2

1313 Words
YAZMIN POV KANINA pa siya panay tingin sa Tiya Lusing niya, kasalukuyan nakasakay sila sa jeep na hindi niya alam kung saan ba talaga sila pupunta. Nagsabi lang ito sa kaniya na kailangan niyang mag ayos ng sarili at may pupuntahan daw sila. Nakapusod ang mahabang buhok niya, nakasuot siya ng lumang itim na palda niya, sunflower na design na tshirt na nagmistulang crop top dahil maliit na sa kan'ya at tinernuhan na simpleng sandals. Nang makababa na sila, nilibot niya ang paningin sa paligid. Halos lumuwa ang mga mata niya sa mga nagtataasan gusali. "T-Tiya, nasaan po tayo?" Maasim ang mukhang tumingin ito sa kan'ya. "Makati. Ipapasok kita katulong, mayaman ang magiging amo mo kaya magpakabait ka. Ayusin mo ang trabaho mo at 'wag kang aanga-anga. Nagkakaintindihan ba tayo?" masungit nitong sabi na mabilis naman siya tumango. Wala naman siyang magagawa kun'di ang sumunod. Buhat kasi nang mamatay ang Tatay niya noon sampo taong gulang siya dahil sa atake sa puso, ang Tiya Lusing niya na ang tumayong magulang niya. Nanirahan siya sa bahay ng Tiya niya kasama ang dalawang pinsan niyang babae na si Sonia at Tess. Mula noon, pinagta-trabaho siya ni Tiya mula umaga hanggang gabi. Nagtitinda siya sa palengke ng daing at tinapa, pagdating ng hapon kailangan niyang maglaba ng mga school uniform ng mga pinsan niya, maghugas, maglinis at magluto ng hapunan. Sa edad niyang 16 years old, hindi pa siya nakatapos ng highschool. Pinahinto na siya ni Tiya Lusing sa pag aaral kaya hanggang grade 8 lang ang natapos niya. Pumasok sila sa isang gusali at sumakay ng elevator. Pinindot ni Tiya ang number 8. Hindi naman siya kinakabahan, mas pabor pa nga sa kaniya na maging katulong sa ibang tao kaysa sa maging katulong ng Tiya at mga pinsan niya sa bahay. Madalas kasi pinapahirapan pa siya ng mga pinsan niya sa paglalaba at paglilinis. Sandamakmak ang ipapagawa sa kaniya, wala man lang siya day off kahit isang beses sa isang buwan kaya mas nanaisin pa niya magtrabaho sa iba. Nang makaayat sa 8th floor, may kinatok na pinto ang Tiya Lusing niya at pinagbuksan sila. Isang may edad na lalaki, hindi niya alam kung chinese, korean o japanese ang matanda. "G-Good afternoon, Sir. Ahm, this my pamangkin, I mean, niece. She is Yazmin." Nauutal na ingles ng Tiya niya. Sumenyas ang matanda sa mahabang upuan, tila nais nito maupo sila. Kaagad naman nila naintindihan kaya naupo sila ni Tiya. "S-She do cooks. Very, very delicious and wash clothes and cleaning house." Hirap sa ingles ang Tiya niya, habang nagpapaliwanag sa matanda. Tumang tango naman ito at mayamaya ay may kinuha ito sa maliit nito itim na bag. Isang cheke na inabot sa Tiya niya. Nanlaki ang mga mata nila pagkakita sa halaga ng pera nakasulat sa cheke. "Ten million pesos?!" gulat na gulat na sabi ni Tiya. "My Master needs a woman to marry not maid. That's the p*****t, here's the contract--" Teka, nawindang siya. Marry? Ikakasal siya kanino? Nagtatakang napatingin siya kay Tiya niya. "T-Tiya, akala ko po ba magtrabaho akong katulong?" kabadong tanong niya. Sino bang hindi kakabahan? parang binibili siya sa halagang sampo milyon piso. Napakamot sa buhok ang Tiya Lusing niya at 'di malaman ang sasabihin habang hawak ang cheke. "E, nagulat nga rin ako, Yazmin. Malay ko ba, iba pala ang gusto nito matandang 'to." Pabulong nito sabi. Hinawakan niya sa braso ang Tiya niya. "Tara na po, umuwi na lang po tayo, Tiya." Nanginginig na ang mga boses niya dahil sa lakas ng kabog ng dibdib niya. "Y-Yazmin, kailangan ko ng pera para sa tuition ng mga pinsan mo e, mukha naman mabait sila, malay mo naman matandang mabilis mamatay ang pakakasalan mo 'di ba?" Pangugumbinsi nito sa kaniya pero todo iling siya. Ayaw niya. Natatakot siya. "Ayoko po Tiya, 'wag mo po ako ibigay, please po." Naiiyak na siya habang nakikiusap na huwag siya ibigay at huwag tanggapin ang pera. Subalit