone, okay? I need a favor."
"Wala na bang mas lalambing pa diyan sa boses mo? gusto ko 'yon titígasan naman ako." Sarcastic na sagot niya sa kausap.
Napangisi siya.
"Come over here, nandito ako sa Pilipinas. I want you to spy on someone. Can you that for me?"
Umikot ang mga mata niya. Gusto niya tumanggi subalit hindi niya kayang tanggihan ang dalaga.
"Whatever." Walang buhay na sagot niya.
"Thank you. Bye."
Iyon lang at natapos na rin ang tawag, mas okay na rin magtungo muna siya sa Pilipinas, umay na siya sa fresh air sa polluted air naman ang trip niya.
Good luck na lang talaga sa kaniya. Tsk!