YAZMIN POV
ISANG malakas na sampal ang pinadapo niya sa mukha ni Lee.
How dare this guy!!
"How dare you! Who are you para sabihin asawa mo ako? Pinahiya mo ako! And...how dare you...you touched my bútt!" Galit na galit at namumula ang buong mukha niya.
Sinampal niya ang lalaki nang makasakay na sila ng sasakyan. Hindi na niya kayang kontrolin ang inis at galit niya. Napahiya siya sa party!
Pero imbes mag-sorry si Lee, matalim itong nakatitig sa kaniya. Biglang naumid ang dila niya dahil sa nakakatakot nitong tingin. Napalunok siya ng laway at marahan kinapa ang pinto ng kotse.
"Hit me again, young lady and you will see what will happen to you next," mahina ngunit may diin ang pagkakasabi ni Lee na tila nananakot.
Umasim ang mukha niya. At ito pa ang may ganang manakot? Siya ang amo pero siya ang tinatakot? Wow!
"Oh talaga? So, ikaw pa may lakas ng loob mag matapang. You know what, hindi mo ko masisindak ng angas mo. Hindi ikaw ang asawa ko kaya 'wag kang assumero!" Bulyaw niya kay Lee.
Isang malakas na mura ang kumawala sa bibig niya ng biglang i-preno nito ang sasakyan at ihinto sa gilid ng kalsada ang kotse.
"Get out!" Doble ang lakas ng bulyaw nito na nagtatagis pa ang mga ngipin.
Nanlaki ang mga mata niya. What? Get out? Siya lalabas ng sasakyan in the middle of road?
"Are you insane? Why? This is my car!" Gulat na sigaw niya rito.
"I don't give a fúck. Out!"
Matalim ang pagkakatitig nito sa kaniya. Sa sobrang talim pakiramdam niya masusugatan siya. Hindi siya kumilos sa kinauupuan niya. Ano siya tanga para bumaba ng kotse? Hell no!
Mayamaya bumaba ng kotse si Lee, umikot patungo sa gawi ng pinto ng kotse sa gilid niya. Pagkabukas ng pinto ay hinatak siya ni Lee, palabas ng kotse. Napaawang siya sa ginawa nito.
Nakatunghay na lang siya ng bumalik uli sa kotse si Lee, hinagis lang nito sa kaniya ang sling bag niya at walang habas na pinaandar ang kotse at iniwan siyang tulala sa daan.
Seriously? What just happened? Sino ba ito sa akala nito?
Mabilis niya kinuha ang cellphone sa bag at tinawagan si Mon. Nagpapasundo siya. Nang sumagot naman ito saka siya nakahinga nang maluwag. Piste ang kumag na 'yon! Humanda talaga 'yon sa kaniya.
Wala pang 30 minutes dumating agad si Mon upang sunduin siya. Kahit tanong ito ng tanong kung ano nangyari, hindi siya kumikibo pero naiinis pa rin siya.
Pagdating sa bahay, sakto naabutan niya sa garahe ang kotse niya. Naningkit ang mga mata niya at malalaki ang hakbang na pumasok sa loob.
Hinanap niya agad si Lee subalit hindi niya ito makita sa salas at kusina, wala rin ito sa likuran bahagi ng bahay. Umakyat na lang siya muna sa kwarto niya. Pagkabukas ng kwarto niya, napatili siya sa gulat ng makitang prenteng nakahiga si Lee sa kama niya.
Aba't ang damuho na 'to! Sumosobra na!
"Who gave you the permission na pumasok sa kwarto ko?!" Gigil na singhal niya sa mayabang na lalaki.
Isang nakakalokong ngisi ang lumabas sa labi nito.
"Me?"
Tumaas ang kilay niya at nagpameywang sa harap nito.
"The nerve!"
Bumalikwas ito nang upo at hinimas ang baba na tila may iniisip.
"Wait, are you always cheating on me?" nag iisip na tanong nito.
Hindi lang mukha niya ang nalukot pati yata bituka niya dahil sa sinabi nito.
"Cheating? on you? Duh?! Why would I? Who are you anyway?! You keep saying you are my husband kahit hindi naman ikaw!"
Tumayo si Lee sa dahan-dahan lumapit sa kaniya habang matalim ang mga matang nakatitig sa kaniya.
Napaatras siya ng konti.
"Are you sure?" Umingos ito. "Paano mo nasabi na hindi ako ang asawa mo?"
"Obvious ba? Fuji Taka ang pangalan ng asawa ko, hindi Lee. Excuse you!" Singhal siya sabay atras uli dahil palapit pa rin ito ng palapit sa kaniya.
Pagak ito natawa at napailing. May kinuha ito sa bulsa, isang itim na wallet. Inabot nito ang wallet sa kaniya.
"Check my wallet if you like." Nakangising utos nito.
Umiling siya.
"Ayoko nga."
Tumawa ito nang nakakaloko. Hinagis nito ang wallet sa kama.
"Go, check it for yourself."
Akma na sana tatalikod ito at lalabas nang bumaling uli ito sa kaniya at sumeryoso ang mukha.
"One thing, Yazmin. Never cheat on me."
Seryosong seryoso ang e nito.
Hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya, hindi rin siya nag salita hanggang sa tuluyan ito makalabas ng kwarto niya. Nang makalabas na ito, mabilis niyang ni-locked ang pinto at tumakbo patungo sa kama upang i-check ang wallet.
Driver license, calling cards, at mga credit cards ang laman ng wallet at lahat puro FUJI LEE TAKA ang nakapangalan.
Fuji Taka? Lee? Oh My God!
Natuptop niya ang bibig ng ma-realized ang totoo at ang mga nangyari. Oh God! Siya nga si Fuji Taka?
"Pero...akala ko gurang na siya."
Nasubsob niya ang sariling mukha sa malambot na unan at malakas na hinampas ang kama. Hinampas niya ng hinampas ang kama pati ang mga unan sa inis at hiya.
Arghh! Ang tanga tanga ko! God, kunin mo na ako!
Isang impit na sigaw ang ginawa niya sa ilalim ng unan, dahil sa mga naalala niyang nangyari. God! Paano 'yan? Iniisip siguro nito nagloloko siya? Sinabutan niya ang sariling buhok.
"Paano ako haharap sa kaniya ngayon?" Napabalikwas siya ng bangon. "Paano kung hiwalayan na niya ako dahil sa mga pinaggagawa ko?" Laglag ang balikat na wika niya sa sarili at nakasimangot ang mukha.
"Kailangan ko bang mag-sorry? Sure? Pero-- bakit kasi hindi siya nagpakilala sakin agad? Test ba ito sakin? Binibigyan ba niya ako ng test if pasado ako maging asawa niya? Ahhh, Gosh! Bagsak na ako!"
Maktol ni Yazmin, para siyang batang nagmamaktol sa kama. Pinang gigilan pa niya ang mga unan sabay talukbong ng makapal na kumot.
"Nope. Hindi pwede. Hindi ako papayag na hiwalayan niya ako agad. Hindi ako lalabas ng kwarto. As in! Mag-so-sorry ako pero hindi ako lalabas ng kwarto ko!"
Huminga siya nang malalim habang nag iisip ng plano kung paano hihingi ng sorry sa asawa. Mayamaya napangiti rin siya. Infairness, hindi gurang ang asawa niya. It turns out, gwapo ang asawa niya take note, not just gwapo. Super hunk at hot pa. Masungit nga lang.