umiling ito at inalis ang kamay niya na nakahawak sa braso nito. Tumayo ito at saka lumapit sa matanda. "Sir, this money is really big. I will give my niece, she is good girl. No worry." Halos malaglag ang balikat niya sa narinig lalo pa nang pirmahan ni Tiya ang kontrata ng hindi man lang nag abalang basahin. Tumingin ito sa kaniya. "Aalis na ako. Dito ka na, Yaz--" Kumapit siya sa beywang nito at humahagulgol. "Tiya, 'wag mo ko iwan dito. Sasama po ako sainyo. Magta-trabaho po ako araw-araw, please po. Please, Tiya." Punong puno nang pagsamo sabi niya. Naging bato na ang puso ni Tiya, marahas nito inalis ang pagkakayapos niya sa beywang nito at hinawakan ang dalawang balikat niya. "Mag isip ka, Yaz. Ma-swerte ka nga dahil mayaman ang aasawahin mo kahit matanda pa 'yan, tiisin mo. Kailangan ko ang pera, para 'to sa mga pinsan mo. Tama na 'yon ilang taon na pagpapalamon ko sa'yo. Oras naman para suklian mo ang pagpapalaki ko sa'yo." Pasinghot singhot siya, tumutulo ang mga luha habang nakikinig kay Tiya. "Kaya umayos ka, Yaz. Ano man ang gawin sa'yo, 'wag na 'wag kang magrereklamo. Okay? baka mamaya bawiin itong pera. Gets mo ba?" Hindi siya makatango. Panay pa rin ang hikbi niya hanggang sa umalis na ng tuluyan ang Tiya Lusing niya. Napasadlak siya sa sahig at muling humagulgol ng iyak. Para siyang batang iniwan sa kung saan at never nang babalikan. Hindi na niya napansin kung ilan minuto siya nakasalampak sa sahig. Nahinto lang siya nang may kulay gold na tray ang inilapag sa harap niya. "Stop crying. Eat first." Malumanay na wika ng may edad na lalaki. Ngayon lang niya napansin na tila hirap din ito mag ingles. Napatitig siya sa tray. Mayroon coke in can, dalawang slice ng pizza at isang box ng fried chicken. Marahil sa kakaiyak niya, napagod siya kaya nakaramdam siya agad ng gutom. Mabilis na nilantakan niya ang pagkain. Hindi niya alintana kahit nakamasid lang ang matanda sa kaniya. Ito ba ang papakasalan niya? Narinig niya ang salitang Master, baka ang boss nito ang tinutukoy nito. Mayamaya ay nanlaki ang mga mata niya sabay krus ng mga braso sa dibdib. Naisip niya, paano siya papakasalan kung 16 years old pa lang siya? Hala! baka matandang manyakis ang master nito. Kadalasan kasi mga matatanda ang mahihilig sa mga bata. Tsk! Hindi niya gawin lang siya parausan? abusuhin? o kaya naman, gagawin talaga siya kabit at hindi papakasalan? Samu't saring ideya ang pumapasok sa utak niya. Paano nga kung gano'n? "My Master is very good man. He will help you to have a better future." Tila nahulaan naman nito ang tumatakbo sa isipan niya. Hindi niya tuloy alam kung maaawa sa sarili o ano. Gaganda nga siguro ang kinabukasan niya pero hindi naman siya magiging masaya. Napabuntong hininga siya. "I'm Mon. Pleasure to meet you, Miss Yazmin." Napatunghay siya. Miss Yazmin? Ewan ba niya ba't parang natuwa siya sa paraan ng pagtawag nito sa kaniya. May respeto at pag galang ang dating, pakiwari'y importanteng tao siya na kailangan paglingkuran. "N-Nice to meet you too." Mahinang wika niya. "After two hours we will traveling to your new home." New home? Tumango tango lang siya. "How old are you, Mon?" kapagkuwa'y tanong niya. Curious siya sa edad ng Master nito. "I'm sixty years old, Miss Yazmin." Napangiwi siya saka muling tumango. Mukhang na-i-imagine na niya ang itsura ng Master nito. Baka mas matanda pa kaysa rito. Uugod-ugod na. Napabuga siya ng hininga. Bahala na nga. Nandito na rin naman na siya, wala na siya choice kun'di tanggapin ang kapalaran niya. Nagpaalam si Mon sa kaniya na lalabas, itinuro nito ang isa pang kuwarto kung saan mayroon malambot na kama. "Rest first, Miss. Call me if you need anything." Walang kibong pumasok siya sa kuwarto at sinarado agad ang pinto. Humiga siya sa kama at pumikit. Sana pag gising niya, panaginip lang ang lahat ng ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD